"Mia? Anong ginagawa mo rito? Tsaka pa'no mo nalaman yung bahay 'ko?"
"Sinundan kita." 'Ika nito at bahagya syang napakamot sa kanyang ulo. "Sorry ah,gusto lang kasi kitang maka-usap,tsaka ang tagal narin nating hindi nagkikita kaya marami akong gustong sabihin sa'yo."
"Gano'n ba? Sige,tara pumasok ka muna." Gusto ko rin syang makausap about kay Ms. Lim. Simula ng tulungan ko si Mia hindi narin kami nagkita pero dahil kay Andrei nakilala ko sya dahil isa sya sa mga kaibigan ni Andrei.
"Pwede bang sa labas nalang ta'yo mag-usap?"
"Pwede naman kaso..." Kaso si Jelly hindi pwedeng lumayo sa'kin. Siguro hindi naman ako madi-distract kay Jelly tsaka para maka-gala rin naman sya. "Sige,sa labas nalang ta'yo." Isinara ko na yung gate at lumabas na kami ni Mia. Susunod naman sa'kin si Jelly kaya hindi ko na sya tinawag.
Sinundan ko lang si Mia at dinala ako nito sa isang Coffee shop sa isang mall.
"Anong gusto mo?" Tanong nito. Tinignan ko yung menu. Ang mahal naman.
"Tubig nalang." 'Ika ko na ikinatawa nito. "Bakit?"
"Mamili kana ako na ang magba-bayad."
"Nako! 'Wag na,nakakahiya."
"Ba't naman? Tsaka ako naman ang nag-yaya sa'yo kaya ako na ang mang-lilibre pero susunod ikaw naman." Natatawang sabi nito.
"Sige na nga." Tatanggi pa ba 'ko sa freebies?
Umorder lang kami ng cheese cake at dalawang milktea. Nasa'n na kaya si Jelly? Hindi pa sya sumusulpot ah.
"So...bakit wala ka sa dati nyong bahay? Lumipat na ba ka'yo?" Panimula ni Mia. Kumain muna 'ko bago sumagot. Masyadong biglaan yung tanong nya ah.
"Hindi,lumayas na kasi ako sa'min simula ng mamatay si Ms. Lim dahil kinamuhian nila 'ko lalo na ni Dad,kaya napag-desisyonan ko nalang na lumayas at 8 years narin akong hindi umuuwi sa'min." Nagulat ito sa mga sinabi ko.
"8 years? Ibig sabihin,walong taon ka na nilang hindi nakikita?" Tumango ko. "Natitiis nila 'yun? Hindi man lang ba sila nag-alala sa'yo?" Hindi ko alam pero natawa ako. "Anong nakakatawa?"
"Wala naman,hindi ko lang ma-imagine na mag-aalala sila sa'kin. Sila na mismo ang nag-taboy sa'kin kaya hindi ako mag-aantay ng tawag o kahit ano sa kanila at ayoko ring isipin na hahanapin nila 'ko." Lumungkot ang mukha nito.
"Alam mo,gusto kong mag-sorry sa'yo dahil simula ng mamatay si Sam nag-hirap ang buhay mo. Pati mga kaibigan mo nawala sa'yo,lalo na ang pamilya mo." Umiling ako.
"Kung ano man ang nangyari sa'kin,deserve ko yun.'Yon ang karma ko Mia,tsaka bakit ka nagso-sorry? 'E wala ka namang kasalanan."
"Nagso-sorry ako kasi hindi man lang ako nakabawi sa'yo,tinulungan mo'ko pero ako,hindi man lang kita natulungan. Dpaat kinausap ko si Andrei para patawarin ka ng Dad mo." Kung alam nya lang na si Andrei ang nag-kumbinsi kay Dad. Hinawakan ko ang kamay ni Mia. Ayokong problemahin nya ang problema ko.
"Maliit na bagay lang sa'kin yung pag-tulong ko sa'yo tsaka nakabawi ka naman na 'e,tinulungan mo rin ako nung nawalan ako ng malay tsaka pinakain mo pa 'ko sa inyo,hindi ba?" Tumahimik ito at bahagyang nag-isip.
"Oo nga 'no? Pero alam mo ba na nagukat ako na mag-kakilala na pala kayo ni Sam,hindi man lang nya sinabi sa'kin yun." Pagmamaktol nito. "Tsaka nung nalaman kong hindi pala kayo in good terms na disappoint ako kasi hindi kita makausap dahil sa ginagawa mo kay Sam pero balak ko sanang pagkasunduin ka'yo kaso pinigilan ako ni Andrei." Ano pa bang aasahan ko kay Andrei? 'E napakainit ng dugo no'n sa'kin.
"Kung hindi dahil sa ganiwa ko baka buhay pa ngayon si Ms. Lim." Bahagya 'kong napayuko. Kinakain na naman ako ng konsensya ko.
"Sabi ko naman sa'yo diba,wala kang kasalanan."
"Paano mo naman nasasabi yan?"
"Hindi ko kasi alam kung pwede ko ng sabihin sa'yo kaya sa susunod ko nalang ipapaliwanag." Nakangiting sabi nito. Anong ibig sabihin ni Mia?
