webnovel

Ikaapat na Kabanata

"Kumusta, bud? Pasado ka ba sa ranking?" Bungat kaagad ni Gabriel nang makarating na sila ng boarding house. Alas sais na ng gabi nang makalabas sila mula sa loob ng kampo. Kasalukuyang nagbibihis na rin sila ni Claire.

"Sabihin mo bumagsak tayo." Bulong at senyas ni Claire sa kanya na siya namang sinang-ayunan niya.

"Sorry, uuwi na ako bukas sa lugar namin. Pareho kaming hindi nakapasok ni Claire sa ranking. Bumagsak kami." Dismayado ang boses na pagkukunwari niya. Napansin niyang tumahimik ang binata. Pilit na pinipigilan niya ang sariling mapabuhakhak ng tawa.

"'Yung totoo, Triz. Hindi pa ako tapos manligaw sa 'yo tapos iiwanan mo na ako?" Malungkot ang boses niyon. Pinigilan niya ang sariling matawa. Ganoon rin si Claire na sinipa pa siya ilang beses hanggang sa malaglag siya mula sa kama.

Simula kasi nang nakagaanan na niya ng loob ang binata ay kahit anu-anong mga pagkain ang dinadala nito sa kanya. Cup noodles, pananghalian, biscuits o anu-ano pang meryenda. Hindi ito tumitigil sa pagpapa-impress sa kanya. Sa tuwing nagtatrabaho naman ito ay panay ang tawag sa kanya. Ni hindi na nga siya makatulog ng hapon dahil kausap ito palagi hanggang sa umiinit na ang tainga niya. Sinabihan naman niya itong mamaya na tumawag pagkatapos ng trabaho nito pero ayaw naman paawat. May kung anu-ano pang sinasabing gumagaan daw ang trabaho nito kapag kausap siya ng binata. Na siya namang sa 'di niya inaakala ay tila kinikilig naman siya sa mga sinasabi nito. There she realized na winasak na nito ang bakod sa puso niya. There she realized that this man worth it all. There she realized that this man deserves to take the risk.

"Joke lang, pumasa kami." Sinundan niya iyon ng malakas na buhakhak.

"Triz? " narinig niya ang seryosong boses ni Gabriel. Napalis tuloy ang ngiti sa kanyang mukha. Tila kasi hindi ito natuwa sa sinabi niya.

"Hmm?" kiming wika ng dalaga.

"Alam kong siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin o itanong ko sa iyo. Pero natatakot akong iwanan mo ako." Wika nito. Nagsimulang kabahan si Beatriz. Ayun na naman sa pag-aalyansa ng kanyang puso. Parang gusto niyang ibaba ang telepono. Pati mga paa niyang nakasabit sa pader ay naiwan sa ere.

"Huwag mo naman akong pakabahin, bud." Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nilingon niya si Claire. Panunukso ang inabot niya rito.

"Triz, m…m…mahal na kasi kita." Ilang sigundong napatigil ang dalaga. Pilit ginigising ang sarili at kinukumbinsing tama ang naririnig niya. Ngunit siguradong-sigurado siyang hindi siya nananaginip at nabibingi. Pinakiramdaman niya ang sarili. Pilit niyang binabalik sa normal ang tibok ng kanyang puso ngunit,

"Miss Beatriz Flores," huminga muna ito pago pinagpatuloy ang sasabihin, "will you be my girlfriend?" Halos hindi makagalaw si Beatriz sa kanyang kinauupuan. Ang kanina pang dumudobleng lakas ng pintig ng kanyang puso ay naging triple na. Halos gustong lumundag ng kanyang puso. She admits, she wanted to nod immediately. She wanted to say 'yes'. Pero papaano? Nagkakabikig ang kanyang lalamunan. Umaatras ang kanyang dila at tila hindi alam kung papaanong sasagutin ang binata.

Napalunok siya. Kinakalma ang sarili. Sinubukan niyang tumikhim nang tumikhim nang paulit-ulit.

