webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
29 Chs

Chapter 6, part 2 : Grinding

"Alejandro divine pull!" Utos ni Clyde sa dwendeng tank.

Napatay n'ya na ang huling kalaban. Nilagay n'ya sa storage n'ya ang mga napatay n'yang higanteng daga. Naisip n'ya kasing baka mapakinabangan n'ya pa ang mga ito. Nakita n'ya kasi noon sa forum ng hunter site ang mga haka-haka. Tungkol 'yon sa mga hunter na may spatial storage skills o yung mga nakakuha ng rare dungeon items na spatial pouch o ring.

Nagagawa nilang ilabas yung mga namatay na dungeon monsters sa loob nito. Hindi tulad ng sa mga normal na hunter, hindi nila mailalabas ang mga bangkay ng mga halimaw dahil may batas ang dungeon. Ilang segundo o minuto ng pagkamatay sa loob ng dungeon ay maglalaho ang anumang bangkay. Sa halimaw man o sa tao.

Kasi ang spatial items tulad ng spatial pouch o ring ay ibang separate ng lugar na maituturing. Kaya 'di na sakop ng dungeon ang mga bangkay sa mga spatial items.

Tapos ay ibebenta nila 'yon through special means. Sa mga hunters black market.

Matapos n'yang kunin ang mga bangkay ay tinungo n'ya yung daang nakita n'ya sa sa 'di kalayuan, sa harapan, sa bandang kaliwa.

.....

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 7

Stats :

Health : 100/100

Mana : 400/400

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 15

Intelligence : 40

Perception : 10

Skills :

Special :

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [1/160]

- Holymancer Summons [1/200]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

.....

"Ik! Ik!"

"Ik! Ik!"

"Ik! Ik!"

May tatlo ng nakaharang na higanteng daga sa daanan ni Clyde. Na akala mo alam na nila ang presensya n'ya.

Siguro instincts? Maaaring ramdam nilang marami ng kauri nila ang namamatay na?

Mas alerto na sila?

Agad nagpakawala ng earth needle si Clyde.

Nagsitalunan palayo ang mga daga.

Lahat sila ay matagumpay na nakaligtas.

"Divine Pull!" Utos ni Clyde na agad namang sinunod ng d'wende.

At nang ang tatlo ay naipon na palapit kay Alejandro, ginamit ni Clyde ang earth cage ng wala ng pag-aatubili.

Nahuli n'ya ang tatlo. Napangisi si Clyde at napasigaw ng, "Ang galing. Tawagin natin 'tong crowd control relay combo. Ang ganda ng earth cage pero ibag level ang Divine Pull ni Alejandro. Masyadong broken. Masyadong overpowered."

Pilit kumakawala ang tatlo sa earth cage. Tinira n'ya agad ang isa ng earth needle. Nag namatay ang isa ng higanteng daga, mas lalong nagwala ang mga daga. Nagmadaling i-cast ni Clyde ang pangalawang earth needle. Kasi medyo kinakabahan s'ya sa lakas ng kalaban ng mga ito. Nangangamba s'yang baka masira agad ang earth cage.

Nangyari 'yon nang pinatay n'ya yung ikalawang higanteng daga. Naramdaman n'ya ang biglaang paglubog ng kaliwang paa n'ya. Kasabay noon ang pagsakit ng paa n'ya. Para itong pinipiga. Pagtingin n'ya nakakita s'ya ng higanteng bulate na ang kalahati ng katawan ay nakabaon sa lupa. At kalahati naman ay mahigpit na nakapalupot sa kaliwang binti n'ya.

Naloko na! Cooldown pa ang Divine pull.

"Earth needle!" Sigaw n'ya sabay tira sa bulate sa paanan n'ya. Natamaan ang bulate. Naputol ang katawan nito at nagkakawag sa putikan bago tumigil sa paggalaw. Samantalang ang natitira nitong katawan ay nagtago na sa ilalim ng putikan.

Napahinga s'ya ng malalim. Pero napahigop s'ya ng hangin. Dumudugo ang kaliwang binti. May nabali ata. Nanghina ito at nawalan ng balanse ang hunter. Pabagsak s'ya sa lupa ng magulat s'ya. May anino sa ulunan n'ya. Nagawa n'yang iharang ang kamay n'ya. Iyon ang nakagat ng higanteng daga.

"ARAY!!!" Hiyaw ni Clyde sa sobrang sakit. Halos maputol na ang kanyang kamay n'ya. Pero sa totoo lang, swinerte pa s'ya. Kung hindi kasi bumigay ang binti n'ya, malamang ay yung mukha n'ya na ang nawasak sa kagat ng higanteng daga.

Bumagsak silang dalawa ng higanteng daga sa putikan. Pilit n'yang winawasiwas ang daga. Ang daga naman ay pilit inaasinta ang mukha n'ya.

