webnovel

Chapter 21.

"He was mugged. Wala pang mabigay na statement sa police dahil walang witness. He's stable for now, nalinis na yung sugat and it got six stitches. Malalim pero wala naman natamaan na vital organ. We just have to wait for him to wake up." Kausap na ni Zel yung doctor when we arrived at yun yung narinig namin na sabi ng doctor.

"Will he be fine after he wakes up, aside sa sugat nya?" Agad na tanong ni Syd. Worried na worried sya. Pareho kaming hindi mapakali sa kotse habang papunta kami roon. Si Zel yung tumawag sa kanya dahil si Zel ang tinawagan ng hospital nang maisugod si Jaden.

Their parents are in Indonesia at pauwi na rin daw.

"I can't say yet." Hinarap si Syd ng doctor. "Once na magising sya we'll take some more test. Maaaring magka lagnat sya dahil sa damage ng sugat sa katawan nya but we'll know more kapag nagising na sya. I can't say yet kung kailan, but in two days the most,"

Nagpasalamat si Zel at si Syd sa doctor when the doctor excused his self.

Sa akin bumaling ng tingin ni Zel nang maka alis na yung doctor. Naka akbay si Syd sa akin and i swear it totally feels awkward. The last time we saw each other, akala nya ay may something sa amin ni Lay nang magtago sa likod ko si Lay.

"So.. kayo?" Nakataas yung kilay nya. I don't know kung para sa akin o kay Syd ang tanong na iyon.

Tiningala ko si Syd, hindi ko alam sasabihin ko.

"Yes, Zel. Get over it. Wala silang relasyon ni Lay." Tila bored na sagot ni Syd.

"Yeah. But i thought she's with Jaden two weeks ago sa Tagaytay?"

Napasinghap ako. Bakit alam nya? Sinabi ba ni Jaden?

"I was there too." Matigas na sabi ni Syd.

Zel curled her arms into her chest as if iniinterogate nya kami. Tumitig sya sa akin at umiwas ako ng tingin. I feel so damn guilty. Alam ko na wala ako ginawang masama, but the fact na sa akin nag message si Jaden at hindi ko iyon napansin, daig ko pa ang taong gumawa nito sa kanya.

Inakay na ako ni Syd para pumasok sa private room ni Jaden. Kakapalipat pa lang daw noon ni Zel. Dahil wala pa pagkakakilanlan kanina kay Jaden ay kinailangan nito na mapunta sa emergency at maoperahan agad. Natawagan naman daw agad si Zel kaya naipalipat sa private room matapos ang operation.

Mariin akong napapikit when we went inside.

Jaden looked so angelic while lying there. Puti ang paligid at puti rin ang suot nya. Payapa at tanging ingay ng machine sa tabi nya lang ang ingay. Agad na lumapit yung magkapatid. Pakiramdam ko, nahihilo ako. I feel nauseaus.

"When is dad coming? Wala man lang ba pwede makapagsabi kung bakit nandoon sya?" Syd asked Zel. His arms are curled in his chest, at pareho silang nakatingin kay Jaden.

"In ten hours darating sila ni Mommy." Zel sighed. "I don't even know why he was there. Ang sabi ng ambulance, may nakakita lang kay Jaden sa gilid ng kotse nya. He's barely breathing at sapo sapo nya yung sugat nya. He lost too much blood, nagpakuha na ako para mabigyan sya."

Napatalikod na lang ako sa narinig ko. Hindi ko pa nasasabi kay Syd yung messages. I know, he will understand. Pero ngayon, honestly, hindi ko na alam dahil baka magalit na sya. He maybe hard at times on Jaden pero kitang kita ko yung pag aalala nya sa kapatid nya.

Hindi ko na namalayan na naka idle na pala ako habang naka upo sa couch na naroon. Lumapit sa akin si Syd at inakbayan ako. He sat next to me.

"Babe.. Ihahatid na kita. I have to stay here with Zel habang wala pa sila Daddy."

