webnovel

Chapter 4

Katatapos lang namin mag-sex ni Lee. Magkatabi kaming nakahiga sa kama, mahimbing na ang kaniyang tulog, nakatitig lang ako sa kaniya na para bang wala ng bukas. Baka sa isang iglap lang mawala bigla kung anumang pagkakataon meron ako ngayon. Ang guwapo niya kahit tulog, katamtaman ang laki ng singkit niyang mga mata, may matangos na ilong, makapal na kilay pero bumagay naman sa kaniya, mas makinis pa nga ang mukha niya sa akin. Matangkad din ito at maputi. Kaya ang suwerte ko. Bigla siyang nagmulat ng mga mata. Nagulat ako, magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Why are you looking at me?" nakasimangot niyang tanong.

"Ah... wala naman," kiming sagot ko.

"Magbihis ka na, maaga pa ang flight namin bukas," walang emosyon niyang sabi.

"Aalis ka, kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, narinig mo naman 'di ba?" masungit niyang saad.

"Iiwan mo a-ako?" sambit ko na parang nawawala ako sa sarili.

"Bakit gusto mo ba sumama?" pang-aasar pa niya.

"Bakit puwede ba?" sakay ko sa pang-aasar niya. Pero gusto ko talaga.

"Tsk. You're crazy," nakakalokong sabi niya.

"Matagal na," bulong ko.

"Seriously?" kutya niya na nag-fake smile pa.

"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin ako napapatawad?" nahihirapan kong sabi. Gusto nang tumulo ng luha ko, pinipigil ko lang itong bumagsak.

"Hindi, hanggat hindi bumabalik sa akin si Akira."

Tumalikod na siya at iniwan akong nakatulala. Tuluyan nang bumigay ang depensa ko, umiyak ako na parang bata. Ang sakit-sakit sobra.

Nabalitaan ko na lang na umalis na pala sina Lee kasama ng mga magulang niya. Doon na raw ipagpapatuloy sa America ang pag-aaral nito. Nagtataka sina Mommy at Daddy sa biglaang pag-alis ng mga ito. Ang sama ng pakiramdam ko, hindi na rin sila nag-usisa pa sa akin. Dahil wala naman silang makukuhang sagot sa akin. Umalis si Lee na hindi man kami nagkaka-ayos.

---

Lagi akong kinukulit ni Pat, ang one and only girl best friend ko, as usual, ano ba e di makipag-blind date. Palibhasa engaged na kaya walang mapagtripan itong baliw na 'to. Ayaw ko, para ano pa? Okay na sa akin ang ganito iyong walang sakit ng ulo. Dami ko na ngang problemang dinadala, dadagdagan ko pa ba? Gusto kong tahimik na buhay, gusto kong mag-move on. Ayaw ko ng mabuhay pa sa kahapon.

"Alex, bakit ayaw mo? Tagal mo na kayang walang boyfriend, once upon a kopung-kopung pa 'yun no'ng huli 'di ba? Si Lee, hindi mo naman pala naging boyfriend iyong sira ulong 'yun. Bestfriend lang "kuno".

"Tapos ka na ba sa kadadakdak mo d'yan?" sabi ko.

"Galit ako sa kaniya dahil sa mga ginawa niya sa 'yo!" sabi naman ni Pat. Siya lang nakakaalam sa pinaggagawa ni Lee sa akin.

"Dumating na siya kasama ang parents niya," walang gana kong sabi.

"May feelings ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako nakasagot kaagad.

"Oo, eh," nakapangalumbaba kong sabi.

"Ay, tanga!" bulalas ni Pat.

"Kung maka-tanga ka naman d'yan! Don't worry Pat, I'm okay." Natawa na lang kaming pareho.

Si Pat, isa siya sa mga naging sandalan ko sa loob ng ilang taon kong pag-iyak, sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay-bagay. Hindi niya ako hinusgahan. Bagkus ay lagi siyang nandiyan para damayan ako.

