Siggy:
Accept me!
SL @siggylizares:
Accept me!
freudsigmundlizares@gmail.com:
Accept me!
Siggy L. Lizares:
Accept me!
Siggy Lizares @sigismundolizares:
Accept me!
Text, Instagram, Gmail, Facebook, and Twitter, lahat 'yon hindi pinalampas ni Siggy at talagang s-in-end-an ako ng ganoong klaseng konsekto.
Matapos kasi niyang i-follow ang sariling account niya gamit ang bago kong account, agad kong c-in-ancel ang pag-f-follow nito. Ayoko kasi. It's the only privacy we have and I don't want to invade it.
Kanina pang nakauwi si Siggy after our so called first dinner as a couple kanina. He can't stay overnight kasi pinilit ko, may pasok na kasi bukas, 'no. Tapos na ang weekend eklavush.
Nag-offline ako't hindi ko na pinansin ang mga messages niya. Hindi ko rin pinagbigyan ang gusto niyang mangyari. Bahala siya. Mas mabuti na 'yong close kami sa personal kaysa sa online world. Wala akong mapapala roon. I don��t want to show him off to everyone, baka agawin sa akin. Mas mabuti na 'yong private ang relationship namin. Mas ma-a-appreciate ko 'yon kasi the more they know, the more na makikisawsaw sila sa relasyon ko with him.
I slept that night with so much peacefulness, contentment, and happiness in my heart. Kaya sinalubong ko ang unang araw ng December na may ngiti sa aking labi at puso.
Excited kasi ako sa mga magaganap this December. Marami akong ganap kaya ganito ako ka-excited.
Aside from the finals, we were also busy preparing for the annual lantern parade at Christmas tradition na rin ng Diliman. Marami kasing activities aside sa lantern making kaya inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa department namin. Naging busy na rin naman si Siggy but we always make sure we have our time of our own.
Paminsan-minsan niya akong sinusundo sa school. Inihahatid na rin. Sabay din kaming nagdi-dinner, sometimes sa penthouse na, sometimes sa labas, kung saan ko ma-trip-an na kumain. We made our relationship private. Wala rin naman akong mapagsasabihan tungkol sa amin, hindi naman siya kilala ng mga kilala ko rito sa Diliman. And I like it better when it's private. Hindi nabubulabog ang we time namin.
Each day, mas nararamdaman ko kung gaano ko kamahal si Siggy. Hindi niya rin naman pinapalampas ang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. He may say it often but he always reflect his feelings towards me through his actions. Palagi niya akong pinapakain ng mga pagkaing paborito ko, nagro-road trip, random trips, random cuddling, random adventures. Sobrang random ng relationship namin, sa true lang.
Ang dami kong na-discover na part sa self ko simula no'ng maging kami. I never thought I'm that thirsty towards adventures and I'm loving it that he let me experience those adventures I'll surely do until forever. I never thought I'd love my hair short. I never thought I'd ink myself. I never thought I'm loving the art I'm into. I never thought this world is bigger than I thought.
Siggy taught me how to love myself first. Siggy taught me to love the arts. Siggy… Siggy… Siggy… Hindi pa kami nag-iisang buwan pero ang dami ko nang na-experience na kasama siya.
I cut my waist-length hair into a bob-cut style. We had a tattoo together, which is a baybayin form of Pangga. Pangga, by the way, is my endearment to him. Ayaw niya no'ng una kasi ang corny daw pero nasasanay na rin naman siya sa tuwing tinatawag kong Pangga. Pumayag nga na 'yon ang ipa-tattoo naming dalawa. At saka maliit lang naman, sa may bandang left ring finger namin, 'yong sa may gilid. I have so many changes since our relationship and I'm loving those changes. Para bang sa tinagal-tagal na panahon, ngayon lang ulit ako nakalaya sa kulungang pinaglagyan ko sa mahabang panahon. Siggy is really my eye-opener.
December fifteen is the exact date of the lantern parade. Today is December fifteen. Mamayang gabi na magaganap 'yong traditional lantern parade. We'll have a song number later after the parade since various song numbers and ipi-present ng College of Mass Communication.
Busy ako the whole day kaya hindi ko na na-check ang phone ko. Alam na naman ni Siggy 'yon at magkikita rin naman kami mamaya. Ang sabi niya manunuod daw siya kaya siguro mamaya pupunta rin 'yon. That's for sure. Suportado niya ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay, e. He's my confidant, my support system, the whole system itself.
"Dina, is there any chance na makapunta mamaya ang Mikaneko?"
