"According to a popular saying, feminism is the radical notion that women are people." Our teacher in DISS started discussing. "Women have been fighting for their rights to achieve equal status with men as early as the 19th century."
"19th century pa lang?" Mahina kong bulong sa katabi ko.
"Sir may tanong daw po si Zara, 19th century pa daw?" Malakas na tanong ng katabi kong si Princess kaya naman natawa din ang mga kaklase ko kasama si Sir. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan.
"Ano 'yon, Za?" Natatawang tanong sakin ni Sir.
"Ahh–Sir, bakit 19th century pa nila sinimulan ipaglaban ang karapatan nilang mga babae? Do you mean to say that generations or centuries before that, they never fought for it?"
"Yeah." Sir Mel nonchalant said.
"Sir naman eh." Natatawa ko ding sagot. Paano ba naman kasi ganito talaga sumagot ang teacher naming 'to.
"Yeah. They never fought for it kasi ang tingin nila sa mga babae, pangbahay lang. Laging pangalawa sa mga kalalakihan."
I can't help but to mentally roll my eyes because of that. "Tsk, so it means Sir, ganoon katagal bago nila na-realize na tao din pala kaming mga babae?"
"Exactly. Because one of the reasons is the societal norm that they had way back many centuries ago. So imagine the hardships of women before. Maswerte tayo ngayon, na kahit papaano naipapaglaban na natin ang karapatan ninyong mga babae, hindi gaya noon." Sir explained.
Napatango-tango naman ako sa paliwanag ni Sir. I can't help but to imagine those women who were violated and can't speak up because they don't have any rights to fight for themselves.
Umupo na ako pagkatapos non at nakinig na lang sa tanong ng iba kong mga kaklase dahil kakaupo ko pa lang ay ang dami na agad nagtaas ng kamay.
"Teka, isa-isa. Leyna muna tapos, Aki, then Kiel." Sabi ni Sir at tinuro ang mga kaklase ko.
"Sir, we have three famous feminist written here in our book. Sino pong paborito niyo sakanila?" Leyna asked while holding her book.
"Well, the three of them made their own contributions in the field of feminism, but for me." Naputol ang pagsasalita ni Sir nang umakto siyang parang nag-iisip. "Hmmm, it would be Simone de Beauvoir."
"Ohhhh, same Sir!" I can hear my classmates cheering because of it. Kahit ako, siya din ang paborito kong feminist.
"Bakit po Sir?" Leyna asked a follow up question.
"Why? Simple, because of a famous quote that she said." Sir said and motioned his hands to us.
"WOMEN ARE MADE, NOT BORN!!" Sabay-sabay naming sabi at halos pasigaw pa ang iba.
Napuno nga ng tawanan ang hiyawan ang buong room dahil doon. What a beautiful synchronization.
"Sir, ako na." Biglang sabi ni Aki at tumayo na.
Natawa na lang si Sir dahil sa inakto niya at kami naman ng katabi ko ay nailing na lang. May pagka-pick me girl kasi tong babaeng 'to, eh. Pero sanay naman na kami kaya oo na lang.
"Sir, in your own words. How do you define feminism?" She asked.
Napa-isip din naman ako dahil sa tanong niyang 'yon.
"Feminism. I think it is fighting for women's rights. Feminists aim for equality; women should have the same rights just like their male counterparts. Debunking that misconception that it is solely fighting for women."
Damn. What a good definition. Nagpalakpakan naman kami dahil doon.
"Kaya paborito kitang teacher, Sir!" Sigaw ko.
"Lodi, Sir Mel!" Sigaw naman ni Princess at nagsigawan pa ng kung ano-ano ang iba kong kaklase.
"Oh, tama na. Masyado niyong pinapahalata na ako pinaka-paborito ninyong DISS teacher." Sir said and we just shook our heads. Magjo-joke na naman kasi 'yan mamaya.
"Amacana, Sir. Ikaw lang naman kasi DISS teacher namin." Hirit pa ni Seb, the classroom clown.
"Ah talaga ba Seb?" Sabay ni Sir sa biro niya.
"Ohhhh—ayan kasi." Sabi naman ni Marc na isa ding classroom clown at tropa ni Seb.
"Bahala ka diyan, Seb." Biro naman ni Aji.
"Kala ko ba tropa tayo dito?" Nagrereklamo na tanong ni Seb sa mga katabi. Paano ba naman kasi, silang tatlo pa talaga ang magkakatabi kaya naman ang ingay-ingay ng room ngayon.
"Anyways, let's go back to our topic. Kiel." Tawag niya sa huling kaklase kong nagtaas ng kamay kanina.
"Huy, crush mo." Siniko pa ako ni Cess at sabay bulong saakin non.
