webnovel

Chapter 23.

I acted like everything was fine. Umiwas ako kay Mommy when i arrived home hanggang sa mag byahe na kami papunta ng Lucena. Muntik pa kami mag-away ni Syd when i told him na huwag na ako ihatid but he insisted.

Bigla lang uminit ulo ko. Syd's been comforting me after i was slapped by Zel and Jaden's mom. And i know kung gaano sya kagalit when it happened. I felt it. And good thing he had it under control.

But everything became a blur nang matigil na ako sa pag iyak. Napalitan ng madaming tanong. It's not that i am doubting my relationship with Syd because i am damn sure of what i feel. It's just that.. Ang dami lang biglang nangyari kung kailan okay na kami, nag usap at nagka ayos.

Why won't the moment just let us be happy?

Pasado alas sais na kami nakarating ni Mommy kila Daddy. Bigla na lang ako naiyak when i saw him again. Parang biglang naging helpless sya sa paningin ko. Parang bigla syang pumayat.

Iiwan nya na ako. Kaunting panahon lang kami nagkasama. Ang sakit sakit lang. Everything dawned to me that moment. Napayakap ako sa kanya at pati si Mommy nagulat. She excused herself.

"Andrea. May problema ba? Bakit ka umiiyak hija?" Dad's been caressing my hair habang umiiyak ako sa dibdib nya.

Umiling lang ako. Ayoko isipin nya na iniisip ko na mamamatay na sya. Even before, alam ko na gusto nya, palaging happy thoughts at ayaw nya na titigil ang mundo ng ibang tao dahil lang may sakit sya.

Kaya alam ko rin ang nararamdaman ni Adam at ng kapatid namin na di ko pa nakikilala.

I just kept on crying.

I somehow found comfort in Dad's arms. Gusto ko maramdaman nyang anak nya ako.

"Hush. Bakit ka ba umiiyak? Niloko ka ba ng boyfriend mo?" Natatawa pa na tanong nya.

I know he's lighting up the mood pero hindi ko magawa na sakyan sya. Parang ayoko na sya bitawan.

"Andrea.. What'wrong?" Sumeryoso na ulit ang boses nya.

Huminga ako ng malalim at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. I sat at the bed side habang naka harap sya sa akin while he's on his wheelchair.

"W-wala po D-Dad." Umiwas ako ng tingin.

"Hija. Something is obviously wrong. Tell me." Kitang kita ko yung concern ni daddy sa akin.

"Eh kasi D-Dad.. Bakit po ganoon? Yung pakiramdam na akala mo magiging okay na yung lahat tapos, magigising ka na lang bigla sa katotohanan na all is actually far from being okay. Na madami ka pa palang problema. I wasn't used to this. Punong puno na bigla ng complications yung buhay ko. I know i might sound stupid pero ang hirap Dad."

He was listening attentively. Lahat ng atensyon nya ay nasa akin.

"T-tapos.. Nakilala ko kayo, masyado nang late. Noong una, hindi ako galit sa inyo pero hindi ko alam kung para saan pa para makilala ko kayo. But i still had the urge to. Tapos sinampal ako ng reality na hindi ka na rin magtatagal." Punong puno ng bitterness ang boses ko.

I heard Dad sighed. "Anak.. I've been there. When you live your life the easy way, na wala kang problema all your life, akala mo okay na. Pero darating at darating sa punto na magkakasabay sabay sila. Doon mo maiiisip na ah, life is unfair. You have to be strong, Andrea. Walang problema na ibibigay sayo ang Dyos kung alam nya na hindi mo kaya."

Dad's words were like music to my ears.

"You just have to pray, anak. Nandyan lang sya at naghihintay kausapin mo." Inabot ni Daddy yung kamay ko at pinisil.

Hindi ko maipaliwanag how that squeeze felt like tinanggal noon ay bikig sa dibdib ko.

"Alam ko naman po yon, Dad. Pero bakit? Bakit ako? Bakit ikaw? Bakit ganito? Ang hirap hirap eh. Hindi ko naman agad matatanggap sa isang iglap ang lahat. Tapos mawawala ka na din. Hindi ko matanggap." Nangingilid pa rin ang luha ko.