Dina just shrugged her shoulder while preparing the props that we will use later for the performance.
"Dunno. Wala naman kasi sila officially sa program, sa pagkakaalam ko. Siguro. Sana. Baka surprise. We don't know, baka bigla silang pumunta rito at mag-perform."
I just nodded to her answer and hindi na siya tinanong pang ulit. Abala na rin kasi siya sa kaniyang ginagawa. And I was asking pala about Mikan's band, the Mikaneko. It stands for Mikan, Auwi, Nesto, and Koko. Just do the math.
Kaya ko natanong kay Dina 'yon kasi may narinig akong usap-usapan kanina tungkol sa Mikaneko. Baka raw mag-perform ang bandang iyon sa program mamaya since pride sila ng school. Pero dahil sikat na sila, mukhang mahihirapang maisingit sa schedule nila ang kahit bumisita man lang sa campus.
Grabe, ang layo na talaga ng narating ng banda ni Mikan. Unti-unti na siyang sumisikat, samantalang ako ay heto't patuloy na nagpapatuloy pa rin sa buhay.
Kung wala lang talagang may pumigil sa pangarap ko, for sure talagang sabay kaming nakikilala ni Mikan ngayon. 'Yon 'yong usapan namin, e, na sabay kaming sisikat, sabay kaming makikilala ng lahat. Kahit iba-ibang field ang papasukan namin, we'll make sure we're going to be the finest with our own respective fields and be well known with it.
But look him now, glowing and making his own name in the field of music. Nakamit na niya ang pangarap niya noong bata siya. Mabuti pa siya.
But we have our own time, and I am willing to wait for my time to come. Kahit matagal, kahit mahirap, kahit masalimoot, maghihintay ako.
Pero gaano nga ba katagal? Kung kailan pa laos na ang lahat? 'Wag naman sana.
The lantern parade was a success. Our performance was a success. Everybody's effort for this year's Christmas tradition was a success.
Matapos ang lahat, nakita ko si Siggy kanina kaya magkasama na kami habang nakatingin sa stage.
Naging totoo ang kutob ko kanina. With the last few minutes left sa program, biglang in-announce na dumating ang Mikaneko para mag-perform ng iilang songs and para na rin sa closing. They performed three songs and now they're on their last hit.
Sobrang hype ng mga tao, ng mga students, kaya I decided na lumayo-layo kami ni Siggy from the crowd. Nag-i-enjoy kasi sila sa banda and it's seems obvious na marami nga silang fans dito sa Diliman.
Mikan's the lead vocalist and guitarist. Auwi is the drummer. Nesto is the basist. Koko's the pianist and the second lead. They're all from Diliman. Nesto is one of his college classmates. Auwi was Yohan Osmeña's bestfriend and our elementary classmate na nag-transfer lang dito sa Manila pagdating ng high school. Koko's the newest and hindi ko masiyadong kilala.
They were so happy. Mikan's so happy. By the sight of it, I am also happy.
"What will be the name of your band, if ever, Mik?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng ice candy and nakatambay sa solidarity hall ng school, during the recess time one serene day of our grade seven year.
Parehong napatingin si Kiara at Mikan sa akin nang magtanong ako. Umiwas din naman ng tingin si Kiara nang ma-realize niyang si Mikan lang ang tinanong ko.
"I don't have a specific name of a band. Wala akong maisip, e. Ang gusto ko kasi, kapag once na naka-form ako ng band, kukunin ko ang band name after our names."
"Hmm? Sige nga, sample nga. 'Di ba, madalas kayong tumugtog nina Hansel, Jaka, at Hugo? O, e, anong ipapangalan mo sa banda n'yo if ever?" Tanong naman ni Kiara.
Napatingin tuloy ulit ako kay Mikan habang nag-aantay ng sagot niya. Nag-isip muna siya ng ilang segundo, siguro sinusubukang gawan ng name ang banda niya out of their names.
"Siguro ano… um, Seljagomik. Pero kung sasali ka, ipapangalan natin ang banda galing sa pangalan mo… Millie."
Napatingin si Mikan sa akin pero napanguso ako dahil sa huling sinabi niya. Narinig ko ring natawa si Kiara sa tabi niya pero hindi na rin naman nagsalita.
"Millie? Galing sa Millicent? E, ayoko talagang sumali sa mga banda banda, e. Mas gusto ko 'yong solo act ako." Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang kinakaing ice candy.
"Pero kapag sumikat ang bandang bubuuin ko, Millie ang itatawag ko rito, ha?"
