webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER TWENTY ONE

Oliver's POV

Exams naman next week.

Maghehell-week na naman pala, and here I am, seating in my desk reading about our past topics sa school. After na naman kasi ng exams ay labasan na rin ng grades. Kaya medyo kinakabahan ako na baka hindi ko mamaintain yung rank ko this grading.

"Oliver anak, tara na dito sa kusina, kakain na tayo ng dinner." Sabi ni mama mula sa baba. Naga-aaya nang maghapunan.

"Okay ma, susunod na lang po ako." Sabi ko then sinimulan ko nang ligpitin yung mga gamit ko. Then, pumunta na ako ng dining room para sumama sa hapunan.

Pagdating ko, naroon na sila mama at papa sa dining room.

"Oh Oliver tara na dito," sabi ni mama kaya umupo na rin ako at nagsimula nang kumain.

"Oliver, kumusta sa school?" tanong ni papa sa akin.

"It was fine po pa, actually I'm reviewing na po for the upcoming exams po next week." Sabi ko then itinuloy na yung pagkain ko.

"Nako paghusayan mo iho ang pag-aaral, at huwag laging paglalakwatsa inaatupag mo. Tignan mo na lamang ang Kuya Marco mo." Sabi ni mama at tinignan si kuya. "Makakapagtrabaho na siya sa ibang bansa. Kasi nag-aaral siya ng mabuti." Dagdag niya, lagi niyang sinasabi na dapat maging katulad ako ng kuya ko. Hindi ko na lang siya kinibo at ako ay nagpatuloy na sa pagkain.

"Ano ka ba naman Agatha? Nag-aaral naman ng mabuti yung anak mo. Sadyang matatalino lang yung nagtop 1 at top 2 ng strand nila." Dipensa sa akin ni papa.

"Oo nga naman ma, and besides, nachambahan ko lang na nagvaledictorian noong high school ako kasi magka-iba kami ng curriculum ni Oliver." sabi ni kuya Marco.

After ilang minutes natapos na ako ganoon na rin sila. Nagpresenta na rin akong magligpit ng kinainan namin.

After kong magligpit ay dumiretso naman na ako ng kwarto para mag-aral ulit. Pero kahit anong basa ko ay hindi naman ako makapagconcentrate kasi naprepressure na naman ako sa mga paalala nila mama sa akin.

Lagi nalang nila ako prinepressure, tapos kapag hindi ko nameet yung mga expectations nila sila pa magagalit.

Pero kahit na ganun, sinisikap ko pa ring maabot yung gusto nila kasi para sa amin rin naman yun, and atleast I can give them the fruits of their labor.

Nang hindi ko talaga maintindihan yung binabasa ko ay nagpasya na lang akong matulog.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Maaga akong pumasok sa school dahil gusto kong matulog sa classroom. Pinilit na naman kasi akong pumasok ng maaga ni mama. Kaya heto ako ngayon, ipagpapatuloy ko yung naudlot kong tulog sa classroom.

Dumating naman ang lunch break kaya nagkita-kita na rin kami ni Mikay. Napagdesisyunan naming sa mall na lang maglunch.

"Alam mo ba Mikay, sobrang excited na talaga ako para sa Prom natin next week. Buti na lang talaga pwedeng magdala ng outsider sa party, sa wakas makakasayaw ko na si George!" sabi ni Cassie habang umupo siya sa tabing upuan ko.

"Buti pa ikaw may kapartner na, ako eto, naghihintay pa rin ng mag-aaya." Sabi naman ni Mikay at umupo naman sa upuan sa harapan ko.

"Hay nako, bakit di ka pa ina-aya ni Oliver?" sinadya atang lakasan ni Cassie yung boses niya kaya hindi na ako nakapagpigil at inangat ko na yung ulo ko.

"Aayain ko naman talaga siya, busy lang talaga ako sa pagrereview para sa exams." Sabi ko then inayos na yung itsura ko.

"Yun naman pala eh!! Edi problem solved na ngayon Mikay!" sabi ni Cassie. Patago niya rin akong siniko ng malakas. "Ikaw rin naman kasi Oli ang bagal mo. Paano na lang kapag may nauna nang nag-aya dito kay Mikay? Edi nganga ka?"

"Eh di maghahanap ako ng makakapartner." Sabi ko naman at nagconcentrate na ulit sa pagtulog.

Hindi nagtagal ay napagdesisyunan na naming bumalik sa school para umattend ng classes. As usual, nagbigay lang ng pointers to review ang mga teachers then pinabayaan na kaming magreview for ourselves. Pero hindi lahat exams yung iniisip, after kasi ng exam week namin which is a week-long examinations ay magaganap na yung Prom namin.

Karamihan ng Junior and Senior students na nakikita ko yun yung pinag-uusapan.

Parang ako nga lang yung sineseryoso yung mangyayaring exam.