webnovel

CHAPTER 10: Happiness

Jayzi's Point Of View

Andito ako ngayon sa sofa,nakahiga habang nakatingin sa kisame.

"Ang boring naman." Napatingin ako Jelly. Nag-lalaro ito ng mga laruan ni Tummy.

"Ikaw pa talaga ang nabagot sa'tin ha?" 'Ika ko.

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa kisame,nag-sasawa na'kong mag-laro sa mga laruan rito."

"Nakukuha rin palang ma-bored ng mga multo?"

"Oo,lalo na kapag ikaw yung minumulto." Pagtataray nito. Napangisi ako.

"Fine,para di ka mabored,ikuha mo nalang ako ng tubig."

"Ayoko nga." Kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba alaga mo'ko?!" Sigaw ko.

"Alaga nga kita!"

"Dapat pinagsisilbihan mo rin ako!"

"Hoy Gay! Aalagaan lang kita pero hindi kita pag-sisilbihan! Tsaka hindi mo'ko alipin 'no!"

"Parehas lang 'yun!"

"Bahala ka jan! Tinatamad akong tumayo!" Aba---- anong klaseng tagapag-alaga ba ang napunta sa'kin? Akala ko pa naman matino syang mag-alaga.

"Kukuha mo'ko ng tubig o malilintikan ka sa'kin?!" Pananankot ko.

"Manigas ka." Dali-dali akong tumayo kaya agad itong tumakbo palayo.

"Yah! Lagot ka sa'kin kapag nahuli kita!" Hinabol ko ito sa buong bahay. Bwiset na multo 'to ang lakas ng topak!

"Belat!" Pangangasar nito. Mas binilisan ko ang takbo kaya nahila ko ang damit nito.

"Huli ka!" Napalakas ang hila ko sa damit ni Jelly kaya napunit ko ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ang likod nya. Natauhan naman ako ng humarap sya sa'kin kaya agad akong tumalikod. "B-bakit wala kang---"

"Walang alin?"

"B-br---Mag-palit ka na nga ng damit!"

"Eto lang ang damit ko." Kusa nalang nag-lakad ang mga paa ko para kumuha ng damit sa kwarto. Hayst! Bakit kasi ang nipis ng damit nya tapos hindi pa sya magsusuot ng...ng ano...bra...

"Yan!" Nauntog ako sa kabinet dahil sa sigaw ni Jelly.

"Yah! 'Wag ka namang manggulat!" Tinabig ako nito at kinuha ang damit na hawak ko.

"Ang ganda!" Agad kong tinakpan ang mata ko ng hubarin nito ang kanyang damit.

"Jelly!"

"B-bakit?"

"Diba sabi ko naman sa'yo na 'wag mong ipapakita ang katawan mo sa mga lalaki! Kaya 'wag kang mag-hubad dito!"

"Opsss...pasensya na." Hindi ko parin tinanggal ang kamay ko sa'king mata. Bwiset naman 'o! Ano bang klaseng multo ang meron ako? "Okay na."

Tinanggal ni Jelly ang kamay ko. "Charan! Medyo maluwag pero ayos naman sa'kin."

Para akong tanga dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa'kin?

"Huy,Gay?"

"H-ha?"

"Panget ba?" Nagtatakang tanong nito.

"H-hindi." Napahawak ako sa'king noo ng sumakit ito. Napalakas ata ang pag-kauntog ko.

"Ayos kalang?" Lumapit ito sa'kin.

"Nangugulat ka kasi 'e! 'Yan tuloy nauntog pa'ko."

"Sorry naman,nagandhan kasi ako sa damit mo 'e." Tinayo nya 'ko. "Teka,kukuha lang ako ng yelo." Agad itong umalis para kumuha ng yelo.

Bumaba narin ako para sundan ito.

"Nakita mo?" Tanong ko. Bumalik ito na may dalang isang cube ng yelo. Hinila ako nito papunta sa sofa.

"Sabihin mo kung masakit ah." Hindi ako nakasagot dahil agad nitong inilagay ang yelo sa'king noo.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Noon kasi kapag may pasa o bukol ako pinapabayaan ko lang hanggang sa mawala dahil walang nag-aabalang gumamot sa'kin pero ngayon isang multo,isang multo ang nag-abalang gumamot sa maliit na bukol mula sa'king noo.

"Tapos na!" Hinawakan ko ang aking noo kaya agad na hinampas ni Jelly ang kamay ko. "'Wag mong hawakan!"

"Hahawakan lang 'e!"

"Mas lalong lalaki yan!"

"At saang lupalok mo naman nalaman yan?!"

"Narinig ko lang." Napakamot ito sa kanyang ulo na ikinatawa ko.

"Salamat." Bahagya kong ginulo ang buhok nito.

"Hayst! 'Wag mo naman guluhin ang buhok ko!" Napakunot ang noo ko.

"Ang arte mo talaga!"

"Ang tagal ko kayang inayos 'yan!" At kailan pa natutong magpa-ganda ang multo?

"Kahit anong ayos pa ang gawin mo sa buhok mo,walang may pake ro'n dahil ako lang ang nakakakita sa'yo kaya sayang lang ang effort mo."

"Masama bang mag-ayos?! Tsaka para 'yun sa sarili ko hindi para sa ibang tao!"

"Ewan ko sa'yo." Natatawa kong sabi. Tumayo na'ko para ilagay ang mga sobrang yelo na kinuha ni Jelly.

Bahagya kong napatingin sa likod kung saan naglalaro si Jelly ng nga laruan ni Tummy...simula ng mamatay si Ms. Lim,ngayon nalang ulit ako sumaya ng ganito. Hindi ko naman masabi na dahil 'yun sa multo na kasama ko ngayon pero dahil sa kanya nagagawa ko ng ngumiti araw-araw.