Mairy Alois Hernandez
Napatigil si Alois sa ginagawa, may nararamdaman siyang kakaiba. Parang may mga matang nakatingin sa kanya at pinapanuod ang bawat galaw niya.
"Melisa, kailangan ng tao sa likod. Dumating na ang mga prutas galing sa sentro." Aniya ng isa sa mga kasamahan ni Alois sa trabaho.
"Sige, susunod ako." She said.
Naiiling niyang hinubad ang suot na apron. Kulang sila sa tauhan dahil marami ang nagkasakit dahil sa lamig ng panahon. Mag d-disyembre na kaya't taglamig na. Pakiramdam niya nga ay magkakasakit din siya pagkatapos ng araw na 'to, paano ba naman ay tumutulong siya sa pag aasikaso sa mga costumer pagkatapos ay tutulong naman siya sa kusina at maghuhugas ng plato, tapos ngayon ay magbubuhat pa siya ng mga prutas. Malamig pa naman na dahil mag g-gabi na.
Pinunasan ni Alois ang kamay bago tuluyang lumabas sa kusina. Bumungad sa kanya ang mga kasamahan na abala sa pagbubuhat ng mga basket. Kaagad siyang kumuha ng isang basket na prutas at dinala sa stock room.
She needs to earn money lalo na't magpapasko. Kahit kaunti ay maghahanda siya para hindi naman ganun kalungkot ang pasko niya at para naman may pangregalo siya sa dalawa niyang kaibigan. Nitong nakaraang pasko kasi ay wala siyang naibigay ni isa tapos siya ang dami niyang natanggao galing sa dalawa, nakakahiya lang.
Napatigil si Alois sa paglalakad ng makaramdam siya ng hilo. Biglang umikot ang paningin niya na siyang naging dahilan para mabitawan niya ang basket na hawak. Hiniling lang ni Alois na sana ay walang nasirang prutas dahil malalagot siya.
"Melisa! Ayos ka lang ba?"
Tumango siya. "Ayos lan—" Hindi na niya natuloy ang sinasabi ng bigla siyang manghina. Napakapit siya sa pinakamalapit na bagay— sa lamesa.
Kumirot nanaman ang ulo niya at mas lalo siyang nanghina. Pinilit niyang tumayo ng maayos pero nabigo lamang sita. Sa huli ay inalalayan siya ng katrabaho at pinaupo siya nito sa kalapit na silya.
"Kanina ko pa napapansin ang pamumutla mo. Umuwi ka na kaya? Gusto mo ipahatid kita?"
Umiling siya. "Hindi na, ayos lang ako."
Pinilit pa siya ng katrabaho pero wala rin itong nagawa dahil tinatanggihan niya lang ito. Nang medyo mawala ang hilo na nararamdaman ay dali-dali siyang tumayo. Nag-aalala man ang mga kasamahan niya sa trabaho ay wala naman silang magawa dahil ayaw makinig ni Alois. Inabala na lang ni Alois ang sarili sa pagtatrabaho para maibsan ang sakit na nararamdaman. Pinipigilan niya rin na huwag umubo dahil baka mahawala lang ang mga katrabaho niya.
She was about to go back inside the kitchen when someone called her name. It was Rilen. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Rilen?"
Lumapit ito.
"You're sick. Umuwi ka na."
Tumaas ang kilay ni Alois sa sinabi nito. "Can't you see? Hindi pa tapos ang trabaho ko."
"Uuwi ka na." He said bago hatakin si Alois.
Pinagpaalam muna siya ng kaibigan sa may-ari ng restaurant bago sila tuluyang lumabas. Nagtaka nga siya sa biglaan nitong pagpayag. Inalalayan siyang sumakay ni Rilen sa karwahe nito. Kaagad din namang umandar ang sinasakyan nang makasakay silang dalawa. Rilen gave her his coat and he even closed the window of the carriage.
