webnovel

CHAPTER 4: BirthDay Wish

Jayzi's Point Of View

Diretso lang ako sa'king pag-lalakad papunta sa'king silid. Lahat sila ay nakatingin sa'kin habang nag-bubulungan pero ayokong intindihin ang mga sinasabi nila.

Agad akong umupo sa'king upuan at inilabas ang libro ko para hindi ko na mapansin ang nasa paligid ko.

"Good Morning class." Bati ng propesor namin. Walang nag-balak na bumati sa kanya bagkus ay nagsi-upo lang sila sa kanilang upuan.

Nag-simula na ang unang klase. Medyo boring pero marami naman akong natutunan.

Makalipas ang ilang oras natapos na ang unang klase ko kaya agad akong pumunta sa pangalawa kong klase. As usual lahat ay nakatingin sa'kin habang nag-lalakad ako sa hallway kaya binilisan ko nalang ang pag-lalakad ko.

Hindi ako komportable sa mga inaasta nila kaya lumalayo nalang ako dahil ayokong makarinig ng kung ano tungkol sa'kin.

'Ng matapos ang pasok ko,dali-dali akong umuwi sa bahay.

"Andito na'ko." Bungad ko.

"Tito Jay!" Sigaw ni Tum-tum,ang pamangkin ko. Agad itong lumapit sa'kin at nagpa-karga.

"Hi Tummy,nasa'n si Ate?"

"Nag-luluto." Tinuro nito si Ate na nasa kusina. Lumakad ako papunta sa kusina para ilagay sa upuan si Tum-tum.

"Hi Ate."

"Andyan kana pala,kumain kana ba?" Umupo na rin ako sa tabi ni Tum-tum.

"Hindi pa,wala ka bang pasok?" Lumapit ito sa'min at inilapag ang adobong luto nito.

"Day off ko ngayon tsaka pinasadya ko talaga ang araw na'to dahil birthday ng magaling kong kapatid." Pinisil nito ang aking pisngi.

"Birthday ko?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Ate.

"Jay pati ba naman birthday mo hindi mo alam?" Iritang sabi nito. Napatingin ako sa kalendaryo. Tama nga,birthday ko ngayon.

"Sorry,masyado kasi akong busy kaya hindi ko namalayan na birthday ko na pala."

"So,anong balak mo?" Tanong ni Ate.

"Wala." Nakatikim ako ng batok kay Ate. "Aray!"

"Ang dami kong ginawa para hindi pumasok ngayon tapos wala ka man lang balak?!"

"Ate,alam mo namang hindi ako nagse-celbrate dahil....ah basta,ayokong mag-celebrate!"

"Hindi ka parin ba nakaka-move on?" Napatingin ako kay Ate. Ano bang pinagsasabi nya?

"Ate--"

"Jay,alam kong dahil sa kanya kaya hindi mo na iniisip ang birthday mo pero sana naman kahit ngayon man lang magpasalamat ka dahil kaarawan mo ngayon." Hindi ako makasagot at bahagya 'kong napayuko.

Tama si Ate dahil sa kanya kaya hindi ako nagse-celebrate ng birthday ko,gusto ko lang nama syang respetuhin kaya ayokong magpakasaya sa araw na'to.

"Sige Ate,bumili nalang ta'yo ng cake." Nakangiti kong sabi.

Agad kaming bumili ng cake at muling umuwi sa bahay para magkaroon ng maliit na salo-salo.

Napangiti naman ako ng kantahan ako nila Ate at Tum-tum ng Happy Birthday. Ilang taon narin akong hindi nakaranas ng ganito.

"Mag-wish kana!" Bigla 'kong natauhan. Ano nga bang hihilingin ko?

Actually wala naman akong wish 'e o baka hindi ko lang talaga alam kung anong hihilingin ko. Pumikit nalang ako para kuwaring humiling ako. Agad kong hinipan ang apoy sa kandila at niyakap sila Ate at Tum-tum.

"Happy Birthday Tito Jay!"

"Salamat Tummy."

"Anong wish mo?" Tanong ni Ate.

"Ayoko ngang sabihin baka di pa matupad." Pangangasar ko.

"Psh. Di 'wag,tara kumain na ta'yo!" Dinaig pa ni Ate yung bata,minsan napaka childish nya.

Umupo na kami para kumain. Nagsayaw rin kami at nagkantahan kaya mabilis na nakatulog si Tum-tum.

"Gusto mo bang uminom?" Pag-yaya ni Ate. Hindi ko na ito tinanggihan kaya umupo kami sa tabi ng pool at do'n uminom. "Nag-enjoy kaba?" Tanong ni Ate.

"Oo,salamat."

"Alam mo,hindi naman masama na magpakasaya ka 'e dahil kaarawan mo ngayon tsaka hindi mo kasalanan na ngayong araw rin na 'to ang araw ng pagkamatay nya."

"Pero Ate,hindi ko kasi kayang maging masaya dahil kapag naalala ko ang araw na'to bumabalik ang lahat sa dati." Diretso kong ininom ang bote ng alak. Ilang taon na rin akong hindi umiinom kaya namiss ko ang hagod ng alak sa'king lalamunan.

"Para sa kanya ba ang wish mo?" Napatingin ako kay Ate. Bigla kong napaisip.

"Hindi ko alam." Tinapik ni Ate ang balikat ko bago tumayo.

"Move-on Jay,masaya na sya sa desisyon nya at hindi mo kasalanan ang nangyari,hindi na sya babalik kaya wala na ta'yong magagawa. Enjoyin mo lang ang buhay mo hangga't nandito kapa sa mundo dahil isang beses lang ta'yo pwedeng mabuhay."

Iniwan akong tulala ni Ate,tama sya matagal na syang nawala at matagal na panahon narin akong nagdudusa dahil sa nga ginawa ko pero marami ng nag-bago at marami narin ang nawala kaya kung babalik man ako sa dati hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.

Napatingin ako sa langit at pumikit. Sa loob ng ilang taon ngayon nalang ulit ako hihiling.

"Alam kong imposible na 'tong mangyari pero sana isang araw makahingi ako ng patawad kay Ms. Lim dahil pagod na'kong makipaglaban sa konsensya ko."