webnovel

Gino, My Genie (KathNiel Tagalog Fanfic)

Ano kaya ang mangyayari kung ang isang palpak na genie ay itutulak ng tadhana papunta sa isang balahurang babae para maging master n'ya? Matulungan kaya nila ang isa't-isa? O baka naman, parehas lang nilang mapalala ang kahinaan ng isa't-isa? Mayroon kayang mabuo sa pagitan nila? O baka naman, may masira pa? First Ever RomCom Novel of yours truly, hoarderelle. And a KathNiel fanfiction. All Rights Reserved 2019

hoarderelle · Célébrités
Pas assez d’évaluations
13 Chs

Chapter 9 (Shopping Shopping With The Genie)

Mikay's POV

It's Sunday morning.

Lagpas 9am na pero ewan ko. Tinatamad pa rin akong bumangon sa higaan. Siguro, dahil na rin sa ilang bagay na patuloy na bumabagabag sa isip ko.

Una na d'yan yung eksena ko kahapon na umiyak ako sa harapan ni Gino. Although hindi naman na n'ya ako kinulit na magkwento kung ano talaga ang totoong nangyari, still nakakahiya pa rin dahil s'ya yung natatanging lalaki na nakakita saking umiiyak bukod sa tatay ko.

Tapos siningahan ko pa yung bimpo n'ya. Puti pa naman.

And speaking of tatay. Yung cellphone na bigay sakin ni papa, ayun. Mukhang hindi ko na talaga magagamit. Bukod kasi sa basag-basag na nga yung screen, hindi na talaga nagbukas nung ipinilit ko pang isalba kagabi.

Kahit naman simpleng touchscreen phone lang yun at wala pang 3k ang halaga, sobrang mahalaga sakin yun no. Napanalunan kaya ni papa sa isang raffle yun tapos imbes na gamitin n'ya, ibinigay na lang n'ya sakin.

Almost 4yrs. ko nang gamit yun. Sobrang nakakalungkot lang isipin na isang halamang dagat lang ang sisira non. Tapakan ba naman ng boots na suot n'ya e, paanong hindi madudurog yun?

"Wag mo nang alalahanin yung bimpo ko, Mikay, nilabhan ko na. Andun sa banyo, nakasabit."

Napatingin ako sa genie na yon na lumulutang sa ibabaw ng study table ko.

"At saka yung cellphone mo, pwede ka namang magwish sakin ng panibago. 'Wag kang mag-alala, bibigyan kita." nangungusap na sabi n'ya. Puno ng pagpapakalma ang tono ng boses.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Oo, alam kong pwede akong magwish sa kanya nang kahit na ano. Pero yung cellphone na yun itself, mahalaga sa akin yun. May sentimental value yun. Nangako pa nga ako kay papa na papalitan ko lang yun kapag nakagraduate at nakapagtrabaho na ako e. Yung sariling pera ko na mismo ang ipambibili ko.

Tapos ipinangako ko rin na 'pag bumili ako nang sa akin, hindi pwedeng hindi ko rin s'ya ibibili. Dapat pati s'ya rin.

"Haaay." dinig kong napabuntong-hininga na rin si Gino. Malamang binabasa na naman nito ang nasa isip ko.

"Hindi naman masyado. Pero kita ko lang sa expression mo na malungkot ka." bulong n'ya.

"Weh, tignan mo nga. Ganon na rin yun. Haaay." sagot ko.

Bumangon na nga lang ako at inayos ang higaan ko kahit na ba parang ang bigat-bigat pa rin ng loob ko.

"Ayan, buti naman bumangon ka na. Akala ko nakalimutan mo na agad yung pinangako mo sa akin kagabi e."

Napangiti ako kahit kaunti nang marinig ko yung sinabi na yun ni Gino.

Pinangakuan ko kasi s'ya kagabi na pupunta kaming mall ngayon at sasamahan ko s'yang bumili ng ilang gamit na kakailanganin n'ya. Ngayong may sariling kwarto na s'ya.

Although kahapon pwede na talaga s'yang lumipat, napag-usapan naman naming ngayon na nga lang since wala pa s'yang ibang gamit. Actually, nilista ko nga yun lahat kagabi e para organized.