"Gago, hindi ko na crush 'yan." Sabi ko naman kahit namumula na ako sa kilig—este inis.
"Kwento mo sa pagong." Bwisit talaga 'tong babaeng 'to.
I saw Kiel stood up and asked. "Sir, are you a feminist?"
Sandali namang napa-isip si Sir don. "Kinda." He shortly said.
"Pero, dapat sana lahat." Pahabol niya pang sabi. "How about you Kiel, are you?" He asked back Kiel that is still standing now kaya sakaniya ulit napunta ang tingin ng karamihan.
"Yes, sir." He didn't even hesitate a bit. Damn. What a man. A feminist.
"Tama na beh, baka matunaw." I was back on my reverie when I heard this annoying friend of mine.
"Di naman ako sakaniya nakatitig, noh?" I spat back.
"Deny mo lang ng i-deny." She said in a teasing tone which made me more irritated.
Kaya naman lumapit ako sa tenga niya at bumulong. "What if i-expose kita kay Gian?"
Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh, ano?" Naghahamon kong sabi.
"Shuta ka talaga." Sabay hablot niya ng kapiraso kong buhok at hinila.
"Sir, oh! Si Princess nanabunot." Sumbong kong parang bata kay Sir.
"Sir, hindi ah! Tignan niyong sinusuklay ko lang." Bwelta pa talaga ng babaeng 'to at umaktong sinusuklay nga ang buhok ko.
"Parang mga bata." I heard Aki speak.
"At least hindi gumawa ng bata." Mahinang bulong sa akin ni Princess kaya tinignan ko ng masama at sabay na lang na natawa..
Pagsasabihan pa sana kami ni Sir pero sakto namang nag-ring na ang bell kaya no choice kung hindi ang idimiss na ang klase for our lunch break.
"Kahit kailan ka talaga Cess, paano kapag narinig ni Aki 'yon, ah?" Sabi ko sa kaniya habang nilalabas ang baon ko sa bag.
"Eh, bakit? Totoo naman. 14 years old pa lang, nagpatira na." Ramdam ko naman ang inis sa boses niyang 'yon.
"Are you guys talking about me?" Narinig kong tanong ni Aki na ngayon pala ay nasa harapan na namin.
"Luh? Sabi ko lang nagpatira na, ikaw agad? Natamaan ka, girl?" Cess said kaya naman napa-iling na lang ako.
"The fuck? Ganyan ba ang topic niyo everyday?"
Arte naman neto. Bulong ko sa utak ko.
"Mag-lunch ka na lang, beh." Cess suggested kaya naman umalis na si Aki kasama ang mga alipores niyang walang ibang ginawa kung hindi ang mag-retouch after ng isang subject.
"Huwag mo na lang pansinin yon." Mahinahong sabi ko kay Cess na hanggang ngayon ay naiinis pa rin.
"Eh, totoo naman kasi. Buti sana kung hindi siya proud na hindi na siya virgin. Vinideohan pa talaga."
"Kalma beh, 'yang puso mo." I jokingly said to ease the mood.
Pagkatapos nga ng lunch namin ay tinawag na din ako ng mga kasama ko para sa Lunch Patrol.
12:30 na din kasi at 'yon ang nakatoka kong oras para maglibot-libot dito sa campus para icheck ang ibang estudyante.
Habang naglilibot-libot ay nakita ko nga ang dalawa kong matalik ding kaibigan. Sina Kaitlyn o madalas naming tawaging Ke at si Kai.
"Hoi, bading." Boses pa lang alam ko ng si Kaitlyn yon.
"Lakas lakas ng boses neto." Sabi naman ni Kai na katabi na niyang naglalakad papunta saakin ngayon.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Arat, SM mamaya." Ke suggested.
"Sige, hanggang alas tres lang naman tayo ngayon eh."
"Pumayag na si Zara, ikaw na lang Kai." Sabi ni Ke kaya napatingin kami ngayon kay Kai.
"Sige na nga." Sabi ni Kai sa pambabaeng boses.
Hinampas naman siya ni Ke. "Need pa palang kasama si Zara para pumayag kang bading ka."
That's our endearment for one another since junior high school kaya naman natatawa na lang kami kapag tinatawag namin ang isa't-isa ng ganon.
Habang nagkwe-kwentuhan ay hindi na din pala namin namalayang mag-aala-una na kay kaniya-kaniya na din kaming umalis para pumunta sa nga classrooms.
"Mamaya na lang ulit." Sabi ko at tumango ang dalawa.
"Bye, you girl." Ke said.
"Bounce nakong 6th floor." Kai replied and offered us a first bump.
It seems that today will be a good day.