webnovel

CHAPTER 3: Punishment

Jayzi's Point Of View

Nakatingin lang ako kay Ms. Lim habang kumakain,hindi ito kumakain habang nakatingin sa malayo.

"Manong Guard,ano palang pangalan mo? Parang baguhan kalang kasi 'e?" Sabay kaming napatingin sa babaeng kaibigan ata ni Ms. Lim.

"Sorry but hindi ako Guard ng Campus,isa rin akong student ro'n." Napahawak ito sa kanyang bibig.

"Hindi ka Guard? Pero...bakit nasa Campus ka ng gano'ng oras?"

"A-ah,may nakalimutan kasi ako." Pagpapalusot ko.

"Ahhh,buti nalang talaga dumating ka kung hindi baka kung ano nang nangyari sa'kin ro'n."

"Ano ba kasing ginagawa mo ro'n?" Irita kong tanong.

"May nagkulong sa'kin sa silid na 'yun. Lagot talaga sa'kin 'yun kapag nakita ko sya." Halata sa boses nito ang galit. "Pwede ko bang matanong ang pangalan mo?" Napatingin ako kay Ms. Lim kaya agad itong umiwas ng tingin sa'kin.

"I'm Jayzi,Jayzi Cantre."

"Ang ganda naman ng pangalan mo." Napakunot ang noo ko.

"Teka nga,baguhan ka lang ba sa Campus?" Agad itong tumango.

"Kaka-transfer ko lang nung nakaraan." Kaya naman pala. Muli kong tinignan si Ms. Lim. Mukhang di pa alam ng kaibigan nya ang kalagayan nya sa Campus.

"By the way,mauuna na'ko." Inubos ko na ang huling kutsara ng pagkain ko. "See you again,Ms. Lim." Napatingin yung babae kay Ms. Lim.

Umalis na'ko sa lugar na'yon. Ngayon alam ko na kung saan sya nagtatago. 'Kala ko pa naman tapos na ang plano ko but thanks to that girl nahanap ko ulit si Ms. Lim.

"Where did you go?" Tanong ni Alvin. "Kanina pa kita tinatawagan."

"I have a good news." Napatingin sa'kin si Alvin. "Alam ko na kung nasa'n si Ms. Lim." Walang reksyon ang mukha nito.

"So?" Napataas ang kilay ko.

"Anong so? Ibig sabihin lang nun tuloy ang plano ko."

"Pinaninindigan mo talaga ang plano mo ha?"

"Of course lalo na't galit sa'kin ngayon si Dad at si Andrei na naman ang anghel sa paningin nya."

Tinungga ko ang isang bote ng beer bago tumayo.

"Mag-kita nalang ta'yo bukas." 'Ika ko bago umalis sa bahay nila Alvin. Hindi nya pa alam na sa Campus lang ako natutulog at ayoko rin namang sabihin sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon kaya pumunta nalang ako sa Campus dahil gusto na ring mag-pahinga. Masyado akong nalasing sa alak ni Alvin.

Wala pa 'kong balak na bumalik sa'min dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong saktan si Dad sa oras na sermonan na naman nya 'ko pero ayoko namang mangyari yun dahil kahit papano may unting respeto pa'kong natitira para sa kanya. He's still my father.

Agad akong umupo sa isang sirang upuan dito sa rooftop. Gabi na kaya ang ganda ng tanawin mula sa ilaw ng mga nagtataasang gusali sa harap ng Campus. Tabing ilog ang Campus namin kaya napakapayapa ng pakiramdam ko kapag nakatambay ako rito.

"Yahhhhh!!!!"

Napatayo ako sa'king kimauupuan ng marinig ang isang sigaw mula sa dulo ng rooftop.

"What the--" Bulong ko.

Nakakita ako ng isang babae,nakasabunot ito sa kanyang buhok na parang naiinis.

"Hoy!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata ko ng humarap ito.

Nakatingin lang rin ito sa'kin at halatang gulat ng makita ako. Anong ginagawa nya dito?

Dali-dali itong tumalikod at mabilis na lumapit sa exit ng rooftop kaya agad kong hinila ang likod nito para pigilan.

"Bitawan mo nga 'ko!" Sigaw nito.

"Ayoko nga." Pangaasar ko. Hinarap ko ito sa'kin kasabay ng pag-hawak ko sa panga nito. "Anong ginagawa mo sa teritoryo ko?" Tanong ko habang nakatingin sa mga mata nito.

