webnovel

KABANATA 11

Akala ko okay na dahil sa galaw nyang yon pero malamig lang syang nagpaalam sa akin na mag p-praxtice raw sila.

I know napaka walang kwenta ang pinagsasabi ko sa kanya pero kasi masyadong masakit na ang lumalabas sa bibig nya! Hindi naman totoo.

Pero naisip ko rin na kaya sya napilitang sabihin yon dahil sa mga pinagsasabi ko! I push his button kaya anong napala ko?

"Buti naghiwalay rin kayo nong De Lara! Grabe! Parang hindi kayo mapaghiwalay" Ani ni Santiago.

"True ka dyan te! Hindi na nga tumabi sa akin ang gaga pero dibali! Ang gwapo naman ng pinalit kaya Keri lang" kinikilig na sabi ng bakla.

I sigh heavily. Mabigat talaga ang loob.

Sabi ko na nga ba eh! Masyado pa akong immature para sa mga ganitong bagay! Sana pala hindi ako sumagal kaya anong napala ko ngayon? Nagalit yong tao dahil sa liit ng utak ko.

"Kayo talaga ni De Lara Salvador?"

"Ayy Gaga ka ng taon! Obvious na obvious na nga! Nagtatanong ka pa? Kahit magkalayo yang dalawa yong glow nila, yong love nila kitang kita!"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

"Aba teh! Wag mong kausapin si Aloha! May love problem yan hindi ka maka relate dahil walang nagmamahal sayo!"

"Abah kong makapagsalita ka parang may nagmamahal sayo ah?"

"Bagay kayong dalawa" tamad kong sabi at kinuha ang softdrinks sa harap ko.

I laughed when I saw their reaction.

"Kadiri ka naman Salvador! Porket ang gwapo ng De Lara mo!"

"Iww ka rin! Kahit maging lalaki ako hindi kita papatulan no!"

"Same! Ang pangit mo kaya! Sa gandang kong toh? Hello!"

"Hello ka rin! Saan banda ka maganda gurl? Malabo ba paningin mo?"

"Salvador!" Tawag sa akin kaya sabay kaming napalingon at napatingin sa paparating.

I frowned. Si Mr. P.I.O! Wala naman kaming duty kapag Wednesday dahil maraming athlete ang kasali sa officer kaya nakakapagtaka lang.

"Yong partner mo...si De Lara! Napaaway sa court!" Hinga na hingal nyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na tumayo.

"Nandoon pa rin sila?" Natataranta ko ng tanong. He nod kaya agad akong tumakbo patungog basketball court.

Ano na naman ang nagyari sa lalaking yon! Bakit napapaaway naman ngayon!? Jusko naman!

Alam kong natatampo yon sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko! Pero yong ganitong nakikipag-away pa sya! Lagot talaga sa akin yon! Napakamainitin ng ulo!

"Zioniel!" Sigaw ko nang nakitang susuntukin na sana sya ni David na kakabangon lang galing sa pagkakatumba.

"You fucking asshole! You already did this before then you tried to do it again!"

"I'm just crushing-"

"Fuck!"

"Zioniel!" Pigil ko na talaga at pumagitna dahil umamba na namang susuntok.

I glared at him. Pumikit sya ng mariin at malakas na bumuntong hininga.

"Tara na! Tara na!" Inis kong sabi at hinatak na sya. Good thing nagpatangay ang tokmol.

"Nasaan ang gamit mo dyan?" Malamig kong sabi at tinuro ang mga gym bag na nakahilera sa bench.

Nang hindi nya ako sinagot. Nilingon ko sya at masamang tinignan. Napailing sya at nilapitan ang bag nya.

Inis ko syang tinignan.

Ano bang nangyayari sa lalaking toh!? Bakit ang init init ng ulo! Kaibigan nya lang yon eh tapos nakikipagbuno pa!?

Dahil wala ng klase dumiritso na lang akong lumabas at huminto sa kotse nya. Pinatunog nya naman yon at pinagbuksan ako ng pinto kahit halatang iritado pa rin ang tokmol.

"Anong nangyayari? Bakit nag-away kayo?...Anak ng! Bakit may pasa ka!?" Inis kong sabi at tinuro ang gilid nyang labi.

He touch it at pinasadahan ang buhok nya. Hindi pa rin nagsasalita!

Shit! Ito na naman ang pagka-mute nya! Letche talagang lalaking toh! Hindi magsasalita!