"I can stay, Syd." Agad na sagot ko.

Hindi ko maiiwan si Jaden. Hindi lang ako nagi guilty, pero concern din ako sa kanya.

He looked surprise. "You sure?"

Tumango ako. "Of course. Let me stay."

All of a sudden, his look at me narrowed. He seemed to be thinking of something.

"What is it?"

Bigla syang kumurap at umiling. "Nothing. Okay, if it's alright with you. I'll get us some food and coffee." Tumayo sya at nagsabi kay Zel na aalis nga sya.

Three minutes na naka alis si Syd pero wala pa rin kaming imikan ni Zel. Naka tayo lang sya sa tabi ni Jaden at naka tingin sa kapatid nya. Jaden looked so damn helpless. Hindi ako sanay ng ganoon sya. Sanay ako na naka ngiti at makulit sya sa akin.

A few moments more at naglakad palapit sa akin si Zel. She sat next to me at pareho lang kaming naka tingin kay Jaden.

"You like tulips, don't you?" Biglang tanong nya.

Napalingon ako sa kanya. "Huh? Why?"

She was smiling, pero hindi nya inililipat yung tingin nya sa akin. She's still looking at Jaden.

"You do. You like tulips rather than roses. You think that roses are too mainstream, so used already. Gasgas na masyado." She kept on talking.

Pakiramdam ko nanuyo yung lalamunan ko. Zel is being weird all of a sudden. Yes, i do remember that whenever someone would ask me, i always say i'd rather have tulips than roses. Although I never even really recived one. Not that i'm asking for it. It's just one of the things i am firm in telling other people. And what Zel said is exactly the reasons.

It felt like she was there when i said those words.

"Zel.. H-hindi kita maintindihan." Sabi ko na lang.

Bigla sya lumingon sa akin, her smile is mocking. She got something from her purse.

"This is Jaden's cellphone, Andrea." Matigas ang sabi nya sa akin. "Wallet lang kinuha sa kanya. He was texting people asking for things you like, things you want. When he told me na nagpaplano sya na aalis kayo papunta Tagaytay, I thought, finally, Jaden has been smitten big time." She smirked. "What are you doing with my brothers, Andrea? Anong laro ito?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. It feels like my heart's gonna burst.

"He went to that God forsaken place to get you your freaking tulips!" Bigla ay lumakas yung boses nya. Zel's face changed into anger in an instant. "You just can't come into our life and ruined us!"

Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Napatakip ako ng kamay ko sa bibig ko. Naiiyak na ako. What the hell is Jaden thinking?

"He sent you a message before this happened." Bigla ay sabi ulit ni Zel. She wiped a tear on his cheeks with her hand.

"Z-zel, h-hindi ko kasi nabasa agad yung messages nya. I-i swear, k-kung nabasa ko lang agad.."

"He was in danger tapos ikaw pa rin iniisip nya. Ano bang meron ka? You got my brothers hooked!" Ramdam ko yung galit ni Zel sa akin. Nakakuyom ang mga kamay nya. Mahigpit ang hawak nya sa cellphone ni Jaden.

I started crying. I'm so sorry, Jaden.

"You better end this game. Isusumbong kita kay Kuya Syd." She's serious. Matiim yung titig nya sa akin.

Napa awang ang labi ko. "I am not playing with them! Mahal ko si Syd! i already told Jaden na tumigil na sya."

"Get out of our life, Andrea." Mariin pa rin na sabi nya.

"Mahal ko si Syd. I never wanted this to happen to Jaden, you have to understand that-"

"Na ano? Na pinaasa mo si Jaden? Na kuhang kuha mo na si Syd?"

"N-no, j-just listen to me-"

"Hindi ako nakekealam sa mga kapatid ko. I never ever lay a finger in things or people in their lives. But you came. You came and suddenly, ganito na. Paano na lang kung hindi naagapan yung kapatid ko? All of this because of you." Itinuro nya pa ako. "Paano na lang kung mawala sa amin si Kuya? We may not be a perfect family pero buo kami. And i want it to stay that way."