"Kahit kailan ay epal ka talaga. Paano na lang ang sahod ko? Geez, palibhasa kasi mayaman kayo tsk." Inis na sabi ni Alois. Napaubo pa siya.
Alam niyang mababawasan ang sahod niya kahit pumayag ang may-ari ng pinagtatrabahuan niya. Sayang din 'yon. Kung hindi lang kasi makulit ang kaibigan edi sana nag tatrabaho pa siya ngayon.
"Teka nga, matanong nga kita." Matalim niyang tiningnan ang kaibigan. "Anong ginagawa mo doon?"
"Dinaanan ka. I was about to say hi when I heard one of your co-workers saying that you're sick." Siya naman ang tiningnan nito ng masama. "Why are you forcing yourself, Melisa? You're sick for pete's sake!"
Napangiti siya sa inasta ng kaibigan. He's worried! Cute.
"Fine, i'm sorry, Rilen. Happy now?"
Bumuntong hininga ito. "Stop forcing yourself, Melisa. Kapag hindi mo na kaya, tumigil na. You must take care of yourself— your health."
Tinapik niya ito sa balikat. "Copy! Stop frowning, mukha kang aso sa itsura mo."
Rilen gave her a death glare na siyang naging dahilan ng pagtawa niya. Nanatiling tahimik si Rilen. Tumigil lang siya sa paghagalpak nang may maalala siya. Ang markang nakita niya sa hawakan ng patalim ng kaibigan na si Thana. Sana ay guni-guni niya lang ang nakita niya o kaya'y nagkamali lamang siya ng nakita.
"Rilen, Si Thana."
Kaagad na napatingin sa kanya si Rilen. "Anong meron kay Thana."
Saglit na natahimik si Alois. "Ah, nothing."
Biglang kinabahan si Alois ng maramdaman niya ulit ang mga matang nakatingin sa kanya. Sumilip siya sa bintana ng karwahe at tiningnan ang paligid. Biglang kinutuban ng masama si Alois nang makita ang dinaraanan nila. Ibang daan ang tinatahak nila. Napahawak siya sa kanyang dibdib, sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Bigla niyang naalala ang nangyari noon.
"Melisa? Bakit namumutla ka?"
Hindi matinginan ni Alois si Rilen. Naalala niya si Ismael, ang pag t-traydor nito sa kanya. She's starting to panic. Her hands are trembling in fear.
"Hindi pa rin nila naaalis ang bumagsak na puno kaya dito tayo dumaan."
Inangat ni Alois ang kanyang tingin. "M-may bumagsak na puno?"
Tumango si Rilen. "Ah, Oo. Kanina pa. It's a huge tree, what a waste."
Tila nakahinga ng maluwag si Alois sa nalaman. Kinabahan talaga siya idagdag pa ang mga matang nakatingin sa kanya. Alam niyang may sumusunod sa kanya at binabantayan ang bawat kilos niya pero hindi niya alam kung sino ito. Imposible naman na mahanap siya ng ama niya dahil napakalayo ng lugar na ito sa kaharian.
Tahimik lang siya hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Nagpasalamat siya kay Rilen bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Sinigurado niya na nakasarado ng maigi ang pintuan at mga bintana. Napasandal si Alois sa pintuan. Paano kung nahanap na siya? Paano kung may binabalak nanaman ang kanyang ama? Bakit hindi na lang ito sumuko at hayaan siyang mamuhay ng payapa?
Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Alois nang may kumatok. Noong una ay nag aalinlangan pa siya kung bubuksan niya ito o hindi ngunit nang marinig niya ang boses ng kapitbahay niya ay kaagad din naman niyang binuksan ang pinto.
Ngunit nagsisi rin siya sa kanyang ginawa. Her jaw dropped when she saw the man she loathed the most. Standing at the back of the old lady, looking at her, no emotions to be seen. She really regret what she did.
"May naghahanap sa 'yo. Kanina ka pa niya hinahanap."