webnovel

Chapter 8.

"J-Jaden?" Halos lumuwa ang mata ko ng makilala ko na kung sino yung lalaki na tumigil sa tapat ko.

I was waiting for Marco at the soccer field. Umiinom ako ng juice at tumitingin sa mga naglalaro at naglalakad when a man out of nowhere just stood in front of me.

"Hi." He said smiling shyly. He looked so damn good looking whenever he smile.. or even just standing there. May kakaibang aura si Jaden, eh. Hindi ko matukoy.

He was wearing a white Lacoste polo shirt, a gold wrist watch, a khaki pants and a converse shoes. He looked so simple yet so freaking handsome. Yung totoo, paano ginawa ng mga Elizalde ang mga anak nila?

"W-what are you doing here?" I can already feel other student's eyes around the area are on me, on us.

"I wanted to see the woman who got me interested in her last Saturday night." Malawak ang ngiti nya ng sabihin nya iyon. Nakatingin lang sya sa akin like it was the most natural thing to say.

I rolled my eye balls. "Seriously, Jaden." I sighed. Luminga linga ako sa paligid. "People are looking.." Mahinang sabi ko.

He chuckled. "So what? I wanted to see you." Parang wala lang talaga sa kanya ang pagpapahayag ng nararamdaman nya, eh. "Let's date." Then he grinned.

Automatic na kumabog yung dibdib ko. "B-but Syd and I.." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.

Ano nga naman ba kasi kami? Never namin na napag usapan to, eh. Ayoko naman na ako ang magb i bring up.

"That's exactly my point. Ano ba kayo? You kept on telling me last Saturday night na hindi kayo." He looked teasing.

I looked at him. "W-were exclusive.." I wanted to say that loud and clear, pero may doubt talaga ako.

Muli sya'ng tumawa. "C'mon, Andrea. Kuya Syd is exclusive to everyone. Hindi mo ba alam na womanizer sya? He's all about using them and having sex with them."

Napasinghap ako sa sinabi nya. "Jaden?" PInandilatan ko sya ng mata. Madaming tao at kapwa studyante ko sa paligid. How can he say that loud?

"You look funny." He grinned. "But still pretty."

"Right." I rolled my eyeballs at him. "I know na womanizer sya, okay. Tsaka as if hindi ko rin naman narinig na babaero ka." Nginusuan ko sya.

"I am not!" Agad na sagot nito. Bigla sya'ng naglakad palapit sa akin at hinila yung kamay ko. Napatayo ako ng wala sa oras. "Tara na kasi. Date lang naman, eh."

Natangay nya ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin nya yun.

"W-what.. wait, may hinihintay ako!"

He stopped dragging me and looked at me, pero hawak nya pa rin ang kamay ko.

"Just tell her na umalis ka na." Cool na sabi nito.

"P-pero.."

"Sige na, Andrea. Miss na kita eh." He grinned.

Bigla ako'ng kinilabutan na ewan.

Ano, ang landi landi ko lang? Gusto'ng gusto ko si Syd tapos crush ko na din si Jaden? Tapos kapag nandyan si Lay, medyo crush ko din? Sheeeeeeeet!

"Stop saying things like that." Sabi ko na lang.

Nagulat ako ng imbes na sumagot ay hinila nya ako palapit sa katawan nya, tapos hinapit nya ako sa bewang habang hawak nya pa rin yung isa'ng kamay ko.

"But I want to.." Bulong nya.

I can already sense other student's eyeing on us.

Mabilis ako'ng lumayo kay Jaden.

"Fine, fine. Sasama na ako sayo. Pero wag ka'ng masyado'ng close, okay?"

Tumawa sya. Itinaas pa ni Jaden ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Okay, it's a deal. Tara na sa parking lot, nandun kotse ko."

"P-pero, i have my car too. Paano yan?"

Napatigil sa paglalakad si Jaden. "Alright. We'll use your car."

"Paano kotse mo?"

He shrugged his shoulders. "Ipapakuha ko na lang sa driver, i guess."

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Hiningi nya yung keys ko tapos sya yung nag drive.

Hindi naman ako dapat ma guilty diba? It's not like kami ni Syd tapos nagtataksil ako sa kanya.

