webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbain
Pas assez d’évaluations
129 Chs

Jesrael's Day.

It's Jesrael's Day

Mabilis lumipas ang mga araw. Sumapit ang birthday at binyagan. Tinotoo ni Yen ang simpleng handaan. At ginanap ito sa bahay ni Jason. Yon ay para paunlakan ang request ng kanyang byanan. Nais kase nito na makarating din ang iba nitong kaanak. Hindi naman na tumutol si Yen bagkus ay maluwag sa loob na sumang ayon ito.

Tinupad naman ni Rico ang kanyang pangako. Kasama ang asawa nito ay dumating ito sa simabahan bago pa man magsimula ang binyagan. Pagkatapos ng mahabang oras ng paghihintay, ay natapos din ang serimonya at nagsitungo sa bahay ni Jason ang lahat. Doon idinaos ang salu-salo kasama ang mga limitadong bisita.

" maari ko bang makarga ang aking apo?" sabi ni Rico kay Yen.

Ibinigay naman ito ni Yen at kataka-takang hindi man lang ito umiyak. Isinayaw sayaw nito ang bata na tila aliw na aliw naman sa ginagawa ni Rico. Tuwang tuwa naman ang huli tuwinang ngingiti ang bata. Napapahalakhak si Rico kapag aalugin niya tatawa si Jesrsel. Napangiti naman si Yen. Naalala m

niya si Rico noong sanggol pa lamang ang anak nito na inaalagaan niya. Gayon din ito makipagkulitan sa anak niya noong mga wala pa itong muwang. Yung malutong na tawa nito na nakakahawa.

Parang kailan lang yon.

Kinailangan niyang takasan si Berto na ka yang ama upang makipagsapalaran sa Maynila. Hindi nito gusto na mamasukan siya bilang katulong. Mas maaatim pa daw nitong maging tindera siya sa tiyangge kesa maging utusan ng kung sino. Ayaw ni Berto nang ganon. Masyado daw nakakababa ng dignidad. Mahirap sila oo pero prinsesa ang tingin nito sa kanya. Ang maisip lang na inaalila ito ng iba ay napakasakit na.

Ngunit sa kagustuhan ni Yen na matulungan ang magulang, gamit ang perang naipon niya sa pag gagapas ng palay, pagtitinda ng gulay, at kung anu-ano ay lumuwas siya ng Maynila. Pikit mata niyang tinalikuran ang pamilya para lamang makipagsapalaran. Para lamang sumubok na abutin ang pangarap.

Muli siyang bumalik sa squatters area kung saan sila dating nakatira. Pansamantalang nakituloy sa bahay ng isang kakilala. Sa mga unang araw ay maayos ang trato nito sa kanya. Ngunit ilang araw lamang ang lumipas ay lumabas na ang tunay na ugali ng mga ito. Bawat kain niya doon ay nakalista. Ultimo ang tubig na panligo ay may bayad din. Sabagay, wala nang libre sa panahon ngayon.

Araw araw siyang lumalbas para rumaket. Kahit ano basta marangal papatusin niya. Magtinda, maglaba, maglinis basta lamang may makain siya. Subalit hindi iyon sapat. Kailangan niya makapagpadala sa kanyang mg magulang.

Doon nadanas ni Yen ang hirap.

May mga araw na hindi siya kumakain.

Hanggang pinalayas na siya ng kanyang tinutuluyan.

Wala siyang alam na pwedeng puntahan. Kaya naman naghanap siya ng mapapasukan na kahit ano. May pinasukan siya bilang serbidora daw sa kainan subalit nilayasan niya sa unang araw palang. Dahil hindi serbidor kundi taga bigay aliw ang trabaho. Hindi kainan kundi bahay aliwan. Muli niya iyong tinakasan. Ilang tao pa ang napuntahan niya pero talagang hindi naging maganda ang trato sa kanya. Minsan ay naisip na niyang umuwi nalang pero wala naman na siyang pera.

Pagod na siya at gutom noon. Kung anu-ano na ang sinubukan niya para lang kumita ng marangal. Naisipan niyang maglakad lakad sa loob ng isang subdibisyon. Ang sabi niya ay kung alin ang unang bahay na magbubukas sa kanya ng pinto ay mamamasukan siya doon. Ayaw ng tatay niya ng ganun pero iyon nalang ang paraan para hindi siya magutom.

Nakatatlong pindot na siya ng doorbell wala paring sumasagot. Aalis na sana siya nang may magbukas nito. Bumungad ang mukha ni Rico na bahagyang nakakunot. Nawalan na siya ng pag asa ngunit sinubukan niya pa rin.

" taga probinsiya ho ako. baka po kailangan niyo pa po ng kasambahay... b-baka ho pwede ako."