Nahihirapan s'yang kumilos dahil bumabaon ang katawan n'ya sa putikan. Nang chineck n'ya ang skill section ng status ni Alejandro nakita n'yang tapos na ang cool down nito.

"Divine Pull!" Makapatid-litid na hiyaw ni Clyde sa desperasyon.

Naalis ang nakadagang higanteng daga sa ibabaw ni Clyde pero napahiyaw s'ya sa sakit. Natanggal ng daga ang laman sa braso ni Clyde na kagat-kagat n'ya. May dalawa ring malaking bulate Ang lumabas sa putikan papunta sa duwende.

Ginamit ni Clyde ang conceal. Naglaho s'ya. Ngunit imbes na tumakas. Tumayo s'ya at ginamit ang earth cage. Kung tatakas kasi s'ya, hindi rin n'ya maipapagpag ang mga kalaban. Maaaring mabura nga n'ya ang kanyang presensya. Subalit magiging palatandaan nila ang mga bakas ng dugong umaagos galing sa kanang braso ni Clyde.

Minabuti na n'yang tumayo kung saan may dugo na. Sumugal s'yang malito ang mga ito dahil naglaho s'yang parang n'ya. Habang may kalituhan sa mga halimaw ay sasamantalahin n'ya iyon upang tumira ng mga spells n'ya.

Nagsimula sa earth needle, na sinundan ng earth cage, at dalawang sunod na earth needle para tapusin ang tatlong kalaban.

Napaupo s'ya sa sakit at panghihina. Napatingin s'ya sa braso n'yang bawas ang laman at kita ang puting buto. Bigla s'yang nahilo. Nalasahan n'ya ang maasim na bagay mula sa t'yan n'ya. Hanggang sa tuluyan na nga s'yang nagsuka.

Akala n'ya sanay na s'ya na makakita ng mga grabeng sugat. Sa mga na-experience n'ya na kasing dungeon raids, mas grabe pa rito ang nangyayari sa mga nakasama. May mga napuputulan ng paa o kamay. Meron pa ngang mga namamatay at nagula-gulanit.

Pero iba pala 'pag ikaw na ang nakaranas ng grabeng sugat. Iba naman 'to sa nangyari sa raid na kasama n'ya sina Crooked Nose. Doon kahit halos mas delikado ang natamong sugat, hindi n'ya iyon nakita. Na-heal at nagsara rin agad ang sugat. Ang isang ito kasi, kita n'ya. Labas ang buto n'ya at may nakaing laman.

Nang mahimasmasan, bumili s'ya ng tig-5 health at mana potion. Bawat isa ay 1, 000 gold. Bumili rin s'ya ng isang antidote. Ang presyo nito ay 10, 000.

...

Remaining Balance : 10, 521 gold

...

Hanggang sa ngayon, 17 dungeons monsters na ang napapatay n'ya. 500 gold para sa pagpatay sa kanila. 100 gold para sa ritwal ng soul cleansing.

...

Status

[Bleeding]

- Constant lost of blood drains health points.

- It is gravely advised to stop the hemorrhage immediately.

[Infection]

- Gravely advised to use an antidote to cure the infection.

- Ignoring the spreading can put you to great danger with the possibility of dying.

...

[Storage]

Health potions (S) : 5

Mana potions (S) : 5

Antidote (S) : 1

Gigantic rat corpses : 15

Great worm corpses : 2

...

Health potion (S)

- Instantly restores 100 HP and heals the corresponding amount of wounds.

Mana potion (S)

- Instantly restores 100 MP.

Antidote (S)

- Cures minor infections, viruses, infections or poison.

...

Tinungga n'ya lahat ang laman ng bote ng antidote. Agad nawala ang bigat ng pakiramdam n'ya sa katawan. Pero ang pananakit ng braso at binti n'ya ay hindi pa.

Kahit merong kaunting pag-aatubili, ininom n'ya pa rin ang isang health potion. Nangangamba s'yang baka hindi bumalik 'yung napunit na laman sa kanya ng braso n'ya. Pero wala naman s'yang magagawa. Kung hindi s'ya iinom ng health potion, malamang sa malamang ay mamatay s'ya sa pagkaubos ng dugo.

Gumaling ang mga sugat n'ya. Ang binti n'ya ay 'di na masakit. Tumigil na rin ang pagdugo ng kanang braso n'ya. Yun nga lang, may problema.

Naghilom ang sugat. Hindi na kita ang buto rito. Nagkaroon na ng balat ang brasong natapyas ng higanteng daga. Ang problema ay at laman. Parang nadagdagan lang ng konting laman ang kanyang braso. Sapat lang para matago ang buto. Uka pa rin ang kanyang laman. Natatabingan lang 'yon ng balat.

Nalungkot s'ya.