At sa kabilang banda, maganda na rin siguro 'to na lalabas kami. Para madivert saglit yung isip ko at 'wag kong maalala 'yung kahapon.

"Syempre, hindi. Mag-aayos lang ako ha? 'Wag kang maingay at magulo d'yan." sabi ko. Pumasok na akong banyo pero lumabas din ulit nang may maalala ako. "And one more thing, simpleng damit lang ang susuotin mo, ha?"

Umoo s'ya kaya mukhang nagkakaintindihan naman na kami.

Mabilis lang akong naligo kasi ramdam kong excited riing gumala ang genie na 'yon. Ayaw ko na ring patagalin pa dahil ako mismo, excited na ring bumili ng mga gamit kahit hindi naman para sa akin yun.

Wala e, ganon talaga ako. Masyadong excited sa mga ganong bagay. Natutuwa ako kahit hindi ako personally yung magbebenefit.

Paglabas ko ng banyo, tumambad na agad sakin si Gino na naka plain white shirt, black pants, at black sneakers. Pero ngayon, may suot s'yang brown leather body bag. Lalagyan siguro ng mga pera na isusummon n'ya.

"Naks, ingatan mo pera mo, ha? Wala ako pang-abono sa mga bibilhin mo." sabi ko sabay nguso sa bag n'ya.

"Don't worry, Mikay. Kaya kong itago ang pera ko sa lugar na hindi madudukot or malaglag man lang." kumindat s'ya at nagets ko naman agad ang ibig n'yang sabihin.

Muntik ko nang makalimutan na kaya nga pala nitong magsummon nang kung ano-ano. Kaya malamang din e, kaya nitong magpa-disappear ng isang bagay or magtago ng anything sa kung saan mang dimension na abot ng powers n'ya.

"Mismo." bulong n'ya.

Haay.. Kita n'yo? Binabasa na naman nasa isip ko?

Madaya talaga.

***

Halos kabubukas lang ng mall nang makarating kami doon ni Gino. Lagpas 10am pa lang kasi e.

And ayun, pagkatapak na pagkatapak agad ng paa namin sa loob e, nagyaya na agad ang genie na 'to para kumain ng lunch. Like wtf, wala pa nga kaming nabibili sa mga dapat naming bilhin, gusto na n'ya agad kumain kami?

Gutom na gutom lang? Pero hindi naman s'ya kumakain. Pabibo lang.

"Oo, hindi ako kumakain. Pero ikaw. Hindi ka na naman kasi nag-almusal e." bulong n'ya sakin.

"E, hayaan mo na. Ang mahalaga, mabili natin mga kailangan mo. Para mamaya kapag kumain tayo, sulit ang pagod natin."

Kumunot ang noo n'ya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ba parang baliktad? Dapat kumain muna ikaw para may energy kang maglakad at umikot."

Yun na lang ang sinabi ng pasaway na genie. Hindi na rin kasi ako nakaalma pa dahil hinaltak na n'ya ako papunta sa pinakamalapit na fastfood na nakikita ng beautiful eyes ko.

KFC.

Napangiti tuloy ako. "Favorite ko dito."

"Alam ko." masungit na sabi n'ya.

Hmp. Malamang talaga alam n'ya. Lagi n'yang binabasa mga nasa isip ko e. Tsk.

Humanap agad ako ng mauupuan at hindi naman ako nahirapan dahil kami pa lang ni Gino ang customer dito since kakabukas nga lang ng mall. Si Gino naman, agad nagpunta sa counter para umorder. Nagulat nga ako pagdating n'ya sa table namin nung makita ko yung mga inorder n'ya e.

"Favorite ko 'to ha?? Binabasa mo talaga nasa isip ko." kinunutan ko s'ya ng noo pero may ngiti naman ako sa labi ko.

"Naman. Kumain ka na, dali."

"Eh, ikaw?"

"Don't mind me. Remember? Kaya kong mag-self re—"

Pinutol ko na agad yung sasabihin n'ya at agad akong tumawa nang malakas. "HAHAHAHAHA! Ang funny mong punyeta ka!!" sabay tapik nang malakas sa noo n'ya. Paano kasi lumapit bigla yung isang crew na finollowup yung mashed potato na kasama sa order ko.

