webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
60 Chs

Chapter 49

Chapter 49:Athena

One year later...

I PARKED my car as soon as I reached the flower shop and I stepped out from the car.

Naglalakad na ako papasok sa loob nang bigla rin akong napahinto nang makita ko ang batang babaeng umiiyak sa labas ng flower shop at nakaupo ito sa may hagdanan.

She's crying, parang pinipiga ang puso ko nang makita siyang ganito. Why the little girl is crying? Nasaan ba ang mga magulang nito at pinapabayaan ng mga ito?

Namalayan ko na lamang sa sarili ko na naglakad ako palapit sa batang babae. Nag-squat ako upang magpantay ang mukha namin.

She looks like losing her direction? May nakikita naman akong mga taong labas-pasok sa shop pero bakit hindi nila man lang nilapitan ang batang ito upang kausapin kung nawawala ba ito.

"Hey, little girl. Why are you crying?" I asked her. Inangat niya ang mukha niya and she look straight into my eyes.

I'm a doctor kaya malapit din ang loob ko sa mga bata. Mugtung-mugto ang mga mata niya at namumula na rin ang ilong niya. Malakas din ang paghikbi ng bata kaya dahilan nito ang pagkirot sa dibdib ko.

Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha niya na walang tigil sa pagbuhos nito.

I remember someone, ganitong-ganito siya kung umiyak. Namumula ang ilong at pisngi niya. Parang bata rin kung umiyak. Kaya siguro may nag-uudyok sa akin na lapitan ang batang babae dahil sa naalala ko siya.

"What's your name?" I asked her once again.

"A-Athena..." mahinang sambit niya sa kanyang pangalan.

Napangiti ako dahil pati pangalan nila ay tugma rin.

"Bakit umiiyak ka rito? Nasaan ang mama mo o papa mo?" muli kong tanong sa kanya.

If I'm not mistaken ay nasa apat o limang taong gulang pa lang siya. May kahabaan ang kulot niyang buhok, maninipis 'yong mga kilay at matangos ang ilong niya.

Bago niya ako sagutin ay tinuro niya ang flower shop at humihikbi pa rin.

"B-bili po ako ng flowel (flower) do'n, peyo (pero) kulang po peya (pera) ko," naiiyak niyang sagot at hayon na naman ang pakiramdam na tila sinasakal ako sa leeg.

"Para saan naman ang bulaklak na bibilhin mo?" malambing kong tanong sa kanya at dahil na naman sa sinabi ko ay mas lumakas ang paghikbi niya.

"P-paya (para) po sa mama ko," she said at ipinakita niya sa akin ang twenty five pesos niya.

"Hindi po 'ko bili flowel (flower) mama, 'di po tanggap peya (pera) ko kasi po kulang," tila pagsusumbong niyang sabi. I chuckled. Nasa four years old pa nga siya at hindi pa diretso ang pananalita at bulol-bulol pa.

"Halika, bibilhan kita," nakangiting sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo.

Napahinto na siya sa paghikbi at bumukas ang maaliwalas ng mukha niya. Bata pa lang siya ay kitang-kita na ang kagandahan niya.

***

GOOD MORNING po, sir!" the saleslady greeted me when we entered inside the flower shop.

Binalingan ko ang batang babaeng kasama ko at hindi na ako nagtanong pa kung ano ang gusto niyang bibilhin na bulaklak. Sa tingin pa lang niya ay alam ko na.

Bumili ako ng isang bouquet ng roses para sana sa batang babae pero umayaw siya.

"Dayawa (dalawa) yang (lang) po," maliit ang boses na sabi niya at tinaas ang dalawang daliri niya sa akin.

Pinagbigyan ko siya dahil iyon ang gusto niya. Pagkatapos nito ay binayaran ko na ang bulaklak na binili namin.

I offered the girl to take her home. Nakaka-shock man dahil malapit siya sa estranghero na katulad ko.

