webnovel

Kakaibang Silid (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Tumitig si Jun Wu Xie sa bolang kristal na gumulong sa sahig. Minsan pang sinubukan niyang hawakan iyon ngunit siya ay muling nabigo.

Naalala ni Jun Wu Xie ang sinabi ni Tian Ze bago siya pumasok sa silid.

Ang silid na ito ay sinadya para sa mga spirit bodies.

Dahan-dahang inikot ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin sa mga bolang kristal. Hindi niya magawang hawakan ang mga bolang kristal ngunit ang pusa ay pwede. Posible ngang ang mga bolang kristal na ito ay maaari lang hawakan ng mga spirit bodies.

Ang Spirit Mastery Race na ipinakilala ni Jun Wu Xie ay may kapangyarihan ng espiritu at ang Spirit Reinforcement ay iyon nga ang mismong ginagamit. Ngunit sa oras na ito, naramdaman ni Jun Wu Xie na parang naghukay siya ng sarili niyang libingan. 

Para mailagay niya sa shelf ang mga bolang kristal ay kailangan niyan gumamit ng power of the soul.

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie at itinuon ang kaniyang buong atensyon sa spirit power na nasa kaniyang kamay. Gamit ang Spirit Healing Technique, na-transform niya ang spirit power sa power of the soul. Nang gamitin ni Gu Li Sheng ang method na ito noon, naisip ni Jun Wu Xie na iyon ay aksaya lang ng spirit power at hindi niya akalaing magagamit niya ito ngayon...

Sa kaniyang kamay na nababalot ng power of the soul, muling sinubukan ni Jun Wu Xie na hawakan ang bolang kristal. Ngayon ay nagawa niya na ngang mahawakan ang bola!

Ngunit sa oras na madikit ang kaniyang daliri sa bolang kristal, naramdaman niya ang pwersa ng paghigod at agad na inubos ang power of the soul na inipon niya sa kaniyang kamay!

Nang maubos ang power of the soul ay agad niyang nabitawan ang bolang kristal at muling lumusot nanaman ang kaniyang daliri doon.

"..." Tumitig si Jun Wu Xie sa kaniyang mga daliri. Napuno ng pagtataka ang kaniyang mga mata.

Ang mga bolang ito ay hindi lang pala spirit bodies ang makakahawak, bagkus ay humihigop din iyon ng power of the soul!

Kung ikaw ay isang spirit body, hindi mo iyon mapapansin. Sa kabila ng lahat, ang spirit body mismo ang pinagmumulan ng power of the soul. Ang soul power ay parang spirit power sa isang tao kung saan hindi ito gaanong mapapansin kapag hinigop ng bolang kristal.

Ngunit marami ang kailangan ni Jun Wu Xie para gawing soul power ang isang spirit power. At hindi niya kakayanin iyon ng matagal.

Hindi niya magagawang pulutin ang maraming bolang kristal dahil uubusin noon ang kaniyang spirit power.

"Anong klaseng lugar 'to!?" Reklamo ng itim na pusa.

Hindi naman sumagot si Jun Wu Xie at tahimik lang na tumitig sa kaniyang mga kamay. Muli niyang trinansform ang kaniyang spirit power at hinawakan ang bolang kristal.

Nang madantayan ng kaniyang daliri ang bolang kristal, naramdaman ni Jun Wu Xie na agad na hinihigop ng bola ang soul power sa kaniyang kamay. Kaya naman para mapanatili ang soul power sa kaniyang kamay, mabilis niyang trinansform ang kaniyang spirit powers. 

Mula sa pagdantay ng kaniyang daliri sa bolang kristal hanggang sa tuluyan niya iyong mapulot ay napakarami ng spirit power na kaniyang ginamit na halos tutumbas na kapag nakikipaglaban siya. Mabuti na lang ay umabot na siya sa Purple Spirit fourth stage kung hindi ay hindi siya magtatagal kahit man lang sa pagpulot ng bolang kristal.

Hindi na inisip ni Jun Wu Xie na magpahinga, nang kaniyang mapulot ang bolang kristal ay agad siyang naglakad palapit sa shelf at ipinatong doon ang bola.

Napakaiksing sandali lang iyon ngunit katakot-takot ang dami ng spirit power na ginamita niya doon.

Muli niyang inikot ang kaniyang paningin sa silid at marami-rami pa ang mga dapat niyang pulutin.

Gaano karami pang spirit power ang kaniyang kailangang gamitin para mailagay lahat iyon sa shelf?