"Will you be my girlfriend, Triz?" Ulit nito. Marahang napatawa ang binata. Narinig pa niya ang pagsigaw ni Mark.

"Sagutin mo na kasi, Triz. Halos gabi-gabi na hindi na iyan makatulog. Lagi kang bukambibig." Rinig niyang sigaw ni Mark. Pati ang paghiyawan at pagsipol ng mga kasamahan nito sa barracks ay rinig na rinig niya. Mas lalo siyang kinakabahan.

"Triz?" sambit niyon sa kanya.

"Y…yes." Utal-utal na wika niya. Hindi niya alam papaano siya humugot ng lakas na sabihin iyon. Nanginginig man pero oo, at iyon ang nararamdaman niya. From all those efforts and late night talks ay hulog na hulog na siya ng tuluyan sa binata. Natalo na siya ng kanyang damdamin. Mahirap matalo kapag puso na ang kalaban.

"Yes? Yes daw, mga tol." Sigaw nito sa mga kasamahan. "Aray," rinig niyang sigaw ni Gabriel pati na ang tawanang namuo sa barracks nito.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Beatriz. Hinila siya ni Claire na tawang-tawa sa kanya.

"Triz, nalaglag daw si Gabriel sa duyan." Buhakhak na tawa ni Claire. Kausap rin kasi nito si Mark sa cellphone. Napangiwi siya. Lalo na nang kilitiin siya ni Claire hanggang sa napasigaw na siya sa nararamdamang kiliti at nahulog na naman siya sa kama.

"Bud, nalaglag ako sa duyan." Natatawang wika ni Gabriel sa kabilang linya. Pinigilan niya ang mapatawa.

"Bakit naman?" Nakatikhim niyang tanong.

"Nang sinabi mong oo, pumapayag ka nang maging kasintahan ko ay muntik na akong mapalundag sa tuwa. Iyan tuloy nalaglag ako sa duyan." Napangiti si Beatriz. Ramdam na ramdam niya ang tuwa at kasiyahan sa boses ni Gabriel. Siya man ay ganoon din ang nararamdaman.

"I love you, bud." Parang kinikiliti ang puso niya sa paraan ng pagkasabi niyon ni Gabriel. Sobrang sweet kasi ng boses nito. Gusto niyang sumigaw. Gustong sumigaw at lumundag ng kanyang puso. After all those years, ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganoon.

"Mahal na rin kita, bud." Sukli niya rito. Narinig niya ang mahinang pagtili ni Gabriel. Siya man ay impit na tumawa. Pinipigilan ang sariling mapatili dahil sa ginagawa at pinagsasabi ni Gabriel sa kanya.

"Salamat, ha. Thank you for giving me a chance to be part of your life. I love you. Mahal na mahal kita. Nagbunga rin lahat ng efforts ko. Sa wakas ay naging akin ka na rin. Pangako, hindi ko gagawin ang mga ginawa sa iyo ng mga ex mo. Hindi ba at sabi mo na isa sa mga rason kung bakit kayo naghihiwalay ng mga naging kasintahan mo ay dahil sa oras? Ipinapangako ko sa iyo na kung ano man ang ginagawa ko ngayon, ay gagawin ko pa rin palagi. Lagi kitang tatawagan, pakikiligin, mamahalin. Kahit nasaan ka pa." Saad ni Gabriel sa kanya. Napangiti si Beatriz. Kung nandito lang sana ang binata sa harapan niya ay yayakapin niya ito nang napakahigpit. Alam niya kasing hindi na ito makalabas ng kampo dahil tumunog na ang curfew. She just sighed.

"Thank you, Gabriel. Thank you for making me believe in love again. Good night. Matulog ka na. Maaga ka pang gigising bukas." Wika niya rito.

"Kulang, " reklamo ng binata sa kanya. Napangiti tuloy siya.

"Good night." Wika ulit ng dalaga.

"Good night and I love you. Para naman lalong gumanda ang tulog ko." Marahang natawa si Beatriz. Hindi niya akalain na mas lum-level-up pa ang ka-sweetan ng binata sa kanya.