Narating namin ang address na tinuro niya at nagtaka ako dahil nasa cemetary kami. Kahit gulung-gulo ko sa mga oras na ito ay inalalayan ko na lang siyang makababa sa sasakyan ko.

Naawa ako sa bata nang makita ko ang puntod ng parents niya. Isang taon na ang nakalipas nang namatay ang papa niya at ang mama niya ay isang linggo pa lamang ang nakakaraan bago ito namatay.

Kaya pala tila bagong hukay ang puntod dahil isang linggo lang palang nakalibing ang mama niya.

Kay bata pa niya para maagang mawalan ng magulang. Parang siya lang. Bata pa lang siya noon nang mawala sa kanya ang parents niya.

Hindi ko man lang alam kung ano ang pakiramdam ang maulila nang maaga ay alam kong masakit ito sa parte nila. Walang mga magulang ang gumagabay sa bata.

"Namatay po bayani papa ko, tiya (siya) yigtat (ligtas) mayaming (maraming) tao," nabubulol niyang sabi at natawa ako.

Nauunawaan ko ang sinabi niya. Namatay raw na bayani ang papa niya.

"Talaga? Ano ba ang papa mo?" tanong ko.

"Puyit (pulis) po. 'Pagyaki ko po gutto (gusto) ko maging katuyad (katulad) ng papa ko," nakangiting pagku-kuwento niya. With that words ay proud na proud siya sa papa niya.

"Eh, ang mama mo?"

Bigla na naman siyang nalungkot "Namatay mama ko dahiy (dahil) may takit (sakit) po tiya (siya). Gutto (gusto) ko po tana (sana) maging doktoy (doctor) pagyaki (paglaki) ko paya (para) magamot ko po mama ko. P-peyo...waya (wala) na po tiya."

Ang daming pangarap. Gustong maging pulis at doctor paglaki niya.

Hinaplos ko ang buhok niya dahil humihikbi na naman siya.

"Okay lang 'yan. Masaya ang papa at mama mo dahil magkasama na sila. Sila ang magiging guardian angel mo at hindi ka nila pababayaan," pag-aalo ko sa bata at tumango-tango siya.

Pagkatapos nang maikling pag-uusap namin ni Athena ay muli ko siyang hinatid sa tinutuluyan niya at nalaman ko na nakatira na pala siya sa orphanage.

Walang gustong kumupkop sa bata kahit may kamag-anak pa ito. Hindi man lang sila naawa at sana sila lang din ang mag-aalaga at gagabay sa bata gayong sila lang naman ang natitirang kamag-anak nito.

"Alit (alis) ka na po?" tanong niya sa akin at yumakap pa siya sa tuhod ko.

Ginulo ko ang buhok niya. Nakaangat ang ulo niya para makita niya ako.

"Oo. Hinahanap na rin ako ng baby ko," nakangiting sagot ko.

"May baby ka po?" gulat na tanong niya.

"Oo," sabi ko at sinabayan ko pa nang pagtango.

"Ano po pangayan (pangalan) niya?" inosenteng tanong niya.

"Arthea, Arthea ang kanyang pangalan."

"Ay! Payang pangayan ko po. Athena," she said while smiling.

"Lervin naman ang pangalan ko."

"Yerbin?"

"Lervin," natatawang bigkas ko sa pangalan ko.

"Yerbin," nakangiti ring bigkas niya. Hindi niya mabigkas nang tama ang pangalan ko dahil bulol pa nga siya.

"Dayaw mo po ako, Yerbin?" tanong niya at may bahid na lungkot ito.

Binuhat ko na siya at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Babalik ako at sa mga oras na 'yon... Daddy mo na ako..."

***

"Good morning, baby," I greeted my sleeping beauty.

"I brought you a flowers again."

Nilapag ko sa table ang bulaklak na binili ko para sa asawa ko at umupo ako sa gilid ng kama niya.

I caress her hair before I kissed her temple.

