webnovel

Chapter 14.

"K-kanina ka pa ba?" Napansin ko agad yung pagsasalita nya. Nauutal sya.

Niluwagan ko na ang pagkakabukas ng pinto. Tapos lumapit ako at umiling.

"Was that Syd?" Parang may tumarak sa dibdib ko when i said his name.

Jaden licked his lips before he nod. "Uh yeah. H-he was calling you. Pasensya na kung sinagot ko na." Inabot nya sa akin yung cellphone ko at kinuha ko iyon.

Tumango lang ako. Parang sya pa yung nagi guilty eh si Syd nga ang masama, ang gumawa ng masama. Napalunok ako. Ayoko na umiyak. I need to go home.

"O-okay ka na ba? I mean.." Jaden being creepy again.

"Yeah. Thanks Jaden. Really. Pasensya na din sa abala." I need to be stronger than ever.

Eh ano kung naibigay ko kay Syd yung virginity ko? Eh ano kung naloko ako? It happens. I should move on. Some people had it worse, kaya kakayanin ko ito.

I sighed then got my bad on the sofa.

"Andrea.. let me." Lumapit sya at kinuha ang bag ko. Hindi na ako nakipag talo. Pakiramdam ko ay latang lata ako dahil sa mga pangyayari.

Hinapit nya ako at sabay kaming lumabas sa suite na iyon.

Wala kaming imikan hanggang sa makapag check out na si Jaden. We were waiting for his car, at hapit hapit nya pa rin ako. I feel really low and weak. Kahit gaano ako katatag, tao lang din ako na nagmahal, naloko at nasaktan. I feel so stupid. But yeah, i should really move on.

Kinailangan ko lang pala talaga matulog para malinawan ang isip ko. I feel so lost a while ako. Sobrang nabigla ako sa nakita ko and dam Syd for making me feel like this. For making me like this. Ang sakit sakit.

Ingat na ingat si Jaden sa akin. He's treating me like a freaking crystal not to be broken. The irony since i feel so broken already.

"Do you want to eat muna? Daan muna tayo somewhere to eat." Bigla ay sabi ni Jaden.

I honestly want to hug him right now. Damn. Why is he being sweet and adorable?

"Jaden.. masyado na ako'ng nakaka abala-"

"We'll eat then." He cut me. Then liningon nya ako. He smirked then winked at me.

Iniliko nya sa isa'ng fancy restaurant yung kotse nya. Sa totoo lang, ngayon ko naramdaman ang hiya kay Jaden mula pa kanina. Ngayon luminaw yung utak ko. I feel like ginagamit ko sya dahil sinaktan ako ng kapatid nya, at nagpapa gamit sya dahil sabi nya, gusto nya ako.

"Jaden.." I called him while we were eating. Sya na rin umorder para sa akin when i told him to. Kahit pagsasalita, tinatamad ako.

"Yes?" He was being cheery and all.

"Thank you. You don't have to do this, really." Kailangan ko'ng bawasan ang guilt ko. Hindi porket comfortable ako kay Jaden, sya at sya na lang sasandalan ko. May gusto sa akin yung tao. Ayoko na umasa sya or paasahin sya.

"I know." Ngumuso sya. "But i want to. So kumain ka na at ihahatid na kita."

Kalahati lang yata ng inorder nya ang nakain ko. Wala ako'ng gana at pinilit ko sumubo dahil sa hiya kay Jaden at sa effort nya. I can feel na gusto nya ako'ng maging okay but it'll be a process. Si Syd ang kauna unahan ko'ng minahal romantically. I mean, in a short span of time, alam ko na mahal ko na sya. And he broke me.

"Andrea, he's here."

Nilingon ko si Jaden nang tumigil ang kotse nya paakyat sa daan papunta sa apartment namin. Nakatingin sya straight sa windshield kaya sinundan ko sya ng tingin. I gasped when i saw Syd standing infront of the entrance. Naka sandal sya sa kotse nya at nagsisisgarilyo habang busy sa cellphone nya.

Napalunok ako at humarap kay Jaden. "Uh Thanks Jaden. D-dito na ako bababa."

Akmang tatanggalin ko na yung seatbelt ko nang hawakan ni Jaden yung kamay ko. "No. Sasamahan kita hanggang sa inyo."

Umiling ako. Ayaw ko na magpang abot silang magkapatid. Kanina pa lang, narinig ko ang way ng pakikipag usap ni Jaden sa kuya nya, and he's damn pissed. Paano pa si Syd sa kabilang linya? Syd did something wrong, nasaktan ako, pero later on kailangan ko rin naman syang harapin. And he's here now.

"Jaden, i can manage. Sige na, mauna ka na." Tinanggal ko na ang tuluyan ang seatbelt ko.

"Pero Andrea.." Nag aalangan pa rin na sabi nya. I can see in his eyes that he's really worried. Pero damn. Masyado na ako'ng madaming atraso kay Jaden. He's there whenever i needed someone. Tapos idadamay ko pa sya dito?

"Jaden please." Matigas na sabi ko. "Sige na. Thank you. I'll call you." Sabi ko na lang at binuksan ko na yung pintuan. Narinig ko pa ang buntong hininga nya.

