webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
39 Chs

Chapter 8: His other sides

Nasa sala kami ni kuya Mikey, si Dice naman ay bumalik na sa kwarto niya dahil hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya.

Nakapagsalang na rin ako nang uulamin namin para sa tanghalian.

"You're so quiet." Sabi ni kuya Mikey. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. "Please talk, hindi naman ako mahirap kausapin." Dagdag pa niya.

"Okay." Sagot ko.

"Ngayong araw ang death anniversary ni Tita Daisy, ang Nanay ni Dice." He said.

Nanay? Bakit? Hindi ba si Mommy Grace ang nanay niya?

"Nagtataka ka siguro ngayon, well, hindi dapat ako ang magkwento sayo nito." He paused. "Ang masasabi ko lang ay tuwing August 5, lagi siyang ganiyan."

"Ganiyan?"

"Oo. Fifteen years na siyang ganiyan.  Tuwing August 5, lagi siyang nagkakasakit. Ewan ko kung bakit, pero dahil na rin siguro sa lungkot. Tandaan mo ang araw na 'to. Wag mo siyang papalabasin nang hindi ka kasama at wag mo siyang iiwan. Please. Saka pala, wag mo siyang hahayaang maglasing, magwawala 'yan." Paliwanag niya.

Ibig sabihin ba nito, 15 years na ang nakalipas noong namatay ang Nanay niya. Paano nangyari 'yon? Kung ganoon ano si Mommy Grace?

"Alam kong naguguluhan ka, si Dice na ang magpapaliwanag sayo ng lahat kapag handa na siya. Hayaan moong siya mismo ang magsabi sayo." Dagdag ni kuya Mikey.

"Salamat, k-kuya Mikey." Sabi ko naman.

"Key na lang, wag na kuya Mikey." Aniya.

"But—"

"Si Dice nga, Dice lang ang tawag mo samantalang mas matanda siya sa 'kin." Ngumiti siya sa akin. Ewan ko, pero magaan din ang pakiramdam ko sa lalaking 'to.

"Okay, Key." I said.

"Alam mo naman siguro na.." sumenyas si Key na parang nagsusuot at naghuhubad ng maskara. Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin. Tinutukoy niya ang pagiging two faced ni Dice o ang pagpapanggap niya.

"Oo, matagal na." Sagot ko.

"Siguro ikaw at ako lang ang nakakaalam." Sabi niya.

"No, apat na tayo."

Ikinagulat iyon ni Key.

"Talaga? Looks like he's improving huh." Bulong niya.

"Mauna na ako ha." Paalam niya.

"Dito ka na maglunch." Aya ko sa kaniya.

"Mag-aayos pa kasi ako ng gamit, kadarating ko lang kasi sa Pilipinas." He said.

"Ah, ihahatid na kita sa labas. Dadaan din kasi ako sa pharmacy." Sabi ko.

"Sige. Teka, humahaba na ang mga sinasabi mo ah." -Key. Pinat niya ang ulo ko.

"Wait for me." I said.

"Wait, hindi pala pwede." Pigil niya. "Hindi mo nga pala pwedeng iwan si Dice." -Key "Pagpasensyahan mo lang siya ngayon, he'll be fine tommorow."

"Ah, right." -Ako

"Then, aalis na 'ko." -Key.

"Ingat." -Ako

Nginitian niya ako ang then umalis na. Pumunta naman ako sa kusina para icheck ang iniluluto ko.

Nagulantang na naman ako nang may narinig akong nabasag. Kaagad akong tumakbo agad sa kwarto ni Dice pero nakalock ito. Kumatok ako ng paulit ulit pero walang sumasagot. Sobrang kinakabahan na ako.

"Dice! Buksan mo 'to, ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ko sabay katok ng malakas sa pinto. Naalala ko tuloy 'yung tinuro sakin ni Papa kung paano mag-lockpick. Tumakbo ako sa kwarto ko saka kumuha ng hair pin. Kaagad kong sinubukan na buksan ang pinto gamit ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas din ito.

Nakaupo si dice sa sahig tapos nakasandal sa gilid ng kama.

"Go away!" Sigaw niya. Kinilabutan ako dahil ngayon lang siya nagkaganiyan. Nakaamoy ako ng alak, kaya naman pala siya nagkakaganyan. Lasing siya. Saan naman niya nakuha 'yung alak?

Kinuha niya yung alak sa tabi niya saka nilagok ito.

Nakakaisang hakbang palang ako ay humiyaw na naman siya. "I said go way!" Hindi pa rin ako tumigil. Napahinto lang ako nang may maramdaman akong tumutusok sa paa ko. Eto pala yung nabasag kanina, isang bote ng alak.

Umarte lang ako na walang nangyari at patuloy na naglakad papalapit sa kaniya.

"Itigil mo na yan." Sabi ko. Pero bigla niyang ibinato ang bote ng alak. Akala ko tatamaan ako pero hindi. Sa huli, ayaw pa rin niyang makasakit. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nagkukulong dito. Ayaw niyang may makakita sa kaniya na nagkakaganito.

