Dahan-dahan akong humakbang paalis ng bahay. Maingat na gumawa ng ano mang tunog.
Binaba ako ng taxi driver sa coffee shop.
"Magandang gabi, Ms. Erin." Bati sa akin ni Tali.
"Hi," binigyan ko ito ng bahagyang ngiti.
"Gabing gabi ho yata kayo, Ms. Erin?"
Sinulyapan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. Mag-aalas dose na ng umaga.
Nag-abot ako ng bayad rito.
"Ise-serve na lang ho namin, Ms. Erin."
I smiled a little again, "Salamat."
Nagtungo ako sa silid kung nasaan ang mga libro. Narinig ko ang mahinang musika doon. Dahan-dahan kong inikot ang tingin sa paligid. Walang tao sa loob bukod sa akin.
Marahan akong humakbang papunta sa unang shelf. Katulad ng lagi kong ginagawa, pinagapang ko nag mga daliri sa mga libro.
When I hold you close to me
I could always see a house by the ocean
I continued to do it while feeling it. Sa tuwing hahawakan ko nag mga iyon, mayroong kakaibang saya sa dibdib ko.
Pinikit ko ang mga mata ko. I wanted to feel it more. I felt like I was connected to it. I just couldn't explain exactly the feeling it brought me.
Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa paghakbang. Sa maliit na siwang sa ibabaw ng mga linro, muli kong nakita ang mga labing iyon.
Falling in love
Falling in love
Nakasunod ito sa marahang paghakbang ko. Naroon ang kislot sa dibdib ko na bigla na lamang nagparamdam. Hindi ko maintindihan ang damdaming hatid ng presensyang iyon sa akin.
Hindi nagtagal huminto ito. Naiwan ang tingin ko sa pwesto nito habang habang patuloy ako sa paghakbang at patuloy ang mga daliri ko sa pagdampi sa mga libro.
Mayroong kung ano sa damdamin ko na gusto itong makita. Lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa dulo ng shelf.
Ilang hakbang pasulyap sa kabila ng shelf, naroon ito. Nakatayo nakahawak sa isang libro.
Para bang sasabog ang dibdib ko. Bakit ko ba iyon nararamdaman? Marahil napansin nito ang presensya ko at tumingin sa direksyon ko.
Falling in love
Falling in love
Sa maiksing sandali, pakiramdam ko ay nawala na naman ako sa mga matang iyon. Iyon lang ang nakikita ko, sinusubukang hanapin ang sarili ko. Gusto kong pumasok sa isipan nito, gusto kong malaman kung anong nasa isip niya. Gusto kong malaman...
Deeper than I've felt it before with you, baby
I feel I'm falling in love with all my heart
"Ms. Erin."
Ilang sandali bago ko tanggalin ang tingin rito. Binaling ko iyon sa lalaking may hawak na tray.
"Heto na po ang order niyo."
Muli akong bumaling rito. Tiningnan ko ang mga mata niya. Hinayaan kong maramdaman ang kabog sa dibdib ko. Ngayon ko lang iyon naramdaman at hindi ko iyon gustong pigilan.
Gano'n pa man, tinanggal ko na rin ang tingin rito bago ako muling mawala sa mga matang iyon.
Umupo ako sa isang silya kung saan tanaw ang buong lugar. Bilang lang sa daliri ang tao sa loob dahil madaling araw na.
Nagbasa ako ng libro habang may mahinang musika pa rin ang tumutugtog sa buong paligid.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tinitingnan ko ang mga kilos nito. Hindi ko maiwasang mamangha sa sipag niya. Kung sa ganitong oras ay nagtatrabaho pa siya siguradong wala na itong sapat na tulog.
Lumipas ang ilang sandali, nakita kong palabas na ito ng pinto, sukbit sa likuran niya ang isang backpack. Agad kong tiniklop ang librong binabasa ko, kinuha ko ang sling bag ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
"Come again, Ms. Erin!" Narinig ko pang sigaw ni Tali bago ako tuluyang makalabas ng pinto.
Nakita ko ang likuran nito. Medyo malayo na rin mula sa akin. Kahit may maliit na takong ang sandals ko ay binilsan ko ang hakbang ko para makasunod rito, gano'n pa man hindi ko gustong makita niya ako.
Mahaba na ang nilalakad niya at sumasakit na rin ang binti't paa ko sa pagsunod rito. Mabuti na mukhang hindi nito napapansin ang pag sunod ko.
Diretso lang ito sa paghakbang sa bakanteng lugar na halos walang kabahayan. Liblib na iyon. Napalunok ako. Noon ko lang namalayan ang lugar. Hindi ko alam kung nasaan na kami.
Tumingin ako sa likuran ko ngunit dilim lang ang nakikita ko at kung babalik akong mag-isa baka mas lalo akong mawala kaya naman nagdesisyon akong sumunod na lang sa kanya baka sakaling may lalabasan siyang kabahayan, ngunit pag baling ko sa aking harapan ay... wala na ito.
Lalo akong nakaramdam ng kaba.
Tumingin ako sa paligid ko. Dilim na lamang ang nakikita dahil wala na ang liwanag na nagmumula sa flashlight na hawak nito.
Lumiwanag lamang ang paligid nang dahil sa malakas na kidlat na gumuhit sa kalangitan kasabay ng malakas na tunog ng kulog. Napasinghap ako sa takot.
Nagsimula nang pumatak ang ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o sisilong man lang.
Lumalakas na ang ulan at gusto ko nang mapa-luha sa takot na nararamdaman ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na delikado ang ginagawa ko.
Bago pa tukuyang tumulo ang mga luha ko, tumigil ang ulan sa pagpatak sa ulunan ko.
"Bakit ka nandito?" Malamig ang boses nito mula sa likuran ko. Kasing lamig ng hangin na dumadmapi sa aking katawan.
Nilingon ko ito. Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan kaya naman nagkaroon ako ng sandaling pagkakataon para makita ang mga mata nito.
"Natatakot ka ba?"
Tanong lamang iyon pero naramdaman ko sa tono ng boses nito na hindi ko na kailangan pang matakot dahil hindi na ako nag-iisa.
Naramdaman ko ang paghawak nito sa buhok ko na nagpakabog ng husto sa dibdib ko.
"Nabasa ka ng ulan."
Hindi ko alam kung bakit parang gustong maluha ng mga mata ko. I missed it. I missed the ways he said it to me.
Naramdaman ko ang mainit na kamay nito sa pisngi ko. Sapat iyon para magkaroon ng init ang buong katawan ko. May kung ano itong hinawi sa pisngi ko.
Hindi ko namalayan na mayroon na palang likido ang tumulo mula sa mga mata ko.
"W-walang totoo sa mga sinabi ko. I'm sorry... ayoko lang na may gawin ulit sa 'yong masama si Raven. Ayoko lang na may... na may mangyaring masama sa 'yo just because of me."
"Bakit?"
I was stopped for a moment.
"H-hindi ko alam."
Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Muli kong nasulyapan ang walang ekspresyong mga mata nito.
Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay nito mula sa pinsgi ko papunta sa balikat ko, sa braso ko, pababa sa kamay ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibgang kaba sa dibdib ko. Naramdaman kong muli ang init ng kamay nito sa kamay ko.
"Halika."