"Ano hindi ka magsasalita? Do I need to asked David?"

"No!" Agad nyang sabi at malamig pa ang tingin sa akin.

"Aawayin mo rin ako? Alam kong may kasalanan ako! Pero bakit kayo nag-away!? Kapag hindi ka talaga sasagot! Si David talaga ang tatanongin ko!" Banta ko talaga kahit hindi ko alam kung e-epekto ba!

"Nagkainitan lang" malamig nyang sabi at nag-iwas ng tingin. I crossed my arms.

"Bakit hindi mo pa rin ako pinapansin? Why you giving me a cold treatment?" Malamig ko ring sabi.

"I'm not-"

"You are!" Madiin kong sabi.

"I'm playing a ball. Nagpaalam ako" mahina nyang sabi at nagpunas ng pawis nga.

Hindi ako sumagot! Kaya napabuntong hininga na lang sya at pinagpatuloy ang ginawa nya.

Nakakainis talaga ang ganito nyang ugali! Nakakabwesit! Buti na lang gwapo sya kung hindi! Kanina ko pa to sinipa!

"Geh, maintain that behavior of yours...Basted ka talaga sa akin" wala sa sarili kong sabi.

I saw how he stop wiping at napalingon sa akin. I raise my brow dahil naiinis na ako sa lalaking toh.

"I'm just evaluating myself...I say bad to you and I regret it so much..." mapupungay ang mata nyang sabi.

Umirap lang ako dahil naiinis ako sa kanya, naiinis akong nagkapasa sya!

"Eh bakit ka nakipag-away!? Tignan mo mukha mo!" Madiin kong sabi.

"I'm sorry...Nagka-initan lang sa court" mahinahon nyang sabi at nilagay ang takas ng buhok ko sa aking tainga.

Lumayo ako at masama syang tinignan. Ayokong hinawakwakan nya ako dahil nakakapanghina!

"Dyan ka lang! E bibili kita ng yelo! Nakakagigil kang tokmol ka!" Inis kong sabi. He shook his head at hinawakan ang braso ko para hindi ako makalabas ng sasakyan.

I glared at him kaya napalabi sya at walang nagawa at pinakawalan ako.

Mga lalaki talaga sa mundo ang hirap espelingin! Nakakabwesit!

"Nasaan si Zioniel?" si Clark Simerol kaibigan rin ni De Lara pero hindi kami masyadong closed nito dahil nasa isang tabi lang ito nag s-sound trip.

"Nasa sasakyan nya...bakit nag-away yong dalawang yon?" I asked. He sigh heavily.

"Papasaan ka? David?" He asked. I shook my head.

"Bibili ng yelo. May pasa yong isa eh!" Ani ko. He nod.

"Samahan kita. Sasabihin ko sayo" I nod.

"Sabi ni Zioniel, nagkainitan raw" Ani ko.

Pagnagsinungaling talaga yong Zioniel na yon! Lagot talaga sa akin! Kanina pa ako naiinis doon.

"Dati pa talagang magka-away ang mga yon" aniya. Napalingon tuloy ako.

"Mag bestfriend yang dalawang yan ah?" Gulat kong sabi.

"Kababati lang. Yong ex kasi ni Zioniel...Nilandi si David then David give in so their friendship is over" kibat balikat nyang sabi.

Napatanga naman ako at napakurap-kurap.

I didn't know that! Hindi ko alam na may lamat na pala ang pagkakaibigan nila! Hindi kasi nagkwento yong De Larang yon.

"They broke up then David and his ex started a relationship" aniya.

Nalaglag naman ang panga ko.

"Kaya nag-away sila ngayon?" Bitter kong pagkakasabi. He laughed.

"No ofcourse not, naka move na yong kaibigan ko...Then David, realize that his girlfriend is not...let's say...hindi matino then he saw...you" aniya.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"Bakit ako na naman!?" May inis kong sabi. Kumukulo talaga ang dugo ko sa David na yon! Nakakainis!

"Yup! That's why Zionel is fuming mad...Anyway...Bili ka na" aniya.

Napakamot ako ng ulo at hindi man lang namalayan na nasa tindahan na pala kami.

Yong sinabi nya masyadong...nakakagulat! Hindi ma-absorb ng utak ko!