"Good night. I love you too, bud." Tugon niya rito. Narinig na naman niya ang impit na tili ng binata. Tinalo pa siya nito sa pagtili.

Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ito saka pinatay ang linya. Nalipat ang mga paningin niya sa kaibigang si Claire na nakataas ang kaliwang kilay at nang-aasar ang mga tingin sa kanya. Nginitian niya ito.

"Ay iba rin ang ngiti ng kaibigan ko. Noong mga nakaraang buwan lang na hindi pa kayo ni Gabriel ay halos hindi ka niya makausap. Ngayon oras-oras din nag-uusap. Maypa kulang pang nalalaman. Dati may pa iwas-iwasan pang nalalaman at ayaw paligaw. Isang linggong iwasan, tampohan, nauwi rin pala sa I love you-han. Pag-ibig nga naman." Nakailing-iling na wika nito habang papahiga at hinuhugot ang kumot nito.

"Mukha namang hindi ka in love na in love kay Mark." Tampal niya sa tagiliran nito habang tumatabi ng higa rito.

"Matulog na nga tayo. Happy first day sa inyong dalawa bilang mag-jowa. Kung noon sanang sinagot mo na siya kaagad matagal nang naging kayo. Pinalipas-lipas mo pa ang isang buwan. Kayrami tuloy nangyari. Good night." Irap at sulyap ni Claire sa kanya. Natawa tuloy siya saka nilipat sa kabilang direksyon ang katawan. Pilit na ipinikit ang mga mata habang nakangiti. At oo, inaamin niya, ang nakangiting mukha ng binata ang pumapatak sa kanyang isipan.

"Bud, maaari mo ba akong samahan mamayang gabi?" Wika ni Gabriel sa kanya nang tumawag ito kinahapunan. Break kasi nito at nagmemeryenda. "Para maging komportable ka, yayain mo si Claire. Yayayain ko rin si tol." Imbita nito sa kanya. Nilingon niya ang kaibigang nasa tabi niya nakaupo. Tumango naman kaagad ito dahil naka-loud speaker naman ang cellphone niya.

"Saan ba tayo gagala?" Tanong niya rito. Ngunit sa kabilang banda ay sabik siyang makita ito. Hindi pa niya kasi ito nakikita mula kagabi nang sagutin niya ito. Kinakabahan man siya ngunit mas nananaig ang kasabikan niyang masilayan ito.

"Gusto na kasi kitang ipakilala sa parents ko." Kaba ang namayani sa buong sistema ni Beatriz. Papaano siya haharap sa mga magulang ni Gabriel? Bukod sa kabang nararamdaman ay tila natatakot rin siya. Iyon kasi ang pinakaunang pagkakataong ipapakilala siya ng kanyang kasintahan sa mga magulang nito.

"P…pero kakasagot ko lang sa iyo kagabi." Utal-utal na wika niya sa kabilang linya. Ngunit sa isang pagbuntong-hininga ng binata ay tila nararamdaman niyang nakangiti ito.

"Kaya nga ipapakilala kita kaagad dahil tayo na. Gusto kong makilala ka ng parents ko." Wika nito sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag na kaagad. Mapilit ang binata ngunit masayang-masaya siya dahil sa desisyon nitong ipapakilala kaagad siya nito sa pamilya ng binata.

Mula sa kanilang boarding house ay siya na ang nagmaneho ng motorsiklo ni Gabriel. Napagkasunduan nilang doon nalang sa unahan sila magpapalit dahil maraming aplikante ang nakaabang sa labas at baka mahalata sila. Sakay niya si Claire samantalang si Gabriel naman ang nakasakay sa motorsiklo ni Mark.

Pagdating ng mga iilang kilometro ay itinigil na ni Mark ang motorsiklo sa tabi. Si Gabriel na ang nagmamaneho ng motor. Si Claire naman ay lumipat sa motor ni Mark.