I love being cuddled, kissed and hugged by Syd. Gusto ko sya, sigurado ako sa nararamdaman ko. Pero wala naman siguro masama na sumama muna ako ngayon dahil sa pangungulit ni Jaden, diba? I was really convincing na walang masama.

"Relax. Para ka'ng tinuklaw ng ahas dyan, eh." Hindi lumilingon na sai ni Jaden ng i start nya na ang engine.

His scent filled my car. Very manly and sophisticated.

"Where are we going?"

"Mag de date nga! Ano ba ang ideal date mo?" He smiled then looked at me.

Napalunok ako. first time may nagtanong sa akin ano ba ang ideal date ko.

"Uh.. i don't know?"

Malakas na tumawa si Jaden, kasabay ng pag andar ng kotse ko.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Nakikiramdam lang ako kapag may pagliko kami na ginagawa. Jaden looked so relaxed in my car. He was humming songs tapos gumagalaw galaw pa yung ulo nya. He looked so cool. His side profile is really really not bad. Ang tangos tangos ng ilong.

Pero naisip ko na naman si Syd.

Gusto ko'ng matawa.

Parang kailan lang, boys are the least of my problems. Pero ngayon, pakiramdam ko ang ganda ganda ko.

"Here we are!" Napatingin na lang ako sa bintana ng kotse ng sabihin iyon ni Jaden.

Art school?

Kunot ang noo ko na tiningnan sya.

Tumawa si Jaden. "Opening ng art school nila Reese. Gusto nya na imbitahin kita."

Tumango tango ako.

He opened the door for me, tapos sumalubong sila Chan at Joey.

"Aloha, to the both of you. Aren't the two of you looking good together?" Joey said.

Tumawa si Chan. "Ang galing mo, pare. Sasabihin ko pa lang sana." Tapos siniko si Joey.

Pakiramdam ko ay namula ako. Ang gwapo gwapo ni Jaden, tapos bagay kami? I look plain! Bigla ako nagsisi na hindi man lang ako nag ayos. Eh hindi ko naman kasi alam na pupunta sya.

"Alam ko na yan, nung Saturday night pa." I heard Jaden said, tapos hinawakan ako sa bewang at iginiya papasok. "Where's Reese?"

"Nasa loob. Sobrang busy nga. Pero sabihin daw kapag dumating na kayo."

Hinayaan ko na lang sya. Itinatatak ko na lang sa isip ko na wala ako'ng ginagawa na masama.

"Hi Andrea!" Hindi na pala namin kailangan tawagin si Reese dahil lumingon agad sya nang bumukas ang pinto.

Kids everywhere. Around 8 years old and up, i think. May mga hawak na paint brush and all.

Nag beso kami ni Reese.

"Pasensya na kayo, i look like a mess. Ang kukulit kasi ng mga bata." Nakangiti na sabi ni Reese habang pinakita sa amin ang apron nya na puno ng sari sari na paint.

"It's okay, ano ka ba. You're still pretty." Sabi ko naman.

Automatic na nag landing ang tingin ni Reese sa kamay ni Jaden an nasa bewang ko pa rin pala. Agad ko'ng tinanggal yung kamay ni Jaden at lumayo sa kanya.

"Ah ano.." Pakiramdam ko kailangan ko magpaliwanag.

But Reese just chuckled. "You're cute." Sabi nya na lang. "Tara, ililibot ko kayo. Nakakatuwa yung mga students ngayon, mukhang eager talaga matuto."

"Simula lang yan! Nako. Parang pag piano lessons natin noon. Gusto'ng gusto mo tapos after two weeks, kailangan ka pa namin buhatin para sumama." Pang aasar naman ni Joey.

Agad na tinapik ni Reese sa braso so Joey kaya napa aray ito.

"Natuto pa rin naman ako ah?" Sabi ni Reese na naka nguso.

"Yeah, after isang buwan na pagsundo at pamimilit namin sayo." Si Chan naman ang sumagot.

"Wag nyo nga'ng binubully si Reese. Sinisira nyo araw nya, eh opening pa naman ngayon ng art school nila." Saway naman ni Jaden.