Kaya pala! Kaya pala ang possessive ni De Lara! Kaya pala ganon ang mga perspective nya sa mga babae dahil sa ex nya.

Makilala ko lang talaga yon! Masasampal ko talaga eh.

Sa boarding house ko na nilagyan ng yelo ang pasa ni De Lara dahil naiinitan ang tokmol! Gusto daw nyang magpalit kaya wala na akong magawa sa kaartehan nya.

I wanted to asked him about what I discover pero naisip ko na baka mainis na naman kaya hindi na lang.

Wala rin naman akong pakarapatan manghimasok. Yes, involved ko pero kapag tinanong ko kung may gusto ba sa akin yong David baka magalit na naman yon, ang hirap nyang amuhin eh!

At isa pa, wala naman akong pakialam sa David na yon! Bwesit lang yon sa buhay ko. Bahala sya. Mahal ko na si Zioniel, hindi na yon magbabago!

"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo?" Pagbubunganga ko na naman pagkaupo nya, naka black shirt na at pantalon.

"Hindi na po mainit" aniya.

"Dito ka! Nakakabwesit tignan yang pasa mo! Bakit ba nakikipagsuntokan? Galit na galit talaga? Kapag walang pasa yong David tapos ikaw meron! Lagot ka talaga sa akin...wala pa nga eh" Ani ko nang umiwas sya kahit hindi ko pa dinadampi ang yelo.

"I'm good at fighting remember?...Damn, baby. Let me" aniya at akmang aagawin sa akin nang nilayo ko ang telang ginamit ko.

"Ako na! Yabang yabang mo pa rin!impossible talagang dahil lang yon sa basketball eh! Dapat kasali ang teammates mo! Bakit kayo lang dalawa huh?" Ani ko habang dinadampi sa pasa nya ang yelo.

Kahit alam ko na ang sagot, gusto kong manggaling sa kanya. Though pag hindi nya sasabihin, naiintindihan ko naman.

"I don't like him" seryoso nyang sabi at sumandal. Pinagcross pa ang braso. Napangiwi ako dahil ako pa ang nag adjust para maayos kong malagyan ng yelo ang pasa nya.

Letch talaga ang lalaking toh!

"Malamang ako gusto mo eh" pagbibiro ko para naman umayos ang mood nya. He chuckled at hinaplos ang buhok ko.

"Ofcourse...Anyway...I'm sorry on what I've acted. I am really disspointed on myself, nakakahiya sayo...I'm sorry on that one" malambing nyang sabi.

Napanguso na lang ako.

I thought sa akin sya galit, sa sarili nya pala! Ang hirap nya kasing basahin at hindi ko alam na ganon pala sya pag sinisisi ang sarili. Tatalikuran talaga ang mundo.

"I heard...May gusto daw si David sa akin?...Narinig ko langa ah" Ani ko.

He sigh heavily at bigla akong niyakap kaya nanlaki ang mata ko.

"Hmmm...Who wouldn't?" Seryoso nyang sabi. Ngumuso ako para matago ang ngiti ko.

Wow! Parang noon lang nagtatanong pa ako kung bakit ang mga kaibigan ko may mga boyfriend na, maraming nagkakagusto tapos ang daling makakuha ng lalaki habang ako hirap na hirap tapos ngayon ganyan ang sasabihin nya?

Nasaan ba sya noon? Bakig ang tagal nyang dumating.

Umayos ako ng upo kaya bumaba ang kamay nya sa baywang ko. Hindi na naman ako nailang dahil palagi naman syang ganyan. Nasanay na ako! Jusko naman.

"Pero ayoko sa tokmol na yon! Nakakainit ng ulo! Pero yong girlfriend na sinabi nya! Ex mo?" Curious kong tanong.

He laughed.

"Who told you that information Hmm?" Malambing nyang sabi. Napakurap naman ako

"Narinig ko nga lang! You know! Malakas ang radar ko kapag chismiss" proud kong sabi.

"As far as I observe, hindi ka ganyan....let me guess, si Ryan?" Hula nya.

"Hindi!" Ani ko. He laughed.

"So it's Clark, I saw him earlier-"

"Wala syang sinabing ganyan!" Defensive kong sabi. He tilted his head.

Alam nya talaga na nagsisinungaling ako! Bakit ba basang basa na ako ng lalaking toh!

"Sya naman ang nagkwento, hindi ako nagtanong" nakanguso kong sabi. He just laughed.

