webnovel

How I became a Mother (TAGALOG-ENGLISH)

Career & Love Series: 1 Gabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastian Salvador, the long lost father of the child and the well-known CEO of many famous clubs. Will she be able to accept being a substitute mother? Or will she reject the responsibility and give the baby to Sebastian?

soriNotsorry · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
10 Chs

What if I fall in love?

We arrived at the party place at malayo pala ito sa city. Akala ko kasi typical club na nasa center nang city pero hindi pala. I looked around the area and napapagiliran ito ng trees.

This is not what I expect it to be like, yung party place kasi is parang bahay lang pero elegant and modern house ito. The place looks crowded though, knowing Vanira na madaming friends talagang mapupuno itong place. The said club looks like not a club but a vacation house. Totoong club ba ito?

Habang napupuno nang mga katanungan ang aking isip ay narinig kong sumigaw si Lucy sa akin.

"Hoy Ella! tutunganga ka lang ba diyan?" taas kilay na tanong ni Lucy sa akin habang sila ay nasa harapan ko at malayo layo na rin.

Inirapan ko nalang si Lucy at patuloy nang lumakad papunta sa kanilang direksyon.

"Here Ella oh, take my hand para hindi ka mawala." concern na saad ni Sophia sa akin habang nilalahad ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko nalang ito at baka mawala nga ako rito, ang dami kasing tao. At inalagay na namin ang mga gifts sa designated gift area before kami pumasok sa loob.

Pagpasok pa lang namin ay ang daming tao na sumasayaw and the place smells like alcohol and cigarettes.

"Heyyy girlss! You all look so fabulous! And thank you for coming, especially you Ella!" masayang bati sa amin ni Vanira at nakipag beso beso sa amin.

Vanira looks sexy and elegant with her red dress.

"Naman noh pinag handaan namin ito." pag mamayabang ni Zara habang nag pose pose pa na ikinatawa ng apat at ngumiti lamang ako.

"Wow girl ha, ginalingan mo dito. Bet ko." papuri ni Lucy ky Vanira habang iniikot niya ang kanyang paningin sa lugar.

"Of course noh di ako katulad mo kasi, pag magbibirthday pang jejemon at kinder party style." pang aasar ni Vanira pabalik sa kanya. Binelatan lang ni Lucy si Vanira nang kanyang dila na ikinatawa ni Vanira.

"Come, let me take you to your table." magiliw na sambit ni Vanira sa amin. Sumunod naman kami sa kanya pero habang nakasunod Kami sa kaniya ay may mga guests rin na bumabati sa kaniya along the way kaya't medyo natagalan kaming makadating sa table namin.

Hirap na may friend na ganito, may pit stop everywhere we go.

"Here you go girls! Don't be shy to add more drinks ha? I'll be right back, I'll just greet some guests." maligayang sambit ni Vanira at umalis na sa harapan namin. Kanyang-kanya na rin kami umupo and pina-ikot ko ang aking paningin sa lugar.

"Remember girls ha, let's drink to our hearts content!" sigaw ni Zara sa amin habang tinataas ang isang shot glass sa ere. Sumunod rin naman si Lucy at sumigaw ng yeah tapos si Sophia walang nagawa kaya ginaya na rin ang ginagawa ng dalawa. Tinignan ko lang sila at parang on the cue ay tumingin rin sila sa akin na parang sinasabihan ako gamit ang kanilang mga mata na sundan sila.

I let out a heavy sigh and kumuha ng shot glass at ginaya ang kanilang ginagawa.

"Yayyy for Vanira!" malakas na sigaw ni Lucy.

"Iinom hanggang mamatay!" masayang hiyaw naman ni Zara.

"Happy birthday Vaniii!" naka ngiting sigaw ni Sophia.

"For 1 month leave sa office!" galit kong sigaw sa ere na nakatingin sa baso at ininom ito. Binaba ko na ang aking shot glass sa table at napansin na sa mga gilid ng aking mata ay naka tutok na sila sa akin.

"Wait what?" naguguluhang tanong ni Sophia sa akin. Tinignan ko sila at binigyan sila ng malungkot na ngiti.

"I was given by my department head 1 month leave sa office." maikling sagot ko sa kanila habang nakatulala lamang sila sa akin.

