This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning: Matured Content! This story has strong violence and language. Underage , are not allowed in here.
***************
Chariz Point of View
Menil Empire. Isang Imperyong bansa na nabuo matapos mag isang pamahalaan ang bansa ng Wastika at Menil bilang Menil Republic. Sinakop ng Menil Republic ang mga katabing bansa pa nito na Seishun, Chunibyo at Estra Republic na mga bansang pabagsak ang ekonomiya at laganap ang karahasan at kahirapan. Pormal na naging isang imperyo ang Menil Republic at niyakap ang pamahalaang monarkiya.
Sa kasalukuyan, isa itong payapang bansa na mayroong disenteng diplomansiya sa mga katabi nitong mga bansa lalong lalo na ang bansa ng mga Elf ang Elvina, bansa ng mga Dwarf ang Dwarfa Federation at ang bansa ng mga Dragon, ang Authoritative Country of Dragons.
Patok sa mga bisitang mga Maharlika ang Menil lalo na ang Menil International Academy dahil sa kamangha-manghang antas nito bilang isang magic academy. Maging ang mga mamamayan ng hindi kasundo na bansa ng Menil ay nagbabakasakali na mag-aral rito at maging magaling sa larangan ng mahika.
Isang bansa na aking inalagaan ng kay ingat. Isang bansa kung saan ako unang umibig, pagkatapos ay nabigo, nawalan ng emosyon, naging palaboy laboy. Tunay na nakaka-antig na buhay, isang buhay na walang katapusan.
*****
'Oh my god! Ang cute mo naman Veve my love so sweet' Ito ang nais kong isigaw kapag nakita ko na ngayong araw si Veronica.
For that to happen, pumasok ako ng maaga sa academy ngayon. Inabangan ko ang kaniyang pagpasok sa campus. Naghintay ako sa kaniya sa gate. Siyempre wala akong pake sa pagbubulungan ng mga kapwa ko estudyante na pumasok sa academy. Tanging kay Veve my love so sweet lamang ako naka-lock on!
Makalipas ang ilang minuto, ang malakas na tunog na dulot ng pagtakbo ng kabayo at pag-gulong ng mga gulong ng isang karwahe, nasulyapan ko na ang karwahe na sinasakyan ni Veronica. Yey!
Tumigil ang karwahe. Nasabik akong makita siya na bumaba at aking malanghap ang kaniyang nakakahalimuyak na amoy. Napa-hawak ang aking magkabilang kamay at inilagay ko sa aking dibdin.
"Lumabas ka, Veve ko!!" Sabi ng nasasabik at nagsimulang kiligin ang aking kalamnan.
"She's at it again."
"That weirdo never learns her lesson."
"Talk about being a creep."
Bulungan ng ibang mga estudyante na hindi ko papansinin.
Ilang sandali pa, bumaba ang eleganteng aking mahal na Veronica.
Her hair is so silky smooth and shining as usual. I want our future children to inherit her golden hair. I wish we can have children!!
Sa pagpasok ni Veronica sa campus, as I was daydreaming about her beauty sinapol ako ng kaniyang dalang bag na mabigat.
Tinamaan ako sa tiyan at ako'y natumba sa lupang mayroong maninipis na damong pan dekorasyong ng academy.
"You commoner! How many times do I have to tell you that your presence is a nuisance. You're ruining my grand entrance! Do it again for the last time, you'll get executed." Inis na sabi ni Veronica sa akin saka nito kinuha ang kaniyang bag.
"V-Vero." Nahirapan akong magsalita dahil sa sakit ng tama na binigay ng bag niya sa aking tiyan. "So barbaric and beautiful!" Natuwa kong sabi nang ako'y magkaroon na ng lakas para tumayo. Wala na si Veronica sa aking pananaw kaya nagmadali akong pumasok sa academy, sa room kung saan magka-klase kami at seatmate pa.
Destiny!
Sa pagpasok ko sa classroom, agad akong umupo sa aking upuan at nakangiting hinarap si Veronica na nagbabasa ng libro.