Haaay. Muntik na naman yun ah?

Pinandilatan ko ng mata si Gino dahil muntik na naman n'yang ipahamak ang sarili n'ya dahil sa katabilan ng bibig n'ya.

Nag peace sign at nagpacute lang naman sakin ang loko kaya sinimulan ko na lang kainin yung inorder n'ya para sakin na 1pc. chicken with flavor shots, mashed potato, and soup. And yeah, hindi na n'ya nakalimutan ngayon ang panulak. Although tubig lang at hindi softdrinks. Tsk.

"Nalipasan ka na ng gutom e, ba't magsosoftdrinks ka pa? Gusto mong masira bituka mo??" sabi n'ya.

Inirapan ko na lang s'ya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Feeling doctor din 'tong genie na 'to e. Although yeah, may point s'ya.

But since favorite ko nga 'tong inorder n'ya, at talaga namang gutom na gutom ako, mabilis kong naubos yung kanin ko at may natira pa akong ulam.

Binigyan ko pa nang makahulugang tingin si Gino na baka naman. Baka naman pwedeng may pa extra rice kasi bitin ako. Pero ayun, tumingin nga ako sa kanya only to find out na nakatingin na rin pala s'ya sakin at nakangisi.

Yung tipo ng ngisi na alam mong may ginawa s'yang kababalaghan.

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko nang maglabas s'ya ng isang maliit na plastic container mula sa bag n'ya; na may lamang kanin na mukhang bagong luto palang. May moist pa kasi e.

Inabot n'ya sakin yon. Damang-dama ko na kakaluto pa lang noon dahil mainit-init pa.

Abot langit talaga ang tuwa ko dahil sobrang nabusog talaga ako dahil sa ginawa n'ya. Ni hindi ko na nga s'ya nagawang kwestyunin kung saan n'ya ba nakuha yung kanin na yun e. Basta pagkatapos kong kumain, masaya na lang akong nagpalipas ng ilang minuto para pababain lahat ng kinain ng pataygutom kong sikmura.

"Ayan, may energy ka na. So pwede na tayong magshopping??"

Ngumiti ako sa kanya at nag peace sign. "Yeah, back to business."

Kasabay ng paglabas namin sa KFC, ay sabay ko ring hinugot mula sa bulsa ko yung listahan ng mga gamit na kailangan n'yang bilhin.

"Ito lahat 'yun. Kasi alam mo naman.." tumingkayad ako para makabulong ako sa tenga n'ya. "Nandito ka sa mundo namin, kaya hanggat maaari all the time, dapat kumilos ka at mamuhay ka na parang isang normal na taga-earth. Normal na tao."

Tumango-tango si Gino na para bang isa s'yang grade 1 pupil doon na binibigyan ng advice ng mommy n'ya about sa 1st day of school.

"And isa pa, kailangan din na yung mga bibilhin natin, hindi isang bagsakan. Unti-unti lang. Saka kahit hindi ka nauubusan ng pera, dapat magtipid tayo at yung mga mura-mura lang bilhin natin, ha? Remember? Ang alam ng mga taong nasa paligid natin, pinsan kita na galing sa probinsya. Na naghahanap lang ng work dito sa Manila. Kaya dapat din simula ngayon, mas simplehan mo pa ang porma mo, ha? Saka 'wag mong ipakita sa attitude mo na mayaman ka. Dapat simple lang." paliwanag ko. Grabe feeling ko talaga nanay ako at anak ko s'ya. Ew.

"Oo, oo. Naiintindihan ko. Basta ikaw na bahala sa akin. Pati sa mga bibilhin." sagot n'ya pabalik. Ako naman e, napatigil sa paglalakad. Kaya napatigil din s'ya.

May naalala kasi ako bigla e.

"Bakit nga ba bumibili pa tayo dito at nagpapakapagod ngayon? E samantalang kaya mo naman isummon lahat 'to nang madalian?"

Yumuko si Gino para makabulong sa tenga ko. Bahagya n'ya rin akong pinandilatan ng mata n'ya.

