webnovel

From Enemies to Lovers?

"From Enemies To Lovers?" tells the story of Kenneth, a teenager who hides his true identity from his family. His life revolves around his family, friends, and studies. But all of it change when he meets Luke, the man who shakes his heart surrounded by high walls. By certain incident and circumstances they went from having a cat-and-dog relationship to being friends. Join Kenneth as he tells you the story of his youth!

introvert_wizard · LGBT+
Pas assez d’évaluations
21 Chs

Chapter 4: Friend and Insecurities

Kenneth's PoV

"Kenny, crush mo na ba siya?" nagulat ako nang biglang magsalita si Aurora na nasa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang kasabay ng pagtawag sa akin ni Au ay ang paglingon sa aking gawi ni Luke. Mabilis pa sa kidlat kong ibinaling ang atensyon ko kay Au na ngayon ay nakakunot ang noo. Halos magdadalawang linggo narin matapos magtransfer si Luke at matapos yung nangyari sa ice cream pati yung video ko na kinuhanan niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" mahina kong sambit.

"Kanina kapa kasi nakatingin kay Luke. Akala ko ba hindi mo siya bet? Jusme nahulog kana ba sa taglay niyang kakisigan?" mapagbirong sambit ni Au. Lumingon ako sa harapan nang mapansing tapos nang magsulat si Ma'am sa blackboard.

"Aminin mo nalang Kenny na may gusto karin kay Luke. Hindi naman maipagkakailang ang hot hot niya. Ang sarap--rawr~" halos pabulong na niyang pang aasar. Nakatuon rin ang pansin niya sa harapan upang hindi kami mahuli ni Ma'am.

"Nagiisip lang ako ng paraan para makabawi sa ginawa niya sa akin. Huwag kang maissue Au." paliwanag ko kay Aurora.

"Before I dismiss you, let me remind you na malapit na ang midterm exam niyo. Make sure to study especially those scholars?" baling ni Ma'am sa akin. "Luke, I had already seen your report card. So the only reason you got into Labrador is because of your basketball skills. But dear, you also need to maintain your grades or else you'll be kick out in the varsity and in our Univ." baling ni Ma'am kay Luke at agad naman siyang tumango bilang sagot.

"Kenny, alam mo bang malapit sa inyo nakatira yang si Luke?" rinig kong sambit ni Au.

"Malapit sa amin? Hindi ko alam. Kahapon ba siya lumipat malapit sa amin? Nakikitulog muna ako kina Jay kaya hindi ko alam." sagot ko sa kaniya, napatango tango naman siya.

"Recess na pala Kenny. Tara punta tayo cafeteria" yaya niya sa akin na agad ko namang tinanggihan.

"Bakit na naman? Kahapon hindi karin nagrecess. Huwag ka ngang magalala, lilibre kita kaya samahan muna ako" pangungumbinsi niya sa akin.

"Masama kasi pakiramdam ko Au kaya matutulog muna ako dito" itinulak ko siya palabas ng room. Nagaalinlangan naman siyang maglakad paalis kaya tumango ako para kompirmahing okay lang ako. Walang choice si Au kundi ang pumunta sa cafeteria mag-isa. Paglingon ko sa pwesto ko napansin kong kami nalang ni Luke ang nasa loob ng room. Walang gana siyang nakatingin sa akin habang naglalakad ako palapit sa upuan ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa pagtitig niya. I really feel nervous and uneasy everytime he looks at me. I feel intimadated. Pagkaupong pagkaupo ko ay inilubong ko ang ulo ko sa desk at ipinikit ang mata ko.Habang nakapikit ang mata ko ay kinapa ko sa bag ko ang earphone at cellphone ko. Pagkatapos ay isinuksok ko sa kaliwa kong tenga ang isa sa earphone at nagpatutog.

"Are you really friends?" naimulat ko ang aking mga mata at napalingon kay Luke. Nakatuon ang tingin niya sa kung saan. Tingnan mo, kinausap niya ako pero hindi manlang niya ako magawang tingnan.

"Ako ba kinakausap mo?" panigurado ko. Natigil ako nang bigla siyang humarap sa akin. The ray of light coming from the sun was as if kissing his face that made him look dashing. I don't mean to exaggerate it but his face seems to be sparkling. It was as if a scene from a romantic comedy as a song titled "Close to You" coincidentally played through my earphone.

What the hell is happening to me?

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

Bakla ka! Huwag mong sabihin infatuated kana sa lalaking to! Jusme! Bakla! Huwag! Hindi pa nga nakakalipas ang isang buwan simula nang magkakilala kami tapos mahuhulog na agad ako sa kaniya. No! Maybe, I'm just attracted with his looks. Yes, I admit it. He really is attractive.