"V.E.R.O.N.I.C.A, maha-" Tinawag ko siya pero hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil binuhusan ako ng tubig ng dalawang kaklase naming lumapit sa akin agad pag kaupo ko.
How dare you interrupt my lambing sessions!
"Hey commoner, stop being a creep towards miss Veronica."
"Learn your place!" Sabi ng mga ito sa akin.
Hinarap ko sila at sumimangot sa kanila.
"Ehh, talaga ba? Mga bruha." Walang kagana-gana kong sabi sa kanila.
"You-" Hindi natapos magsalita ang isa sa kanila dahil sumenyas si Veronica sa kanila.
Wow! She's protecting me, how sweet. I love her. I want to marry her.
"Commoner. You're idiotic. I'm starting to get really annoyed by your behavior." Sabi ni Veronica nang mariin sa akin.
Oh so scary. I love it!
"Lei, Mia. Don't try to do anything towards this commoner." Utos nito sa dalawang bruha. Hindi ko sila kilala dahil hindi ako interesado sa kanila. "You'll regret getting into my nerves."
Wala pa akong ginagawa ngayong araw pero pinagbantaan na ako? Ang sweet talaga!!
"Anong gagawin mo sa akin mahal?" Masayang tanong ko kay Veronica na napataas ang kanang kilay.
"Mahal? Manahimik ka. I mean shut up!" Saway nito na mayroong mataas na boses.
"Weirdo!!" Sabay na sabi naman ng mga babaeng alipores ni Veronica.
Hindi na ako nakapag-salita ulit, dahil dumating na ang bad timing na instructor.
Minsan talaga, naiisip kong ambushin ang mga instructor at patulugin para lang hindi sila pumasok at maabala ko ng matagal si Veronica. Pero sinabihan ako ng aking magaling na mahal na kamaganak na wag gagawa ng kalokohan sa Menil International Academy.
*****
School lunchtime.
Kumakain kami sa lilim ng puno na malapit sa pader ng campus habang naka-lapag kami sa madamong lilim, kasama ko rito ang dalawa kong kaibigan na sina Tyfana at Yold.
Si Tyfana ay isang malditang babae na walang ibang kinaka-usap ng maayos kundi kaming dalawa lamang ni Yold. Mayroon siyang kulay brown na mahabang buhok. Kulay berde ang kaniyang mabilog na mata. Matangos ang kaniyang ilong, mas matangos pa sa akin, nakaka-inis! Higit sa lahat, mas malaki din ang kaniyang dibdib keysa sa akin.
Si Yold naman ay matipuno ang katawan na lalaki. Medyo singkit ang kaniyang mga mata at makapal ang kaniyang halos magkabungguan na na mga kilay. Matangos din ang ilong nito. Yun nga lang, hindi siya popular sa mga babae, kase kalbo siya at ayaw niyang magpatubo ng kaniyang buhok. Hindi naman siya interesado sa mga babae sa campus liban na lamang kay Tyfana na kasama nitong lumaki.
Mga 3rd year na sila habang ako ay 2nd year pa lamang. Isang taon na lamang ang itatagal nila sa academy.
"Cha...penge ako ng egg roll." Pagtawag sa akin ng malambing nang nanghihingi ng pagkain na si Tyfana.
Nanlaki ang mata ko dahil mabilis niyang nahablot ang egg roll na nasa lunch box ko gamit ang hawak niyang tinidor at kaniyang isinubo't kinain.
Napangiwi ako.
"Fana..." Reklamo kong pagtawag sa kaniya.
Tumawa lang ito at sunod na tumingin sa pagkain ni Yold.
Kaagad na dinipensahan ni Yold ang kaniyang lunch box at dumistansya sa amin.
"As usual, you're gluttonous!" Sabi ni Yold kay Tyfana na naasar sa kaniyang narinig.
"Bwesit ka ang damot mo talaga kalbo!" Pangaasar na reklamo ni Tyfana.
