webnovel

Her Raging Flame (R-18) Tagalog Version

Hinablot ko sa mga braso si Femella at hinila palapit sa akin, gahibla na lang ang naiwang pagtitimpi ko. "You're never a good liar, Femella. Tell me what happened so I can do something about it." Nagpumiglas ito sa hawak ko pero hindi ko siya hinayaang makawala. "So I was right along. Tama ang unang basa ko sa iyo. Kagaya ka rin nila na nagagalit kapag hindi umaayon sa kanilang kagustuhan ang mga pangyayari." Ngumiti ito ng sarkastiko. "For the record Mr. Fuentebella, I never said yes to your proposal. You just assumed it." Buong pwersang itinulak niya ako para makawala siya sa hawak ko. Labag man sa kalooban pero hinayaan ko na lang siya. "Don't you dare deny it! You feel it too, don't you? There's something going on between us Femella and you can never deny that." Kagandahan at katusuhan. Iyan ang mga katangian ng isang Femella Alcantara na pinipilahan ng mga kalalakihan sa club na kaniyang pinagtatrabahuan. She knows what her assets are and she uses them to her own advantage. Kaya naman inasahan na niya ang pagdating ng isang taong tulad ni Maverick Fuentebella. He is an alpha male who hates losing. He is someone you can't win against but he found the most willing opponent in the face of the angelic Femella. He wants her and he will do everything to get her. Call it an obsession, Maverick doesn't care. He threw his reason aside and relentlessly pursue the woman. Their bodies clicked and the fire has been ignited. The temptation is proven to be too strong for them to ignore. Ito ang kanilang pinakamalaking pagkakamali. Someone gladly fell into the trap set by one of them.

Pecadoria · Urbain
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 24

I stopped the Tesla Model X car in front of one of my hotels and stepped out of it. Ibinutones ko ang suit jacket at sinulyapan ang security team ko na nagsilabasan rin sa kaniya-kaniyang mga sasakyan. Tinanguan ko si Jex na siyang head nila at nauna nang maglakad. I passed through the revolving glass door and into the turnstile where I swiped up my identification card.

Every employee stopped in their tracks to greet me.

"Good day, sir."

Tinanguan ko lang ang mga nagsisipagbati sa akin habang nakapamulsang tinumbok ang private elevator.

Sinalubong ako ng manager ng hotel na si Anita na sumabay sa akin sa paglalakad. There wasn't any hint of weariness on her face considering it's a surprise inspection.

"How's the ongoing renovation of the 63rd floor?" panimula ko.

"Going well, sir. The interior designer you recommended is already on her finishing touches. Dumating na rin po ang mga curated art pieces from Mindanao. They will be decorated according to the preference of the guests. You can come by later to check it."

"Good. On the day of arrival of the royal family from Lanao, I want you to supervise them. Give them all they want. Make sure they experience the best amenities of our hotel."

"Yes, sir."

Huminto ako sa tapat ng nakasaradong pinto ng elevator at bahagyang hinarap si Anita.

"That's all. You can go back to your work."

Yumuko ito. "Thank you, sir."

Nilinga ko si Jex na nasa likod ko. "Jex, check the security system of the place. Upgrade it if needed. We can't afford to gamble up the security of the guests. Ayoko nang maulit ang nangyari noon sa Branch 33."

"Yes, sir." Tumalikod na ito kasunod ang mga tauhan.

I pressed the button to open the doors and went inside. I then pushed the 70th floor and the doors closed before me.

Niluwagan ko ang pagkakatali ng neck tie saka kinuha ang cellphone sa bulsa at tinitigan.

"I don't even know her number."

Kumunot ang noo ko at sinipat nang maayos ang hawak na cellphone.

"This is not my phone."

Well, technically it is my phone but I don't use it anymore.

"Paano ito napunta dito?"

I turned on the phone and the first thing that I saw was the smiling face of Femella as the lockscreen. Hindi ko mapigilang mapabungisngis nang makita ang maganda at maaliwalas na mukha nito. Nakalabas ang dila  at sinadya nitong lukutin ang mukha.

Sumandal na ako sa elevator at nagpunta sa Photos na icon. Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makitang may halos isandaang selfies at pictures si Femella doon. There are pictures of her posing like a model and there were just photos of her smiling innocently in the camera. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang mga larawan nitong nakasimangot, wala sa anggulo at mga pa-jologs na kuha. Seeing her like this seems different. She looks so happy, so human and so carefree. Malayo sa umiiyak na mukha nito kanina.

Bumukas ang pinto at sisipul-sipol akong lumabas sa top floor ng building.

Tumayo si Christine mula sa desk niya sa labas ng office ko at magalang na bumati.

"Good day, sir."

"Good day too. I see that you're here already."

"Yes, sir. Ivan informed me that you'll be here."

Nasa kamay na nito ang notepad at ready nang isulat ang mga utos ko sa kaniya.

"Call Anita after an hour and ask her for our financial statements. Tawagan mo rin si Luther. Sabihin mong free ako ngayong araw. I'm in the office all day so he can come by anytime."

Napansin kong namula ang mukha nito at humigpit rin ang hawak niya sa ballpen.

"Are you okay, Ms. Salceda?"

Nagtaas ito ng tingin sa akin. "Y-yes, sir." Pilit itong ngumiti. "Would that be all sir?"

"Yes, that's it."

Naglakad na ako patungo sa pinto ng office.

"Ah sir? Coffee?"