"Kasi nga, diba, baka kung anong isipin ng mga tao na hindi man lang ako nagdala ng mga gamit papasok sa kwarto na 'yun? Tapos magugulat sila, biglang may mga laman na agad-agad? Ang suspicious naman non. Baka akalain nila, nag-akyat bahay lang ako sa mga kwarto nila."

Ako naman ang tumango-tango ngayon dahil sa mga sinasabi ni Gino. Sabagay, may point s'ya doon. Although mukha s'yang artista at yayamanin, baka mapagkamalan ng mga tao na modus n'ya lang yun tapos isipin nila na masamang loob talaga s'ya.

"At isa pa, para na rin makapag relax ka kahit saglit. Hindi yung puro stress ka na lang sa pag-aaral." sabi n'ya sabay hinaltak na ako papasok ng department store.

Napangiti na lang din tuloy ako sa loob-loob ko.

In fairness kasi ah, kahit lagi kaming nag-aaway ng genie na 'to, concerned s'ya sa akin at ang bait-bait pa rin n'ya. Iniisip n'ya pa rin yung kalagayan ko, lalo yung mental health ko. Hehehe.

Dinala nalang ako ng nanghahaltak na genie na 'to sa section na bilihan ng mga bed sheets and pillows. Kasi yun ang una kong isinulat sa listahan. Sa totoo nga lang e, hindi pa naman n'ya nababasa yung listahan ko. Dahil ang binabasa n'ya, yung nasa isip ko. Kita n'yo? Ang daya talaga e.

Pinapili ko s'ya ng kung anong gusto n'ya na unan at design ng bed sheet, kumot at pillow case pero panay insist lang s'ya na ako na ang bahala. Kaya ayun, yung mga mura-mura na nga lang din ang pinili ko, tapos pagdating sa designs, yung plain black na lang ang pinili ko tutal mahilig naman s'ya sa color black.

Nung time naman na bayaran na sa counter, s'ya na ang nagbayad. Alangan namang ako diba? Ano ibabayad ko doon? Dighay na amoy manok kasi busog na busog ako?

S'ya na rin ang nagbitbit ng lahat ng binili n'ya kahit na ba nag-ooffer naman ako na tulungan s'ya. Ang binigay n'ya lang sakin ay yung bag n'ya. Isuot ko raw. Nung makapa ko naman yun, medyo nagulat pa ako dahil wala doon yung plastic container na pinaglagyan ng kanin kanina.

"Kung kay Doraemon ay bulsa, kay Gino naman ay bag." bulong n'ya.

"Dami mong alam!" nahampas ko tuloy s'ya sa balikat sabay tawa.

Astig kasi e. Kung si Doraemon may bulsa na nakukuhanan n'ya ng kung ano-anong useful na gamit, si Gino naman ay may bag. At kahit na wala s'yang bag, kaya n'ya ring magsummon nang kung ano-ano. Although hindi n'ya naman pwedeng gawin sa public yun dahil ikapapahamak n'ya yon, ang astig pa rin. Diba?

Matapos sa mga bed sheets, at kung ano-ano na pang tulog n'ya, sunod na n'ya akong kinaladkad sa Hypermarket. Para bilhin yung mga toiletries at iba pa n'yang kailangan sa personal hygiene n'ya. Useless na nga yung listahan ko e, pa'no basta na lang n'ya akong hinahaltak papunta sa mga bagay na kailangan n'ya.

May tulak-tulak s'yang malaking pushcart. Oo, yung pinakamalaki talaga yung kinuha n'ya kasi gusto n'ya na sumakay daw ako doon at itutulak n'ya ako.

Tumahimik na lang s'ya nang batukan ko s'ya. Ano bang feeling n'ya kasi sakin? bata? Baka mapagkamalan pa kaming abnormal ng mga tao dito e. Or worst, baka makabasag at makasira kami ng mga gamit! Ano na lang ibabayad ko doon diba? Si Gino?

"Tsk, pake ba nila?" bulong n'ya. Hinihimutok pa rin n'ya kasi yung pagtanggi ko na sumakay sa push cart.