"Kung ano man 'yun,hindi ko parin matiis ang konsensya ko dahil sa pag-kamatay ni Ms. Lim,malaking trauma rin sya sa'kin kaya hanggang ngayon takot parin akong humarap sa mga tao."
"Akong bahala sa'yo Jay,tutulungan kita." Napangumiti ako. "Alam kong pinatawad kana ni Sam,gano'n sya kabait."
"Salamat,Mia."
Akala ko wala ng babalik sa mga kaibigan ko pero si Mia,kahit hindi ko sya kaibigan nagawa nya 'kong tulungan,hindi man para sa'kin pero para rin kay Ms. Lim.
"Tara,nood ta'yo ng sine." Pag-aaya nito. Hindi na'ko nakasagot dahil hinila ako nito.
Agad kaming bumili ng ticket at nag-hanap ng pwesto.
"Alam mo bang ngayon nalang ulit ako naka-punta rito?" 'Ika ni Mia. "Simula kasi ng mamatay si Sam hindi na'ko ga'no lumalabas tsaka hindi ko narin nakakausap si Andrei." Hindi na'ko nag-salita. Ang dami nga talagang nag-bago simula ng nawala si Ms. Lim.
Nag-simula na ang palabas at nanood na kami ni Mia. Ilang oras rin bago matapos ang palabas. Niyaya rin ako ni Mia na mag-laro sa arcade at mamili ng mga damit kaya inabot na kami ng gabi.
"Nag-enjoy kaba?" Ngumiti ako.
"Oo,salamat." Ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng oras na kagaya nito. Thanks to Mia. "Gusto mo bang ihatid na kita?"
"No need,may dadaanan pa kasi ako." Huminto na kami sa tapat ng bahay namin. "So....mauna na'ko."
"Sigurado kang hindi kana mag-papahatid? Gabi na kaya delikado kapag mag-isa kalang."
"'Wag kang mag-aalala kaya 'ko ang sarili ko." Tinapik nito ang aking braso. "Sige na,aalis na'ko."
"Sige,mag-ingat ka."
"Sure,tsaka nga pala,salamat Jay,nag-enjoy ako sa date natin." Bulong nito bago umalis.
Naiwan akong tulala. Mag-sasalita pa sana ako kaso wala na si Mia. Anong sabi nya? Date?
"Huy Jay! Sa'n kaba nag-punta ha?!" Natauhan ako ng sumulpot si Ate sa likod ko.
"Sorry Ate,dumating kasi yung kabigan ni Ms. Lim kaya nag-usap muna kami." I mean Date raw.
"Ba't di ka man lang nag-paalam?! Pinag-aalala mo pa 'ko!" Inakbayan ko si Ate at pumasok na'ko.
"'Wag mo na 'kong alalahanin baka bumilis pa ang pag-tanda mo,sige ka,papanget ka nyan." Hinampas ako nito sa likod. "Joke lang naman 'e!"
"Aba loko ka ah! Gusto mo bang palayasin kita?!"
"Sorry na,nag-bibiro lang naman 'e." Tinarayan ako nito.
"Kumain kana ba?" Tignan mo. Ang lakas rin maka-mood swings ni Ate.
"Oo Ate,bukas nalang ako kakain." Hinalikan ko sa noo si Ate. "Good Night Ate." Umakyat na'ko sa kwarto.
Bigla kong naisip. Bakit hindi sumulpot si Jelly? Ano kayang nangyari ro'n?
"Jelly?" Bungad ko ng makapasok ako ng kwarto.
"Andyan kana pala." Nakaupo lang ito sa kama ko.
"Bakit hindi ka sumunod?" Nagtataka kong tanong.
"Ahhhh....hindi ko rin alam 'e." Halata sa boses nito ang pagka-tamlay.
"May problema ba?"
"Wala." Tumayo ito para pantayan ako. "Hoy Gay,alam mo bang ilang oras ako naghanap sa buong bahay nyo?! Hindi mo man lang sinabi sa'kin kung saan ka pupunta?!" Nalaglag ang panga ko.
Bakit ang bilis magbago ng mood ang mga babae?
"Sorry naman,akala ko kasi susunod ka 'e." Muli itong umupo sa kama.
"Sa susunod sabihan mo'ko baka kasi mamaya hindi na naman ako makasunod sa'yo." Tumabi ako rito. "Sa'n ka pala galing?"
"Nakipag-date." Date raw yun sabi ni Mia 'e. Hindi ko naiwasang mapangiti. Hindi man lang nya 'ko inimform na date pala yun edi sana naka-chansing ako sa kanya. Haha.
"Date? Kanino?" Humiga na'ko.
"Wala,sa kaibigan ko lang yun." Kinuha ko ang kumot ko kay Jelly. "Good Night Jelly."
"Tutulugan mo na'ko?!"
Binelatan ko nalang ito para asarin kaya nakatikim ako ng hampas.
"Jan ka na nga!" Tumayo ito at pumunta sa bintana. Tinatamaan na naman sya ng topak.
Saan kaya nakatira si Mia? Baka pwede ko syang puntahan bukas. Kaso hindi ko nakuha yung number nya.
Hay Jay,bakit ba ang rupok mo? Baka mamaya niloloko kalang ni Mia na date yun,pero...wala namang masamang mag-assume tsaka once in a blue moon lang akong kiligin kaya pag-bigyan nyo na'ko. HAHA!