Huminto ako sa akmang pagpihit ng pinto nang sumagi na naman sa isip ko si Femella.

"Yes, please. And make it two."

"Yes, sir."

I closed the door behind me and walked into the swivel chair ignoring the presence of the standing man in front of the painting of Fernando Amorsolo.

"Ang sabi sa akin ng ama mo noon, ikaw ang magmamana ng organisasyon. Pero tumutol ang iyong ina. Naghintay ako hanggang sa mapagtanto mong ikaw ang karapat-dapat sa posisyong iyon pero nabigo ako. You asked me why I declined the post. Iyon ay dahil naniniwala pa rin akong ikaw lang ang karapat-dapat na humawak nun."

"Why would I accept the seat of the organization which killed its own founder?" Binuklat ko ang unang dokumentong nadampot sa pile at binasa.

Hindi tumugon si Butch. "I was  surprised when you called me to ask for help. And I was even more surprised when you want me to investigate the same person you want to be protected. Femella Alcantara. The name brings back memories to me. Ano ang kaugnayan mo sa kaniya?"

I stood up to sit in the couch and motioned him to do the same. Butch sat on the armchair instead. Pinagpag nito ang suot na kupasing maong na pinaresan ng plain na black t-shirt.

"Tell me about her."

"Ano ba ang inaasahan mong malaman sa kaniya?"

"Everything."

May dinukot itong papel sa bulsa at inihagis sa akin.

"Iyan lang ang nakayanan ko."

Pinulot ko ang lukot na papel sa sahig at tiningnan. Isa itong picture ng family portrait nila Femella kasama ang sa tingin ko ay mga magulang niya. They were standing outside a mansion holding a wineglass on each hand.

"Tell me more about her."

"Femella Alcantara, the last known survivor of the Alcantara clan. Her parents are Natividad and Napoleon Alcantara. Kahanay sila ng mga Asturia kung pag-uusapan ang yaman at kapangyarihan. Hindi sila masyadong kilala ng mga tulad mo na mahilig sa teknolohiya at modernisasyon. They don't like being known and exposed. Mas gusto nila ang nasa likod at nagpapatakbo ng mga puppets. They are the kingmakers."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ayon kay Butch, si Femella ay nanggaling sa isang mayaman at makapangyarihan na angkan. Kung gayon, anong ginagawa niya sa club? Bakit ibinibenta niya ang kaniyang sarili?

Mukhang nabasa niya agad ang nasa isip ko dahil dinugtungan niya ang mga sinabi.

"The Alcantaras mysteriously went down. Biglang bumagsak ang lahat ng negosyo nila at nadawit pa ang karamihan sa kanila sa mga anomalya at eskandalo sa gobyerno. The patriarch, Don Fernando Alcantara died of a heart attack. Doon na nagsimula ang tuluy-tuloy na pagbagsak nila."

"How about Femella's parents? What happened to them?"

"They committed suicide."

Nabigla ako sa nalaman. What a tragic ending for a great family. Now I understand about the pain in Femella's eyes. Napakasakit siguro para sa isang tulad niya ang mga nangyari. Mula sa taas ay bigla itong bumulusok pababa. Which is maybe the reason why she decided to enter the club. My heart swelled of pity for the young Femella who had to experience it.

"Thank you, Butch. That's all I needed to hear."

"I've sent the whole report to your e-mail."

Tumayo ako at kinamayan ang lalaking naging katunggali ko rin noon sa atensiyon ng ama.

Pwede naman niya akong hindi na puntahan ng personal pero alam kong hindi nito sasayangin ang pagkakataong kumbinsihin na naman ako.

Someone knocked on the door and Christine came in carrying a tray with two cups of coffee.

Butch tightened his grip on my hand. "Hinihintay ka pa rin namin, Maverick."

"Thank you for your service, Butch."

Wala na itong nagawa kundi magbaba ng tingin. Tinapik niya ako sa balikat at lumabas na ng pinto.

Inilapag naman ni Christine ang kape sa center table.

"Sir? Di na po ba magkakape si Sir Butch?"

"Sino ang nagsabing para sa kaniya ang isang cup? It's all mine. I need lots of caffeine today to pump up my nerves. Marami-rami ang tatrabahuin ko ngayon."

Humagikhik ito sabay bira ng alis.

Nasa pintuan na ito nang muli ko siyang tinawag.

"Yes sir?"

"Pakitawagan uli si Luther. Sabihin mo puntahan na niya ako ngayon or else hindi ko ibibigay sa kaniya ang kontrata."

Namula na naman ito kasabay ng pagkawala ng ngiti sa kaniyang mga labi.

Reluctant na tumango ito. "Right away, sir."

Iiling-iling na humigop ako ng kape pagkaalis ng dalaga. Pinagtripan na naman siguro ito ng mokong na Luther na iyon. Wag lang siyang magkakamali na ihilera ito sa mga pinaiyak niya na babae. I can never find a secretary that is as efficient and excellent as Christine. At lagot siya kay Chino.

Dinampot ko ang papel at tinitigan ito. Femella is so cute in her Sponge Bob pajama suit and pigtails. Inilabas ko ang cellphone at pinicturan ang papel. Ngingiti-ngiting humigop ako ng kape at ninamnam ang lasa nito.

Kabisado na rin naman ni Christine ang timpla ng kape ko pero parang may iba akong hinahanap. Para kasing may kulang.

Napailing na lang ako sa tinatakbo ng isip. I could be slow at times. It only means one thing.

I missed Fem.