"'Eto magsumbrero ka. Baka kasi umulan. O kaya ikaw na magsuot nitong helmet." Nilingon siya ni Gabriel habang pinapaandar nito ang makina. Sa pagkakataong iyon ay mas nadagdagan pa ang kanyang pagkabalisa. Ni hindi nga niya magawang idikit ang sarili sa likod ni Gabriel.

"O…okay na ako sa sombrero." Tanggi niya. Nakaangakas na siya sa likod ni Gabriel.

Tahimik na binaybay nila ang daan. Madilim na rin at panay na ang tanong niya kung malapit na ba sila. Dahil sa papalapit nang papalapit ay tila mas dumadagdag pa ang kabang nararamdaman ng dalaga.

"Bud?" Mahinang sambit ni Gabriel sa kanya. "Kinakabahan ka ba?" Tanong nito habang nakatuon ang mga mata sa daan.

"Kanina pa kaya. Halos gusto na nga kitang sabihang bumalik nalang tayo sa dinaanan natin, eh." Sinundan niya iyon ng mahinang pagtawa.

"Mabait ang mga parents ko, bud. Pangako ko iyan sa iyo. Akin na nga ang kamay mo." Inabot niya ang kaliwang kamay kay Gabriel. Hinawakan niyon ang kamay niya at pinisil. Napatawa siya. Gusto niyang bawiin ang kamay niya ngunit mahigpit na hinawakan iyon ng binata.

"Malamig ang kamay mo, bud. Kinakabahan ka nga." Wika nito. That was the first na hinawakan ni Gabriel ang kamay niya. And it feel so damn good. Ngunit nagulat nalang siya sa kasunod na ginawa ng binata. Dinala nito ang kanyang kamay at inilapat sa dibdib nito. "Naririnig at nararamdaman mo ba ang pintig ng puso ko, bud? Kagabi pa 'yan ayaw tumigil. Ang lakas kasi ng tama sa 'yo." Matapos nitong magsalita ay hinalikan pa nito ang kamay niya. Mariing napapikit si Beatriz. She wanted to scream with joy. This man turned her cold heart na parang isang maamong tupa. Mas lalo pang nag-umapaw ang sayang naramdaman niya sa ibinulong nito sa kanya.

"I love you, bud." Bulong ni Gabriel saka kinintalan ulit ng halik ang kanyang kamay.

"P…pwede bang ayusin mo ang pagmamaneho mo?" Kunwaring utos niya sa binata ngunit ginawa niya lang iyon upang pakalmahin ang sarili.

"Kaya ko namang mag-drive ng isang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay mo." Wika nito. Hindi nalang siya nagprotesta pa. Mayamaya pa ay itinigil nito ang motorsiklo sa kabilang daan. At nakikita na niya sa kabila ang isang bahay na gawa sa kahoy at isang maliit na kubo sa labas. May dalawang lalaki ring nakaupo sa labas. Kinabahan siya. Alam niyang isa roon ang ama ni Gabriel. Kahit pinatay na nito ang makina ng motorsiklo ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

"Halika ka na. Tol, sunod kayo." Lihim na napangiti si Beatriz. Hanggang sa makatawid kasi sila sa daan ay hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya papunta sa dalawang lalaking nakaabang sa kanila. Nagmano ito.

"Pa, uncle, kasintahan ko po." Ramdam na ramdam niya ang pang-iinit ng kanyang mukha ngunit mabuti nalang at madilim sa labas.

"Magandang gabi po, sir." Wika niya sa isang mataas at medyo may kalakihan ang katawan na ama ni Gabriel. Alam na niya kung saan namana ng binata ang tangkad nito. Nagmano kaagad siya pati sina Claire at Mark.

"Hello, iha." Bati ng ama ni Gabriel at ngumiti naman sa kanya ang uncle nito na medyo mataba ngunit singtaas ng ama ni binata.