"May iba pa bang tao dito?" nabalik lang ako sa wisyo ko nang magsalita siya.

"Malay ko ba kong ako talaga yung kinakausap mo. Mahirap kayang mapahiya. Tsaka ano bang klaseng tanong yun? Halata naman close kami ni Au noh!" sagot ko sa kaniya.

"You're friends pero nahihiya ka parin sa kaniya" hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

"Ako nahihiya? Kay Au? Bakit naman ako mahihiya sa kaniya?" madiin kong pagtanggi at ibinaling ang tingin sa harapan.

"The fact that you diverted your gaze away from me after asking the question, means you really don't consider her as your close friend."

"Ano bang sinasabi mo? Ayaw ko lang makita yang mukha mo, naiinis lang ako." tumayo ako at aalis na sana nang bigla siyang magsalita na nagpahinto sa akin.

"You're insecure of her" hindi ko inaasahang maririnig ko iyon sa bibig niya. Sino ba siya sa akala niya? Bakit naman ako maiinsecure kay Au? Kaibigan ko siya.

"Nababaliw ka na ba? Kaibigan ko si Au, bakit naman ako maiinsecure sa kaniya?" inis kong sambit. Nilingon ko siya tila naestatwa ako nang mapagtantong kanina pa pala niya ako tinititigan.

"She's rich--She's beautiful--She's born as a woman" nagsalubong ang kilay ko ng walang pagaalinlangan niyang sinabi ang mga iyon. Naikuyom ko ang kamay ko habang pinapaulanan siya ng matatalim na tingin.

"Why would I be insecure of her being a woman?" pinipilit ko ang sarili kong pakalmahin. Alam kong ano mang minuto ay masasapak ko ang lalaking ito paghindi ako makapagpigil. He's blurting out nonsense. Naiinsecure ako kay Au dahil babae siya? Nagpapatawa batong lalaking to?

"Cause you're ga--" isang malakas na sapak ang dumapo sa pisngi ni Luke nang marinig ko ang sinagot niya. Breathing heavily, I saw him touch his jaw on the side of his face that I punch. Muntik nang pumutok ang labi niya dahil sa lakas ng pagkakasapak ko. Ramdam ko ang lakas ng pagsapak ko dahil kumikirot ang kamay ko. Ini-expect kong magagalit siya pagkatapos ay sasapakin niya ako ngunit isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot niya sa akin.

"What the hell happened here? Mr. Yasu and Mr. Holan, guidance office now!" napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Ma'am Suzy na umalingawngaw sa buong room. Humarap ako sa kaniya at bumungad sa akin ang galit na galit niyang mukha.

"I'm sorry Ma'am" nakayuko kong sambit. Naramdaman kong tumayo si Luke mula sa pagkakaupo niya sa kaniyang upuan.

"I can't believe this" umiiling na ani ni Ma'am Suzy at naglakad na paalis. Agad naman akong sumunod, nasa likuran ko naman si Luke na kaswal lang na naglalakad na wari'y hindi siya nasapak kanina. Nakita kong napapatingin sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Ang ilan sa kanila ay nagugulat pagnakikita nila ang pasang natamo ni Luke dahil sa lakas nang pagkakasapak ko. Pasimple akong lumilingon sa kaniya pero ang pinagtataka ko ay hindi parin nawawala ang nakakairita niyang ngiti sa labi. Nakapamulsa pa siya habang naglalakad, akala mo sigang papatayin ang sinumang humarang sa dadaanan niya.

"Mr. Yasu? I'm surprise that you're here." nagtatakang sambit ng Guidance na si Mrs. Alas, ibinaba pa niya ang kaniyang salamin para masigurado kong ako nga ang nasa harapan niya. "Care to explain what happened? Para kang sinapak ng isang bosingero Mr. Holan. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa nagiisang buwan simula nang lumipat ka dito pero may ganitong aksidente ka nang kinakasangkutan." baling ni Mrs. Alas kay Luke na printing nakadekwatro sa katabi kong upuan.

"Nagbibiruan lang po kami" nagulat ako sa biglaang pagbabago ng tono ng pananalita ni Luke. Puno ng paggalang at respeto ang pananalita niya ngayon. Siya ba talaga yung lalaking sinapak ko?

"Iba na pala magbiruan ang henerasyon niyo? Sa halip na sapakin niyo ang labi ng bawat isa, bakit hindi na lang kayo maghalikan?" mapagbirong sambit ni Mrs. Alas, nakalimutan kong tanyag pala si Mrs. Alas na BL supporter. Narinig ko namang tumawa si Luke na ikinataas ng kilay ko. "Alam niyo bang bagay kayo?" muling panunukso niya.