Paano n'ya ipapaliwanag ang nangyari sa kapatid at mga kaibigan? Paano n'ya ito matatago pagkalabas n'ya?

Sinampal n'ya ang magkabilaang pisngi n'ya bakit ang mga palad.

Hindi ito ang oras para malungkot. Dapat matuwa nga ako dahil nabuhay pa ako imbes na magmukmok. Makakapaghintay ang mga 'yon. Ang tapat kong isipin ay kung paano hindi mabulaga ng mga higanteng bulate. Wala naman among problema sa pagpatay ng mga daga. Kailangan Kong masolusyunan ang mga sneak attacks.

Pinagpagan n'ya ang damit n'ya. Napapalatak na lang s'ya sa maliit na problema. Bigat na bigat at lagkit na lagkit s'ya sa sarili. Napahiga s'ya sa putikan sa labanang naganap kanina. Napuno ng putik ang mga equipment n'ya. Wala s'yang makita sa item na solusyon sa problema.

Wala s'yang choice kundi tumingin sa skill shop.

...

[Shop]

[Support]

[Water magic]

Binili n'ya ang cleanse spell. Ginamit n'ya 'yon para malinis ang sarili. Binili n'ya 'to sa halagang 10, 000 gold. Wala na s'ya panggastos.

...

Remaining balance = 521 gold

...

Hiling lang n'ya sa sarili na sana mas bias ang system sa kanya. Kung hindi lang sana mahal ang equipment sa system shop ay 'di sana masisira ang laman n'ya sa braso. 1, 000, 000 gold kasi ang pinakamurang equipment. Kung sana ay natabinggan lang ang braso n'ya sana'y buo pa ito. Pero ang sabi nga nila wala ring magagawa ang mga what if's na 'yan. Kung anong available sa ngayon ay dapat na s'yang makuntento. Mahalaga buhay pa s'ya.

Tinahak n'yang muli yung daan papunta sa lugar kung saan s'ya pumasok sa dungeon. Doon kasi wala pang higanteng bulate. Doon muna s'ya magta-try magpa-level at magparami ng pera. Mag-iipon s'ya para sa kung anumang maaaring pangontra sa mga bulate. Nangyari 'yon ng may 22 daga na s'yang napatay.

[Level up!]

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 8

Stats :

Health : 100/100

Mana : 400/400

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 15

Intelligence : 40

Perception : 10

Undistributed stats : 5

Skills :

Special :

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [1/160]

- Holymancer Summons [1/200]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

...

Napaisip si Clyde kung ilalagay n'ya ba ang stat points sa intelligence para mas palakasin ang magic damage. O 'di kaya naman ay sa perception para tumalas ang pakiramdam n'ya sa presensya ng iba at makaiwas sa mga ambush.

Napapalatak s'ya. Inilagay n'ya 'yon sa perception kahit labag sa kanyang kalooban. Kesa naman ipahamak n'ya ang sarili n'ya sa mga ambush ng kalaban.

Meron naman s'yang nakitang detection type spells sa support category ng skill shop. Ang problema lang ang pinakamura ay 100, 000 gold. Hindi naman nakapagtatakang mahal ang detection type magic kasi maisasalba nito ang buhay ng owner sa banta ng mga sneak attacks.

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 8

Stats :

Health : 100/100

Mana : 400/400

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 15

Intelligence : 40

Perception : 15

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [1/160]

- Holymancer Summons [1/200]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

...

Sinuri n'ya rin ang pera at mga gamit n'ya.

...

Remaining balance : 13, 200 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 2

Mana potions (S) : 4

Gigantic rat corpses : 37

Great worm corpses : 2

...

Muling tinungo ni Clyde ang tinakasang parte ng dungeon. 'Di kalaunan ay muli n'ya ng nakasalubong ang mga higanteng bulate. Maswerte lang at wala itong kasamang mga higanteng daga. Makakapag-concentrate s'ya sa mga ito.

Dalawang bulate lang ang kalaban n'ya. Dahil dito imbes na mag-relax ay mas lalo pa s'ya naging alerto. Nang naramdaman nila ang presensya ni Clyde ay gumapang ang mga ito. Ang nakakagulat lang ay masyadong mabilis ang paggapang ng mga bulate.

"Earth cage!" Tira ni Clyde.

Nahuli n'ya ang dalawang bulate. Nang titira na s'ya ng earth needle ay may hindi inaasahang nangyari. May naramdaman s'ya sa may likuran n'ya. Agad s'yang tumakbo pakanan. Sakto sa pag-iwas n'ya ang s'ya namang pag-aanunsyo ng bagong dating sa kanyang pagpresensya.