Nang ma kuntento na ako sa paglagay ng yelo sa pasa nya. Naghanda na ako ng makakain namin! Gaya pa rin ng dati, sya sa ulam ako sa kanin! Edi tipid na tipid talaga ako! Tapos ang sasarap pa ng ulam ko.

"Ako na maglalaba nong jersey mo! Yong upper" makulit kong sabi.

"Maglalaba? Really?" Aniya. Napanguso ako.

"Pahiram lang eh! Malapit na intrams! Wala akong jersey! Sige na!" Pagmamakaawa ko. Nakangiti syang tumango at aliw na aliw akong tinignan.

Hah! Gusto ko lang talaga ang jersey mo dahil ang ganda ng kulay at design! Ang damot damot kasi ni Kuya! Sa mga babae nya, Free nyang ibibigay pag sa akin! Ayon sumbong agad kay Mama!

"Yeah, that's all yours. No problem" nakangiti nyang sabi.

"Sabi mo yan ah? Marami ka naman siguro nyan" Ani ko.

"In exchange of cheering me in our play on tomorrow evening" aniya. Napakurap-kurap naman ako.

"Bukas? May quizz tayo nyan kinabukasan...Ah! Okei! Mangongopya na lang ako!"pagbabago ng isip ko. He just laughed at me.

"Want to study with me?" Aniya. I scoffed.

"Kahit ano pang gagawin kong pwesto sa pag-aaral! Makakatulog lang ako! Promise" tamad kong sabi.

"Your smart, wala ka lang talagang tiwala sa sarili mo" aniya.

"Wala talaga!" I said on the matter of fact tone.

Nang bumalik kami sa school nag iba na naman ang timpla ng tokmol! Lalo na nong nakita nya si David kaya ang ginawa ko, Doon kami umupo sa upuan nina Baklang Steven!

"Taray! Minsan ka na ngang sumama sa amin! Ang dami mo pang pabor!" Singhal nya. I pouted.

"Sige na!Doon ka na! Ayaw mo non? Lalaki halos katabi mo?" I negotiate.

"Hala! Papa De Lara oh! Ang landi! Landi!" Sumbong nya kay De Lara na umupo na dahil umalis na ang kaibigan nya. Walang paki.

"Ikaw ang malandi! Doon ka na!" Aniya.

"Abah! Sumasagot ka na sa akin ng ganyan ah? Hindi kita pinalaki ng ganyan!" Sumbat nya.

"Sige na!Doon ka na! Pleasee" malambing kong sabi pero inambaan lang ako ng sampal ng bakla.

"Letche ka talagang babae ka! Hindi na nga ako naka snack ng maayos kanina! Pinaalis mo pa ako sa upuan ko!sasabunutan na kita eh" Aniya.

I laugh.

"Salamat!" Ani ko at nginitian sya.

"Magsama kayo ni Santiago! Mga letche!...."

"Bakit nadamay ako?" Inosenting sabi ni Santiago na gumagawa ng assignment.

"Ako naunang nakakita doon sa gwapo tapos ikaw ang tinanong ang pangalan! Peste! Bahala kayo sa buhay nyo! Wag nyo na akong lapitan!" Maldita nya talagang sabi. Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa inasta nya.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Santiago.

"Have a sit first" Ani ni De Lara at kinuha pa ang bag ko and guided me to sat down.

"Sana all" kinikilig na sabi ni Santiago kaya hinampas ko sa balikat. Kahit nasa harapan ko sya, abot ko pa rin ng gaga!

"Anong nangyari? Bakit lumalala ang galit nong bakla sayo?" Natatawa kong sabi.

"Ah yon? Nanood kasi kami ng volleyball kanina! Try out kasi, sinama nya ako then...Yong pinsan mo De Lara...2nd year? Ano ngang pangalan non?" Tanong ni Santiago.

Napatingin naman ako kay De Lara.

"Lukerson Kyle" tamad nyang sabi. Mangha naman ako sa narinig.

"Gwapo rin?" Galak kong tanong. He frowned and turned to me at pinitik pa ang noo ko kaya napahawak ako at masama syang tinignan.

"Aloha! Wag na yon! Akin na yon!pero guess what? Ang gwapo teh!" Kinikilig nyang sabi.

"Talaga?" Excited ko ring sabi. Zioniel sigh heavily kaya natawa ako.

