webnovel

Her Downfall (tagalog)

Ang buhay at ang mundo ay pantay ngunit ang mga tao ang hindi pantay. Ang mga ito ang gumagawa ng ikakakomplikado ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang magawa natin ang bawat misyon na nakalaan sa atin. Sa buhay ng bawat tao kasama na ang mga pagsubok na magpatatag sa atin, buhay na parang roller coaster ride minsan masaya, minsan malungkot. Hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang lahat ng ito upang mabalanse ang ating emosyon at maging matatag at matibay. Darating yung point na iisipin natin ang pagsuko kasi hindi na natin kaya. May darating na tao para maramdaman mo yung worth mo pero bigla ka lang iiwan kasi parte lang talaga siya ng buhay hindi habang buhay. Nicole Louise Anne Cole Madrigal ang babaeng invisible sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit may darating na tao ang magiging sandalan at karamay niya sa mga problema. Sasaksihan ang mga mapapait na karanasan na magkukulong sa kaniyang madilim na mundo. Paano kung isang araw yung taong parang hangin lamang sa iyo ay matuklasan mong may malubhang sakit? Anong gagawin mo?

invisible_18 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
20 Chs

Chapter 10

CHAPTER 10

MR & MS CU

Kristoffe

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mala anghel na mukha ni Louise habang kumakanta at tumutugtog na piano ng napakahusay. Nasisiguro ko na panalo sila sa talent portion nakita ko kanina sa mga mata ng judges na nagustuhan nila yung performance nina Louise. Habang rumarampa siya kanina na parang beauty queen suot ang mga damit na bagay sa kanya alam ko na pagkatapos nito ay maraming manliligaw sa kanya. Kahit naman dati noong hindi pa siya sumasali sa pageant ngunit hindi niya binibigyan pansin at mas lalong pinagtuonan ng pansin ang pag-aaral.

Kung kaya't hindi ko maitatanggi na kahanga-hanga talaga siya hindi katulad ng ibang babae na nagbibilang ng lalaki na kanilang nabibihayag. Ipinagmamalaki bilang trophy at nagpapapansin sa mga sikat na lalaki. May mga babae lamang talaga na pakiramdam ko ay sumali lamang upang mang-akit ng mga lalaki sa sobrang nipis at iksi ng suot katulad na lamang ni Princess. Hindi naman masama na magsuot ng maiksi huwag lamang sobra at kung manipis naman dapat may suot pang-ibabaw na damit. May kapatid at pinsan din akong babae kaya't pinagbabawalan namin silang magsuot ng mga ganun nakakabastos kasing tingnan hindi bale sana kung lahat kaming mga lalaki ay may respeto sa mga kababaehan.

They announce the top 5 winners at kasali pa rin kami ni Princess gayun din sina Louise. Nagsisimula ng tanungin ang mga babae kung kaya't inaabangan ko kung anong sagot ni Louise. Ang mga kandidata na hindi pa natatanong at yung mga nakatapos ay nakasuot ng head phone para hindi marinig ang tanong at sagot ng mga ito. Nang si Louise na ang tinatanong ay pinakinggan ko ng mabuti ang kanyang sasabihin.

"Kung mayroong pagkakataon na ikaw ay papiliin, ang makasal sa taong hindi mo mahal para sa negosyo o ang taong mahal mo na may simpleng pamumuhay? Sinong pipiliin mo at bakit?" tanong ng judge sa kanya ng nakangiti. "Thank you for that wonderful question. If I will be given a chance to choose, I will choose the one I love that has a simple life than someone I don't love. I will choose him because I love him and I know that I will be happy with him. Despite of having a normal I know we will get through on the struggles that we will experience. Material things doesn't matter unless your truly happy and I thank you." She said confidently and bow her head ngunit nagtanong muli ang judge. "But, what if you don't mary him in consequences your family business will get bankrupt? What will you do?" muling tanong ng isa sa mga judge. "In that situation, I will choose the one I don't love yet I believe that if we really are meant to be, we will be together in the end. I believe in the saying family before your happiness. But, if it's not my family on the line I still chose the one I love yet I don't want to be selfish" She said with a confident smile.

Maraming namangha sa sagot niya sapagkat hindi mo aakalain ang isang babae na galing sa mayamang pamilya na pipiliin ang taong mahal kaysa sa negosyo. Ngunit pipiliin niya ang taong hindi mahal sa oras ng kagipitan para sa kanyang pamilya. Hanggang sa ako naman ang nakatakdang tanungin ngumiti muna ang mga judges bago nagtanong.