Nakita ni Clyde ang bagong sulpot. Isa na namang higanteng bulate. Sinamantala n'ya ang pag-iikot ng katawan nito para masulyapan ang mga nahuli ng bulate. Laking-gulat n'ya na wala ang mga ito sa kulungang lupa. Nang napababa ang tingin n'ya roon n'ya napansin ang lupang nahukay sa loob ng earth cage.

Pilit n'yang kinalma ang sarili. Wala na naman s'yang magagawa sa pagtatago ng dalawang bulate sa lupa. Kailangan n'ya munang harapin ang kalaban sa kasulukuyan.

"Earth needle!" Atake n'ya sa bulate.

Napatay n'ya iyon. Pagbagsak ng bulate naramdaman n'ya 'yon. Gumulong s'ya paharap.

Nang tumigil ang ikot n'ya ay nakaluhod na ang kaliwang tuhod n'ya. Samantalang ang kanang paa naman ay nakatuntong sa putikan. Mabilis s'yang umikot paharap kung saan naroon ang mga kalaban. Napahigop s'ya ng malamig na hangin. Kumirot ang kaliwang paa n'ya.

Mukhang hindi ganoon katulin ang nagawa n'yang pag-ilag. Ginalaw-galaw n'ya ang paa. Sumasakit pa ito. Hindi pa ganoong kalala. Maliban sa kirot na kaya n'ya ng tiisin ay wala na. Mukhang nabugbog lang ang paa n'ya sa pagtama ng bulate.

"Earth needle!"

Tumama ang tira pero mukhang hindi ito napuruhan. Kumikilos pa rin ito ngunit napahinto naman sa pagsugod. Iika-ika s'yang tumakbo. Hinabol s'ya ng isa pang bulate. Nang sinulyapan ni Clyde ang humahabol ay nagbabalak itong sumisid sa putikan.

Huminto si Clyde sa pagkilos at pinigilan ito. Hindi n'ya papayagang makatago ito sa putikan. Kasi mas mapanganib ito pag umaatake mula sa ilalim.

Tinira n'ya ito ng earth needle. Sa pagkakataong ito, sinigurado na n'yang mapupuruhan n'ya ang tinira. Inasinta n'ya itong mabuti. Nang pinakawalan n'ya ang earth needle ay tumama ito sa palubog pa kanang na ulo. Bumagsak ito at nagpapasag. Matapos noon ay 'di na ito muli pang kumilos.

Wala s'yang panahong i-celebrate ang pagkaka-headshot sa bulate. Sa periperhal vision n'ya kasi napansin n'ya ang nakaligtas sa tirang bulate. Sumusugod ito sa kanya. Pero this time, mas mabagal. Halatang nasaktan ito kahit hindi n'ya napatay.

"Earth needle!" Pagpapakawala n'ya ng atake.

Napasalampak na lang s'yang bigla matapos matapos ang laban. Pilit n'yang hinahabol ang paghinga sa pagod. Nang naging normal na ang paghinga n'ya ay ginamit n'ya ang health potion. Gumaling agad ang namamaga n'yang paa. Kinuha n'ya rin ang tatlong bangkay ng mga bulate.

Sinimulan n'ya ulit ang paglalakbay sa dungeon. Ilang beses n'ya ring nakasalamuha ang mga bulate. Pero sa pagkakataong ito nasanay na s'ya sa pattern ng pagsugod nito. Sa huling sandali ay naiilagan n'ya namang ang mga pagsugod ng mga bulate.

Pero hindi lang ay matugumpay n'yang naiilagan. Nadadaplisan s'ya pero wala ng malala 'di tulad ng sa una. Nasubukan n'ya ring sagupain ang combination ng higanteng mga daga at bulate. Mas marami s'yang natamong sugat pero hindi na gaanong kadelikado.

Hindi n'ya namamalayang narating n'ya na rin ang dead end.

Nang matapos n'ya kasing magapi ang tatlong bulate ay naglakad s'ya ulit. Sa kaliwa ay may nakita s'yang daan ulit. Tinahak n'ya ito at nakipaglaban sa mga humaharang. Dead end din ang daang 'yon. Muli s'yang bumalik sa gitna. Sa daang kung saan s'ya unang namulatan sa loob ng dungeon na ito.

Binaybay n'ya ng walang takot ang kadiretsuhan ng daanan. Puro mga higanteng daga ang nakasalubong n'ya. Pero dumating sa puntong may mga nasasalit na ring bulate.

'Di katagalan ay may nakita na naman s'yang hiwalay na daanan. Ngunit sa pagkakataong ito sa kanan naman.

Pinuntahan ni Clyde 'yon. Sa bungad pa lang nakakita na s'ya agad ng kakaiba. May ibang uri na naman ng dungeon monster.

Napakusot s'ya ng mata. Dark brown. Pumapagaspas ang mga pakpak. Kasinglaki ito ng pa-oblong na mangkok.

