webnovel

Ain't Nothing But a Heartache

Aliyah's Point of View

DUMAAN pa ang halos isang linggo, ganoon pa rin ang lagay ni lola Marta. Sila mommy at daddy na lang ang pumupunta sa ospital kasama sina tito Migs at tita Blessie. Hindi na nila ako pinapupunta baka daw kasi magpang-abot na naman kami ni Monique, mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Sinunod ko na lang ang kagustuhan nila para matahimik na lang pero balak ko pa rin pumunta, titiyempuhan ko na lang na wala doon si Monique.

Sa loob ng ilang araw, hindi pa rin kami nagkikita ni Onemig.  Hindi pa rin siya pumapasok sa trabaho. Sabi naman ni tita Bless ay umuuwi naman daw para maligo at matulog saglit pero hindi naman siya nagpapakita sa akin. Pakiramdam ko sinasadya na niya. Doon ko napagtanto na galit nga siya sa akin kasi nung isang umaga, nakipagkita siya kay Guilly pero nung sinabi ni Guilly na gising na ako, nagmamadali ng umalis.

Nasasaktan ako sa ginagawa nya. Bakit parang kasalanan ko lahat ang nangyari gayung naroon naman siya nung oras na yun at nakita naman niya na si Monique ang nag-umpisa? Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko naman ginusto na ma-comatose si lola Marta. Sana lang kausapin niya ako para naman kahit paano maibsan ang sakit na dinadala ko.

Ika-isang linggo na ni lola Marta sa ospital nung tumawag si Jam sa akin.

" Oh napatawag ka, Jose Antonio?" sagot ko sa kabilang linya.

" Kita mo tong babaeng to. Nung isang araw tumawag ka sa akin, iyak ka ng iyak dahil sa nangyari kay lola Marta at yung malamig na pakikitungo ni Onemig sayo. Tapos ngayong tumawag ako, nagtatanong ka kung bakit napatawag ako? Malamang, nag-aalala ako sayo. Siguro ayos na kayo ni Onemig kaya hindi mo na ako kailangan. " madramang turan niya sa kabilang linya. Pilit pang pinalulungkot ang tinig. Natawa ako ng konti, alam ko naman na goal niyang patawanin ako kaya ganon ang tono ng pananalita niya.

" Naku Jam, ang dami mong alam. Ang totoo nyan, gumaan ang pakiramdam ko ngayong narinig ko yang boses mo. Hindi pa ako kinakausap ni Onemig until now. At kumpirmadong iniiwasan niya ako. I don't know what to do now Jam. Nasasaktan ako sa ginagawa niya." malungkot kong turan. Narinig kong huminga sya ng malalim.

" Where are you, Liyah? " biglang tanong niya.

" Nandito sa Sto. Cristo. Saturday ngayon malamang. Why? " tanong ko. Nagtataka.

" Wait for me there. " biglang sambit niya. Nagulat naman ako.

" Wow koya, ilang oras ang biyahe mula dyan sa Italy hanggang dito? Ano yan Divisoria lang? Tigilan mo. Ang mahal ng pamasahe para umuwi ka pa dito. Okay lang ako." sansala ko pa sa kanya.

" O eh ano naman kung mahal. Gusto kitang damayan, bakit ba?" pangungulit pa niya.

" Jam ano ka ba? Hindi na kailangan. Ayokong maabala ka pa. Kaya ko naman. Buti kung payagan ka ng superior mo dyan. " tutol ko pa.

" He already did. " halos bulong lang nyang sinabi.

" What? What do you mean? "

" I'm already here at lolo's mansion. Just wait for me there. Before dinner time, nandyan na ako. " aniya pa.

" Jose Antonio naman! Nagpapari ka ba talaga? Bakit ang pasaway mo? Hindi mo naman kailangang lumabas para lang damayan ako. "

" Nag-aalala ako sayo, okay? Besides, ngayon lang ako magbabakasyon kaya pinayagan ako ni father Elliott. Wala ka ng magagawa dahil nandito na ako. Kaya hintayin mo na lang ako, I'm on my way there. " hindi na ako kumibo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, naiiyak ako. Naririto si Jam, bumiyahe ng ilang oras para lang madamayan ako. Samantalang yung asawa ko, ilang bahay lang ang pagitan namin, iniiwasan pa ako.

" Hey, are you still there, Liyah? " tanong niya dahil matagal akong hindi kumibo.

" Jam—" hindi ako makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

" Shh... why are you crying?" diretsong tanong niya. Kabisadong-kabisado niya talaga ako.