Mapakla akong napangiti habang nakatingin sa kaniya sa stage habang inaalala ang araw kung kailan napag-usapan namin ang usapin tungkol sa pangarap niyang banda.
Hindi man Millie ang pangalan ng banda niya ngayon pero at least naisakatuparan ang pangarap niyang bumuo ng isang banda na mismong manggagaling sa mga miyembro nito ang mismong pangalan ng kanilang banda. He's happy now and I can see it through his enjoyment while performing at that stage. And I'm sure, Tito Perl and Tita Virg are so proud of him now, na unti-unti nang nakikilala ang banda na pangarap mismo ng kanilang anak. Sana talaga lahat suportado ng magulang, e.
"Are you okay?"
Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Siggy from my side. Lumingon ako sa kaniya, ngumiti, at tumango.
"I'm fine. Natutuwa lang ako sa naabot na achievement ng bestfriend ko."
"Nakapag-usap na ba kayo ni Mikan after that night?"
Siggy knew what happened the night he saw me in my messy apartment. Nakuwento ko kasi sa kaniya ang naging sagutan naming dalawa and how Mikan ignored me after.
Nakangiti akong umiling sa tinanong niya.
"Hindi na. Pero okay na 'yon. Looking at him now, parang okay na rin kaming dalawa."
"Gusto mong makausap siya? I can tell him that."
"No. It's fine. Time and space heal, maybe not all, but some wounds."
Siggy gave me a soft tap sa likuran hanggang sa dahan-dahan niyang inilagay sa balikat ko ang kamay niyang iyon at inilapit ako sa kaniya. Sumandal ako sa kaniyang balikat at dinama ang malamig na gabi habang nakikinig sa ingay sa paligid ko.
"Maraming salamat, mga kapwa naming Isko at Iska! Asahan n'yong babalik at babalik kami sa lugar kung saan kaming nagsimula. Ito po ang Mikaneko! At lagi n'yo pong tatandaan…"
"Habang buhay n'yo kaming magiging mekaniko sa mga nadurog ninyong puso," mahina kong sabi. Sinabayan ko ang sikat nilang tagline at nakangiti pa ring pinagmasdan na magtatatalon ang lahat sa kanilang pamamaalam.
Siggy chuckled when he heard na sumabay ako sa pagsasalita. But I didn't mind him.
After that ay umuwi kami ni Siggy. Nag-dinner lang kami at saka inihatid na rin niya ako sa penthouse at saka umuwi na rin siya. Pagod na pagod kasi ako sa buong araw na mga aktibidades at alam ni Siggy 'yon kaya kahit na gusto ko pa siyang manatili sa penthouse, pinagpaliban ko muna kasi kailangan ko lang magpahinga. Total, bakasyon na rin naman kaya marami kaming time together. I just need this one night of my own.
Pagkagising ko kinabukasan, energized na energized ako. I had the audacity to cook my own breakfast pa nga, e, instead of ordering online or something. I also had the audacity to clean the entire penthouse. Wala lang, trip ko lang talaga. Ewan ko ba kung bakit ganito ako kabait sa araw na ito.
Pero natapos ko na lang ang lahat ng gawain ko sa araw na ito, na-deliver ko na lang ang mga laundry ko sa laundry shop na malapit, pero hindi pa rin dumadating si Siggy.
Yeah, I know na hindi naman talaga niya sinabi sa akin na pupunta siya today pero matik na 'yon since sa pagkakaalam ko, vacation na rin naman nila. Hindi rin siya naka-contact sa araw na ito. Nag-good morning lang kaninang umaga pero dahil agad akong may pinagkaabalahan, hindi ko agad na-reply-an pero nag-reply naman ako at siya naman 'yong hindi na nag-reply.
Kaya imbes na ma-stress sa hindi niya pagpaparamdam, I just took that opportunity to watch some online tutorials of how to cook chicken adobo. Pupunta akong grocery store mamaya tapos bibili ako ng ingredients. Kung hindi ako tuturuan ni Siggy, tuturuan ko sarili ko. Easy.
But before that, let me take a selfie. Mag-p-post lang para sa first post ko sa Instagram and Facebook. Nag-caption lang ako ng 'Super tired mag-clean ng space. Paano pa kaya kung outer space na lilinisan ko?'
Hinayaan ko muna ang post kong iyon, na sinigurado ko talagang hindi makikita ni Siggy kahit na anong follow niya sa akin, at naligo muna para makapunta na ako sa supermarket.