"Ang totoo po pagkinikilig itong misis ko ay sinasapak ako" nagulat ako nang biglang hilain ni Luke ang upuan ko palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang braso niya sa likuran ko. Napatulala ako--ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maexplain ang sayang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may mga paruparong gustong kumawala mula sa tiyan ko. Napatingin ako kay Luke na nakangiti kay Mrs. Alas na ngayon ay kinikilig.

"Naku ang batang ito talaga, masyadong mapagbiro." natatawang sambit ni Mrs. Alas. Naramdaman ko namang itinulak ni Luke ang ibabang parte ng upuan ko dahilan para mapalayo ako sa kaniya. Napalingon ako sa likuran ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ma'am Suzy. Agad naman na umayos ako ng upo pati narin si Mrs. Alas.

"Ma'am, have you already gave them their punishment?" agad na tanong ni Ms. Suzy habang nakakrus ang kamay at nakatingin ng masama sa aming dalawa ni Luke.

"I was just going to tell them their punishment" mabilis na sagot ni Mrs. Alas at pasimpleng kinindatan si Luke. " You two will be cleaning the school's court every friday for the rest of the semester" pahabol niyang ani.

"Yes Ma'am" mabilis kong sagot.

"I'm really disappointed in you Mr. Yasu, for almost 5 years of studying here in Labrador I never heard that you've been involve with this kind of activity. Sinapak mo talaga si Mr.Holan? I thought you're gay?" Bakit nasama na naman sa usapan ang pagiging bakla ko? Why do people keep on bringing up someone's gender everytime someone make a mistake? Nakakatawa lang na hindi na pala pwedeng sumapak ang isang babae at bakla dahil lang sa kasarian nila? Hindi pwedeng gumanti o ipagtanggol manlang ang sarili? Bakit? Why do people see gender as a basis of someone's capabilities? Bakit nga ba ako magtataka. Eh, 21st century na pero tinuturuan parin ang mga bata na pambabae ang color pink at panlalaki ang color blue. Children are still taught that only girls play dolls and only boys play cars. Why are schools limiting a child's preference by making gender roles a barrier in exploring himself or herself?

Ayan ang gusto kong sabihin kay Ms. Suzy sa mga oras na ito pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sarili ko. "Sorry Ma'am" ang aking nalang nasambit para matapos na ang sermon niya. Napapailing na umalis si Ma'am Suzy. Pagkatapos makaalis ni Ma'am Suzy naramdaman ko ang pagtayo ni Luke mula sa kinauupuan niya. Sunod kong nakita ang pagtango ni Mrs. Alas at ang yapak ng mga paa ni Luke. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agad akong tumayo. "Alis na po ako Ma'am. Sorry po ulit" paalam ko na sinuklian niya naman ng isang ngiti.

Pagkalabas ko ay hindi kona nakita pa si Luke. Ramdam ko ang bigat ng bawat yapak na ginagawa ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Luke kanina. Am I really insecure with Aurora? Kinaibigan ko lang ba siya para malaman kong ano ang kahinaan niya? Kinaibigan ko ba siya para malaman ko na katulad ko lang siya na naiingit---na may kahinaan--na may bahong tinatago?

Napabuntong hininga ako ng malalim nang mapagtantong tama ang sinabi ni Luke. Kinaibigan ko si Au noon dahil maraming nahuhumaling sa taglay niyang ganda. Naiingit ako dahil siya lagi ang sentro ng atensyon ng lahat ng kalalakihan sa school. Sa makatuwid siya palagi ang bida--ika nga "every man's dream girlfriend".

Marahil nga ay iyon ang dahilan kung bakit ko kinaibigan si Aurora pero hindi iyon ang dahilan kung bakit umabot nang halos isang taon ang pagkakaibigan namin. Natutunan kong pahalagahan at mahalin bilang kaibigan si Aurora. Hindi ko napansin habamg tumatagal ay mas bumibilis ang paglakad ko. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko nang may maisip. Mabilis akong tumakbo papunta sa room. Pagdating ko sa room ay wala na ang mga kaklase ko, mukhang nag-uwian na silang lahat. Naalala ko na half day lang pala ang pasok ngayon dahil may meeting ang mga teachers regarding sa nalalapit na exam. Napahinto ako sa desk ko nang may makita akong isang tsokalete sa desk ko. Sunod na nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Napangiti ako nang mabasa ko ang message ni Au.

[From: Au

Happy One Year of Friendship Kenny!≥3≤ ]

Agad ko namang tinext si Au pabalik.

[From:Kenneth

Happy One Year of Friendship din Au. Kita tayo ngayon libre kita.Usual time and place.≥3≤

Sending to:Au]

Agad kong ibinulsa ang cellphone ko at niligpit ang mga gamit ko. It's time for me to fix things straight and let Au know how grateful I am to be her friend.

 

©introvert_wizard

✒End of Chapter 04 : Friends and Insecurities