" Bakit ba ganyan ka? " sabi ko habang umiiyak.

" Ano na naman ba ginawa ko?" inosenteng tanong pa niya. Kung magkaharap lang siguro kami ngayon baka matawa pa ako sa reaksyon niya.

" Wala. Sobrang mahal mo talaga ako kaya ka nag-aalala noh?" wala ng pakundangang tanong ko.

" Oo naman. Hindi naman nawala yon. Pero alam mo kung anong klase ng pagmamahal meron ako sayo di ba?"

" Oo. Salamat dahil meron akong ikaw."

" Okay, stop crying. I'll hang-up na. Wait for me, okay? " sabi niya. Tumango ako. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti na kahit hindi naman niya nakikita.

" Sige, ingat ka. " tugon ko at ibinaba na ang tawag.

Kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Kayang-kaya talaga ni Jam na pagaanin ang mga dalahin ko. Mabuti na lang talaga naging matalik pa rin kaming magkaibigan matapos ang break-up namin noon. Lagi niya akong sinasalo at dinadamayan sa tuwing may problema ako kay Onemig. Hindi siya nagrereklamo kahit na ginagawa ko syang tagapunas ng luha ko. Sabi niya noon nung pumasok na siya sa seminaryo, ingatan ko na ang puso ko dahil hindi na niya ako madadamayan kapag umiyak muli ako. Pero hindi niya naman tinupad yon dahil sa tuwing iiyak ako dahil kay Onemig, dumarating siya kahit gaano pa kalayo ang distansya namin sa isat-isa.

Paglabas ko ng silid ko ay naratnan ko sila mommy sa living room. Kadarating lang nila galing sa ospital. Nakahilata nga si daddy sa couch, mukhang pagod na pagod.

Lumapit ako at humalik sa kanila.

" Kumusta po sa ospital?" tanong ko.

" Hayun comatose pa rin. Pero sabi ng doktor nagre-response naman daw yung mga gamot na inilalagay nila kay lola Marta at normal naman ang vital signs niya. Sana lang magising na siya." tugon ni mommy.

Napabuntung-hininga na lang ako. Atleast, hindi na ganon ka-critical ang lagay niya. Gusto ko sanang itanong kung kumusta din si Onemig pero naduduwag ako. Baka kasi hindi maganda ang isagot nila sa akin, masasaktan lang ako.

" Si Guilly nga pala nandoon sa mga tita Blessie mo, hiniram nung ama." sambit bigla ni mommy.

" Hiniram? Bakit mommy, laruan na ba si Guilly ngayon na pwedeng hiramin? Bakit hindi siya magpunta dito para sa akin magsabi? Ano ba problema niya? Anong nagawa ko sa kanya para iwasan niya ako ng ganito? " hindi ko na napigilang maghisterya. Naiyak ako sa sama ng loob.

" Anak, calm down. " pag-alo ni mommy. Panay ang himas sa likod ko.

" Mom, paano akong kakalma? Yung asawa ko hindi man lang inintindi ang sitwasyon ko. Hindi  ko naman po ginustong magka-ganoon si lola Marta. Oo may kasalanan ako dahil nagsabi ako ng totoo pero alam naman niya ang puno't dulo ng lahat. Nag-aalala rin po ako, natatakot at nasasaktan pero nasaan siya? Mas pinili pa niyang iwasan ako kaysa alamin kung ano ang nararamdaman ko. I've done enough for him mommy and it's so unfair to face this all alone." lumuluha kong turan. Lumapit si daddy sa akin saka ako niyakap.

" Don't worry sweetie, kakausapin ka na nun kapag nahimasmasan. " turan ni dad kaya napatingin akong bigla sa kanya.

" Po? "

" Binigwasan ba naman ng daddy mo kanina sa harap mismo nila Migs saka pinagsabihan. Hindi nakakibo. Parang natuka ng ahas. Siguro nag-iisip na ngayon yun kaya hiniram si Guilly. " imporma ni mommy.

Namamangha akong tumingin kay daddy.

" O ano? Akala mo hindi ko magagawa sa asawa mo yun kahit sa harap ng mga magulang nya? Naiintindihan nila Migs ang pinanggagalingan ko. Kahit na sangggang dikit kami nung asawa mo, may mali akong nakikita sa kanya at ayokong nakikitang nasasaktan ka sa pag-iwas niya sayo. Pagbibigyan ko siya sa sentimyento niya ngayon pero oras na maging maayos ang lahat, magtutuos kami. " turan ni dad. Kahit na mahinahon siya ay mahihimigan pa rin sa salita niya na masama ang loob niya kay Onemig.