May malalaking ipis sa dungeon. Matulin itong nagsisugod sa kanya. Tatlo ng gamangkok na ipis. Tinira n'ya sila ng earth cage. Nagsipulasan ang mga ito palayo sa umangat na lupa. Wala ni isang nabiktima ang crowd control magic.

"Divine pull!" Mahinahong utas n'ya. Napilitang magsipuntahan ang tatlong gamangkok na ipis kay Alejandro.

Doon n'ya ginamit ang nag-iisang offensive magic.

"Earth needle!"

Napatay n'ya ang nasa gitna. Pero nang nawala ang epekto ng divine pull sa mga ipis, mas naging mabilis ang pagsugod nila.

Bago pa matapos ang kanyang casting ng earth needle ay halos isang piye na lang ang layo sa kanya ng mga ito.

Pinakawalan n'ya ang earth needle. Sumablay na naman ito. Masyadong matulin ang mga ipis. Dali-dali s'yang yumuko. Pinagpawisan ang likod n'ya ng malamig. Naputol ang maraming buhok n'ya sa tuktok. Kung mabagal lang s'ya kahit ng isang segundo, malamang ulo n'ya na ang naputol ng pakpak ng ipis.

"Dyoskopo!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Clyde.

Napaisip tuloy si Clyde ng mabilis sa kaba.

Ganito pala kahirap ang mag-solo ng isang dungeon? Ibang dimension talaga ang mga rank S na 'yon na nagso-solo clear ng dungeons na akala mo namamasyal lang sa parke. Dalawa pa kami ni Alejandro pero ilang beses na akong muntik mamatay. Sana naman may pumayag ng maging summon ko ulit.

"Divine pull!" Hiyaw ni Clyde.

Sa isip n'ya, hiling n'ya na sana pwede n'yang i-spam ang overpowered crowd control skill ni Alejandro. Naiingit na tuloy s'ya rito. Hindi nagmimintis. May malawak ding range.

Sana all!

Sa activation na 'yon, nahila na naman ang mga ipis. Nakaligtas s'ya sa mapanganib na posisyon. Sa sitwasyong kasing may kalaban ka at mas matulin ito sa'yo at nasa likod mo ito, most of the time game over na.

Sinundan n'ya iyon ng earth cage. Napagtagumpayan n'ya ang paghuli sa dalawang ipis. Sinundan n'ya ito ng earth needle. Sa pagkahuli n'ya sa mga ipis na 'yon ang naging hudyat sa munting labanang ito.

Inumpisahan n'ya ang soul contract sa tatlong ipis.

"Sa wakas!" Masiglang tawa ni Clyde.

Kasi sa matagal na paghihintay sa wakas ay nakakuha na rin s'ya ng isa pang summon. Naghintay s'ya ng 78 dungeon monster para lang sa isang ito. Naisipan n'yang bumalik. Para sa kanya masyadong matulin ang mga kalaban. Magpapalakas muna s'ya. Swinerte lang s'ya. Maaaring sa susunod ay malasin na s'ya.

Marami ng nagsabi sa'kin dating masyadong akong maingat. Eto namang ang sagot ko sa kanila. Isa lang ang buhay ko. Hindi ko ito iisaalang-alang. Maingat na kung maingat. Dadaanin ko na lang ito sa grinding ng para sa level up ng holymancer system ko. Meron akong gantong kakayahan bakit hindi ko ito gamitin ng maayos 'di ba? Sana naman tatlong uri na lang ang mga dungeon monsters. Kasi sa tatlo nga lang eh hindi ko na naisip ang solusyon kung paano talunin ang kombinasyon nila.

...

[Storage]

Health potions (S) : 2

Mana potions (S) : 4

Gigantic rat corpses : 51

Great worm corpses : 24

Killer cockroach corpses : 3

...

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [1/160]

- Holymancer Summons [2/200]

...

Mukhang hindi counted ang mga summon na hindi binded sa Holymancer realm. Konklusyon ni Clyde habang paulit-ulit na hinihimas ang baba.

Nilibot n'ya ulit ang daanang mga napuntahan na n'ya para muling mag-grind. Habang tumatagal mas naging mautak na s'ya sa pakikipaglaban. Nakabisa n'ya na rin ang mga habit ng balat type ng dungeon monsters.

Ang earth cage ay sobrang effective sa mga higanteng daga. Samantalang sa mga higanteng bulate ay katamtaman lang naman ang epekto. Napapabagal n'ya lang ang kilos ng mga ito. Pero kayang-kaya nilang kumawala sa earth cage. Sa ilalim ng putikan sila dumadaan. Sa mga gamangkok na ipis naman ay walang epekto. Maliban na lang kung iko-combo sa Divine pull ni Alejandro.