"N-nasasaktan ako..." Hindi ko ito pinakinggan at mas lalo kong diniinan ang paghawak sa panga nito.

Ito na siguro ang tamang oras para makaganti kay Andrei.

"Nasa'n ang phone mo?" Tanong ko. Hindi ito sumagot bagkus ay kinuha nya ito at ibinigay sa'kin.

Binitawan ko ang mukha nito kasabay ng pagtulak ko sa kanya kadahilanan ng pag-upo nya sa sahig.

Binuksan ko ang phone nito at hinanap ang number ni Andrei,bahagya kong napangiti ng makita ko ito.

Bago ko pa man tawagan si Andrei,pinatayo ko muna si Ms. Lim para paupuin sa sirang upuan. Sinuswerte nga naman.

"Are you ready?" Bulong ko.

"A-anong gagawin mo?" Halata sa boses nito ang takot.

"'Wag kang matakot hindi masakit ang gagawin ko sa'yo." Tinapik ko ang pisngi nito bago tumayo.

Nakailang ring pa ang phone ni Ms. Lim bago sagutin ng magaling kong kapatid ang tawag ko.

"Sam--" Nanlaki ang mata nito ng makita ang mukha ko." Jayzi? Bakit hawak mo--"

"What's up my dear brother." Nakangiti kong sabi. Hindi maipinta ang mukha nito. "Hindi mo ba na-miss si Kuya?"

"Where's Samantha?" Nag-aalala ang mukha nya. Inaasahan kong mangyayari 'to.

"Hmmmm....hulaan mo."

"Where the hell she is?" Iritang tanong nito.

"Nagde-date kami bakit?" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Ayaw mo maniwala?" Isinandal ko ang phone sa pader para makita nya kami ni Ms. Lim.

Agad kong hinawakan ang buhok ni Ms. Lim para itayo ito.

"Sabihin mo sa kanya,we're on a date right?"

"Jayzi!" Sigaw ni Andrei.

"Bitawan mo'ko! Nasasaktan ako!" Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa buhok nito.

"Shut up or else..."

"Jayzi,stop it! Gusto mo bang isumbong kita kay Dad?!" Hindi ko napigilang matawa.

"Kalalaki mong tao napakasumbungero mo." Natatawa kong sabi. "Wala ng ubra sa'kin yan Andrei,kung gusto mo'kong pigilan umuwi ka dito at harapin mo'ko."

Tinulak ko si Ms. Lim pabalik sa upuan kasabay ng pagsampal ko sa mukha nito.

"Jayzi!" Sigaw ni Andrei mula sa telepono. Sige lang magalit kalang para mas lalong maging worth it ang plano ko.

"Masarap ba?" Tanong ko kay Ms. Lim. Naiiyak na ito at napakasama ng tingin nya sa'kin. "Gusto mo ng second round?" Hindi ito nag-salita. "Silence means 'yes'." Naramdaman ko nalang ang kamay ko sa mukha ni Ms. Lim.

Wala na'kong pakeelam kung anong mangyayari sa'kin basta ang gusto ko makaganti ako sa mga sinungaling na 'to.

"Sam! Lumaban ka!" Napatingin ako sa telepono. "Jayzi,binabalaan kita kapag may nangyaring masama kay Sam lagot ka sa'kin!"

"Nakakatakot naman yan brother. Sige lang aantayin kita,kung gusto mo sunduin pa kita sa airport."

Lumapit ako sa telepono para marinig nya ang sasabihin ko.

"Bilisan mo Andrei dahil baka hindi mo na maabutang buhay ang babaeng mahal mo." Binaba ko na ang tawag bago muling humarap kay Ms. Lim. Nakakatawa ang mukha ni Andrei,bilisan nya nga lang sa pag-uwi dahil baka bumigay na si Ms. Lim.

"Anong bang problema mo ha?!" Tanong ni Ms. Lim. Nanghihina na ang boses nito at halatang malapit ng bumigay. Lumuhod ako sa harapan nito para mapantayan ko sya.

"Pagod kana ba?" Inayos ko ang buhok nitong nakakalat sa kanyang mukha. "Sabihin mo lang, papatulugin kita."

"Bakit kaba nagkakaganyan ha?" Tanong nito habang umiiyak.

"That's none of fucking business." Tumayo na'ko at inayos ang aking sarili. "Una palang 'to Ms. Lim. Sisiguraduhin kong sabay kayong babagsak ni Andrei."