webnovel

Hold Me (Tagalog)

.

Luckyzero · Urbain
Pas assez d’évaluations
9 Chs

Prologue

Kisses on the foreheads of the lovers wrapped in your arms

You've been hiding them in hollowed out pianos left in the dark

Nagpatuloy ang kantang iyon mula sa radio station na pinapakinggan ko kasabay nang malakas na ulan at hangin na humahampas sa windshield ng sasakyan ko.

Isang kilometro na lamang ang layo ko sa bahay kaya naman hindi na ako naabala pa ng traffic.

Kasabay nang pagbasa nang malakas na ulan sa ulunan ko ang malakas na kidlat na gumuhit sa kalangitan kasunod ang tila galit na tunog ng kulog doon.

Humakbang ako palapit sa tarangkahan para buksan iyon. Muling nagliwanag ang paligid sa kidlat sa kalingatan.

Got the music in you baby, tell me why

Got the music in you baby, tell me why

You've been locked in here forever and you just can't say goodbye

Namatay iyon nang patayin ko rin ang makina nag sasakyan pagkatapos kong madala iyon sa garahe. Muli kong sinara ang tarangkahan ng may pagmamadali at humakbang papunta sa harap ng pintuan.

Humugot ako nang malalim na hininga at hinagod ang buhok ko, ang balikat ko, ang braso kong nabasa ng ulan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Tumingin ako sa paligid para hanapin ito. Nagsimula akong humakbang nang hindi ko makita ang pigura nito.

Mukhang alam ko na kung saan ko ito matatagpuan.

Napatingin ako sa pigura na nasa salamin. Nakatalikod ito. Nakaharap sa glass wall na nasa garden.

Unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi ko bago ko igalaw ang mga paa ko palapit sa direksyon nito.

Nakatingin sa maliit na kubo na itinayo niya. Sa tingin ko isang Dalmatian lang ang kakasya roon.

Mukhang nakita niya na ako mula sa glass wall. Hindi ito lumingon.

"Ayoko ng ulan."

Nababakas ko sa boses nito ang pagdadalamhati. Para bang pinapatay siya sa mga patak ng ulan.

Muli akong napangiti, "Don't look at it then... just look at me."

Bumaling ito sa akin at saglit tiningnan ang mukha ko bago magsalita.

"Ikaw ang pinaka magandang nakita ko sa buong buhay ko."

Hindi nawala ang ngiti ko sa narinig.

"Ikaw ang pinaka magandnag nagyari sa buhay ko," Humakbang ito palapit sa akin pagkatapos ay kinuha ang pisngi ko, "ikaw lang."

Ginusto kong tingnan ang itim na mga mata nito. Laging may bago sa mga iyon na tila hindi ko pa alam.

Hinaplos nito ang buhok ko, "Nabasa ka ng ulan."

Dinala ko ang mga palad ko sa matigas at malapad na dibdib nito. Nag-ipit ito nang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

"Kumusta ang asawa ko?"

Bumusangot ako, "I'm tired."

Ngumiti ito. That smile jus threw my tired soul away. Hindi yata ako magsasawang tingnan ang mapupulang labing 'yon.

Niyapos ako nito. Siniksik ko ang ilong ko sa balikat niya gustong gusto ko lalaking amoy nito.

And it was like the world stopped there.

It was the last night...

Dahil ang sumunod na pagsapit ng dilim at ang sumunod na pagpatak ng ulan, isang tawag ang bumago ng lahat.

The call that changed everything- changed US.