Ang earth needle ay hindi epektibo sa mga gamangkok na ipis. Sa mga higanteng daga naman ay katamtaman lang ang epekto. Kung gagamitan naman ito ng combo sa earth cage. Mauuna ang earth cage tapos kapag trap na ang mga daga wala na silang kawala.

Sa katagalan ay naubos din n'ya ang mga dungeon monster sa mga pinanggalingan n'yang pasikot-sikot. Nang mahinto ang labanan meron ng limang karagdagang summons si Clyde. Sa bawat pagdami ng kanyang summon, ang s'ya namang pagdali ng mga labanan.

Parehas pa rin ang strategy ni Clyde rito. Si Alejandro pa rin ang main tank dahil na rin sa kanyang overpowered CC. Idagdag mo na rin ang overpowered din n'yang spiritual shield, ang . Dahil dito hindi nila ma-breach ang depensa ng duwende. Si Clyde pa rin ang damage dealer. Ang pinagkaiba lang ay nagkaroon s'ya ng mas maraming tank. Dalawang higanteng bulate, dalawang higanteng daga at isang gamangkok sa laking ipis.

Noong nahinto ang mga labanan ay level 10 na si Clyde. Si Alejandro naman ay level 2 na. Talaga namang nagtaka si Clyde kung bakit mabagal ang pagtaas ng level ng kanyang tank. Kasi maging ang gamangkok na ipis at tig-2 higanteng bulate at daga ay naglalaro na ang level sa 6 o 7.

Sa consumption naman ng potions ay may malaking pagkakaiba. Nang dalawa pa lang sila ni Alejandro panay lagok n'ya ng health potions. Ang dalang naman ng inom n'ya ng mana potions. Samantala ng nadagdagan sila ng lima, ginawa n'ya atang tubig ang mana potions. Hindi na rin s'ya umiinom ng health potions. Kailangan n'ya lang kasi ng maraming mana para i-maintain ang mga summon n'ya.

At napatunayan na rin n'ya ang teorya n'ya. Sa kada isang intelligence ay katumbas ng sampung mana points. Ganoon din naman sa vitality. May sampung health points kada isa nito. Ang tatlong ibang uri ng stat ay hindi n'ya pa alam ang mga sikreto.

...

Remaining balance : 44, 600 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 4

Mana potions (S) : 2

Gigantic rat corpses : 76

Great worm corpses : 68

Killer cockroach corpses : 3

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 10

Stats :

Health : 100/100

Mana : 400/400

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 20

Intelligence : 40

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [1/160]

- Holymancer Summons [6/200]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

...

Nilagay n'ya ang mga additional stats. mula sa dalawa n'yang level up. Hindi n'ya natupad ang gusto n'yang i-focus ang lahat ng stat. points sa intelligence.

Hindi sa lahat ng oras matutupad ang nais mo. Hindi ka dapat ma-frustrate Clyde. Just look at the bright side. At least mas naging well rounded ka. I-prioritize mo ang survival mo. Siguruhin mo na lang na lahat ng stat. distribution ng mga summons mo ay will go as planned. Pangungumbinsi niya sa sarili.

...

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Level : 2

Stats.

Health : 570/570

Mana : 140/140

Str : 30

Vit : 36(+2)

Agi : 10

Int : 14

Per : 10

...

Meron ding magandang supresa ang nakita n'ya sa limang bagong summons n'ya. Nagtaka s'ya ng maging summon n'ya ang lima. Wala silang mga pangalan. Dahil doon pinagkalooban n'ya ang lima ng pangalan.

...

Name : Freddy Cock-Roach

Race : Killer cockroach

Level : 7

Stats :

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 15

Vit : 10

Agi : 30(2)

Int : 10

Per : 20

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Flight (Active) - Killer cockroach are born to fly and annoy other creatures.

Individual :

Bully (Passive) - Instinctively tries to eliminate squishiest enemies.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Slaying wings - The wings are sharp enough to cut even steel as if it is butter.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Name : Wakiza

Race : Gigantic rat

Level : 6

Stats.

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 25(2)

Vit : 10

Agi : 25(2)

Int : 10

Per : 10

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Carrier (Passive) - The gigantic rats fangs and claws contains infections that is highly contagious upon inflicting wounds.

Individual :

Cornered rat (Active) - When the user only has ten or less percent of his health remaining, there is a random chance that he'll gain a sudden surge in his fighting strength. At his cornered rat state, all of the rat's stats. would be doubled for a certain period of time.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Fang of death - The rat ferociously launch itself to his target with a bite. When his attack succeed, there is a high chance of infecting his target.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Claw of death - The rat ferociously launch itself to his target with his claws. When his attack succeed, there is a high chance of infecting his target.

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Name : Lupin

Race : Gigantic rat

Level : 6

Stats.

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 25(2)

Vit : 10

Agi : 25(2)

Int : 10

Per : 10

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Carrier (Passive) - The gigantic rats fangs and claws contains infections that is highly contagious upon inflicting wounds.