Tumayo lang ako doon sa harap ng kotse nya hanggang sa umatras na yung kotse nya paalis. Tsaka lang ako nakahinga nang makita ko na malayo na ang kotse ni Jaden. Pinaharurot nya ito, at alam ko na naiinis sya.

Tumalikod na ako nang makita ko si Syd na ilang metro na lang ang layo sa akin. He was wearing a plaid polo shirt and maong pants, malayong malayo sa suot nya kanina na surf shorts at itim na sando. His hands on his pockets.

Bigla ako'ng nanghina. Seeing him looking at me feels like the moment we first met. Ganoon ang epekto sa akin ni Syd. Kahit noon pa na nagkakaroon kami ng occasional kissing meetings. Humakbang ako at nagsimulang maglakad.

Lalagpasan ko na sya when he grabbed my arm.

"What do you want, Syd?" Matigas na sabi ko. Hindi ko sya nililingon.

"Let me explain." Humarap sya sa akin, still holding my arm.

"No explanation can make up for what you did and what i saw, Syd." I pressed my lips when the emotions started running back. Gusto ko maging matigas sa harap nya pero nasasaktan talaga ako, lalo na at kaharap ko sya.

"Look, i'm sorry Angelique. I won't make excuses for what you saw earlier but Reese is in the past.. She's my first love but that's that. Ikaw na ngayon."

Automatic na nasampal ko sya dahil sa sinabi nya. Galit ako. How can he tell me that Reese is in the past when i saw them kissing torridly a while ago? At ang saya saya pa nila! He's not even asking me to meet after what happened between us tapos makikita ko sya ulit, nakikipag halikan sa iba, at nalaman ko na sa first love nya pa?

"Bitawan mo ako, Syd. I want to rest." Sabi ko.

Nang hindi nya pa rin ako binibitawan, tinanggal ko na ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero lalo lang humigpit ang pagkaka hawak nya. Mula sa pagkakayuko ay humarap sya sa akin. Agad na namula ang pisngi nya dahil sa ginawa ko.

"You're just mad, Angelique. Mag usap ulit tayo kapag malinaw na isip mo."

"I'm just mad? I'm just fucking mad?!" Wala na akong pake kung mahigpit pagkakahawak nya sa braso ko. Agad ko iyon tinanggal. "Sa tingin mo ba, dapat ako matuwa sa nakita ko? You're an asshole, Syd. I trusted you pero in the end, isa lang din ako sa hilera ng mga babae na nabola at naikama mo. I feel sick about it!"

Hindi sya natinag sa sinabi ko. He just looked at me straight to my eyes. "Ikaw yung mahal ko, Angelique."

"That's bullshit! Hindi ka marunong magmahal, Syd. You just live to screw woman and leave them broken. Kaya please lang. I'm going to move on. I don't want to see you again." Sabi ko at mabilis syang tinalikuran.

I tried to live normally for the whole week. Marco and i never talked about it. Alam ko na nakita nya rin si Syd at si Reese. He was there. Kaya hindi na rin nya in-open ang issue tuwing magkasama kami sa campus.

Umiwas ako sa tao. Hindi naman bulgar yung pagiging kami ni Syd but damn, madaming tao ang nakakita sa bar noong hinila nya ako. Hindi nila alam na may nangyari sa amin that same night pero napaparanoid ako.

Nagkukulong lang ako sa kwarto. Nawalan ako pansamantala ng motivation but later on, i realize na kailangan ko panindigan yung sinabi ko kay Syd na mag mo move on ako para sa sarili ko. I need to move on. Inisip ko na lang na isa lang pagsubok si Syd sa akin.

"Hi sweetcakes!" Napatigil ako sa paglalakad when i saw Jaden in the parking lot. Nakasandal sya sa kotse nya at katabi na ng kotse nya ang kotse ni Marco. He was holding a cute whote teddy bear na may ribbon pa sa leeg at ikinaway kaway pa sa akin.

Nilingon ko si Marco. Ngumiti sya sa akin. "May sundo ka, hindi na kita ihahatid." Yun lang tapos naglakad na sya diretso sa kotse nya. "Ingat kayo at please, make her smile. I'm missing it." Narinig ko na sabi ni Marco kay Jaden bago sya tuluyang sumakay sa kotse nya at pinaharurot iyon palabas sa gate

I just stood there, hanggang lapitan ako ni Jaden.

"You looked really surprised." Malapad yung ngiti nya. Fresh na fresh ang itsura nya. Nakasuot sya ng polo shirt na lacoste tapos naka cream shorts sya. Umaalingasaw yung pabango nya, and i'm loving it.

"Y-yeah.. well.." Hindi ko alam sasabihin ko.

Inabot nya sa akin yung bear. "Here. I want you to have this. This is Jaden."

Tiningnan ko yung bear na inaabot nya. Kanina ko pa iyon gusto hawakan at haplusin at yakapin. Pero bakit? I mean, bakit nya ako bibibgyan?

"What that for?" Tanong ko nang ibalik ko na sa kanya yung tingin ko. Hindi ko pa rin kuniha.

