webnovel

Galit ni Lord Meh Meh (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pang-uuyam ng lalaki. Kasalukuyan siyang nakatingin kay

Lord Meh Meh na ngayon ay nag-aalboroto at sinabi:

"Manalo ka at makakakain ka ng mga dahon ng lotus."

Ang dahon ng lotus na tinutukoy ni Jun Wu Xie ay walang iba kundi ang matamis at makatas

na dahon ng lotus mula sa Snow Lotus ni Little Lotus. Siguradong marami-rami ng dahon si

Lotus sa ngayon at gustong-gusto ni Lord Meh Meh ang lasa ng Snow Lotus na iyon. Hindi

maaring kagatin si Little Lotus ngunit ang mga dahon nito ay sapat na.

Dahil laging natatakot si Little Lotus at tila maiiyak sa tuwing makikita si Lord Meh Meh ay

hindi naisip ng plant spirit na sa halip ay pakainin ito ng ilang dahon ng lotus. Kadalasan si

Little Lotus ay magtatago agad sa braso ni Jun Wu Xie upang manghingi ng proteksyon o kaya

naman ay magpapalit anyo niyang spirit ring upang maglaho ng walang bakas. Nang mga

sandaling iyon ang tanging naiisip ni Lord Meh Meh ay ang makakain ng masarap at matamis

na na preskong dahon ng lotus upang mapunuan ang labis na gutom.

Tulad ng inaasahan, nang marinig ang mga salita na "makakain ng dahon ng lotus", ang

pagtatampo sa mga mata ni Lord Meh Meh ay naglaho at isang kislap ng tuwa at pag-asa ang

biglang nagningning sa mga mata nito!

"Meh! Meh!"

[Nangako ka, huwag mo paglaruan ang nararamdaman ko!]

Bagama't hindi niya naiintindihan kung ano ang sinasabi ni Lord Meh Meh ngunit nang makita

niya ang pagbabago sa inasta ng tupa ay alam ni Jun Wu Xie na sumang-ayon ito sa kaniya

kaya tumango siya bilang sagot.

Nang makuha ang patotoo ng kaniyang tagapagpakain ay mabilis na umikot si Lord Meh Meh,

nakataas ang buntot habang tumakbo-takbo ang mga paa ng "mahinahon" patungo sa gitna

ng battle platform, ang mata ay naningkit sa dalawang gasuklay ng lubos na kaligayahan.

[Magkakaroon ako ng dahon ng lotus para sa aking pagkain sobra ang kasiyahan ni Lord Meh

Meh ngayon]

Ang may-ari sa mabangis na tigre ay hindi maunawaan ang kung ano ang ibig sabihin ng

palitan sa pagitan ng binata at ng kaniyang Spirit Beast, muli ay pinakain niiya ng hilaw at

madugong karne ang mabangis na tigre sabay sinabing: "Humayo ka at talunin siya."

Hindi naintindihan ng mabangis na tigre kung ano ang tinuran ng kaniyang amo ngunit ang

kaniyang matinik na dila ay may pag-asam na dumila sa mga bakas ng dugo na nagmantsa sa

palibot ng bibig nito habang dahan-dahan na pinihit ang katawan nito, handa na para sa

susunod niyang laban.

Sa arena stage ay isang bilog at mabalahibong bola ang makikitang nakatayo sa isang parte at

nakaharap sa kasalungat na sulok kung saan naroon ang mabangis na tigre at markado ng

dugo mula sa nagdaan nitong mga kalaban. Kung pagbabatayan ang laki at pagsalakay ay

malinaw kung sino ang nakakalamang sa laban na iyon.

Ang nagmamay-ari sa mabangis na tigre ay sumulyap kay Jun Xie na nakatayo sa isang sulok ng

arena stage at uyam na pumalatak. Hindi pa siya nakakita ng isang bata na dadalhin ang

kaniyang Spirit Beast upang hangarin ang kamatayan.

"Mamaya kapag ang iyong Spirit Beast ay nakain ay huwag kang maghuhumiyaw." bastos na

umismid ang lalaki.

Tinapunan siya ni Jun Wu Xie ng isang malamig na sulyap at hindi niya ito binigyan ng kanit

anong reaksyon.

Sa loob ng Spirit Beast Arena, ang mga tao ay hindi nagpapakita ng interes sa kasalukuyang

laban sapagkat sa kanilang isip ay nakapagdesisyon na sila. Mas nasasabik pa sila sa mga

susunod na laban pagkatapos niyon.

Ang taong nangangasiwa sa laban ay tinignan ang malaking pagkakaiba ng kapangyarihan sa

pagitan ng dalawang panig at ang puso niya ay biglang nakaramdam ng kaba.

Ang munting Lord Meh Meh na nirehistro ni Qing Yu na Deputy Chief ng Fiery Clan Hall kani-

kanina lamang ay wala ni sino man sa kanila ang nakakita sa Spirit Beast na iyon noon. Naisip

nila na dahil sa iito ay rekomenda ng Deputy Chief ng Fiery Clan Hall ay isa itong kahanga-

hangang Spirit Beast.

At ngayon na nakita na nila sa aktuwal ang Spirit Beast, lahat ng pananabik at tiwala ay biglang

nadurog at naging abo.

Malinaw nilang nakikinita sa kanilang isip ang sandaling iyon. Ang sandali bago mag-umpisa

ang laban, ang walang magawa na munting tupa ay madaling magiging pagkain ng mabangis

na tigre at inasam nila na hindi sumama ang loob ni Qing Yu sa sandaling iyon.

Ang kampana para mag-umpisa ang laban ay malakas na tumunog, ang malutong na

kalembang nito ay umalingawngaw sa ere!

Ang mabangis na tigre ay dahan-dahang naglakad paikot sa kaniyang kalaban, ang buntot ay

matigas na nakataas tulad ng isang bakal. Matapos ng ilang laban at pakainin ng madugong

hilaw na karne, ang kahayupan na nasa loob nito ay matinding tumaas at halos umabot sa

kasukdulan. Ang matinding pagpupunyagi nito kanina ay nagdulot ng matinding gutom at ang

dalawang maliit na hiwa ng karne ay walang nagawa upang punan ang kaniyang gutom at

dahil doon ay mas lalong nagtagis sa masidhing bingit ang likas na pangangaso nito !