Unting unti ay ngumiti si Zara ng nakakaloko na ikinatakot ko dahil paniguradong may gagawin itong hindi maganda. Before she has the chance to open her mouth and say something ay pinangunahan ko na siya.

"No Zara." madiin kong sabi sa kanya habang umiiling.

"What? Hindi mo pa nga alam yung sasabihin ko." pagdadahilanan ni Zara sa akin.

"Ayoko kung ano man yang binabalak mo." matigas kong saad sa kanya habang binibigyan siya ng masamang tingin.

"Ohhh come on Ella, loosen up since you have 1 month time for all yourself might as well use it well." pagpupumilit ni Zara sa akin.

"Ayoko."

"Uhm can you tell us what is going on?" confused na tanong ni Lucy habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"Well girl, I am convincing this little Ella of ours to go out with some guys that I'll set up with." pag-eexplain ni Zara ky Sophia at Lucy. Parati kasi ako nitong kinukulit sa texts and calls ni Zara na may ipapakilala sa akin and sawa na ako at ayoko.

"Aaahh." sambit ni Lucy na parang nagegets nito na ang lahat.

"Oh." saad naman ni Sophia habang tumatango.

"Sige na Ella oh, just 1 guy if ayaw mo pa rin edi wag. Mamatay ka mag-isa." pagkukumbinsi ni Zara parin sa akin.

"Ayaw ko nga." naiiritang saad ko sa kanya at kumuha na lamang nang drink sa table.

"Pero wait, why did your department head give you 1 month leave from work?" curious na tanong ni Sophia sa akin na interesadong tinutokan ako ng tatlo.

Inikwento ko sa kanila yung nangyari sa amin ng department head at yung Dr. Suarez na pangit. Tumawa lamang itong tatlo ng malakas na parang mas malakas pa ata sa music.

"YAN KASI DESERVE MO YAN GIRL!" pang aasar ni Zara habang pinupunasan ang kanyang gilid nang mga mata sa kakatawa. Nag apir lang sila Sophia at Lucy at patuloy na tumawa.

I just rolled my eyes at them and tumingin sa dance floor nang magsalita si Vanira sa harapan ng stage.

"Welcome my lovely guests, thank you all for spending your precious time with me today on my birthday. I hope you will all enjoy it as much as I will enjoy this. Let's get drunk tonight till we can no longer walk tomorrow, Cheers!" masayang saad ni Vanira at itinaas sa ere ang kanyang hawak na baso na isinunod naman ng mga guests at uminom.

Hindi ko na pala napansin na naka tayo na ang lahat including my friends and ako lang naka-upo.

Pero sa hindi kalayuan ay napako ang aking tingin sa isang lalaki. Sya yung naka bunggo ko sa parking lot sa condo building. Nakasuot syang gray na parang stripes na tuxedo but in a casual attire type.

He looks good though and fit parang hindi siraulo lang ah katulad sa nangyari sa parking lot condo building.

He was drinking nang may lumapit sa kanyang lalaki na binulungan ito na ikinakunot nito ng noo. Inilagay niya ang kanyang hawak na baso sa lamesa at umalis kasunod nang lalaking lumapit sa kanya.

"Oohhh I see ganyan pala mga bet mo Ella ha, mga bad guys hindi soft and mababait na lalaki." narinig kong pang-aasar ni Zara na ikinatingin ko sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.

"But don't fall for that guys Ella, sasaktan ka lang ng mga ganun." pagbabala sa akin ni Lucy with a stern look on her face na nagpapahiwatig na bawal talaga.

"Hala! Mas nakakatakot atang may mahulog sayo kasi sure na sasaktan mo din." pagbibiro ni Zara na binigyan lamang ng middle finger ni Lucy ito.

Tumawa na lang ako sa ginagawa nila kasi nagsisimula namang mag away at asaran ang dalawa while si Sophia ay tagapagpigil nito.

Hindi naman talaga ako mahuhulog sa mga ganun na lalaki noh. Wala akong plano and lalo nang hindi ako interesadong magpaka-tanga.

Ayoko rin mafall kasi sakit lang nang ulo at masasayang lang ang oras ko.

Or what if talagang may para sa akin somewhere over the rainbow?

Or so what I thought.