Nagkamot si Jaden ng batok. "Er.. p-para may makasama ka?" Parang hindi rin sya kumbinsido sa sagot nya. "A-ayaw mo ba?" Akmang babawiin nya na iyon pero agad ko'ng inabot.

"Thanks." Sabi ko na lang. "S-so.. a-ano pala pinunta mo dito?" Sinundo ako ni Marco kanina, wag na daw ako magdala ng sasakyan. Ngayon ko lang naisip na baka pinag usapa nila iyon.

"Aayain sana kita mag out of town." Parang nahihiya pa rin na sabi nya.

Nanlaki ang mata ko. "What?"

"Wala naman pasok bukas diba? Weekends."

"P-pero.."

"Uhm nagpaalam na ako kay Tita actually. Ahm.. nasa kotse na rin yung gamit mo. She took care of it para daw didiretso na tayo.." Hindi mapirmi yung kamay ni Jaden habang sinasabi iyon.

Nangunot ang noo ko. Seriously?

"Hey! Jaden Elizalde!" Out of nowhere ay may tumawag kay Jaden. Boses babae, automatic na lumingon kami pareho sa pinagmulan nung boses.

May dalawang babae na papalapit sa amin. Parehong naka suot ng cheering costumes. Tss.

"Kamusta? Hindi ka na masyado nagpaparamdam! Balita ko dumating na si Zel from Barcelona?" Sabi nung isa na may maikling buhok. Nakipag beso yung dalawa kay Jaden at ngumiti naman si Jaden sa mga ito.

"Oo nga. Hindi na din sa amin nagpapakita yun." Maarte naman na sabi nung isa na may wavy hair. Sya yung tumawag kay Jaden base sa boses nya.

"Two weeks pa lang naman since Zel came back. You girls can drop by at our house para makita sya. Hindi naman sya masyado umaalis." Nakangiti naman na sagot ni Jaden. Nainis ako bigla. Wala namans ya ginagawa pero parang feeling ko nakikipag flirt sya.

"Oh, alright then. How about you? Ano'ng bago? Big time ka na ngayon ha. Nagtatrabaho ka na din ba sa company nyo?" Sabi ulit nung maikli yung buhok. Humahawak hawak pa ito sa braso ni Jaden.

"Hindi naman. Part time lang, i'm still studying." Kaswal na sagot nya. Jaden's every move screams perfection. Nakaka bato balani sya ng mga oras na iyon. Kahit sino ay tipong gugustuhin na makausap sya. He's never rude.

"So what make you come here then? Ang layo ng school mo dito, ha." Umakbay pa yung babae na may wavy hair kay Jaden.

Automatic naman na nilingon ako ni Jaden. Pasimple syang lumayo sa babae at lumapit sa akin.

"Actually i came for her." Tapos inakbayan nya ako. "Jia, Candy, this is Andrea. Andrea, they are my friends, Jia and Candy." Tumango ako sa dalawa. Gusto ko ngumiti pero di ko talaga magawa.

"Hi!" Ngumiti yung dalawa at kumaway.

"Girlfriend mo, Jaden?" Agad na tanong nung Jia, the short hair one.

"Uh hindi pa nga eh. Nililigawan pa lang." Tapos tumawa sya.

Siniko ko si Jaden. "Kailan ka pa nanligaw?" Kunot noo na tanong ko.

Nilingon nya ako. "Fine. Hindi na." Pero tumawa pa rin sya. Tapos tumingin na sya ulit sa dalawa. "Mauna na kami, Jia and Candy. We have some place to go to. Punta kayo sa bahay para makita nyo si Zel, alright?"

Tumango lang yung dalawa habang sinusundan kami ni Jaden nang tingin.

He opened the door of his car for me and i went in. Gustong gusto ko yung amoy ng sasakyan nya. Kumaway pa ulit yung dalawa habang palabas na yung kotse ni Jaden sa gate.

"So.. pumapayag ka na sa out of town?"

"Eh sabi mo dala na natin gamit ko. Ano pa ba magagawa ko?"

He grinned at me. "Pasensya na. Surprise ko talaga 'to sayo."

"And i'm really surprised." Yakap yakap ko yung teddy bear na bigay nya. Natawa ako nang makita na may JADEN talaga sa bracelet na suot nung teddy bear. "Talagang Jaden ang pangalan nya ha?"

"Sabi ko naman sayo, Jaden pangalan nyan."

Nang nasa stop light na kami ay inabutan nya ako ng isa'ng paper bag mula sa back seat. Puno iyon ng snacks at chocolates. Paglingon ko ay doon ko lang napansin na naroon din ang travelling bag ko. May tiwala naman ako kay Mommy. For sure mga matitinong damit ko naman ang inayos nya. May ilang paper bags pa doon at plastic bags from a hypermarket.

"I had to buy some supplies. Wala kasi tayong aabutan na pagkain doon, may caretaker naman pero hindi sila nag i stock ng pagkain since may bahay rin sila nearby." He explained when he i saw the paper and plastic bags.

"Saan ba tayo pupunta?"

"You'll see." He smiled at pinsibad na ang kotse nang mag GO na.