Wala na siyang oxygen dahil tinanggal na namin ito ng umabot na ng isang taon ang pagkakatulog niya nang mahimbing.

"Birthday mo no'ng nakaraang linggo at gumising ka na riyan para mabuksan mo na ang mga regalo namin para sa 'yo, baby," sabi ko sa natutulog na si Art.

Successful ang paghahanap namin ng lunas sa sakit niya pero kahit nag-iimproved na ang katawan niya at unti-unti na siyang gumagaling ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

Siya ang kauna-unahang pasyenteng may SCA ay nauwi sa mahabang pagkakatulog. Hindi ko pa masasabi kung survivor na ba siya sa sakit na 'yon. Dahil tulog pa naman siya.

Papalit-palit kami sa pagbabantay sa kanya. At hindi katulad noon na takot na akong iwan siyang mag-isa. Ngayon ay hindi na.

Dahil may tiwala ako sa kanya. Hindi siya bibitaw sa kamay kong mahigpit ang pagkakapit sa kanya.

Alam kong lumalaban siya. Lumalaban siya para sa amin. Ilang beses na bang huminto ang tibok ng puso niya?

Maraming beses na pero hindi siya sumuko. Hindi siya bumitaw, patuloy pa rin siyang lumalaban.

Kahit noon, takot na takot ako sa panaginip ko at doon ko mas napatunayan na mahal na mahal ko nga siya.

Natatakot na akong mawala pa siya sa akin. Kaya kahit pagaling na siya ay sana magising na siya.

"Nakabalik ka na pala, Lervin," ani Hillarus.

Siya ang nakatukang magbantay sa asawa ko.

Kahit busy ang mga iyon ay tumulong pa rin sa pagbabantay. Kung hindi ang mga kaibigan ni Art ay ang mga kaibigan ko namang doctor.

Nag-aral ulit ng medisina si Hillarus. Inspiration niya raw ang asawa ko.

"Yeah."

"On the way na si Drim, kaya mauna na ako," pagpapaalam niya at mabilis na napatayo ako nang nakawan na naman niya ng halik sa pisngi ang asawa ko.

"You br*t!" sigaw ko rito at hindi ko na siya hinabol pa. Pero dining na dinig ko pa rin ang halakhak niya.

Pinunasan ko ang pisnging hinalikan ni Hillarus. Baka may laway pang dumikit.

"Gising ka na baby. Nagta-take advantage na ang mga kaibigan mo at mapapatay ko na sila ng wala sa oras. Makikita nila," para akong batang nagsusumbong sa nanay ko.

Bumukas ang pintuan at pumasok na roon ang pagod na pagod na mukha ni Drimson.

"Mukha kang ginahasa,"komento ko sa kanya.

"Hindi ko na mahanap si Shin," malungkot nitong sabi.

Right, two months na since nawala ito. Nag-away kasi kasama ang kaibigan kong isa pang g*g*. Nahanap na kasi nito ang tunay niyang asawa at mukhang in love pa siya sa asawa niya.

"Mahahanap mo rin siya," sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Art, my princess. Gumising ka na. Nag-run away na ang isa pa nating prinsesa at alam mo bang ikakasal na rin ako? Aba, Art hindi ka na invited kung hindi ka pa gumigising," pangsesermon nito sa asawa ko.

"Ano'ng ikakasal ka na?" singit naman ni Dra.Even.

"Sinagot ka na ba ng binibining nililigawan mo?" nakataas na kilay na tanong nito at napasimangot si Drimson kaya tinawanan ko siya.

"Pambihira ka talaga, ang galing mong mambasag ng kaligayan ng tao," nakangusong sabi nito.

"Binata na nga at marunong nang manligaw."

"Eh, ikaw? Kailan magpapaligaw?"

Nagmamadaling lumabas si Dra.Even na kaagad namang hinabol ni Dr.Hiro.

"Baby chibi! Walang iwanan!"

***

#GS1:SIBG