webnovel

Chapter 22.

"P-pagod kasi ako eh.." Mabilis yung tibok ng puso ko at di ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob para magsalita pa.

Naglakad ako at nilampasan ko sya. I clenched my fist para mapigilan ang sarili ko na lingunin si Syd.

But he caught my hand.

Napatigil ako sa paglalakad nang pigilan nya ako. Hawak nya ang isang kamay ko at ipinaharap ako sa kanya.

He looked so damn tired, but nevertheless beautiful, gorgeous.

"Syd.. Ano kasi.." Buhol buhol na ang pag hinga ko. One touch and my whole being is affected.

"Mag usap tayo Angelique. Don't leave me hanging." Walang ibang emosyon na makikita sa mukha nya.

"Syd ano.." Shit. Nai speechless ako sa harap nya. Alam ko na karapatan nya malaman ang lahat. Ang ayoko lang, makadagdag pa sa alalahanin nya yung sitwasyon namin.

Sinabi na ba ni Zel sa kanya? Ano ba ang alam ni Syd? Natatakot ako.

Unti unti syang lumapit sa akin. I was frozen when his body touched mine. He hugged my then caressed my hair. Napatigalgal lang ako sa ginawa nya.

Napapikit ako when i felt his lips on my neck. He lowered his self and gave me a wet kiss.

"Syd. M-may tao." Nauutal na sabi ko when i saw a couple walking towards us.

Bahala na.

Humiwalay sya sa akin at marahan akong hinila palapit sa kotse nya. Hindi na ako nakatutol nang pagbuksan nya ako ng pinto. Kinakabahan ako, pero siguro, kailangan ko masabi ang lahat ngayon. All my fears. All my worries.

Kahit natatakot ako.

He silently started the engine. Wala kaming imikan hanghang sa mapansin ko na papunta kami sa bahay nya.

Naalala ko bigla yung mga nangyari. Papunta kami sa bahay nya when my phone rang. Si Jaden na pala yung timatawag. But i don't want to worry Syd. I can feel his insecurity towards Jaden. At hindi ko sya masisisi. He had a hard life before.

He opened the door for me when we arrived. Wala pa rin nagsasalita. I stood there while he was parking his car. Nang makalabas na sya, hinapit nya ako sa bewang at magkasabay kaming pumasok.

Humarap ako sa kanya at magsasalita na sana pero nasakop nya na yung bibig ko. I automatically closed my eyes and responded to his kiss. It was gentle and wanting.

For a moment, naramdaman ko na kami lang ni Syd. That it's only the two of us that matters at that time. Wala akong ibang iniisip, walang problema. We just love each other.

His hands started travelling ang exploring. Kapwa kami humihingal nang maghiwalay ang labi namin.

Nag tama yung mata namin at nagpatangay ako when he pulled me and we went upstairs.

Pagkabukas pa lang ng pinto ng kwarto nya, agad ulit kaming naghalikan. Pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko sa saya na nararamdaman ko.

"I love you, Andrea Angelique." He murmured when our lips parted. Our foreheads touching at magka hinang ang mga mata natin.

"Syd.." I feel agitated now.

Binitawan nya ako at bahagyang lumayo sa akin. "Do you still love me, Angelique?" Salubong ang kilay na tanong nya sa akin.

Napa awang ang labi ko sa tanong nya. "What? What are you asking? Of course mahal kita."

He pressed his lips at yumuko bago muling tumingin sa akin. It seems like somethings bothering him.

"Is something wrong?" Ako na ang nagtanong. "Did Zel tell you something?"

He inhaled sharply. "I'm sorry, Babe. I'm just bothered. I feel stupid for even thinking of being jealous with Jaden when he's at the hospital."

"Syd i don't understand.." Naguguluhan na sabi ko.

"I got jealous, okay? When i asked you last night na umuwi ka na at ihahatid na kita, i saw the determination in your eyes to stay. Sure, i know Jaden's been close to you too. So nagalit ako sa sarili ko for the mere thought of it. But then pagbalik ko, wala ka na. Zel told me you left crying, at baka ba guilty ka sa nangyari kay Jaden." Litanya nya. Parang hirap sya ipaliwanag ang lahat.

