webnovel

How I became a Mother (TAGALOG-ENGLISH)

Career & Love Series: 1 Gabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastian Salvador, the long lost father of the child and the well-known CEO of many famous clubs. Will she be able to accept being a substitute mother? Or will she reject the responsibility and give the baby to Sebastian?

soriNotsorry · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
10 Chs

Hang out with Friends

Habang papasok ako sa starbucks ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa parking lot ng condo building.

"Ella hereeee!" sigaw ni Zara na ikinatingin ng maraming tao sa gawi namin. Isa pa tung siraulo eh kala mo pag maymay-ari rin nila itong starbucks.

Pumunta na ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.

"Zara naman look oh madami na naka tingin sa atin. Alam mo naman ayokong madiscover ang beauty natin eh." pagrereklamo ni Lucy ky Zara. Totoo rin naman din na mayroong ikakabuga yung beauty namin.

Well not to brag ha but noong college students pa kami talagang maraming lalaking dumidiskarte sa amin pero hindi namin pinapansin ni Sophia. Tapos sina Vanira, Lucy at Zara ay may kumpetasyon sa paramihan ng boys. Kulang nalang ata ubusin ang mga lalaking gwapo sa school namin na maging jowa nila eh. Every week nga naman may kasamang iba't ibang lalaki at pinapakilala sa amin ni Sophia. Knowing Vanira, Lucy and Zara na hindi nagseseryoso sa relationship kaya ayun every week rin may drama dahil yung mga boys nila ay nagmamakaawa sa harapan namin na hindi sila iwan nito.

While si Sophia naman she had this long time crush sa anak ng family's friend nila. She never told us who but sabi lang niya matagal niya na hindi nakita yung guy since she graduated high school. Hindi na rin namin masyadong kinulit sya about the guy.

As for me, corny man sabihin but yeah no boyfriend since birth. Kahit nga crush eh wala. Ewan ko, no one made me feel something. Kaya lagi akong tinutukso nitong mga kaibigan ko na mamamatay nalang daw akong hindi makakatikim ng langit. Mga may saltik rin sa ulo yung kaibigan ko.

"Ooops sorry hehe." Zara giggled while saying this na napa-iling nalang kaming lahat. We know naman na Zara is the most hyper one among us tapos pag pinagsama sila ni Vanira at Lucy ay napupuno ng kaguluhan.

Tapos si Sophia yung guardian angel sa group namin sobrang bait and motherly like. And ako yung sinasabihan nilang ultimate killjoy of the group.

"Tara na guys punta na tayo sa Silas boutique" nasasabik na pag-aayaya ni Sophia sa amin kaya't tumayo na kami at umalis sa starbucks.

Pagpasok pa lang namin sa boutique ay may mga sales lady na naka-abang sa amin. Ang Tita kasi ni Sophia ang may-ari ng boutique na ito kaya't sobrang warm welcome pag dadating kami dito.

"Hello ma'am welcome to Silas Boutique, how may we help you?" bati ng manager nang boutique.

"Oh no it's okay, you don't have to assist us, we can manage. Thank you." magalang sambit ni Sophia sa manager. Binigyan lang kami ng manager nang ngiti at tumango sa mga sales lady, umalis na sila at iniwanan kami.

"Hoy Zarang palaka! This looks nice on you." sambit ni Lucy habang naka tingin sa elegant off shoulder light blue dress.

"Ohhh wow yeah thanks Lucinda." pang-aasar na sagot ni Zara ky Lucy dahil Lucinda ang totoong pangalan ni Lucy na ayaw na ayaw nitong marinig. Kinuha nalang din ni Zara ang dress sa kamay ni Lucy.

Ganyan talaga sila mag asaran pero with sense.

"Ella here, try this." mahinhing saad ni Sophia sa akin habang binibigay ang black off shoulder slim fit dress na may slit sa left side.

"Hindi ba'ng masyadong showy?" nag-aalinlangan kong tanong ky Sophia.

"Tama lang yan te noh kasi sa sikat na club lang din naman gaganapin ang birthday party ni Vanira" pagsingit na sambit ni Lucy sa amin.

"And isa pa Ella, you can never go wrong with black dress so go take it na" pag-eencourage sa akin ni Zara at itinulak akong papuntang dressing room.

Pagkatapos namin sinubukang isuot ang mga dresses na aming napili ay binayaran na namin ito sa counter. Yung black dress na ibinigay ni Sophia sa akin yung binili ko kasi sabi naman nilang pag hindi ko yun susuotin mamaya ay hindi nalang nila ako papupuntahin sa birthday party. Kaya ayun wala akong choice para yun nalang bilhin. Medyo naiilang nga ako eh kasi sobrang fit at showy pero sabi nila maganda daw sa akin kasi maganda naman yung body figure ko.

After namin mamili ng damit ay bumili rin kami ng gifts para ky Vanira. Si Zara ay bumili ng Calvin Klein perfume and watch. Tapos si Lucy ay mga skincare products naman ibinili for Vanira. Then, Sophia bought Chanel bags and wallets. While I bought her Dior gift sets, di ko rin alam if magugustuhan niya but they said that she definitely will.

Ngayon nasa condo kami ni Lucy kasi ito yung malapit sa club na gaganapin ang party at nag-aayos. Si Sophia nag volunteer na gagawin ang aming hair while Zara did our make ups. Si Lucy naman ay nag aayos sa mga gamit namin. Meanwhile ako ay nasa banyo ngayon nag hahalf bath.

"Hoy Ella wag ka magpakalunod diyan sa bath tub ko. Ayokong multuhin mo pag mamatay ka diyan!" pabalang na sigaw ni Lucy sa akin sa labas ng banyo.

"Sira ka talaga." I half smiled tapos tumayo na't kinuha ang aking towel.

"Bilisan mo dyan iha, baka kakalbuhin tayo ng birthday girl pag late tayo. Alam mo naman yun hindi kayang mabuhay pag wala tayo." pang-aasar ni Zara na ikinatawa namin lahat.

Lumabas na ako at I am amazed by how they look. They look incredibly stunning like the dresses were made just for them.

"Yes we know na maganda kami darling, now come on sit. You're next." Sophia said while holding the hair iron.

Umupo na ako at hinayaan silang gawin kung ano man ang gusto nilang gawin sa akin na pampaganda.

After hours of making me look beautiful ay natapos na rin kami.

Zara wore her newly bought light blue dress and Lucy chose to wear a pink one off shoulder dress. While Sophia decided to wear her maroon puff sleeve dress and I wore the black dress they pushed me to buy.

At dahil ready na kami ay umalis na kami sa condo ni Lucy at nagdrive na patungong club kung saan gaganapin ang birthday party ni Vanira.