"Anong, sir? Papa." Saway sa kanya ni Mark. Hindi na niya pinansin ang pag-aasar nito dahil ukupado ng kaba ang kanyang dibdib. Lalong-lalo na nang hilahin siya ni Gabriel papunta sa pintuan ng bahay nito kung saan nakaabang ang dalawang batang lalaki, isang dalagita at alam niyang ina ni Gabriel. Halos hindi niya maihakbang nang maayos ang mga paa sa magkahalong kaba at hiyang nararamdaman.

"Mga bata, say hi to ate Beatriz. She is my girl friend." Wika nito. "Bud, mga pamangkin ko pala." Lumapit naman at bumati sa kanya ang mga bata. "Bud, pinsan ko, " pagpapakilala nito sa isang dalagita. "Cuz, meet my special someone." Nang-iinit na naman ang mukha niyang humarap sa pinsan nito. "Ma, girlfriend ko po." At iyon na. Sandaling tinitigan siya ng ina nitong naka-eye glass pa at nakasuot ng mataas na duster na sa palagay niya ay nasa mga 60 na ang edad. Mabuti nalang at ngumiti kaagad ito sa kanya. Nagmano kaagad siya matapos si Gabriel.

"Naku, pagpasensyahan niyo na ang munting bahay namin, ah. Halina kayo, iha at Gabriel at nakahanda na ang mesa sa hapag. Sabay tayong kumain." Yaya nito sa kanila na sila namang sumunod ngunit balisang-balisa pa rin siya dahil hindi pa rin binibitawan ni Gabriel ang kamay niya. Kung hindi lang sana ito inutusan ng ina na bumili ng condense milk para sa buko juice nito ay hindi nito papakawalan ang kamay niya.

"Oh siya, kumain na kayo. Sundalo rin ba kayong dalawa?" Tanong sa kanila ng ina ni Gabriel. Umiling-iling kaagad siya habang inaabot ang pinggang isa-isa nilang tinatanggap ni Claire at Mark.

"Hindi po, ma'am. Nag-a-apply palang po." Sagot niya habang nagsasalin ng kanin sa plato.

"Ikaw talaga, Triz. Mama nga dapat itawag mo, ano'ng ma'am ka dyan?" Saway na naman sa kanya ni Mark. Dinilatan niya ito ng mga mata. Nakita pa niya ang marahang pagtawa ng ina ni Gabriel.

"Alam mo ba'ng ikaw pa ang pinakaunang babaeng ipinakilala ng anak ko sa 'min? Mabuti nalang at nakapagpakilala na siya ng babae sa amin. Akala kasi namin pihikan, eh." Natatawang wika ng ina ni Gabriel habang inaabot sa kanya ang ulam. Lihim na napangiti siya. Ang akala niya kasi ay maraming babae na ang nadala ni Gabriel sa bahay nila. Syempre, dahil isa itong sundalo ngunit nagkamali pala siya ng iniisip dito.

Matapos ang ilang oras nang pananatili sa bahay nila ni Gabriel ay napagdesisyunan na nilang bumalik na ng kampo. Kahit sa paglabas nila ng bahay at pagpaalam nila ay hawak-hawak pa rin ulit ni Gabriel ang kamay niya. Parang hinahaplos ang puso ni Beatriz. Ang sarap naman pala kasing mahalin nitong si Gabriel nang hindi niya inaakala. Mayamaya pa ay isinuot nito sa kanya ang hininging jacket mula sa ina nito. Nagulat tuloy siya. Buong akala niya kasi ay ipapahiram nito iyon kay Mark dahil nagmamaneho rin ito at sobrang lamig.

"Thank you, bud. Maraming salamat sa kasiyahang dinala mo sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Humawak ka naman sa 'kin. Hindi ka lalamigin niyan." Nagdadawalang-isip pa siya sa utos ni Gabriel. Ngunit kinuha nito mula sa likod ang dalawang kamay niya at ito na mismo ang nagpasalikop upang makayakap siya rito. Hindi na siya nagprotesta pa kahit nakatanaw sa kanila ang ina at ama ni Gabriel na kumakaway pa habang papalis sila. All she wanted to do is to enjoy every moment she have with this man inside her embrace. All she wanted to do is to love this man who made her fall in love again.