Mataman lang na nakatingin sa kanya si Rico. Naisip niya na baka manyak ito. Subalit pakiramdam niya naman ay mabuti itong tao. Nanatili siyang nakatayo habang naghihintay ng sagot nito.

" sandali lang ha? maghintay ka muna diyan "

Pinapasok siya ni Rico sa gate at binigyang ng upuan. Doon siya nito pinaghintay.

Ilang minuto ang lumipas at muli itong lumabas dala ang isang biodata. Habang nagsusulat ay pinapanood siya nito. Pagkatapos ay tinawag nito ang katulong at inutusan na ipaghanda siya ng pagkain. Marahil ay nakita ni Rico na nanginginig siya sa paghahawak ng ballpen. Dalawang araw na siyang hindi kumakain.

Matapos niyang isulat ang kanyang personal na impormasyon sa saglit nitong pinasadahan ng tingin ang papel. Muli siyang tiningnan at sinabi na magkwento siya kung bakit siya napadpad doon. Gumuhit sa mukha nito ang awa nang maikwento niya ang pinagdaanan niya. Pagkatapos noon ay pinapasok siya sa bahay. Binigyan ng kwarto, damit, at mga gamit at pinagpahinga. Ang sabi nito ay bukas na daw siya mag uumpisa. Hiwalay ang silid niya sa mga kasambahay. Kaya naman pinag iinitan siya ng mga ito.

Isang araw ay narininig niya na sinisiraan siya ng isa sa mga katulong kay Sophia. Nagkibit balikat lamang ito at bumulong sa di pa naman katandaang babae. Pagkatapos non ay namutla ito at iyon na ang huling pagkakataon na nakita niya ang babaeng iyon sa bahay ni Rico. Kung bakit ito pina-alis ay hindi niya alam. Hindi din siya nagtanong. At nagtrabaho lang.

Si Rico ang maluwag na tumanggap sa kanya. Hindi siya itinuring na katulong nito. Kahit nagtataka siya sa inaasal ng mag asawa kumpara sa ibang kasambahah nito ay hindi siya nagtanong. Lahat ng kasambahay na naabutan niya doon ay isa-isang napalitan. Hanggang mawala ang mga mahadera. Naging tahimik ang buhay niya at tinalaga siya ni Rico para maging tagapag alaga ng mag iisang taon nang si Chloe.

Minsan na din nag offer si Rico na pag aralin siya.Pero hindi niya ito tinanggap.Iniisip kase niya na baka doon na siya tumanda at dahil sa utang na loob ay manatili na lamang siyang katulong nito habang buhay. Kaya naman nag ipon siya. Habang andoon kina Rico ay naghanap siya ng paraan para makapag aral. At parang biyayang lumitaw ang Isang charity group. NGO daw iyon na nag o-offer ng libreng edukasyon sa mga batang matatalino na hindi kayang suportahan ang kanilang pag aaral. Sinamantala ni Yen iyon at agad naman siyang pumasa sa pagsusulit na binigay nito.

Doon nag umpisa ang lahat.

" Mahal, nakatulog na si Baby. " naputol ang kanyang pag mumuni muni nang kalabitin siya ni Jason.

Nilingon niya si Rico na ngiting ngiti pa ring minamasdan ang bata. Tila ba totoo niya itong apo. Muling napangiti si Yen.

" Feel na feel ah."

" hahaha" mahina ang tawa ni Rico at dahan dahan nitong inabot sa kanya si Jesrael.

Kinuha naman ito ni Yen at ipinasok sa kwarto nito. Walang second flor ang bahay ni Jason. Iniayos ni Yen si Jesrael sa kama nito. Nakangiti niya itong pinagmasdan. Napagod siguro ito kaya nakatulog nalang.

Ito mismo ang rason kung bakit ayaw niya ng magarbong handaan. Matutulog lang naman ang anak niya at wala na itong malay sa nangyayari sa paligid niya. Isa pa, hindi pa nito matatandaan ang lahat. Ni hindi pa nga nito kaya mag blow ng kandila sa birthday cakes. Cakes na naglalakihan dahil ang mga bisita nila ay may kanya-kanyang bitbit. Saka na ang pabongga, kapag marunong nang tumingin at umunawa ang kanyang anak. Subalit hindi pa rin nakalagpas amg pagpa-bongga ni Miguel. Apo niya daw iyon at unang apo. Kaya nag effort talaga ito. Kaya pala ninais nito na sa bahay ni Jason ganapin ang pagtitipon dahil siya mismo ang mag aasikaso nito.

Nagkibit balikat na lamang si Yen at binantayan ang anak. Araw ito ni Jesrael kaya ang araw na iyon ay ibubuhos niya ditong lahat.

------------------------------------------------------

I'm back. 😊

Sorry natagalan.

Please vote for the novel thanks.

Miss ko magbasa ng comments

God bless us all.