webnovel

Her Downfall (tagalog)

Ang buhay at ang mundo ay pantay ngunit ang mga tao ang hindi pantay. Ang mga ito ang gumagawa ng ikakakomplikado ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang magawa natin ang bawat misyon na nakalaan sa atin. Sa buhay ng bawat tao kasama na ang mga pagsubok na magpatatag sa atin, buhay na parang roller coaster ride minsan masaya, minsan malungkot. Hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang lahat ng ito upang mabalanse ang ating emosyon at maging matatag at matibay. Darating yung point na iisipin natin ang pagsuko kasi hindi na natin kaya. May darating na tao para maramdaman mo yung worth mo pero bigla ka lang iiwan kasi parte lang talaga siya ng buhay hindi habang buhay. Nicole Louise Anne Cole Madrigal ang babaeng invisible sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit may darating na tao ang magiging sandalan at karamay niya sa mga problema. Sasaksihan ang mga mapapait na karanasan na magkukulong sa kaniyang madilim na mundo. Paano kung isang araw yung taong parang hangin lamang sa iyo ay matuklasan mong may malubhang sakit? Anong gagawin mo?

invisible_18 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
20 Chs

Chapter 2

CHAPTER 2

HOBBY

LOUISE

Araw-araw pinagdadasal ko na sana lagyan naman ng kaunting twist ang buhay ko para hindi naman constant na malungkot ako palagi at pinapatunayan yung worth ko sa ibang tao lalo nasa pamilya ko. Pakiramdam ko parusa ito sa nakaraang buhay ko siguro kasi maganda ang buhay ko noon kaya ganito. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pa ba ako nabuhay sa mundong ito? Ano bang purpose ko sa mundong ito, ang mabuhay para sa kasiyahan ng iba? Maging kaawa-awa sa harap ng ibang tao?

Napabalik ako sa reyalidad ng may kumalabit sa akin kaya napasinghap ako sa gulat. "Mahilig ka pala magbasa ng mga detective fiction story wala kasi sa aura mo na magbabasa ka ng ganyang bagay. Masyado ka kasing seryoso para diyan kaya sa tingin ko puro educational books lamang ang binabasa mo." anas ni Gavin

"Grabe ka naman basta ka na lamang sumusulpot, akala ko kung sino na yung kumalabit sa akin. Naku kung may sakit ako sa puso aatakihin ako sa iyo eh. Masyado kang judgemental eh pakiramdam ko tuloy kaya akala mo eh educational books lamang binabasa ko eh dahil nakasalamin ako you know 'nerd'." anas ko kay Gavin

"Oo feeling ko kasi matalino ka through your looks tapos mabait based on your soft features at higit sa lahat conservative ka based on your outfit kasi yung ibang nag-aaral dito halos kita na iyong kaluluwa nila. Matagal ka na ba ditong nag-aaral? Anong course mo at year?" anas ni Gavin

"Grabe ka naman magdeduct pero tama naman. Oo matagal na kong dito nag-aaral since prep pa kasi malaki naman itong Clarke University, BSBA- Business Management 1 ang course ko sa special section 1." anas ko kay Gavin

"Sobrang talino mo siguro no kasi matagal ka na dito it's an exclusive school for intelligent napakahirap na exam ang pagdadaanan bago makapasok dito at mayayaman lamang kasi bihira lamang sila kumuha ng mga scholars." anas ni Gavin

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na scholar ako dito since elementary?" anas ko

"Wow, I'm speechless. Hmm una na ko baka nakakaabala na ako sayo, hope to see you soon at sana maging classmates kita sa minor subjects nga lang I'm an engineering students special section 1 first year" anas ni Gavin na naglakad patalikod habang kumaway at kumindat habang naglalakad palayo. Grabe dalawang beses pa lamang kaming nagkikita pero feeling ko parang sobrang close na namin. Aaminin ko hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa iba na related sa studies maliban na lamang kina Nanay Linda na lagi kung nakakasama sa bahay.

----

Nandito ako ngayon sa room 143 habang iniintay ang biology professor namin ng may narinig akong usapan ng biology classmates ko tungkol sa transferee student na magiging classmates namin.