"What attracts you the most on a girl and why?" tanong ng isa sa mga judges sa akin. "The thing that attracts me the most on a girl is her personality. The one whose beautiful in the inside because from there you can see the true of beauty of a woman" I said to them and bow my head. Pagkatapos tanungin ang mga candidates ay sinabing iaanounce ang winner pagkalipas ng sampung minuto.

Hanggang sa dumating oras na iaanounce ang winner sa uniform wear na nakuha ni Louise at nakuha naman ni Princess ang Miss Congenniality. Nakuha rin muli nina Louise at Michael ang best in talent at nanalo naman kami ni Louise sa best in sports wear. Nang maideklara kung sino ang 4th runner up hanggang 2nd runner up ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng audience kami na lamang nina Princess ang natira.

Itinanghal na 1st runner up si Princess at Michael samantalang napanalunan naman namin ni Louise ang title. Si Louise ay mukhang nabibigla pa rin na siya ang nanalo habang si Princess ay iginigiit na nadaya siya. Sinasabi niyang binayaran lamang ni Louise ang mga judges upang manalo kung kaya't nagalit ang mga judges sa mga paratang niya. Maraming nagsasabi na bitter lamang ito sapagkat natalo at hindi matanggap na ganun ang nangyari.

Sinabi ng mga judges na hindi sila nagkamali ng anunsyo ng winner at hindi nila kilala si Louise. Ipinahayag din nila hindi sila nagpapabayad upang dayain ang resulta ng contest. Maraming nagpapicture sa amin ni Louise dahil sa aming pagkapanalo. Ang ipinagtataka ko lamang kung bakit ako ang nanalo eh hindi naman ako ngumingiti at siniigurado ko na hindi magugustuhan ng mga judges ang performance ko.

Haiist, kung sa bagay wala na akong magagawa ngunit ako ay natutuwa na si Louise ang nanalo sapagkat siya ang karapat dapat manalo. Sigurado ako na magdidiwang ang barkada at isasama siya sa celebration. Narealize ko na hindi rin pala masama na nanalo ako at least mababantayan ko siya. Lumapit sa amin ang barkada para ayain kami na magcelebrate sa labas. "Let's celebrate guys, coz the two of you won the title. How about we eat on the restaurant?" anas ni Jennica na yumakap kaagad kay Louise upang bumati ng congratulations.

"Yup, they should treat us because they won. We have to celebrate it! Is it alright to you, Louise?" Mikaela said while grinning at the two of us. For sure they up to something I can feel it. Tumingin muna si Louise sa relo bago nag-aalangan na sumagot. "Hhmm, it's already six in the evening so I think I can't go with you guys. It's already late, I have to go" she said and turn her back to go home. Samantalang hinarang siya ng barkada upang pigilan na umalis upang makasama namin siya na kumain sa labas.

"You know what, you're so uptight you should loosen up a bit. Okay?" Gavin said in a serious face. "Kailangan mong ienjoy ang buhay hanggang bata ka pa kasi mayroon ka pang panahon na gawin ang mga bagay na gusto mo. Life is to short so you have to live your life to the fullest. Atsaka kung minsan kailangan mo ring sumaway sa mga rules. Gawin mo ito para pagdating ng panahon wala kang pagsisihan" Archer said with a genuine smile on his face.

"I know all of your life you follow the rules and focus yourself on studies but you still have to enjoy. Think yourself as a robot that follows the command of his boss yet he doesn't feel anything. Do you want to be like him? Doing everything you think is right then one day you realize that you didn't enjoy your life and you're not truly happy with what you did." Kevin said in a serious manner that made everyone gasp in surprise.

"Gusto mo pa bang hintayin yung panahon na hindi mo na kilala ang iyong sarili sapagkat hindi mo na naranasan maenjoy ang buhay. Yung punto na kahit yung mga bagay na gusto o hilig mo ay hindi mo na alam sapagkat nakapokus ka sa isang bagay. Nakalimutan ng magsaya at sa tingin mo ay hindi mo na nakikilala ang iyong sarili" anas ni Giovanne na nakangiti. "Thanks sa word of wisdom nyo marami akong narealize. Sige pumapayag na akong sumama sa inyo" anas ni Louise ng nakangiti na nagpahiyaw sa buong barkada.

"Let's go guys, it's Kristoffe treat" Mikaela shouted while we are walking to the university's parking lot. Habang papunta kami sa restaurant ay wala silang ginawang kundi magkulitan sapagkat isang sasakyan lamang ang ginamit namin.

---