webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER TWENTY EIGHT

Kristan's POV

"Mikay finally makakauwi na ako diyan sa Pinas next month." Sabi ko kay Mikay habang magka-usap kami through video chat.

"Well, that's good to hear. Mag-bond kaagad tayo pagkauwi mo ah. " sabi niya at nagpa-cute.

 Naging hobby na ni Mikay ang magpa-cute sa tuwing may favor siya. "Namimiss ka na namin ni Cassie."

"Sige lang, pero kahit huwag ka nang magpa-cute. Alam mo namang hindi uubra sa akin yan." Sabi ko sa kanya.

Nag-pout naman siya habang nakaharap pa rin sa akin.

"Ang tagal mo nang may gusto sa taong iyon. Pero wala ka namang ginagawang way para mapansin ka niya." Sabi niya pero imbis na mainis ako ay napangisi ako.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? May masama kang binabalak ano?" sabi ni Mikay at biglang kinuha yung ballpen niya at itinutok iyon sa akin. "Nako sinasabi ko sa'yo Kristan Jacob ha."

Napatawa naman ako dahil sa itsura niya. Parang galit siya na anytime mananaksak na siya ng ballpen.

"Ano ka ba naman Mikay. May naalala lang ako." Sabi ko at napangisi ulit dahil sa kanina.

"Nga pala, what time niyo bibisitahin si tito Ralph? Sabi ni Oliver kanina pang 10:30 na tapos yung operation niya." Pag-iiba ko ng usapan napatingin naman ako sa wall clock namin dito sa bahay, 11 pm na pala. "Diba kasabay mo si Cassie na pupunta doon."

"Mamaya pa raw 1 pm kami pupunta. May date raw kasi yung dalawa then susunduin nila ako dito sa bahay after ng date nila. Nung una pa nga sinasama nila ako eh. Pero ayaw ko maging third wheel." Inis na sabi ni Mikay.

"Bakit kasi hindi ka rin maghanap ng kadate mo?" sabi ko. Napabuntong hininga si Mikay kaya narealize kong pati iyan pinoproblema niya.

"Alam ko namang may gusto sa akin si Oliver eh. Matagal ko nang nararamdaman iyon." Sabi niya sa akin.

Siguro napapansin niyang minsan ay pinupush namin ni Cassie si Oliver sa kanya. Ito kasing si Oliver eh, napakatorpe.

"Oh eh bakit hindi mo igrab. Try niyo kung magwo-work kayo as couple." Sabi ko.

"Paano kung hindi, edi magkakaroon ng awkwardness. Baka masira pa yung friendship natin dahil doon. Ayaw kong maging selfish Kristan."

"Ibig bang sabihin nun.." sabi ko at seryosong nakatingin sa kanya. "May feelings ka rin sa kanya?"

Hindi naman sumagot si Mikay. Pero alam kong may feelings siya kay Oliver pero pinipigilan niya lang.

"Hindi ko kasi alam kung magiging worth it na maranasan kong magkaroon ng lovelife ngayon. Thinking na may iba pa akong iniisip sa ngayon." Sabi niya at yumuko.

Nanahimik lamang kaming pareho. Alam ko kasing may problema si Mikay. Alam naming tatlo iyon at palagi naming itinatanong sa kanya. Pero lagi niya lang iniiba yung usapan o kaya naman ay tatakas siya sa pagtatanong namin.

"Greg please! Stop what you're doing!!"

Rinig kong sigaw ni Mommy sa may living room.

"Ah Mikay, next time na lang ulit. Mukhang kailangan kong tignan yun." Sabi ko at nakita ko naman siyang nakakunot ang noo.

"May ginagawa na naman ba si Kuya Greg Kristan? Baka ikaw pagbuntungan niya ng galit." Sabi niya. "Mag-iingat ka ha."

"Sige, bye!" sabi ko at pinatay na yung tawag.

Lumabas naman ako sa living room at nakita kong nakakalat yung mga throw pillow doon. Nakita ko namang umiiyak si Mommy habang naka-upo sa sofa.

"Mom, what happened? Why are you crying?"

"Jacob, hindi ko na alam yung gagawin namin ng papa mo sa kuya mo." Sabi niya at yumakap na lamang sa akin.

"Ano na naman po bang ginawa ni Kuya?" tanong ko.

Ever since highschool talagang utak ewan na si Kuya. Dito kasi sa States lumaki kaya lumaki ring tulad nila.

Chain smoker

Party goer

And recently may nasagap na balita si daddy na nagdadrugs na rin siya.

They even attempt na ireport na sa mga police si Kuya Greg. Pero ayaw ko and I keep on reminding them na may inaalagaan silang reputation.

Ang apelyido namin.

Pero ang totoo, may tiwala ako kay Kuya Greg.

Naniniwala akong may araw pa na magbabago siya.

Busy sa company namin ngayon si daddy at nandito naman sa bahay si mommy. Si lola, nandoon sa kwarto niya at nagpapahinga. Titignan ko siguro ulit siya mamaya bago ako matulog.

"He's high again. Jacob please kausapin mo naman yung kuya mo. Hindi siya nakikinig sa akin." Sabi ni Mommy na umiiyak pa rin.

I sighed habang inaalo si mommy.

"Hindi nakikinig sa akin si kuya Greg mom. Alam mo namang palagi kaming nag-aaway diba?" sabi ko.

Hindi ko sure kung anong dahilan ng pagka-galit sa akin ng kuya ko.

Siguro dahil laging ako yung napapansin nila mom at dad sa maraming bagay.

I think elementary ata ako noon nung unang naging mainitin yung ulo sa akin ni Kuya. Minsan pinaprank niya ako, binabara kapag nagsasalita ako o kaya nagmemake-face kapag may sinasabi ako kila mommy. Akala ko noon, childish acts niya lang iyon pero nung tumagal at tumanda na kami, naging mas malala yung inaabot ko sa kanya.

Minsan sinusuntok niya ako lalo na kapag lasing siya. O kaya naman gumagawa siya ng mga kwento na makakasira sa akin sa tingin nila daddy.

Pero kahit ganun siya, I never loathed him. Kasi para sa akin, yun yung way niya ng pag-express na may pakialam siya sa akin. Siguro may times na sobrang sakit na ng pinaggagawa niya sa akin, pero para sa akin okay na rin yun kaysa naman hindi niya ako pinapansin.

Dahil minsan, may mga taong taliwas sa ipinakikita nila ang nararamdaman nila. Maybe kuya Greg is one of those kind of people. Mayroon silang nararamdaman na sinasarili lang nila, at takot silang iparamdam iyon sa iba.

Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa ina kong patuloy pa rin sa pag-iyak. Bumitaw ako sa pagkakayakap at umalis sa sofa.

"Where are you going Jacob?" tanong ni mommy habang humihikbi.

Tinignan ko lamang siya at pilit na ngumiti.

"I'm going to talk to him mom." Sabi ko at umakyat na sa stairs papunta sa mga bedrooms.

"And I'm going to save him from his misery."