"I guess, we just have to think of it positively. Pwedeng hindi kami nagkaroon ng communication ng Mommy mo at hindi tayo nagkita hanggang sa mawala ako. But God made it possible para makasama ko pa rin kayo. It's a matter of how you look at things, anak. Nasa iyo lagi ang pasya. Kung saan ka sasaya at liligaya, kung wala ka naman inaapakan na tao, doon ka. Palaging may masasaktan, it's inevitable. It's a human nature. Pero may mga dadating din sa kanila na papasayahin din sila."

I can see Dad's eyes getting watery. This scene is so far from what i always imagine. Sabi ko pa naman noon, gusto ko palaging happy thoughts kapag makakasama ko si Daddy.

"Andrea.. Hindi man ako naging ama sayo habang lumalaki ka, you'll always be mg daughter. Sobra sobra na yung pakiramdam na nakilala kita bago ako mawala. It's more than enough for me. I made mistakes, and people around me accepted that. Walang perfect, anak. Kung nahihirapan ka ngayon, it's okay. Lahat ng tao nahihirapan, nasasaktan. But at the end of all, magiging okay din ang lahat."

"Dad.." Gumaralgal na yung boses ko. Naninikip yung dibdib ko.

Bakit hindi pwedeng maghimala? Na wag na muna sya kunin sa akin? He became my strength the moment i cried infront of him a while i was consumed with so much bitterness sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Just think of all the things positively, okay? Walang permanent, Anak. Kung baga, weather weather lang. We just have to go with the flow."

Tumango tango lang ako sa sinabi ni Daddy. Everything seemed clear to me all of a sudden.

"Now.. Is there a special someone na particularly ay nagpapahirap sayo?" Muli ay bumalik yung ngiti ni Daddy.

Natawa ako at nagpunas ng luha. "He's very special Dad. At yung nangyayari ngayon, pagsubok lang. Mula ngayon, i'll look at the things positively."

"Yes, please. I learned that the hard way. Naging kuntento ako once na naisip ko na lahat ay lilipas din. And i don't have anything to wish for now na nakilala na kita and you accepted me."

Yinakap ko ulit si Daddy. "I love you Dad. Thanks for talking to me. Hindi mo alam kung gaano gumaan ang loob ko."

The good thing about talking to Dad about it is the fact na ito yung mas nagpatibay ng samahan namin. Pakiramdam ko, mas humigpit yung tali na nagbubuklod sa amin. All my life, si Mommy at ako lang. Si Mommy lang sandalan ko.

Pero ngayon, si Daddy andyan na. May mga kapatid pa ako.

Hindi ko na lang siguro papansinin yung medyo mean na pakikitungo sa amin ng asawa ni Daddy na si Tita Bianca. At some point, naiintindihan ko naman pagka bitter nya. Sana lang pakisamahan nya kami ng maayos. Ayokong inaaway si Mommy. She had enough hardships raising me alone.

Nang maasikaso ko na si Dad bago sya magpahinga at matapos ko sya mapakain, i decided na kausapin si Mommy. I don't understand kung bakit pati yung Mommy ni Jaden at Zel eh parang galit sa kanya.

Nakapag bihis na kami at handa na kami matulog when i decided to talk to her.

"Mommy.. I'm sorry if i have to ask you this. Pero bakit po galit sa inyo yung Mommy ni Jaden?" Kaswal na tanong ko.

But i saw Mom's reaction changed vividly.

Mula sa pagkaka relax nya, nakita ko na biglang nanlaki yung mga mata nya at parang hindi makapaniwala na tumingin sa akin. "What are you saying?"

"She.. S-she told me na mang aagaw ka daw. S-she said things i don't even want to.. Ugh! Mom, why is everyone mad at you?' Napu frustrate na tanong ko. "I want answers, Mom. Malaki na ako, sana naman pagtiwalaan mo na ako."

I am not accusing her, i just want to know why everyone seemed to call her names. Nasasaktan ako para sa kanya. Alam ko na may explanation, and that's what i need.