---

Naka-leave si Pat ngayon, kaya wala akong kasalo sa lunch. Nag-aasikaso kasi siya sa kasal nila. Hindi rin naman ako close sa ibang officemate ko kaya mag-isa ako. Tahimik lang kasi ako, siguro dahil na rin sa mga napagdaanan ko. Pero hindi naman iyong tipo na 'di nagsasalita o kikibo. Okay lang din naman sila kasama kaso nga lang iyong iba, iba talaga mga ugali. Saka mga pa-sosyal sila. Narinig kong nag-uusap iyong dalawang babae dito sa may side ko. Nagre- retouch na sila ng mukha. Ganiyan talaga sila pakapalan sila ng lipstick at foundation.

"Girl, may bagong President na ang Civil Engineering ngayon," sabi ng isang babaeng nakapulang blazer na sobrang pula ng nguso.

"Talaga... babae o lalaki? Single o married?" hirit naman ng katabi nitong babae na nakaitim na blouse. Mukhang espasol ang mukha sa kapal ng foundation.

"Lalaki na single, bakla!" kinikilig na sagot ng kasama niya na pula ang nguso.

"Uy bet! Sana yummy at guwapo!" sabi na naman ni miss foundation.

"Oo nga, 'di tulad ng sa dati, matandang hukluban na nga! Manyak pa!" dagdag sabi pa ni miss pula ang nguso.

Napapailing na lang ako.

Nagkatawanan pa ang dalawa kala mo walang mga tao dito sa canteen. Kung manghusga at manglait sa dati namin boss, kala mo ang peperfect ano? Tao nga naman. Sa tagal kong

nagtrabaho rito never akong nakarinig ng ganoon tungkol sa boss namin. Assuming lang talaga itong mga 'to, baka naman nag-iilusyon lang itong mga 'to na namamanyak, kasi kita mo naman suot nila, hapit na hapit, iyong skirt sobrang ikli, kulang na lang makikita na panty nila. Makaalis na nga puro panlalait naririnig ko kala mo naman kagandahan sila.

Tumapat ako sa elevator, pumasok ako nang bumukas ito, pinindot ko ang 10th floor. Umupo na ako sa cubicle ko at nag-ayos ng konti sa mesa. Napakaraming mga papel na naka-pending.

Bigla naman dumating ang Head Department namin sa floor na 'to. Narito na rin ang ibang empleyado.

"Guys, pasensiya na sa istorbo, makinig muna kayo, please... May bago tayong Presidente sa Civil Engineering, o heto na pala si Sir," narinig kong sabi ng Head namin. "Guys, si Mr. Lee Angelo Tan."

Bigla naman napaangat ang mukha ko, si Lee? Tama ba ang narinig ko? Bakit lalo yata kaming pinaglalapit. Destiny nga naman masyado kang mapagbiro. Narinig ko na lang biglang umingay, kesyo ang hot daw ni Sir, ang guwapo ni Sir. Blah blah blah. Confirm nga. Si Lee nga nakita ko siyang binabati ang mga empleyado. Ang laki na siguro ng ulo niya . Isa-isa niyang kinamayan ang mga empleyado at nag-thank you sa

pag-welcome sa kaniya. Sa sobrang tulala ko nasa harapan ko na pala siya, nakaupo parin ako.

"Laway mo tumutulo na," seryosong sabi niya. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ng iba na ikinatawa ng lahat, sa sobrang inis ko namumula na ako, pinagkaisahan talaga nila akong lahat, napahiya talaga ako. Anong sasabihin ko? Think, think!

"Talaga, Sir? Pakisalo na lang po," sarkastiko kong sabi.

Wala akong pakialam, bigla naman napuno ng tawanan dito sa floor na ito. Ginawa pa akong katatawanan, buwisit! Buti naman umalis na siya nasa 20th floor pa ata office no'n.

---

Kumatok ako sa office ng Head namin. Pinatawag kasi ako kanina, ewan ko kung ano na naman iuutos nito.

"Bakit mo po ako pinatawag, Sir?" pilit ang ngiti kong tanong.

"Lilipat ka na sa 20th floor," aniya.

"Bakit po?" kunot-noong tanong ko.

"Kasi, nag-resign iyong dating secretary at ikaw ang papalit," seryosong saad niya.

"Ano poooo?!" sigaw ko. Nagulat ito sa inasal ko.

"Bakit ayaw mo?" balik tanong niya.

Tumango ako.

"Ikaw ang gusto ni Boss."

Hindi ko na naipilit ang gusto ko, pero sa totoo lang okay lang kinikilig naman ako na may halong kaba. Pero sa isang banda natatakot ako pa rin ako.