"Hindi mo ba ako naiintindihan?! Get out!" Sigaw niya uli. Hindi ako nagpatinag dahil kabaligtaran ng sinasabi niya ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

Kinuha ko 'yung mga alak na nasa paligid niya saka ito inilayo. Humawak siya sa ulo niya habang nakaupo pa rin sa sahig.

"Hindi naman alak ang solusyon sa kung ano man ang nararamdaman mo ngayon." Sabi ko. Itinapon ko ang laman ng mga bote ng alak sa basurahan.

Tumayo si Dice, lalabas sana siya sa kwarto pero bago pa man siya makalagpas sa pinto ay pinigilan ko siya. Niyakap ko siya likod nang sobrang higpit.

"Kung ano man ang nasa isip mo ngayon, makikinig ako. Wag mo naman idaan sa ganito, hindi ka ganito diba?" I said while hugging him from the back.

Hindi siya nagsasalita.

Kumalas na ako sa magkakayakap saka nagpunta sa harap niya. Nakayuko siya at nakatingin sa sahig.

"I can't forget." Bulong niya. Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya dahil blanko ang mga mata niya ngayon. "How she died... I saw it all with my own eyes."

Hinawakan ko ang kamay niya saka pinaupo sa kama. Tumabi ako sa kanya.

"I was beside her when she died, wala man lang akong nagawa." He said. Hindi nagcrack ang boses niya kaya hindi ko sure kung umiiyak ba siya o hindi. Sumandal siya sa balikat ko.

Matagal na katahimikan din ang nagdaan. Sa tingin ko ay kalmado na siya. Kahit na nangangawit na ako ay hinayaan ko pa ring maging komportable siya. Sana hindi niya naririnig ang kabog ng dibdib ko.

Maya maya pa ay nagsalita na siya.

"I'm sorry, ayokong may makakita sa 'kin na nagkakaganito. Sorry, because i behaved like this." He said. "You must think Im a terrible person now, right?"

"Nope, not at all." Sagot ko.

"Thank you." He said. Nahiga na siyang muli sa kama. "You can now rest, hindi ko na uulitin ng mga ginawa ko, so don't worry about me." Huminto siya saglit. "I'll be fine." Sinenyasan niya ako na umalis na kaya tumayo na ako. Lalabas na sana ako pero naalala ko yung sinabi ni Key, na wag kong iiwan mag-isa si Dice.

Bumalik ako. Nagpunta ako sa tabi ni Dice saka nahiga rin. Nakatalikod siya sa akin, pero alam ko na naramdaman niya na bumalik ako. Nakakahiya pero niyakap ko ulit siya. Hindi siya gumagalaw, so hindi niya ako tinataboy. Napangiti ako. Alam kong selfish dahil may ulterior motive kung bakit ko 'to ginagawa. Ngayon ko lang narealize na gusto ko pa siyang makilala. His good sides, even his bad sides, I want to know it all. I want us to get closer.

...

Nagising ako nang maramdaman ko na para akong lumulutang.

Ah, buhat pala ako ni Dice. Nakabandage na ang paa ko, at ikinagulat ko iyon. Im confused if this guy is good, bad, or weak. Patungo kami sa kwarto ko. Madilim na pala.

Ngayon ko lang narealize na nakaprincess carry pala ako. Kaya heto na naman, may nangyayari na naman kakaiba sa dibdib ko. Ibinaba niya ako sa kama ko pero yumakap ako sa leeg niya. "Are you sure, you'll be okay?" Tanong ko.

"Yes, I'll try." Sagot niya.

"Tomorrow, when I wake up, gusto ko okay ka na, namimiss ko na kasi yung pamwisit na Dice." Biro ko.

Nginitian niya lang ako then umalis na.

Di ako makatulog buong gabi. Sobrang nagtataka kasi talaga ako. Sino ba 'yung tinutukoy niyang Nanay? Ibig sabihin ba nito, adopted lang si Dice?

...

Kinaumagahan, napansin kong nakabalik na sa dati sa Dice. Ewan ko kung nakalimutan na niya lahat ng nangyari kahapon o umaarte lang siya na parang walang nangyari. I saw that weak side of him, at sa tingin ko nahihiya siya dahil doon.

Nasa school ako ngayon habang tumutulong na magdecorate ng booth ng section namin. Malapit na kasi ang Foundation week ng school namin kaya naghahanda na ang lahat. Hindi ko pa nakikita si Dice mula kaninang umaga, siguro ay busy siya.

"Shihandra." Tinawag ako ng adviser namin.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Pwede mo bang kuhanin ang iba pang decorations sa table ko sa faculty room?" Pakiusap nito.

"Sige po."

Dali dali naman akong pumunta sa faculty. Nasa second floor ito sa tabi ng library. Kumatok muna ako bago pumasok. Sumilip ako pero parang wala yatang tao sa loob, busy siguro ang mga teachers sa pagpeprepare para sa foundation week.

