webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

EPILOGUE

Oliver's POV

After ng Graduation Ceremony ay nagpicture taking kami.

Isang picture sa aming top 10

Isang picture ng buong class

Isang picture ng buong STEM

Picture ng family namin

At picture naming magbarkada.

And that last picture, ay ginawa namin sa cemetery.

Napagdesisyunan naming tatlo na pumunta sa cemetery after ng graduation namin ni Cassie

Nagpaalam ako kila mama na kay Kristan na ako sasabay. Pumayag na rin sila at pumunta na kaming tatlo sa cemetery.

Tahimik lamang kaming tatlo sa buong byahe, siguro dahil sa pagod. Or naramdaman rin nila na incomplete yung atmosphere sa sasakyan.

Nang makarating kami sa cemetery, bumaba kaming tatlo at naglakad papunta sa puntod ni Mikay.

Pagkarating namin doon, inilapag namin ang bulaklak na binili namin sa daan at ang medal niya na ibinigay sa amin ng adviser niya kanina.

Nagsindi rin kami ng kandila at tahimik na nagdasal para sa kaluluwa niya.

"Mikay, congrats sa ating apat. Tignan mo oh! With honors ka rin!" sabi ni Cassie at gumagaragal na ang boses nito.

"I miss you, namimiss ko na yung palagi mo akong kinukulit para pumasok. Nung nag-exam kami, parang tinatamad akong magtake. Siguro dahil wala na yung nagmomotivate sa akin." Sabi niya at pinunasan ang mga luha niya.

"I know you are happy now, makakapag pahinga ka na rin diyan." Sabi niya at ngumiti.

"I miss you. Napaginipan pa kita kanina." Narinig kong sabi ni Kristan sa harapan ng puntod ni Mikay.

"Ang sabi mo sa akin, 'Kristan I hope you will be happy, You will always be happy.' Oo Mikay, masaya nga ako ngayon. Thank you at nakilala kita, siguro matagal na akong sumuko kung hindi dahil sa iyo." Sabi niya at pinunasan ang mga luha.

"Ano ba yan, sabi ko hindi na ako iiyak eh. Hehehe" sabi niya. "Sana masaya ka na rin kung nasaan ka man ngayon. I will always treasure you."

After niyang magsalita ay naramdaman ko namang tumingin silang dalawa sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at tumitig na lamang ako sa puntod ni Mikay.

'Mikay, I hope you're doing fine. I hope you are happy. I hope you are finally free.

I will live my life to the fullest. I will try to be happy again, but I will not be promising I will love someone again.

I will continue loving you to the rest of my life.

I will be here for you forever.

Ganito talaga siguro magmahal. Kahit na wala na akong pag-asa. Tuloy lang.

Kahit hindi ko na mafefeel pa yung pagmamahal mo, itutuloy ko lang.

Because my love for you is eternal, my love for our friendship last forever.'

Yumuko lamang ako at tuluyan nang pinakawalan ang mga luhang gusto nang lumabas sa mga mata ko.

Kinuha kong muli ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha ko.

Nakayuko pa rin ako at ayaw kong makita nila ang mukha ko.

Pero laking gulat ko nang may yumakap sa akin. Pagtingin ko ay si Cassie pala iyon na umiiyak.

Lumapit rin sa amin si Kristan at nagyakapan lang kaming tatlo doon at umiyak.

Nang mahimasmasan kami, at tumingin kaming muli sa puntod ni Mikay.

"Tara picture tayo." Sabi ni Cassie at inilabas yung phone niya.

"Ito na lang phone ko yung gamitin natin." Sabi ni Kristan ang inilabas yung phone niya. Pumusisyon naman kami at ipinakita namin yung lapida ni Mikay. Para na rin nakasama siya sa picture.

After ng ilang take ay napagpasiyahan na naming tatlo na umuwi.

Kinuha na namin yung medal niya at nagligpit na kami ng mga gamit namin.

Bago kami umuwi ay tinitigan naming muli ang puntod ni Mikay.

We will be keeping our memories with you.

We will be keeping pur friendship forever.