webnovel

ANG AKING INA

ANG AKING INA

I.

Noon isa pa lamang akong musmos na bata.

Busog sa pagmamahal at pagkalinga ng aking pamilya.

Habang lumilipas ang panahon, marami na rin mga pagbabago.

Hindi lang Pisikal, Espiritwal at Sosyal na mga pagbabago.

Maging pang Emosyonal o mga damdamin ay nagbabago.

II.

Simula ng maagang mamulat.

Sa isang pag-ibig na hindi pa nararapat.

Pinayuhan ni Ina.

Ang payo niya.

III.

"Natural lamang sa isang katulad mo ang sa kapwa ay humanga."

"Ngunit sana ay hanggang doon lang muna ang iyong paghanga."

"Dahil hindi pa ito ang tamang panahon sapagkat napakabata mo pa."

IV.

Sa halip na makinig sa payo ni Ina.

Sapagkat labis na pag-aalala.

Ang kanyang nadarama.

Subalit galit at pagdaramdam.

Ang sa kanya ay akin ipinaramdam.

V.

Sa aking murang kaisipan.

Ako ay hindi niya mahal sapagkat nararamdaman ko ay hindi niya maunawaan.

VI.

Ngunit iyon pagsuway ko pala.

Ang magiging dahilan ng aking pagdurusa.

Umiiyak ako sapagkat nagsisisi.

Sa mga desisyon kong mali.

VII.

Aking napagtanto na tama ang aking ina.

Mga payo niya sa akin ay hindi nakasasama.

Ang nais niya lamang bilang isang ina.

Ang maipadama sa akin ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga.

VIII.

Lahat ay kinakaya niyang gawin.

Kahit nahihirapan man siya, lahat ay kayang tiisin.

Hindi nagsasawang ako ay mahalin.

Kahit nagkakamali man ako, siya'y bukas palad pa rin.

At ako ay handang tanggapin.