" Jam is coming. " biglang sambit ko para mawala na kay Onemig ang usapan namin.

" Really? Bakit daw? " tanong ni mommy.

" Malamang babe iniyakan na naman siguro ni sweetie yun. Alam mo naman yon madaling mag-alala sa best friend slash ex girlfriend niya. " si daddy ang sumagot. Kaswal lang na wika niya, walang halong panunukso.

" Dad, alam nyo naman po na kay Jam lang ako nagpapakatotoo ng nararamdaman ko maliban sa inyong pamilya ko. Si Jam yung taong napakaraming role sa buhay ko. Ang dami niyang naitulong sa akin. Naiyak po talaga ako nung sinabi niyang umuwi siya dahil nag-aalala siya sa akin. Alam niyo naman po kung gaano kahigpit ang patakaran sa loob ng seminaryo tapos milya-milya pa ang layo niya pero ginawa niyang posible ang lahat madamayan lang ako. " naluluha na namang turan ko.

" Anak mabuti ka rin kasing kaibigan kaya ganoon din si Jam sayo. Besides, nature na talaga ng mga Montreal yang ganyan. Once na maging part ka ng buhay nila hindi ka na mawawala sa kanila. They will treat you as a family. Look at your papa Anton, kapag isa sa amin ng daddy mo ang may problema, nandyan agad yan. Maganda ang patakaran ng lolo bigboss mo sa pamilya niya. You are lucky, we are lucky dahil may kaibigan tayong Montreal. " napangiti na ako sa sinabi ni mommy. Totoo naman, from lolo bigboss up to papa Anton, nakita ko yung tunay na kahulugan ng salitang kaibigan. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon din si Jam sa akin. Huwag lang sanang bigyan ng maling interpretasyon ng iba.

Tama nga ang sinabi ni Jam, bago mag dinner ay nandito na siya. Ang damuho, akala mo hindi ora-oradang umalis ng Italy dahil nakapag-dala pa ng sandamakmak na pasalubong. Lalo na para kay Guilly.

" Where's Guilly?" tanong niya habang iginagala ang tingin sa buong bahay.

" Nandoon sa kabila, hiniram nung ama." kaswal kong tugon.

" Hinihiram na pala ang anak ngayon?" tanong niya.

" Ayaw nga akong makita kaya yung bata ang pinapunta doon. "

" Tsk. tsk. mukhang seryoso nga ang nangyayari ngayon ah." aniya pa.

" Nabigwasan nga ni daddy dahil hindi maintindihan kung ano ikinagaganon niya. "

" Really?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sa pagkakakilala niya kasi kay daddy hindi ito marunong mamisikal.

" Mmm." tumango ako.

" Seryoso nga. " sabi niya at huminga ng malalim.

Ilang sandali lang niyaya na kami ni lola Baby mag-dinner. Kumpleto kami sa hapag kainan liban kay Guilly. Masaya silang nakikinig sa mga kwento ni Jam habang ako ay naglalakbay ang isip dun sa kabilang bahay. Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko lalo na kung ganitong kumpleto kami.

After ng dinner ay nagyaya si Jam na mamahinga sa garden. Hiniling niyang ikwento ko ang buong pangyayari at hayun na naman ako, hindi ko na naman napigilan ang luha ko na tuloy-tuloy na naman sa pagtulo. Hindi ko alintana kahit na umatungal pa ako sa harap ni Jam. Gaya nga ng sabi ko, kay Jam ko lang nagagawa ito,ang magpakita ng tunay na nararamdaman ko.

Nakatingin lang siya sa akin at hinayaan lang na ibuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

Nung matiyak niyang tapos na ako ay saka siya kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko.

Nasa ganoon kaming tagpo ng marinig naming bumukas ang gate.

" Papa Jam!" boses ng tumatakbong si Guilly ang nalingunan namin kasunod si Onemig na masama ang tingin sa aming dalawa ni Jam.

Tingin na nanghuhusga, nagagalit at—

nagseselos?

Sorry for the late update. Mahal ko kayong mga readers ko but I didn't expect na may mga rude readers na nakakawala ng motivation.Kung ayaw na sa story, just drop it. Bilang writer, bawat chapter pinaghihirapan namin yan, pinagpupuyatan just so our readers will be satisfied. Hindi rin namin pwedeng baguhin bsta ang takbo ng story dahil bored na ang reader, masisira na ang kabuuan ng story kapag ganon. Kung may comment dun na lng sa story.

Pls. practice respect at all times.

AIGENMARIEcreators' thoughts