"Matakaw!" Gumanti naman si Yold. "Pasensya kana Chariz, papansin ehhhh." Bumaling agad ang atensyon ni Yold sa akin.
Tumango lamang ako at nagpatuloy kumain habang silang dalawa ay patuloy na nag-asaran.
Ang sweet nila 'no? Nag aaway na mga abno.
Natapos kami sa pagkain at nagpahinga. Hinihintay lang namin na tumunog ang bell hudyat ng paguumpisa ng afternoon classes.
Nakahiga ako sa hita ni Tyfana habang kinakamot niya ang aking ulo ng maingat.
Nakaka-relax.
Si Yold naman ay tumambay sa itaas ng puno.
Ang sarap ng pagtambay naming tatlo sa lugar na ito. Tinuturing namin itong teritoryo namin, hinding-hindi namin hinahayaan ang sinuman na tumambay dito. Inaaway namin.
Ilang saglit pa ang lumipas, binasag ni Yold ang katahimikan.
"Chariz. May balita naba sa inyo ni Veronica?" Tanong ni Yold sa akin.
Napatapik ako kaagad sa aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. "Wala paring balita. Wala paring pag-usad. Hanggang pangaasar lang sa kaniya ang nagagawa ko at bugbog ang inaabot ko." Tugon ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang biglang pagbigat ng mga pagkamot sa ulo ko ni Tyfana.
"Cha. Alam mo, mabuti pa siguro tigilan mo na 'yung hambog na basurang Veronica na iyon!" Reklamo ni Tyfana sa akin. "She's getting ahead of herself just because she's a daughter of a Marquis. There's nothing special about her, she's not even Trio Magic or Multi Magic Wielder. She's a plain Dual Magic Wielder."
"You sure talk a lot, you're only Single Magic Wielder." Tugon ni Yold sa sinabi ni Tyfana.
"Hoy kalbo, baka nakakalimutan mo kung ano ako?"
"Tao?"
"Bwesit ka talaga kahit kailan."
"Huwag kayo mag-away uy." Saway ko sa kanila. "Veronica is a really beautiful lady. I love her because she's herself. Ang cute-cute niya kapag nagagalit."
"Cha. You need to be careful about what you're doing in the academy." Sabi ni Tyfana sa akin. "I know that reason why you suddenly decided to enroll in this academy last year was because you said you saw a beautiful maiden and fell in love with her."
"We may not know what unexpected events will unfold that will be unpleasant for you. After all, the Council and the Imperial Government doesn't recognize and respect your existence anymore as the foundi-"
"I know, Yold. I don't even want to announce my existence to this empire rotting to its core. Isa pa, I genuinely just want to pester and love Veronica until I graduate."
"Mabuti kapa. Ang ibinigay sa aming misyon ng gurang na iyon ay manmanan ang mga espiya na nakapasok sa academy na ito." Reklamo ni Yold.
"North Empire... Kailan kaya sila titigil? Masyado silang papansin." Angal ni Tyfana.
"Well. Do your best, you can do it." Pagbibigay ko sa kanila ng lakas loob. "Just make sure to not forget, we're best friends in and out of the campus until I graduate."
"Your wish is our command, our grace." Sabay na sabi nila.
"Kasasabi ko lang!"
Sorry!" Sabay na sabi muli nilang dalawa. Napabuntong hininga tuloy ako.
*****
Veronica Point of View
Isang taon.
Isang taon na akong ginugulo at pini-peste ng walang hiyang commoner na iyon.
Hindi ko alam kung paano ko siya aalisin sa buhay ko dahil kahit anong gawin ko hindi siya lumalayo. Mas nagugustuhan pa nga niya kapag sinasaktan ko siya o pinapahiya sa harap ng mga tao.
Hay! Kasalanan ko naman. Kung hindi ko sana pinulot ang panyo niyang lumipad noong 'First Day of School Assembly' ay hindi kami magkakatagpo.
