webnovel

Mob Slap --- Unang Paraan (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

Siya ang naging pambungad ni Little Xie sa kaniyang palabas, ang kaniyang paghihiganti. Ang mga dugong iyon ay ang kabayaran sa lahat ng mga sundalo ng Rui Lin Army na namatay sa giyerang ito!

Tumutulo sa ilan pang sundalong buhay ang dugong ulan. Hindi na mailarawan ang takot na bumabalot sa kanilang mga puso!

"Bakit...bakit...Wala kaming intensyon na maging kaaway ang Fire Country! Isa itong malaking hindi pagkakaintindihan!" Parang tinakasan ng lakas ang binti ng Prosper Country. Kailanman ay hindi pa siya nakakasaksi ng ganitong klase ng patayan! Isang lalaki lang ang may gawa ng lahat ng ito!

Ang lalaking iyon ay parang isang Demonyo!

Nakangising sumulyap si Jun Wu Yao sa Chief Commander ng Prosper Country.

Noong tumapak ang Prosper Country sa border ng Qi Kingdom, dito na sila nakatadhanang sapitin ang isang karumal-dumal na pagkamatay!

At tuluyan na ngang nakarating ang Fire Country sa kampo ng Prosper Country!

Hindi pa nakakabawi sa pagkagulat kay Jun Wu Yao ang mga sundalo ng Fire Country kaya naman hindi sila makalaban ng maayos sa Fire Country!

Ang armadong kabayo ay pinalipad sa ere ang mga sundalo. Sunod-sunod ang buhay na nawawala sa lupang iyon!

Ang mga sundalong pumatay sa Rui Lin Army ay agad na nahatulan at pinatikim ng impyerno!

Pinaikutan ng armadong kabayo ang Chief General ng Prosper Country. Wala nang nakapansin dito dahil sa sunod-sunod na patayan. Tanging siya na lang ang natitirang nakatayo doon.

Parang pinipiga ang kaniyang puso habang pinapanood ang kaniyang mga sundalo na inuubos. Ang buong akala niya makakaya ng halos pitumpung libong sundalo na labanan ang Fire Country. Ngunit ngayon ay agad na nabura ang pag-asang iyon!

Hindi man ganoon katapang ang Fire Country ng tulad sa Rui Lin Army, ngunit sa kabuohan ang koordinasyon at bilang ng mga ito ang magpapanalo sa kanila. Ngayon, ang Prosper Country ay nagmukhang basura sa harap ng Fire Country!

"Bakit!? Bakit!? Kahit kailan ay hindi nagkasala ang Prosper Country sa Fire Country! Bakit niyo kami inaatake ngayon!? Napakalaki niyong bansa at ganito ang pag-atakeng gagawin niyo saamin. Kapag kumalat ang balitang ito pagtatawanan kayo ng mga tao!" Desperadong sigaw ng Chief Commander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Ngayon pang kung kailan nagawa na nilang ubusin ang Qi Kingdom, bigla silang darating at wawasakin ang kanilang pangarap!

Isang malamig na tinig ang narinig sa may bandang uluhan ng Chief Commander!

"Anong krimen ang ginawa ng Qi Kingdom? Bakit nagsanib-pwersa ang apat na bansa para lusubin sila? Sabihin mo, anong krimen ang ginawa ng Qi Kingdom!? Binigyan man lang ba ng apat na bansa ang Qi Kingdom para makapaghanda?!"

Parang kidlat na tumama sa ulo ng Chief Commander ang tinig na iyon. Agad siyang lumingon sa likod at tumingala. Tanging ang anino lang nito ang nakita niya dahil nasa likod nito ang papasikat na araw.

Ang taong iyon ay nakasuot ng kalasag, hindi maaninag ng mabuti ang mukha nito dahil ang araw nga ay nasa likod nito. Gayunpaman, ang awrang binibigay nito ay nakakakilabot!

"Iyon ay ang Condor Country...Ang Condor Country ang may gawa ng lahat ng ito! Wala kaming magawa sa harap ng Condor Country kundi ang sumunod sa kanila!" Saad ng Chief Commander, nanginginig ito sa kaniyang kinatatayuan na para bang ang kabayong nasa kaniyang harap at ang sakay nito ay ang kaniyang bangungot.

"Ayaw...talaga naming lusubin ang Qi Kingdom. Ang lahat ng ito ay ideya ng Condor Country!" Walang ibang magawa ang Chief Commander kundi ang ibato ang lahat ng sisi sa Condor Country. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon na lang ang malasakit ng Fire Country sa Qi Kingdom!