"It bothered me the whole night. Kahit dumating na si Daddy, hindi na ako nakatulog. What if sabihin mo sa akin na narealize mo bigla na si Jaden pala mas gusto mo? Seeing him in that bed, i know it stirred something in you. Ayoko isipin pero nasasaktan ako, eh. Tapos hindi na kita ma contact. Umiiwas ka na naman sa akin." Lumapit sya sa akin ulit at hinawakan ang mga kamay ko. "Tell me you're still mine. Babe.. Please. I need to hear you say it to me."

"Syd.. You're wrong." Zel did not tell him anything! He was actually thinking na iiwan ko sya at pupunta ako kay Jaden! "Syd ikaw yung mahal ko. Ikaw. Di kita iiwan. But i had issues. And i want you to know everything." Parang maiiyak na ako just by saying it.

Napakurap si Syd habanh tumitingin sa akin. "What is it?"

Huminga ako ng malalim. I am silently praying na lahat ay nas maging maayos kapag sinabi ko kay Syd yung nangyari.

"Noong gabi na nagkaayos tayo.. Yung hinatid mo ako? Naabutan ko si Jaden sa bahay. Pinapasok sya ni Mommy." I started telling him. "Hindi ko pa sinasabi na okay na tayo, but he was thinking na ganoon nga, and he told me na hindi pa rin sya titigil."

"What?"

"He was being playful and all. Alam daw nya na ikaw yung mahal ko but he'll keep on trying. Inisip ko na lang na biro yun." Nagsimulang manubig ang mga mata ko. "But i don't want you to be upset so hindi ko na rin sinabi sayo. We were okay. Ilang araw din na hindi nangulit si Jaden. But last night.." Tuluyan nang tumulo ang luha ko. "When my phone vibrated while we were on the way to your house.. Si Jaden yon, Syd. Ayoko lang sagutin yung phone ko habang kasama kita lalo na at si Jaden yung tumatawag."

"It never crossed in my mind na nasa panganib sya. I was thinking na mangungulit sya ulit at ayoko isipin mo na nakikipag ugnayan pa ako sa kapatid mo." Lumapit ako kay Syd. "Babe i swear hindi ko alam yung nangyari. I never thought Jaden will be in danger." Humahagulgol na ako. I feel so damn bad about it and Syd's not saying a word.

"Sasabihin ko sana kagabi, but i saw you so worried. Natakot ako na sisihin mo ako. I was worried for Jaden too. Im sorry. Im really sorry."

Syd suddenly pulled me in and hugged me. Lumakas yung iyak ko when i realized he's not mad.

"Hush. Babe, wala kang kasalanan. Im not mad. Please. Wag ka na umiyak."

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. I feel so damn relieved.

"I still have to tell you something.." I told him again.

Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan i kwento yung sinabi sa akin ni Zel. I told him everything. I laid all my cards tonighy hoping Syd will understand.

"Babe.. Pinaasa ko si Jaden. I was so stupid. I never meant to-"

"Babe." Syd cut me off. "Walang may gusto ng mga nangyari. Come here." Inakay nya ako at umupo kami sa bedside. "If it can console you, i would do what Jaden did if i was given the chance. Hindi ako magsisisi. My brother loves you too, and he did those things because of it. You never asked him. You never asked anything from me too, but i'd be willing to do anything you'd want me to. You never have to ask."

"But i feel bad. Zel hates me and i understand. She thought i was playing the two of you. Pero hindi ko ginusto na umasa si Jaden!"

Syd hugged me and caressed my hair. "Babe.. You think too much. Everything's going to be fine. I will talk to Zel."

"Thanks for understanding, Babe." Naiiyak na sabi ko. How can i doubt this man? Sa dami ng napagdaanan nya, sya pa yung umintindi sa akin.