I jotted down the ingredients I needed and some toiletries and stuffs that I also needed inside the penthouse. Umalis ako, nag commute sa malapit na supermarket. Kumuha ako ng cart at nag-ikot-ikot inside the supermarket. Mabuti na lang talaga at nag-search ako ng mga images ng mga ingredients na kailangan ko. Naging easy tuloy ang paghahanap ko't hindi ko na kailangang magtanong sa mga saleslady if ever mahirapan talaga ako.
My grocery shopping went smoothly. Nakauwi ako nang matiwasay sa penthouse pero at this very hour, hindi pa rin nagpaparamdam si Siggy.
I arranged the stuffs and ingredients and chose to ignore Siggy for a while. Ch-in-eck ko na rin muna ang social media accounts ko before starting. Magri-review na rin ako kung tama pa ba ang naaalala kong steps on how to cook chicken adobo.
Other friends liked my first pictured post. Some were commenting pa nga, e. So, while reading their comments, may biglang may nag-pop up sa notification ko. May new message ako from message request sa Messenger.
Usually, chini-check ko lang kung sino ang magmi-message sa akin pero hindi na niri-reply-an lalo na kung hindi naman importante. Total may options naman sa message request kung ignore or reply ang particular message na 'yon. So far, mga nonsense pa naman ang nasa message request ko kaya wala pa akong nari-reply-an sa kanila.
Except for this one.
An account named Kiara Lizares messaged me. I had to click the account kung kay Kiara ba talaga since Kiara Francisco Montinola ang name niya sa Facebook. Pag-check ko, old account naman ito and mutual namin ang old account ko na Sandreanna Millicent Prietos Hinolan. It sure her old account, nag-change name lang yata.
Na-excite ang kaluluwa kong basahin kung anong message niya. Matagal na rin kaming walang communication na dalawa. Kahit hipag siya ni Siggy, wala akong chance na makahingi ng personal number niya. Sobrang busy lang talaga ng life.
Kiara Lizares:
Sandi! Is this your new account? Is this why I can't contact you anymore? Please call me. Please reply. Please. Please. I miss you, buhangin.
Kusa akong napangiti nang mabasa ko ang laman ng message niya.
I accepted her message and immediately called her.
Naka-ilang ring muna bago niya tuluyang natanggap ang tawag ko. It was suppose to be a voice call only pero bigla niya yatang cl-in-ick ang camera icon ng call kaya naka-video call na ito.
Una kong nakita ang nakasimangot niyang mukha kaya natawa na lang ako.
"Open your camera! I want to see you!" she pouted.
I composed myself first before clicking the camera icon. Sinalubong ko siya ng isang napakalawak na ngiti. Nothing has changed, eh?
"Sandreanna! Bakit hindi ka na nagparamdam?"
I can literally see how annoyed she is. Just like the old times.
"Hindi ka rin kaya nagparamdam!" rebuttal ko naman sa kaniya.
She pouted more and settled by sitting. Mukhang nakatayo kasi siya kanina nang makita ko ang mukha at ang background niya.
"How can I make paramdam when I can't even contact you anymore? I asked Dahlia your whereabouts or your updates man lang pero wala naman siyang masabi sa akin. Sakto ring hindi ko na matanong-tanong si Mikan dahil 'yong kaibigan natin, sikat na sikat na."
I sweetly smiled to her.
And that started our long catching up. We talked about almost everything. It's more on her life. Hindi ako makasingit tungkol sa update ko sa buhay. Doon ko rin nakilala ang little one niya. She introduced me to her little one.
We talked for hours. Marami siyang chicka. Pati 'yong mga irrelevant na mga news about our city, sinasabi na niya sa akin. Pati ang mga chismis na ilang buwan na yata niyang nasagap at ngayon lang talaga nasabi sa akin.
Muntik ko na nga ring makalimutan na dapat ay magluluto ako ng chicken adobo. Mabuti't pinaalala niya't natulungan niya pa ako sa paglulutong ito since it's her paborito. I haven't shared much nga pala kasi si Kiara pa rin ang daldal nang daldal.
Maski sa dinner ko, siya pa rin ang naging kausap ko. Sa tantiya ko nga, hindi na niya namamalayan ang mga ginagawa ko. Nadi-divide kasi ang atensiyon niya. Minsan sa akin at minsan naman sa mga taong nasa paligid niya.
Just as I about to tell her what happened to me, kusa ring naurong ang dila ko dahil sa kaniyang sunod na sh-in-are.
"You know what, Sand. Stress na stress ngayon ang family. I mean, not my original family, kasi matagal na namang nakaka-stress 'yon. I'm talking about my new family now, the Lizares."
Now this is something. Anong nangyayari sa mga Lizares?
~