Individual :

Securer (Passive) - Have the nose for securing the last hit to kill enemies.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Fang of death - The rat ferociously launch itself to his target with a bite. When his attack succeed, there is a high chance of infecting his target.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Claw of death - The rat ferociously launch itself to his target with his claws. When his attack succeed, there is a high chance of infecting his target.

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Name : Juan

Race : Giant worm

Level : 6

Stats.

Health :270/270

Mana : 100/100

Str : 25(2)

Vit : 25(2)

Agi : 10

Int : 10

Per : 10

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Halved (Passive) - The great worms have a very amazing ability of surviving. Even if their bodies is cut into pieces or destroyed my mauling as long as their heads and clittelum are intact, they can grow them back and grow healthily.

Individual :

Hardening (Active) - This great worm makes his body very compact making it as tough as steel.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Burrowing - Great worms are inhabitants of underground, by going in out of the earth, they can either escape danger or initiate an ambush.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Constrict - They uses their body to wrap around their prey and entangled them to death.

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Name : Dos

Race : Giant worm

Level : 6

Stats.

Health : 270/270

Mana : 100/100

Str : 25(2)

Vit : 25(2)

Agi : 10

Int : 10

Per : 10

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Halved (Passive) - The great worms have a very amazing ability of surviving. Even if their bodies is cut into pieces or destroyed my mauling as long as their heads and clittelum are intact, they can grow them back instanly and grow healthily.

Individual :

Hardening (Active) - This great worm makes his body very compact making it as tough as steel.

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Burrowing - Great worms are inhabitants of underground, by going in out of the earth, they can either escape danger or initiate an ambush.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Constrict - They uses their body to wrap around their prey and entangled them to death.

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Natuwa s'ya sa mga titled summons n'ya. Kahit na ang baba ng dagdag na stats. sa mga ito. Napansin n'ya kasing pansamantala lang 'yon. In the long run, habang lumalakas sila mas tataas ang porsyento na madadagdag sa mga named summons. Susubukan n'yang maisama ang mga ito sa binded summons n'ya. Pero 'yun ay kakayanin lang naman. May balak kasi s'yang bilhin sa skill shop. Isang malakas na skill na maaaring maging assurance n'ya sa dungeon na ito. Kung may sosobra sa maiipon, bibilin n'ya yung nakita n'yang item sa shop.

...

• Binding Scrolls •

- This item connects the fate of the holymancer and a summon with each other.

- The moment it was used, the said summon is destined to fight for the him as long as the holymancer is alive.

- Think before using this. The limit of usage of this scroll is equivalent to the current size of the holymancer realm.

- Price = 10, 000 gold

...

Binalikan na n'ya ang lugar sa dungeon kung saan una n'yang nakasagupa ang mga gamangkok na ipis o killer cockroach.

Apat na ipis.

Hindi na pinatagal pa ni Clyde at inumpisahan na at laban. Matulin n'ya lang dinispatsa ang apat. Sa kombinasyon pa lang nilang dalawa ay mapapasubo na ang mga kalaban. Dinagdagan pa ba naman ng lima.

Ginawa lahat ng dalawang great worm na sina Juan at Dos para harangan ang pagsugod ng mga ipis. Ang dalawang gigantic rat naman ay pilit tinatalon para kagatin ang mga ipis. Higit sa lahat nakikipagsubukan si Freddy Cock-Roach sa kapwa n'ya mga ipis. Sinusubukan n'yang magapag-deal ng fatal blow.

Matulin at pwersahang inubos ni Clyde ang lahat ng nakasalubong na killer cockroach. Para s'yang bulldozer. Lahat ng bumangga giba.

Hindi nagtagal narating n'ya rin ang dulo ng kanang bahagi ng dungeon. Di hamak na mas mahaba ito kesa sa kaliwang banda ng dungeon. Hindi rin ito tulad sa kaliwa na may pasikot-sikot pa. Diretso lang ito. Wala na rin ditong daan. Sa madaling salita sa natitirang parte ng dungeon na hindi pa napupuntahan ang tamang sagot.

Doon matatagpuan ang daan para sa susunod na palapag o kaya naman ay ang boss room kung ito na ang una at nag-iisang palapag. May determinasyong pagkuyom ng kamao ni Clyde.

...

Remaining balance : 86, 600 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 4

Mana potions (S) : 2

Gigantic rat corpses : 76

Great worm corpses : 68

Killer cockroach corpses : 73

...

Nagsipag-level-up din ang limang summons ni Clyde mula sa dungeon na ito.

...

Name : Freddy Cock-Roach

Race : Killer cockroach

Level : 8

Stats :

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 20

Vit : 10

Agi : 30(2)

Int : 10

Per : 20

...