I just sent Mommy a message that i won't be home for tonight. Syd cuddled me to sleep. He took my fears away at lahat ng bagay ba akala ko ikakagalit nya sa akin, inintindi nya. I was so damn scared but i feel like i have been released from a prison when i learnd that Syd thinks it's fine.

Gising na sya nang magising ako kinabukasan. Naka higa ako sa braso nya and he was still cuddling me.

"Are you hungry yet?" Tanong nya.

Tiningala ko sya at umiling ako. I hugged him. Masarap gumising na si Syd ang una kong nakikita. I love his smell. Amoy pinipig. Hindi na kagaya ng dati na naghahalo ang amoy ng sigarilyo at mint.

"Do you still smoke?"

"Yep. But bawas na. Why?"

Umiling ako. "Wala lang. You don't smell and taste like mint anymore."

I heard him chuckle. "Taste? You only tasted me once, Babe."

Namula ako dahil sa meaning ng sinabi nya. Mahina ko syang kinurot sa tagiliran. Damang dama ko ang abs nya. Theres a bulge in his boxers.

"Aww! Bakit totoo naman. Wanna taste me again?" Nakangisi na tanong nya habang huli ang kamay ko.

Ngumuso ako at napabalikwas ng upo sa kama at humarap sa kanya.

"Manyak." Biro ko.

"Hindi pa kita minamanyak, manyak na? Paano kapag minanyak na kita? Rapist na ako, ganon?" He smirked.

Tumawa ako. "You're crazy."

Hinila nya ako gamit ang kamay ko na hawak nya at automatic na napadapa ako sa ibabaw nya. We exchanged position quickly. Nasa ibabaw ko na sya at napag hiwalay nya na ang mga hita ko at doon sya pumwesto.

"Babe!" Natatawa na tinutulak ko sya.

He lowered his self down and kissed me passionately in my lips. Tinugon ko ang bawat halik na binibigay nya.

"I love you." Anas nya nang maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you too, Syd. And thank you." I caressed his beautiful face habang magkahinang ang mga mata namin.

Naka tukod ang mga kamay nya sa gilid ko upang hindi sya tuluyang naka dagan sa akin. He suddenly pinches my nose and got up.

"I'll cook us something for breakfast." Nakangiti na sabi nya bago lumabas ng kwarto.

Naiwan lang ako na parang tanga at nakangiti.

Nag ayos ayos lang ako ng gamit sa kwarto nya at bag shower na bago sya bumalik at tinawag ako para kumain na. Napangiti ako nang makita ko yung niluto nya.

"Lomi? Wow." Yinakap ko si Syd.

"Lomi lang yan, excited ka na agad." Naiiling na sabi nya.

Pinaghugot nya ako ng upuan. Akmang kukuha ako ng kakainan pero pinaupo nya lang ako.

"Let me serve you."

Sya lahat naglagay ng mga kailangan ko at tsaka lang sya umupo sa tapat na upuan ko nang maluwagan nya na ako. Excited akong tumikim at hindi naman ako binigo.

"Wow, Babe. Ang sarap." Puri ko. Parang lalo tuloy ako nagutom.

Naka dalawang mangkok ako. Mahilig talaga ako sa may sabaw na pagkain eh. Tapos ang sarap pa ng luto ni Syd.

Alas otso na nang sabihin ko sa kanya na uuwi na ako. Usapan namin ni Mommy ba dadalawin namin si Daddy this weekend. Hapon kami aalis mamaya at maghahanda pa ako ng gagamitin.

"Maaga pa naman, Babe. Stay for a while." Hinapit nya ako sa bewang and hugged me.

"Maaga pa? Eh alas otso na kaya."

"Maaga pa." He insisted. He kissed me on my cheeks and i giggled. I feel so loved whenever were like this.

Sa huli ay pumayag din sya.

Ihahatid nya na lang daw ako.

We were laughing habang palabas kami ng pinto nang mapatigil kami kami. We saw someone coming in from the gate. Babae, mid forties at mukhang kagalang galang.