Napa awang ang labi nya. She looked confused for a moment.

"Mommy.."

"That's past, Andrea. Ayoko na sana pag usapan. Did she hurt you? What did she do?" Kita ko yung galit sa mukha ni Mommy. Lumapit sya sa akin at tumayo sa harap ko.

Wala ako balak sabihin sa kanya na sinampal ako ni Mommy nila Jaden. Ayoko nang lumala. Alam ko na may pagka impulsive si Mommy at times although she looked reserved. Like i said before, bitchy din sya. Ayoko sya husgahan dahil nagtataka ako bakit hindi sya lumalaban kay Tita Bianca.

In the first place, sabi naman ni Daddy, kami ang una.

"W-wala Mom. N-nothing happened." Umiwas ako ng tingin. Ako ngayon ang biglang naglilihim.

"Don't come near her, Andrea." Matigas na sabi ni Mommy.

"Pero Mommy, bakit ganoon? Noong una, si Tita Bianca. Tapos si Tita Connie. Bakit? Ano bang nangyari noon? And why does it seems like pati kami nadadamay?"

Huminga ng malalim si Mommy, pero tumalikod na at bumalik sa kama. I can see her fist closed. "Masyado nang matagal iyon, Andrea. Matulog na tayo. Huwag mo na lang babanggitin sa Daddy mo. Ayoko na may isipin pa sya. We came here for him at sana, huwag na natin ito mapag usapan." That's it and she turned her back on me.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Wala ako magawa. Open kami ni Mommy pero why does this particular topic sets her off?

Hindi ako maka kalma. I needed to get out. Lumabas ako ng kwarto.

Muntik pa kami magka banggan sa hallway ni Adam dahil sa sobrang pag iisip ko, nakayuko lang ako habang naglalakad.

"Hey sis!" Bati nya. Hinawakan nya yung dalawang balikat ko.

"A-Adam.."

He smiled at me. "What's up? You look down."

Ngumiti na lang din ako sa kanya. "Er y-yeah. Medyo stressed lang." I shrugged my shoulders. When i met Adam and Daddy, doon ko napatunayan yung lukso ng dugo. I instanlty fell in love with them. Yung pakiramdam na mahal ko na sila agad? Hindi na kailangan ng bonding.

Sana ma meet ko na rin yung isang kapatid namin.

"Ah! I have a solution to that." Naka pa mewang sya sa harap ko. "I'm going out with some friends. Sumama ka na lang. Ipapakilala rin kita. Is that alright?"

Nagkamot ako ng ulo at napa tango na lang. I have been thinking about how we can bond, and i guess, there will never be another good time.

"Great! Magbibihis lang ako Sis. Just wait for me, okay?"

Tumango ako ulit. "Uh okay. Pero okay lang ba sa mga kaibigan mo?"

He laughed. "Of course. Teka, how about Tita?"

"She's asleep." Matipid na sagot ko.

"Alright. Bihis lang ako." Tinapik nya pa ako sa balikat iniwan na ako.

Dumaan ako sa bathroom at tiningnan ang sarili ko. Hindi pa naman ako haggard. Kung hindi lang dahil sa medyo namumulang mata ko. Pumasok ako ulit sa kwarto para mag ayos at magpa bango tapos bumaba na ako. Ilang minuto lang, bumaba na rin si Adam.

He looked so damn good. I swear kung makita sya ni Marco, magugustuhan nya ang kapatid ko.

"Let's go?"

"Yep. Let's go." I smiled.

Inakbayan nya ako at sabay kaming naglakad papunta sa kotse nya. Na excite ako bigla. Pakiramdam ko parang first time ko lumabas.

"My friends are loud, mind you, sis. But they're okay. I think you'll like them. For sure, lumalabas ka rin naman with some of your friends right?" He started the conversation as we got out of the gate riding his flashy race car.

"Yep. Minsan." Matipis na sagot ko.

"Good." Nakangiti na sabi nya at pinaharurot na ang sasakyan.