Name : Wakiza

Race : Gigantic rat

Level : 8

Stats.

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 30(2)

Vit : 10

Agi : 30(2)

Int : 10

Per : 10

...

Name : Lupin

Race : Gigantic rat

Level : 6

Stats.

Health : 100/100

Mana : 100/100

Str : 30(2)

Vit : 10

Agi : 30(2)

Int : 10

Per : 10

...

Name : Juan

Race : Giant worm

Level : 8

Stats.

Health : 320/320

Mana : 100/100

Str : 30(2)

Vit : 30(2)

Agi : 10

Int : 10

Per : 10

...

Name : Dos

Race : Giant worm

Level : 8

Stats.

Health : 320/320

Mana : 100/100

Str : 30(2)

Vit : 30(2)

Agi : 10

Int : 10

Per : 10

...

Naisip n'ya ring i-bind ang kanyang limang bagong summons gamit ang binding scrolls. Binili n'ya ang limang binding scroll at ginamit ito.

Una n'yang sinubukan kay Freddy Cock-Roach ang binding scroll. Binuksan n'ya ang scroll at pinahawakan sa kanyang killer cockroach ayon sa instruction. Nagliwanag ang scroll. Matapos ng ilang sandali ay na wala ito. Tiningnan n'ya kung may nagbago ba sa summon. Inikutan n'ya ito para suriin. Wala s'yang napansing kakaiba.

Naisipan n'yang ibukas ang kanyang status para tingnan ang skill list. Doon nakita n'yang dalawa na ang bilang na nakarehistro sa holymancer realm.

Daglian n'yang ginamit ang natitirang binding scrolls sa mga unbounded summon.

...

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [6/160]

- Holymancer Summons [6/200]

...

Remaining balance : 36, 600 gold

...

Pinagpatuloy n'ya na ang pagtahak sa parteng hindi pa n'ya napupuntahan. Tulad ng dati, hindi kalaunan ay nagsulputan na rin ang mga kalaban. Ang kaibahan lang imbes 3-5 kalaban ang sumulpot ay naging sampu naman.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama ng makakalaban ni Clyde ang tatlong uri ng dungeon monsters. Great worm. Gigantic rat. Killer cockroach.

"Ha! Kung mas maaga kong nakaharap ang ganitong composition ay baka tumakbo na ako ng matulin pagkakita ko pa lang. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Meron din akong mga kakampi. Apat na uri pa. Sa bilang pa lang ng lahi ay talo na kayo. Alejandro, Freddy Cock-Roach, Wakiza, Lupin, Juan at Dos step up and play." May kahanginang saad ni Clyde.

Pulos mga utos at halakhak ni Clyde ang maririnig sa loob ng dungeon.

Mas naging matagal ang labanan sa umpisa sapagkat marami ang bilang ng kalaban. Pero matapos ang ilang adjustments, gaya ng wais na paggamit ng skills ay nagsanhi ng mas matuling pagtatapos ng labanan.

Gaya ng dati, nag-initiate s'ya ng soul cleansing. Pero ang resulta ngayon ay naging positibo. Sa sampung 'yon may isa s'yang nakuha. Isang killer cockroach.

Bumili s'ya ng isa pang binding scroll.

...

Remaining balance : 32, 600 gold

...

Name : Money

Race : Killer cockroach

Level : 1

Stats :

Health : 100/100

Mana : 50/50

Str : 10

Vit : 10

Agi : 15(1)

Int : 10

Per : 10

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Flight (Active) - Killer cockroach are born to fly and annoy other creatures.

Individual :

Bully (Passive) - Instinctively tries to eliminate squishy enemies.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Slaying wings - The wings are sharp enough to cut even steel as if it is butter.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Pinangalan n'ya ang bagong killer cockroach. Pagkatapos ginamit n'ya ulit ang isang binding scroll.

...

Ikapitong grupo 'yon ng killer cockroach, gigantic rat at great worm ng matanaw n'ya sa hindi kalayuan ang isang bagay.

Sa likuran ng pitong papasugod na bagong mga kalaban ay isang itim na portal.

Hinarap n'ya ang mga ito at madaling dinispatsa ang mga kalaban.

Matapos ang labanan ay tiningnan n'ya ng malapitan ang portal. Papasok s'ya room pero bago ang lahat ay nag-check muna s'ya ng status.

...

Remaining balance : 76, 400 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 3

Mana potions (S) : 0

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

...

Kapos pa rin ang pera n'ya para sa balak n'yang bilhin. Kaya napagdesisyunan n'yang sa susunod na palapag na lang n'ya 'yon bibilhin. Bumili na lang s'ya ng ilang pangangailangan.

...

Remaining balance : 56, 400 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 13

Mana potions (S) : 10

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

...

At tumapak na s'ya sa portal.