"Alam mo ba na yung gwapo at cool na transferee ay magiging classmates natin sa biology?" classmate 1

"Totoo ba yan baka naman chismis lamang yan?" classmate 2

"My goodness sana totoo yan yiiieee ang gwapo kaya nun" classmate 3

"Naku sinabi mo pa para siyang anghel na nahulog sa langit" classmate 4

Natigil ang kwentuhan nila ng may nag-excuse na estudyante. "Ito ba yung klase ni Mr. De Silva?" anas nang estudyante at ginala ang buong tingnan sa room. "Ito nga, bakit dito ka rin ba? Wala pa kasi si Mr. De Silva hanap ka na lamang bakanteng upuan." anas ng biology classmate ko sa estudyante. "Pinapasabi nga pala ni Mr. De Silva na hindi siya makakaattend ng klase kasi may importanteng bagay siyang aasikasuhin. Pre-cut daw kayo ngayon ngunit maghanda daw kayo para exam sa susunod niyong klase sa kanya." anas ng estudyante sa buong klase. Pagkaalis nung estudyante bago sila lumabas ng room puro sila nagrarant kasi hindi man daw umaattend si Prof De Silva pero pagbalik niya tiyak mayroong madugong digmaan naman sa exam.

Papunta ako sa library ng may makabunggo ako kaya napaupo at naglaglag yung mga bitbit kong gamit. "Pasensya na di ko sinasadya, ayos ka lang ba?" anas ng nakabunggo ko at tinulungan akong makatayo at pinulot yung ibang nalaglag kung gamit pagkatapos inaabot sa akin. "Salamat" anas ko sa kanya at tiningnan ang nakabunggo ko. Natigilan ako ng nakita ko ang gwapo ngunit maangas at masama ang ugali na si Kristoffe Evans na tinaguriang badboy ng university ang nakabunggo ko kasama ang kanyang grupo na Fabulous Boys kasama ang dalawang babae sa gilid nila.

Nagtitigan kami ng matagal hanggang sa nauna na akong nag-iwas ng tingin hindi ko kasi mabasa ang expression ng mukha niya kasi lagi siyang nakapoker face cold kung magsalita at tumingin. Kaya ganun na lamang gulat ko ng siya pala ang nakabunggo ko at tinulungan pa ako. "Sorry" anas ko sa kanya at nagmadaling umalis kasi hindi siya nagsasalita pero titig na titig sa malamig na paraan na tumatagos hanggang kaluluwa ko. Samantalang yung mga kasama niya eh nagulat nung umpisa pero nagkulitan na sila na walang pakialam sa paligid kahit pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng walang klase at tinitingnan kong anong gagawin sa akin kasi nakabungo ko ang idol nila.

Malapit na ako sa library ng biglang may nagsalita sa tabi ko. "Hey, ang intense ng titigan nyo kanina ng pinsan ko ah, crush mo no?" anas ni Gavin. Ganoon na ba talaga ako ka pre-occupied at hindi ko man lamang napansin na nasa tabi ko na siya. "Hobby mo ba ang gulatin ako?" anas ko sa kanya ngunit tumawa muna siya bago sumagot. "Alam mo nakakaaliw ka subalit hindi ko sinasadya na magulat ka sa tuwing nagkikita tayo sadya lamang talaga na magugulatin ka at malalim ang iniisip mo kaya hindi mo agad napansin ang presensya ko. Napansin ko na may pagkaclumsy ka kasi unang nating pagkikita nabunggo kita tapos nabunggo ka naman tsk tsk tsk" anas ni Gavin sa akin at ngumiti ng malapad. "Alam mo payo lang ah huwag masyadong sersoyo sa mga bagay-bagay at kung may problema ka huwag mo masyadong problemahin tatanda kang maaga niyan sige ka. Ienjoy mo lamang buhay mo para wala kang pagsisihan sa huli" aniya at kumindat bago ako inunahan papunta sa library.

Napangiti ako sa sinabi niya at bumulong ng salamat bago siya tuluyang makapasok sa loob ng library.

----