Simple lang yun pero parang ang cool nya'ng tingnan dahil sa sinabi at ginawa nya. Damn it.

Nilibot kami ni Reese sa two storey building na iyon. Nakaktuwa dahil kahit na nag aaral rin ito ng college ay on hands din ito sa business nila.

"I have to go to the ladies room." Sabi ko.

Papunta na kasi kami sa kotse, ihahatid na kami ni Reese. Kasama pa rin namin sila Joey at Chan.

Biglang kinuha sa akin ni Jaden yung shoulder bag ko. "Let me get this. Dadalhin ko na sa kotse."

Edi hinayaan ko na lang.

Sinamahan ako ni Reese sa ladies room.

"Do you like Jaden, Andrea? I'm not being nosy, okay? I just think he really likes you." Nagulat ako ng marinig ko yun habang nasa loob ako ng cubicle.

Hindi ako agad naka sagot.

She laughed. "I'm sorry. Nagulat ka ba?"

Tumawa rin ako. "M-medyo. Ano kasi. Okay naman sana si Jaden. Kaya lang.." Hindi ko alam kung dapat ko pa ba banggitin si Syd.

"Kaya lang ano?" Tanong pa ni Reese.

Inayos ko na ang sarili ko tapos lumabas na ako ng cubicle.

"Oh. Do you have a boyfriend? Sorry, hindi ko naisip na-"

"H-hindi naman sa ganun." Putol ko sa sasabihin nya. "Wala ako'ng boyfriend."

Muli ay ngumiti si Reese. "So, mag pag asa si Jaden?"

"NIlalakad mo ba sya sa akin?" Amused pero nakangiti na tanong ko.

"You can say that. Nararamdaman ko na ikaw na ang katapat ng mokong na yun eh."

"Katapat?"

Reese nodded. "Alam ko naman na alam mo'ng may pagka malikot sa babae si Jaden. Mana sa daddy nya." Then tumawa si Reese. "Anyway, ayun nga. You have this aura kasi. Basta. Pasensya ka na, ang weird ko." Tapos tumawa sya ulit.

I bit my lower lip. "S-sorry Reese. Ano kasi. M-may something kasi sa amin ng kapatid ni Jaden. Si Syd?" Mahinang sabi ko.

Automatic na nawala yung ngiti nya. And somehow, i felt like i was wrong na banggitin si Syd.

"S-Syd?" Parang nanginig yung labi ni Reese habang sinasabi yun.

I nod. "O-oo. Kaya.."

Yumuko si Reese. "Tara na, Andrea. Baka kanina pa sila naghihintay." Tapos nauna na sya naglakad.

I was stunned, pero sinundan ko na lang sya maglakad.

Nang makabalik na kami sa parking space ay naka ngiti at lively na ulit si Reese. Ayoko magtanong, kaya hinayaan ko na lang.

Sumakay sa kanya kanyang kotse sila Joey at Chan, kami naman ni Jaden sa kotse ko.

"Ang tagal nyo sa ladies room." Bigla na lang nagsalita si Jaden habang umaandar na ang kotse.

"Medyo nag usap na din kami." Kibit balikat ko na sagot. "Ah, ano. May pupuntahan pa ba tayo?"

"Grabe. Miss mo na agad si kuya? Gusto mo na umuwi agad?" Playful na tanong ni Jaden habang palingon lingon sa akin at sa kalsada.

"Nagtatanong lang ako." Defensive na sagot ko.

"Gusto mo na ba umuwi?" BIgla ay parang naging seryoso si Jaden.

Na awkward-an ako sa oras na iyon.

"Uhm uuwi ka na rin ba? Doon na lang tayo dumiretso sa inyo tapos i'll drive home from there."

"Nah, okay lang. Kaya ko naman mag commute. Ihahatid na kita diretso sa inyo. Gusto ko rin makita tinitirahan ni kuya." Wala na talagang ngiti sa mga labi ni Jaden, pero hindi naman ito mukhang galit o ano. Neutral face.

"Bakit nga pala hindi sa inyo naka tira si Syd?"

I saw Jaden pressed his lips before he answered. "Family problems."

"Problems? As in may S?" Kunot noo na tanong ko.

