Revenge is futile if you're no longer willing.
Wag kang magmahal kung hindi pa handa ang puso mong wasak Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak. Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan. Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha. Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw. Bago mo ko muling lapitan, Tumingin ka sa salamin at tanungin ang sarili “Handa na ba ko muling magmahal?” Handa ka na bang sumabak muli. Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat at wag iasa na sa muling pag mahal Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso. Wag kang magmahal kung alam mong wasak na wasak kapa Magmahal ka kapag handa kana Kapag buo kana Kasi kahit anong pag pilit mo Kahit anong pagtangka mo Puso mo ang kalaban Puso mo ang nahihirapan Kaya habang hindi pa huli ang lahat, Wag mo akong mahalin kung ang puso mo Wasak pa rin sa bakas ng kahapon. —- Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana. Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay. Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas. ———————————————————————- This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody. Thank you again and God Bless you all
Myla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without much question. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang desisyong iyon nang makilala isang umaga ang lalaking magiging bagong kasosyo sa hacienda. Si Darwin, ang nag-iisang lalaking gustong gusto niyang pulbusin noon pa mang makilala niya ito. Ang masaklap pa ay obligado siyang pakisamahan ito nang mabuti dahil kasama iyon sa trabaho niya. Dahil napasubo na ay pinilit na lamang niyang gawin ang nakaatas sa kanya habang ipinagsisiksikan sa isip na trabaho lamang iyon. But then again, she was with Darwin, her greatest nemesis who happened to possess the pair of lips that had hunted her thoughts ever since she had tasted them when they were in college. Mapapanindigan ba niya ang "workmates" set up nila kung maging ang tibok ng puso niya ay naaapektuhan na ng simpleng presensiya lamang nito?
After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.
"And I'm still hoping that I could reach the Sky someday." Iyon ang buong buhay na yatang pangarap ni Alayna. And for her, her sky was Skye-ang gwapo, mayaman, at matalino niyang kababata na nakasanayan na niyang habol-habulin buong buhay niya samantalang nakasanayan naman nitong itaboy siya sa tuwina. Pero hindi siya kailanman nagalit sa lalaki kahit buong buhay na rin nitong dine-dead-ma ang mga efforts niyang mapansin nito. Kuntento na siyang nakikita ito at nakakasama kahit siya lang naman lagi ang nag-i-initiate ng mga pagkikita nila. Kaya naman hindi niya napaghandaan nang bigla ay magbago ang ihip ng hangin at bigla ay parang ito naman ang nagpapapansin sa kanya. At dahil matagal na rin iyong inasam ng puso niya ay lalong lumalim ang nararamdaman niya para kay Skye. Ngunit hindi lang pala ang pagbabago sa setup nila ang hindi napaghandaan ni Alayna. Because while she was falling even more in love with him, she was opening up herself for the worst pain she had yet to experience.
Meet Camille. Tatanga tanga. Patay na patay kay Brett. Si Brett na walang malay. Si Brett na pinagsamang James Reid at Daniel Padilla. Si Brett na kinamumuhian ni Jack. Meet Jack. Mas ipokrito kaysa tanga. Magaling sa English, kayang magprogram ng Android app. Genius na sana, pero tanga pa rin. Paboritong past-time ni Jack: titigan ang sarili sa salamin, tanungin ang reflection ng “Bakit ang tanga tanga mo?” Tanong na madalas walang sagot. Ang librong ito ay tungkol sa kwento nila: sampung kabanata ng isang masalimuot, paikot-ikot, palundag-lundag na kwento ng napakatangang pag-ibig.
"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when you were younger and you had sworn to hate the guy for the rest of your life. Kaya naman nang sabihin iyon ni Menriz, ang bagong boss ni Anikka, nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay nawindang ang buong sistema niya. Pero hindi pa ito nakontento roon. Sa araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapapansin sa kanya. Until he finally confessed his feelings towards her. Matagal na raw may gusto si Menriz sa kanya at ngayong bumalik na siya, sisiguruhin daw nito na magugustuhan din niya ito! Pero imposible iyon. Dahil nang nakawin ni Menriz noon ang first kiss niya, ipinangako ni Anikka sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. Pero bakit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso tuwing napapalapit siya rito? At bakit parang lumilipad ang iba niyang problema at si Menriz na lang ang pumupuno sa magulong isipan niya? The world must be ending!
Romano "Ram" Santiago is a well known businessman, kilalang kilala siya bilang isang magaling na negosyante at lahat halos ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay, hanggang iwanan siya nang kanyang pinakamamahal na nobya, at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ay nagawa niyang sumama sa isang prostitute a prostitute that turned out to be a virgin. Paano ang perpekto niyang mundo ay magugulo nang dahil sa isang prostitute na nagngangalang Atilla Salvador