Napabuntong hininga na lang ako. Ineready ko na lang din ang mala-nanay na explanation ko.

"Gino, sa mundo na 'to, lahat ng bagay na gagawin mo may katumbas na positibo at negatibong pananaw galing sa ibang tao. Let that sink in to you. Yung mga bagay na maaaring okay sayo, sa iba maaaring hindi. Lalo pa sa panahon ngayon, mas ginagamit ng mga tao ang mata at bibig nila kesa sa utak at tenga nila." bahagya kong itinuro gamit ang nguso ko yung dalawang matanda na nag-uusap sa may likuran namin. At kahit hindi ako lumingon, alam kong kami ni Gino yung tinutukoy nila.

Pasimple ring tumingin si Gino doon at nakinig sa mahinang usapan nung matatanda.

"Ang bata naman ng mag-asawang 'to. 'Di muna nagsipagtapos ng pag-aaral." - matanda 1

"Nako, walang mga suot na singsing e. Hindi pa yan kasal. Mga kabataan talaga ngayon oh, puro live-in." - matanda 2

"Nakakaawa ang mga magulang nito. Mga suwail na bata." - matanda 1

"Ang sabihin mo, baka kinunsinte pa yan ng mga magulang nila." - matanda 2

Tinulak ko palayo yung pushcart namin para makalayo na rin kami dun sa dalawang matanda na yon. Medyo ang dumi ng bibig nila e. Parang may alikabok at agiw sa sobrang dumi.

"Kita mo 'yun? Nakita lang na naggogrocery tayo, may ganong assumption na agad? Porket babae ako at lalaki ka, magkasintahan na agad tayo? Live-in agad? Tapos dinamay pa yung mga magulang natin na nananahimik?" bulong ko ulit kay Gino. Wala kasi s'yang imik sa mga sinabi ko at mga narinig namin e.

'Di ko tuloy alam kung ano iniisip nito. Or if I know, baka iniisip na naman n'yang powerless na nga kaming mga tao, sobrang mapanghusga pa. Tsk. Mapanghusga rin s'ya

Wew, including me. I admit. Hehe. Kasi iniisip ko na hinuhusgahan n'ya yung pagkamapanghusga naming mga mortal.

Kumuha na nga lang ako ng shampoo, conditioner, at sabon na para sa kanya. Pero syempre, yung medyo mura lang ang pinili ko.

Laking gulat ko naman nang pagtingin ko sa pushcart ay may nilagay na pala s'yang mga ganon na puro pambabae naman. At wow lang ha? Yung mga malalaki pa talagang bote at mga sobrang mamahalin na brand. Tresemme na shampoo at conditioner? Gluta na sabon?

"Hoy, ano 'yan? Bakla ka ba? Kinuha na nga kita ng panlalaki oh. Saka ba't ka maggugluta? Mag frontrow ka nalang kaya!" pagsita ko sa kanya.

"Sino ba nagsabing para sakin 'to? Para sa'yo 'tong mga kinuha ko." bulong n'ya sabay ismid.

"Eh, hindi naman ako nagwish ah? Saka okay na sakin kahit yung mga mura lang. Bakit may gluta soap pa? Di ko 'to kailangan." binalik ko yung gluta soap sa shelf ng mga sabon.

Nagulat na lang ako pagharap ko dahil iniwan na pala ako nung genie at nagpunta na doon sa oral hygiene section. Dumampot s'ya ng toothbrush at toothpaste. Pati mouthwash, toothpick, at floss. Pero tig-dadalawa ang kinuha n'ya na ganon tapos sabay dumeretso na sa section na men's wear.

Hindi man lang ako nililingon ng genie na yon kaya sumunod na lang ako sa kanya nang parang aso.

"Go, Mikay. Ipili mo ko ng mga damit na papasa sa taste mo na simple lang. Pero ayusin mo ha? Ayaw ko ng baduy. Baka pumili ka ng kulay red na shirt tapos si barney ang print. Tsk." masungit na sabi n'ya.

Natatawa-tawa pa ako habang pumipili dahil hindi ko rin maimagine kung ganong design nga ng shirt ang susuotin n'ya. Hahaha. Parang bonjing lang. Sobrang baduy nga.