Nilingon ko si Syd. Kahit sya ay mukhang nagulat. May paranv body guard na kasama yung babae na baka tayo sa labas ng gate.

Nang mapatingin sa amin yung babae, kita ko yung masamang tingin nya sa akin.

"Tita Connie.." Tawag ni Syd sa babae nang makalapit na ito.

"So it's real. Kasama mo nga ang babaeng ito." Tinuro ako nung babae. She sounded so mad. Napa atras ako.

"T-Tita.." Muling sabi ni Syd. Hinawakan nya yung kamay ko habang kapwa kami naka tingin sa babae.

"Don't call me that! Hindi kita kaano ano lalo na at hindi kita pamangkin!" Asik nang babaw kay Syd. Nagulat ako, but hindi natinag si Syd.

Poker face lang si Syd habang naka tingin sa babae.

Bumaling sa akin yung babae at galit ba galit pa rin. Sino ba sya? I really have no idea.

She curled up her arms on her chest. "I can see your resemblance with your mother, hija. And i bet, hindi lang itsura ng mang-aagaw mong ina ang nakuha mo kundi ugali rin. Mga malalandi!" She screamed the last part.

Nanigas ako dahil sa sinabi nya.

Is she talking to me? Did she just called my mom mang-aagaw at pareho kaming malandi? What the hell is happening? Napa awang lang ang labi ko.

Hinila ako ni Syd palayo sa babae.

"Don't talk to her like that!" Mariin at matigas na sabi ni Syd. Himigpit ang kapit nya sa akin. Confused pa din ako.

"Aba? Nakuha mo pang sumagot? Wala kang delikadesa! Naaksidente na nga ang kapatid mo dahil sa malanding iyan, heto at magkasama pa rin kayo. Ang nagagawa nga naman ng natraining sa paglalandi." She's still mocking me. I can see her half smiling for insulting me. Just then i realized na ito ang Mommy nila Jaden at Zel.

"Tita Connie, stop it! Hindi nya kasalanan. Wala syang kasalanan." Syd's voice sounded controlled.

"It's all her fault!" The woman screamed. "Jaden wouldn't want her. She seduced him! And you were seduced too! Wala kang utang na loob! Pinili mo pa ang babaeng ito kaysa sa kapatid mo! Ganyan ka ba kadesperado?"

"Stop it! Mas mabuti pang umalis na lang kayo." Syd said again.

"Huh. At ano? Magpapaka sasa ka na naman sa pera ng asawa ko? Kung maka gasta ka akala mo pinaghirapan mo ang pera na ginagamit mo! Maybe she thought that you have more money than my son by the way you spend. Clearly, this flirt doesn't know how to choose."

"Tita tama na." Mariin na sabi ni Syd.

"At bakit ako titigil? Itong babae na to ang dahilan kung bakit nasa hospital ang anak ko! Magkatulad sila ng Ina nyang malandi at mangaagaw!" Dinuro ako nung babae at bawat kataga na binibitiwan nya ay sumusugat sa akin.

"Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na nasa panganib si Jaden nung-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil narinig ko na lang ang malutong na tunog ng pagdapo ng kamay nya sa pisngi ko.

"What the fuck!" Rinig ko ang pagkagulat ni Jaden. "Matagal na akong nagtitimpi sa inyo. Hindi ko kayo pinapatulan dahil pinalaki ako ng Ina ko na may pag galang sa matanda. Kahit gaano kasama ng ugali ang pinakita nyo sa akin hindi ko kayo pinatulan! Pero tangna! Wala ka karapatan sampalin ang babaeng ito!" Gigil na gigil na sabi nya.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Syd dahil sa galit. Hinawakan ko ang braso ni Syd upang pigilan sya sa kung ano man na pwede nyang magawa kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

"Mga walang kwenta! Huwag na kayong magpapakita sa mga anak ko! Ipapapulis ko kayong dalawa! Magsama kayo mga bastardo!" The woman just screamed and left.

Nanginginig pa rin ang katawan ni Syd when he got me for a hug. Nagsimula akong mapa hagulhol.