"Oo! Like hihilingin mo na lang na ikaw yong maging Bola! Shit tapos alam mo yon? Yong tinanong nya pangalan ko? Gurl! Pwede na akong mamatay!" Exaggerated nyang sabi.

"As in?" Mangha kong sabi.

"Baby" Zioniel said tiredly. Natawa na lang ako sa kanya! Kung anu-ano na lang ang itatawag sa akin, hindi pa naman kami!

Iwan ko na lang sa lalaking toh! Sya naman ang mahal ko! Nga lang hindi ko pa sinasagot dahil hindi pa sya nakapagpaalam kay Mama at Kuya.

Ayoko kasing magsinungaling sa parents at Kuya ko! Ayokong gagawa ako ng dahilan para lang makasama sya o di kaya kung anu-ano rason ang sasabihin kapag dumalaw sya.

Gusto ko kapag maging kami, hindi kami nagtatago! Ayoko non.

"Oh my God! Kayo na?" Nanlalaking matang sabi ni Santiago. Napalingon tuloy ako sa kanya and shook my head.

She frowned.

"We? Di nga? Hindi ako naniniwala!" Madiin nyang sabi. I laughed.

"I'm courting her" proud na pagkasabi ni De Lara. Lumaylay naman ang balikat nya.

"Kung makaasta kayo parang mag jowa! Di bali na! Ang cute nyo namang tignan" Aniya. Napangiwi na lang ako.

"Salvador!" Tawag sa akin ng Bakla kaya napalingon ako sa likod but I saw David staring at me, may black eye.

I frowned! Kahit gwapo sya! Iwan! De Lara pa rin ang nasa pusot isip ko! I rolled my eyes at kinuha na lang ang phone, naglalaro ng offline games.

"De Lara!Pakisabi sa pinsan mo add ako sa facebook! Private account nya eh!" Dinig kong sabi ni Santiago.

"Ako rin!" Ani ko kay De Lara.

"No" aniya. Ngumuso ako sa kanya.

"Sige na! Please!" Pagmamakaawa ko. Walang awa naman syang umiling.

"No, he's a model and a raising star, I don't want you to involved with him, it's too complicated" aniya. Nagningning naman ang mata ko.

"Wow! Bakit hindi namin kilala?" Manghang sabi ni Santiago.

"Oo nga! Ni hindi ko narinig ang pangalan nya"

"Again his a raising star, hindi pa sikat. Someone offer him a big project and if he will accept it, then that's the beginning of his career" seryosong sabi ni Zioniel.

"Tulungan ko syang e convince na tanggapin-...Aray ko naman!" Reklamo ko nang pitikin na naman nya ang noo ko.

"Ako! I will help him!" Volunteer ni Santiago na tinaguan ni Zioniel kaya inis ko syang tinigan. He tilted his head and raise his brow.

"Ang sama mo! Sya pinayagan then ako hindi! Minsan lang tumingin sa gwapo eh!" Reklamo ko.

"Am I not enough?" Mahangin nyang sabi kaya inismiran ko.

"Ah nga pala!" Ani ko na lang nang kahit walang kwenta! Para lang talaga hindi mawala sa mood ang isang to!

"Hmmm?" Aniya at kinuha ang phone ko.

"May opening doon sa Tambayan ni Manang! Doon tayo mamayang dinner!" Masaya kong sabi.

"Hmmmm" aniya. Nasa phone ko nakatingin.

"Oo! Sabi doon! Anli rice tapos alam mo yon? Letchon daw roon 99 lang, sulit na sulit...pero yong drinks, hindi na raw free pero napakasatisfying ng lugar..." napatigil naman ako sa pagsasalita nang nahalatang hindi sya nakikinig.

I lean closer to him para makita kong anong pinagagawa nya. His hand immediately encircle my waist.

"Hoy! Bakit ka nagreplay sa mga yan!" Gulantang kong sabi dahil yong mga lalaking nag hi sa akin kahit noong nakaraan buwan pa, nag replay sya!

"Can we exchange our phone?" Aniya.

"Huh?" Gulat kong sabi.

"I will make them stop bothering you" seryoso nyang sabi.

"Yong phone mo ako magdadala?" Excited kong sabi! Makaka picture na naman ako! Ang ganda pang selfie non eh.

"Hmmmm" aniya. I agree immediately dahil magpapalit na ako ng profile!

Hah! Goodluck talaga sa storage nya.