Ilang araw ko na siyang kasama, kami lang yata ang tao sa floor na ito. Ay mali pala. Ganito kasi ang set-up sa floor dito. Ako may sariling cubicle nakatapat sa elevator, tapos pinto ng office. Sa kabilang kuwarto doon iyong mga ibang employee. So madaling salita ako lang sa hallway. Bakit 'di na lang kasi ipinasok ang mesa ko sa loob ng office niya. Malungkot tuloy akong mag-isa, walang makausap.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Lumapit sa akin ang babaeng maganda, chinita, at seksi, malaki ang hinaharap, nahiya naman ako sa flat chested kong dibdib. Tinanong ko kung anong kailangan niya. Sabi niya may appointment daw siya, tiningnan ko sa computer monitor, meron nga, siya pala iyong tumawag kahapon. Natanga na naman ako, pinapasok ko na.

Ilang minuto pa ang nakalipas, tumunog ang intercom. Pinapasok ako. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa nadatnan ko pero bakit dito gumagawa ng milagro e mayaman naman ito, ang daming hotel d'yan, nagtitipid ba siya?

"Hmm... Sir."

Napatingin silang dalawa sa akin, natapos din ang mahaba-habang halikan. Nakaupo pa rin ang babae sa lap niya. At niyayakap pa talaga.

"Buy us a food," utos ni Lee.

"Hindi po ba kayo maselan? Kahit ano po bang pagkain kakainin n'yo?" naiimbiyerna kong tanong. Pero siyempre hindi ako nagpahalata na naiinis ako.

"Umalis ka na, ikaw na ang bahala."

Lumabas na nga ako, sungit naman ng lalaking iyon. Naka-move on na ba ako? Bakit wala naman akong reaksiyon kanina walang selos factor? Kala ko business iyong ipupunta ng babae doon, business with pleasure pala. Anak ng tipaklong! Ano nga pa lang lunch ng mga iyon? Jollibee o Mc'do? Mc'do na lang para sosyal. Umorder na lang ako ng 2 piece chicken with rice, 3 order 'yun at para sa akin ang isa.

Heto na ako sa tapat ng office. Kumatok ako at pumasok na lang din dala ko na ang lunch nila. Sakto wala na rin akong nadatnang karumal- dumal, parang walang nangyari kanina ha. Nakaupo sila pareho sa couch at nagtatawanan.

"Sir, heto na po," pang-iistorbo ko. Saka ko nilapag sa maliit na mesa ang dala kong pagkain.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong niya. Bumaling ang tingin niya sa nakalapag na pagkain sa mesa.

"Lunch n'yo po," sabi ko.

"Bakit ganiyan? Pagkaing pambata!" naiiritang sabi niya.

Aba't nagalit pa talaga?

"Sir, kung binigyan n'yo sana ako ng perang pambili niyan e di sana binilhan ko kayo nang pagkaing pang sosyal at pang tao!" inis kong turan sa kaniya. Na high blood ako dahil sa init ng panahon. Naglakad ako sa init at pumila para makabili ng lunch nila, tapos ito pa ang mapapala ko?! Kainis a!

"Honey, come on, I'm starving," maarteng sabi ni d'yoga girl.

"Okay sa labas na kami kakain," walang emosyon na sabi ni Lee.

Nauna nang tumungo sa pinto iyong babae.

Akmang lalabas na ito, buti na lang nahawakan ko iyong braso nito.

"Hey, Sir! Paano naman iyong binili ko?" nabubuwisit na tanong ko. Tiningnan pa ako ni diyoga girl ng matalim.

"E ikaw na ang kumain," he smirked.

"Bayaran mo na lang nag-abono pa ako ng 300?" napapakamot na sabi ko.

Tumawa ito.

"Seriously?" Kumunot ang noo niya.

"Wala akong pera nagtitipid ako."

"Kung makipag-usap ka sa akin parang hindi mo ako Boss, huh. Nagtitipid? Ano ka estudyante? Very childish, tsk. Sige mamaya pagbalik, ibabalik ko ang 300 mo."

Pagkasabi niya no'n ay mabilis na silang umalis ni diyoga girl. Naiwan naman akong naiinis sa inakto ni Lee.