"Actually, sya lang naman ang may problema. But i am not in the position to give you answers. Sya tanungin mo." Naka focus na lang ito sa daan.

"Why can't you tell me?" Okay fine. Sobrang curious na talaga ako.

"Kayo yung may something diba?" Diniinan nya yung word na 'something' tapos hindi pa rin sya tumitingin sa akin.

"Jaden." Sabi ko na lang.

"What?" Hindi pa rin sya lumilingon.

"Seryoso ka ba na gusto mo ako?"

Nagulat ako ng bigla nya'ng iginilid sa kalye yung kotse ko at nag break. Naka seatbelt naman ako kaya hindi ako nasubsob.

"Are you kidding me? All the while, akala mo nagbibiro lang ako?" May namumuo na ngiwi sa labi nya.

Napa awang ang labi ko. "Are you expecting me na maniwala agad? Jaden, i'm not like any girls-"

"Exactly. You're not like any girls, Andrea." He grinned.

Hindi ako agad nakasagot.

"Gusto mo pa lang naman yata si kuya. May pag asa pa ako. Sibling rivalry, game on." Enthusiastic na sabi nito at muling pinaandar ang kotse ko.

"I can't believe this. Iniwan mo ako para sa iba'ng lalaki." Seryoso si Marco sa kabilang linya pero hindi ko mapigilan ang matawa.

He sounded like a jealous lover!

And he's very sexy in that tone though.

"Don't laugh at me, Andrea Angelique Ramos." His tone is more serious now.

"I'm so sorry, Marco." Lumunok ako ng laway. "Wag ka na magalit."

"This is it. Dahil sa lalaki, masisira friendship natin? And who's that guy?"

Hindi ko na naman mapigilan matawa. "Ang o.a mo friend. Masisira agad friendship? Sa tagal nating magkakilala, never pa tayo nagka gusto sa iisang lalaki, tapos dahil lang dito tatalikuran mo ako?" Biro ko sa kanya.

"Whatever."

"Okay, fine. Jaden Elizalde. Business partners ang parents nyo."

Hindi agad nagsalita si Marco, parang nag isip. "Okay, fine. He's a hottie. But it's not an excuse! Magkakilala na kayo, hindi ko man lang alam?"

"Hey, i just met him last Saturday night."

"Oh, right. Pinapapunta ako ni Daddy that night, nag alibi na naman kami ni Lay." Marco explained.

It somehow gave me a releif na hindi pumunta yung dalawa.

Feeling ko, hindi pa ako ready malaman ni Marco na may involvement ako sa kung sino'ng lalaki ngayon.

Muntik ko na'ng batukan sarili ko ng marealize ko na kakabanggit ko pa nga lang pala ng pangalan ni Jaden. And they know each other, i guess. World of the richest. Ugh!

"So, wag ka na magtampo."

"Teka, is he courting you? Ano'ng score?"

"Score? Nothing." Tanggi ko. Hindi ko na rin kasi inopen kay Jaden yun hanggang maihatid nya na ako.

He wanted na maihatid ako hanggang sa pintuan, pero nag insist ako na next time na lang.

Sinabi ko na lang na katabi ng unit namin ang unit ni Syd. And hindi pa rin talaga sya nagsabi ng kahit hint sa family problmes chuchu nila.

"Right." I can imagine marco rolling his eyeballs. "Babaero yan, nako."

"I know." I answered laughing. "So ano, am i forgiven? Sasamahan na lang kita mag shopping this weekend."

Matapos ang pagkukulitan namin ni Marco, wala pa rin naman si mommy so i wanted to visit Syd.

I just can;t get enough of that guy.

Sasabihin ko na lang na nagkita nga kami ni Jaden, pero wala namang malisya yun.

But would he even care?

I mean.. hindi naman kami. I have seen this and read in movies. Baka nag a assume lang naman ako na he cares?

Puno pa rin ako ng pag iisip habang pinipindot ko yung doorbell button.

Bumukas na yung pinto, pero malalim pa rin ang pag iisip ko.

Huli na ng ma realize ko na hindi pala si Syd yung nagbukas ng pinto.

Kundi isa'ng babae na may curly brown hair, at tanging kumot lang ang nagtatakip ng kahubdan nito.