Pumasok na lang ako. Napakatahimik sa loob ng faculty room, at ang lamig din. Tanging yapak lamang ng paa ko ang mahinang tunog ng aircon ang naririnig ko.

Teka, saan nga uli 'yung table ni Ma'am? Hindi ko alam kung saan ako dapat magsimula dahil maraming table dito sa loob. Ang tanga tanga ko naman kasi, hindi muna ako nagtanong.

"Bakit ka nandito?"

Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Dice.

"Inutusan ako ni Ma'am Anne." Tanong ko.

"What is it?" Tanong niya.

"May p—"

Natigil ako sa pagsasalita dahil may pumasok na dalawa pang teacher. Naggood morning ako sa kanila at ganoon din sila. Tumingin naman ako kay Dice, hinihintay pa rin niya siguro ang sasabihin ko.

"May pinapakuha lang sa akin si Ma'am Anne na mga materials..." Pagkatapos kong magsalita ay tumingin sa akin ang dalawang teacher na pumasok kanina. Oops. Yung way pala ng pagsasalita ko. "...po." Dugtong ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagpatuloy na sila sa ginagawa nila. "Saan PO ba ang table ni Ma'am Anne?"

"Here, beside mine." Itinuro niya sa ito sa akin.

"Thankyou po."

Kinuha ko na agad ang kahon sa ilalim ng table ni Ma'am na naglalaman ng mga pangdecor. Medyo mabigat ito pero kinaya ko naman buhatin.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin ay hindi ko maiwasang ibaba muna saglit ang dala ko dahil sa ngawit.

"Tulungan na kita, Shihan." Sabi ng isang lalaki na di ko naman kilala.

"Ako nalang, tulungan na kita." Sabi pa ng isa.

"No, it's me who will help her." -guy 3

"Tabi, akin na Shihan." -guy 4

"Ano ba, ang papayat niyo! Ako na kasi." -guy 5

Napabuntong hininga na lang ako. Nagpatuloy pa sila sa pagtatalo kaya nilampasan ko na lang sila. Mukhang hindi rin naman nila napansin.

"Look at her, sineseduce na naman niya 'yung mga lalaki."

"Ano bang meron sa kaniya?"

"She's cute."

"As expected sa silent goddess ng school natin."

Ilan lamang iyan sa mga narinig kong bulungan at usapan ng mga mga estudyante sa paligid ko. Wala naman akong magagawa kundi hayaan na lang sila dahil magmumukha lang akong eskandalosa kapag napikon ako at pinatulan sila. Saka, hindi naman lahat masama ang sinasabi tungkol sa akin.

"Shihan!" Sigaw ni Ciro nantumatakbo papalapit sa akin. "Tulungan na kita jan."

"Wag na, ako na lang." Sabi ko saka lumapit din sa kaniya. Sa lahat ng lalaki sa school na 'to, kay Ciro lang ako komportable.

"Hindi pwede, mapapagalitan ako ni Sir." Napakamot si Ciro sa ulo.

"Sinong Sir?" Mahinang tanong ko.

"Sino pa ba? None other than your hubby." Bulong niya saka mahinang tumawa. Parang biglang nag flutter ang puso ko nang marinig ko ang salitang hubby.

"Talaga?" Tanong ko ulit.

"Oo nga, kaya ibigay mo na sa 'kin 'yang dala mo." Pilit ni Ciro.

Ibinigay ko na ito sa kaniya, nabibigatan na rin kasi ako.

"Masyado kang obvious." Ani Erine. Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala siya at naglalakad kasabay namin ni Ciro.

"Obvious? Anong obvious?" Tanong ko.

"Talaga?" Biglang sabi ni Erine habang abot tainga ang ngiti. "Nawiweirdohan ka siguro sa akin ngayon no? Ganito lang naman ang hitsura mo kanina."

Biglang nagflashback sa isip ko ang pag-uusap namin ni Ciro kanina. Ako pala ang iniimitate ni Erine.

"Mas cute naman si Shihan kesa sayo no. Hahahaha." Sabat ni Ciro.

"Nyenye." Sagot ni Erine kay Ciro. "Hoy shihan, prankahin na kita. Sagutin mo na lang lahat ng mga tanong ko."

"Teka teka, ako nalang magtatanong!" Nagsmirk si Ciro.

"Wag mong sabihing iisa lang ang naiisip natin?" Ani Erine.

Nagkatinginan pa sila ng ilang segundo.

"Sabay na lang tayo?"

"Sige!"

Bigla nilang ibinaling sa akin ang tingin nila.

"Shihan..."

"Crush mo ba si Sir Dice?" -Ciro

"Crush mo ba si Ciro?" -Erine

"HA?" Sabay na nagkatinginan ang dalawa.

Thank you so much for supporting my story kung umabot ka hanggang dito! If you have suggestions, ideas, or reactions, let me know in the comments!

emi_sancreators' thoughts