Ang walang hiyang iyon, matapos kong ibigay sa kaniya ang panyo ay bigla niya akong sinunggaban ng yakap at sinabihan ng 'I love you' ng maraming beses.
Nakaka-asar!
Tuwing nakikita ko ang nakaka-suklam na itsura ay kaagad kumu-kulo ang aking dugo sa katawan.
Mayroon siyang itim na buhok na aabot sa kaniyang balikat, ang kaniyang mga mata ay kulay brown at mahaba ang itim nitong pilikmata at makapal na maputlang labi. May kalakihan din ang dibdib na siyang kina-iinisan ko sa lahat at higit sa lahat, ang haba ng suot niyang palda na napaka-sagwang tignan.
Hanggang balikat ko lang siya pero hindi ko magawan ng paraan para alisin siya sa buhay ko.
*****
Natapos din ang buong klase ng pasok ngayong araw. Kaagad akong umuwi sakay ng karwahe ng pamilya Lunox. Sa pagpasok ko sa aming mansyon ay sinalubong agad ako ng mga servants.
"Kamusta ang araw mo ngayon my lady?" Tanong sa akin ni Sizil, ang mayordoma ng mansion na ito. "Kanina pa po kayo hinihintay ni lord Tenzen."
Ano na naman kayang kailangan ni papa?
"Kailangan ba agad? Hindi na ba ako magpapalit ng damit?" Tanong ko. Tumango si Sizil sa akin saka tumalikod at nagsimula itong maglakad. "My lady, salubong ang kilay ni lord Tenzen. Mukhang malaking bagay na napaka-importante ang inyong pag-uusapan."
Napatapik ako sa aking magkabilang pisngi. "Could it be? He's started pairing me with another vermin?" Napatawa si Sizil sa kaniyang narinig.
"Maari. Pwede ring hindi my lady."
Nagtungo kami sa labas ng kwarto ni papa. Kumatok si Sizil sa pinto at ipinaalam na nakabalik na ako. Kaagad akong pinapasok ni papa sa kwarto at kaniyang inutusan si Sizil na magtimpla ng tsaa.
"Kamusta papa. Maayos ba ang lagay niyo?" Pagbati ko at pagkamusta kay papa. Abala itong nagsusulat sa kaniyang study table.
"Yes. Take your seat." Utos nito sa akin. Umupo ako sa sofa na malapit sa study table ni papa.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
If he's really planning my engagement, then that's the worst thing that could happen to me. It's not like I hate my father and other male relatives but I have this aggression and hostility towards men. I don't want to interact with them nor be touched by them.
"Ano pong kailangan niyo sa akin?"
"Why are you only using Southern Language? I trained you enough to balance using them both at the same time. Do you need more remedial lessons?"
Give me a break. Ayoko! Mapapatay ko na ang sinumang mag tutor sa akin at paluin ang mga kamay ko at pingutin ako sa tenga.
"Pardon papa." Humingi agad ako ng tawad.
"Well. I didn't call you here to scold you."
"Thank you."
"The Seventh Prince of the Menil Royal Family has sent me a formal letter of engagement proposal."
Fuck it all! It really happened, sa prinsipe pa talaga?
"Papa...there are many noble fitting to be betrothed of royalty...why me?"
"You are a prodigy at the academy after all. You perfect every drill and mana manipulation. You also score top of the class on written exams. You are the most fitted person to marry into the Menil Royalty as you happen to be the same age of 17 with the seventh prince."
Sumimangot ang aking mukha. Hindi ko gusto ang narinig ko.
If my father is this determine to marry me into the royal family, he won't back down and accept my reasoning of having trouble towards men.
"They will schedule a time for the both of you to meet."
Wala na talagang makakapigil. It's been decided.
"You can rest to your room now. That's all I want to say to you."
"Yes, father."
Umalis agad ako sa silid at nagtungo sa kusina. Padabog akong kumuha ng pagkain at kumain hanggang sa mabusog ako.
Nagtungo din rito si Sizil at napasigaw nang makita akong kumakain ng marami.
To be continued.