Para iyong kutsilyo na sumaksak sa akin.

"Z-zel.." I wanted to tell her that she's wrong. I wanted to explain, i wanted to tell her everything.

Pero ano pa ba magagawa ko?

I stood up. My hand on my mouth. Umiiyak ako. Sumulyap ako kay Jaden at lalo akong naiyak. Was it really my fault? Pinaasa ko si Jaden tapos it all lead to this?

Nanikip yung dibdib ko. I had to go.

Hindi ko na inisip si Syd. Sobrang sama ng loob ko dahil sa mga nangyari at nalaman ko.

Si Jaden.. Damn. Bakit ba kasi nangyari ito?

I hailed a taxi home. Pinatay ko na lang yung cellphone ko para hindi ako matawagan ni Syd. Bakit naging ganito ka kumplikado? Bakit kailang maaksidente si Jaden?

Nakatulog ako na umiiyak. Hindi ko na alam pero parang habit ko na ata ang magising na namumugto ang mata ko. Tanghali na ako nagising.

My phone's still off. But i want to see Marco. I called him using our landline phone.

"God, I have been texting and calling you kanina pa. Nasa hospital daw si Jaden. Alam mo na ba?" Parang nagmamadali na sabi nito.

"Yeah. G-galing na ako don kagabi. Naka patay phone ko." Sabi ko na lang.

"Ano nangyari sa kanya? Magbibihis na ako, pupunta ako doon. Sasama ka ba?"

Nagsimula ako humikbi. All of the things Zel told me came back. Paulit ulit akong sinasaksak sa dibdib ko.

"The hell are you crying? Andrea?"

"I'm fine." Pigil na sabi ko. "I can't go. Pwede bang balitaan mo ako ano lagay nya mamaya? Let's meet later, please?"

I heard Marco sighed after a few moment of silence. "Fine. Where?"

I told him a place and we agreed in the time. Ayoko buksan yung cellphone ko because i am sure i'll just be bombarded with Syd's calls and text.

Gusto ko magpaliwanag sa kanya but i guess, lalo lang makaka gulo kung sasali pa ako sa aalalahanin nya. Usapang pamilya na nila kung ano man ang nangyari kay Jaden. At makikibalita na lang ako.

We agreed to meet at around 3pm. Alas dos pa lang ay umalis na ako sa bahay. I just left a post it note in the ref's door in case gabihin ako. Hindi ko bubuksan ang cellphone ko buong gabi.

Tumunganga muna ako sa coffee shop na pagkikitaan namin. Umorder na ako. I feel like pigging out. Umorder ako ng ilang slices ng cakes. Inabala ko ang sarili ko magbasa ng magazine habang hinihintay si Marco na wala pang alas tres ay dumating na.

Agad akong tumayo at yinakap sya. Wala akong pakealam sa mga tao na pinagtinginan kami. Often times, i would really feel shy hugging Marco on public places. Lalaking lalaki kasi sya tingnan. And i would look like those clingy girlfriend na kala ko aagawan palagi ng boyfriend.

Isinubsob ko sa dibdib nya ang mukha ko. "Hey.." Bati nya. He caressed my hair.

"I miss you." bulong ko.

"I know. I miss you too. Now can you explain to me bakit ang haggard mo na naman?"

Tumango ako at humiwalay sa kanya. Umupo na ako ulit ang he sat to the chait next to me. I felt better with his hug, i swear.

"Si Jaden.. How was he?" Nangangatal na tanong ko.

"Hindi pa rin sya nagigising. But he's stable.. S-i Syd naman.. He's been cornering me. He looked frustrated. Bigla ka na lang daw nawala kagabi when you agreed to stay. Hindi ka nya ma contact. I told him na hindi din kita matawagan. Ano ba ang nangyari? I thought okay na kayo ni Syd?"