Pero in fairness ah, good choice na dito s'ya bibili ng mga damit dahil hindi hamak naman na mas mura at mas simple yung mga nandito kesa yung nandoon sa department store. Lalo na sa mga clothing shop na branded.

Dumampot ako ng tig tatlong black shirt at white shirt na may kunti lang na design. Pati apat na shorts na hanggang tuhod, at tsinelas na simple. Wala na rin naman s'yang violent reaction sa mga napili ko kaya napinilit ko na s'yang magbayad.

Mahirap na, baka kung ano na namang makita nito at gumastos na naman. E goal nga naming makatipid kahit na may unli pera s'ya diba?

S'ya ulit yung pumila sa counter tapos ako naman, kinuha na sa baggage counter yung iba pa naming bitbit. Doon ko na rin s'ya hinintay habang chinecheck ko kung ano yung iba pang dapat naming bilhin.

"Hmm, itong mga panlinis, next time na siguro 'to, Ang dami na naming bitbit e. Pero teka, bakit may induction cooker dito na nakasulat?" siningkitan ko ng mata si Gino na bagong dating lang. "Sinulat mo 'to no?"

"Oo, alangan namang si Alden diba? Saka pake mo ba? Gusto kong magluto e." nagmamasungit na hirit n'ya pero ako e natawa na lang sa isip ko.

Magluluto raw? E hindi nga s'ya kumakain? Pabibo amputa. Saka bakit ba 'to Alden nang Alden? 'Yung totoo, may nakarelasyon na 'tong lalaki sa mundo namin na nagngangalang Alden, 'no?

"Naririnig ko isip mo." pokerface na sabi n'ya kaya nag hehe na lang ako sa kanya. Kesa naman magalit s'ya diba.

Bigla namang naagaw ang atensyon ko nung isang batang dumaan sa harap namin na may kinakain na ice cream. At base sa nakita ko, strawberry, ube, at vanilla ang flavor non. Kaya agad nang hinagilap ng mga mata ko ang paligid para makita kung nasaan yung ice cream stall or shop na pinagbilhan n'ya noon.

Huhuhu!

Nagningning naman agad ang mata ko nang sa hindi kalayuan ay nakita ko nga ang isang ice cream stall.

"Gusto mo non?" tanong ni Gino.

"Hehe. Pwede ba? Medyo nagugutom na rin kasi ulit ako e."

"Malamang. Pedicab nga naibigay ko para sa'yo, ice cream pa kaya?" umismid s'ya at naglakad papunta sa ice cream stall na yun.

Humanap agad s'ya ng table at sinenyasan ako na umupo doon. Kaya sumunod na lang ako sa kanya. Maingat ko ring pinatong sa tabi ko 'yung mga pinamili namin. Nakakapagod ding maglakad-lakad, ha? Parang nawala bigla lahat ng kinain ko. Umurong.

"Oh, ayan." sabay inabot n'ya sakin yung isang cone na may magkakapatong na cheese, ube, at chocolate flavor na ice cream. Pinoy style kasi yung ice cream stall na 'to e, kaya retro Pinoy din ang mga flavors nila.

"Salamat! Hehe!" sabi ko.

Napatingin ako saglit sa kanya dahil napansin komg nakatingin lang din s'ya sa akin habang kinakain ko yung ice cream ko.

At aba ang loko, tumatawa pa habang pinagmamasdan ako. Ang dumi ko raw kasing kumain. Para daw akong uhuging bata sa Luneta Park.

Kaya ako, ayun. Nainis. Pumunta ako sa counter at bumili ng katulad ng binili n'ya sakin. Wala akong pake kung napagastos ako ngayon. Iniinis n'ya ako e!

"Oh, ayan. Kainin mo! Para ikaw naman pagtatawanan ko!" sigaw ko sabay abot sa kanya.

Akala ko nga tatanggihan n'ya e. Pero laking gulat ko na lang nang nakangiti n'yang kuhanin sakin 'yun.

Pero shet. Ito na ba yung medyo matagal ko nang hinihintay?

Makikita ko nang kumain si Gino?

For the very first time?