Gumaan ang pakiramdam ko. Madaldal si Adam at mabuti na rin iyon. Hindi kami naubusan ng topic habang nasa byahe. In twnety minutes, he parked his car in front of a bar. Since provincial, wala masyadong upscale bars doon, but it's okay.

Naka akbay sa akin si Adam na pumasok kami. Halatang popular sya sa lugar. Halos lahat ng nakakasalubong namin ay pinapansin sya, may ilan naman na masama ang tingin sa akin. Hindi na lang ako magsasalita. It's their first time to see me.

When we reached a certain crowd, agad na nakipa apir sa kapatid ko yung mga tao. Around five boys. Walang babae.

Tumayo yung dalawa at pinaupo ako sa couch.

"Who is she? Flavor of the month?" Maingay pero narinig ko yung tanong nung isa kay Adam.

I saw Adam laughed at kunwaring sinuntok yung lalaki. "Off limits, men. She's my half sister. I'm watching you." Tapos tumawa si Adam at tumabi sa akin.

Lumilinga linga lang ako at nakikiramdam. Inabutan ako ng isang bote ng beer ng katabi ko na kaibigan ni Adam.

"Beer or cocktail?" He was smiling. He has this boish grin na si Lay ang agad kong naalala.

"Kahit ano." Ngumiti ako at kinuha yung bote.

Nagpakilala sila isa isa sa akin at nakisama naman ako. Nakaka ilang shot na ako when my phone vibrated. Syd sent me a message.

I hope you're not mad. I'm sorry for everything. Hindi naman kasalanan na nagmamahalan tayo, pero bakit ganito? But i won't give up, Babe. I love you and that's all that matters.

Nahigit ko ang paghinga ko. Damn. I really love Syd. Everything he says.. ilove everything about him. Alam ko na iniisip nya na baka mag iba na naman ako ng mood. But i plan to just surprise him pagbalik ko.

Encouragement lang pala ni Daddy ang kailangan ko.

"You okay, sis?" Tanong ni Adam.

Tumango ako. "Yeah, i'm good. Thanks for bringing me here."

"Wanna dance?"

Tumawa ako at tumango. He grinned then we got up. Nakaka ilang bote na rin ako at tipsy na, but i just want to forget everything for tonight at ang lahat ng gumugulo sa akin. I guess, it's one way of escaping problems, but not totally dahil haharapin ko naman sya kinabukasan.

I miss Syd though.

Kahit sa dance floor ay madami nakaka kilala kay Adam. Everyone's looking at me with questions. Hindi ko kasalanan na masyadong gwapo ang kapatid ko at masyado naman akong maganda.

Bumalik na kami sa table pero nag excuse ako na mag babanyo. Kinabahan ako when i saw na wala na yung phone ko sa ibabaw ng pouch ko sa table. Nag panic na ako. I told Adam about it.

Luckily, may galing sa labas na kaibigan si Adam. Nagkamali daw sya ng cellphone na nadampot and thought it's his. Magkapareho daw kasi kami ng unit at kulay ng phone. Nakahinga ako ng maluwag as i went into the bathroom.

Palabas na ako ng cubicle when my phone rang.

Pinagiisipan ko pa nga kung sasagutin ko. Si Syd. Balak ko kasi na surpresahin na lang sya.

But then, okay rin na makausap ko na sya kaya i answered it.

"Hello." All smiled na sagot ko.

"Are you playing with me, Angelique?" Ramdam ko ang bigat ng tanong na iyon ni Syd.

Napa awang ang labi ko. "W-what? Sorry kung hindi kita na replyan kanina. Medyo busy lang."

"Busy? Busy saan? Sa lalaki mo? Kaya ba ayaw mo na ihatid kita kaninang hapon kasi pupuntahan mo sya?"

Bigla akong naliyo sa mga tanong nya. What the hell is he talking about?

"What the hell is wrong with you? Wala akong lalaki! Ano na naman ba ito? Are you drunk?"

"Maybe you should ask that yourself. You're obviously in a bar. Some fucking guy answered your phone a while ago. What the fuck was that?!"

Mariin akong napapikit. Damn. Is this another trial?