I told him the things Zel told me that night. Emotional ako sa mga oras na ito. I feel like breaking any time soon. Yung pakiramdam na may lamat yung pagkatao mo at kaunting pressure pa, mababasag na? I know i shouldn't be this weak. But everything is now a blur because of what was happening.

"C'mon. It wasn't your fault. Zel's just being unreasonable."

"Pero totoo na pinaasa ko si Jaden. Lahat ng pagsamasama ko sa kanya, mga pag aaya nya. Lahat! I was so damn selfish. Dapat noon ko pa sinabi na wag na sya lumapit. I admit i like him. But i am inlove with Syd. And i never plan all of this to happen."

"Exactly. Noon pa man alam nya na rin na may namamagitan sa inyo ng kapatid nya. He's just too damn stubborn. He may went there to get you your tulips but he did it dahil gusto ka nya mapasaya. You never asked for the tulips, lalo na ang mangyari sa kanya yan." Marco has never been this serious.

"Anong gagawin ko? Ayoko magalit sa akin si Syd kapag nalaman nya yung mga messages ni Jaden.."

"Hey.." Pinisil ni Marco ang kamay ko. "He will understand. Hindi mo naman alam eh. You never wanted anything to happen to Jaden. He has to understand."

"Pero ayoko muna sya makita.. Ayoko muna makigulo sa kanila. I feel sorry for Jaden. I am still lost, Marco."

"Ayaw mo na kausapin muna si Syd?"

Umiling ako. Duwag pa ako. Wala pa ako lakas ng loob salubungin kung magagalit sya sa akin. Bakit nangyari pa ito? Hindi ba kami tatagal na walang problema?

"Alright. I guess kung yan ang pasya mo, don't force yourself." He sighed. "I honestly don't know kung magiging masaya pa ako na nainlove ka na. You've been being down lately. Mas madaming times na umiyak ka kaysa naging masaya ka."

"I guess this is what really love is. The person that you love can make you happy, but the same time, can also make you feel all the pain triple times the happines you felt pero babalik balikan mo pa rin. Kahit gaano ka pa nasaktan, kasi mahal mo. Kasi saktan ka man nya, sya lang din makakapagpasaya sayo."

"But you can still choose, Andrea."

Umiling ako kay Marco. I know na nahihirapan din sya para sa akin. We've been best college buddies at naiintindihan ko ang concern nya.

"Nandito na ako, eh. I tried to get him out of my system a few times, but it gets harder everytime. It's like, kapag gusto ko lumayo, may something na humihila sa akin pabalik kay Syd. I can't resist. I am so damn inlove with him."

Pakiramdam ko ay bigla akong naging ibang tao. All of the things happening right now makes me weak, but somehow, alam ko sa sarili ko na makakaya ko ito. Na kaya ito binigay sa akin para malampasan ko.

I am determined about Syd. I love him. Sya lang. Pero i have to distance myself for a while. Magulo pa ang isip ko.

Hinatid ako ni Marco. Nagpa baba na lang ako sa kalsada bago yung street paakyat sa apartment namin. Mahihirapan pa kasi lumabas si Marco kung ipapasok nya pa ang sasakyan nya.

I honestly felt really better after ko makipag kita kay Marco. I was so blesses having someone like him.

I was clutching my bag's strap at parang bata na nakatingin ako sa mga paa ko as i walk when i froze when i heard a familiar voice.

"Babe.."

Hindi ko agad naiangat yung ulo ko.

"Angelique." He repeated calling me.

Okay, i wasn't hallucinating.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Syd na matiim na nakatingin sa akin. Naka sandal sya sa kotse nga, his arms curled up in his chest while his car keys on his hand.

Halatang wala syang tulog. Bigla ay gusto ko syang yakapin at halikan.

"We have to talk."

Napalunok ako. Ano ang sasabihin ko sa kanya?