webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER THIRTY THREE

Mikay's POV

"Mikay!! Andito na si Oliver hindi ka pa ba tapos diyan?" rinig kong sigaw ni papa mula sa living room.

"Pa patapos na po." Sabi ko at kinuha na yung bag nagagamitin ko ngayon. Tumingin ulit ako sa salamin at nang makita kong maayos naman ang itsura ko ay nagpasiya na akong lumabas ng kwarto ko.

"Oh andito na pala si Mikay eh. Oliver iho before 8 pm uuwi na kayo ah." Sabi ni papa. "Huwag kayong magpagabi at delikado na ngayon sa labas. Baka mapano kayo."

"Yes po tito, ako pong bahala kay Mikay." Sabi ni Oliver. Nagpaalam na rin ako kay papa at inihatid niya kami hanggang sa gate ng bahay. Sumakay na kami ni Oliver sa kotse niya at umalis na.

"Oliver san ang punta natin?" tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa orasan ng kotse ay almost 11 am na.

"Dadaan na muna tayo ng hospital. Gusto ka raw makita ni papa." Sabi niya, hindi naman na ako sumagot at sumandal na sa inuupuan ko. Isinandal ko naman ang ulo ko sa may bintana para makita ko yung mga nadadaanan naming mga bahay.

After a few minutes ay nakarating kami sa hospital. Dumiretso kami sa elevator at nakita kong pinindot ni Oliver yung button 3, indication na sa third floor kami pupunta.

Nang makarating kami sa third floor ay ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa room 308. Binuksan ni Oliver yung pinto ng room at pumasok na kami.

"Mikay! Buti nakadalaw ka." Sabi ni Tito Ralph. Lumapit naman ako sa kaniya at nagmano. Lumapit rin ako sa mama ni Oliver at nagmano rin.

"Ano ba! Tigilan mo nga ako." Rinig kong sigaw ng tao na nasa veranda ng room. Pagtingin ko doon ay nakita ko si Kuya Marco at Kristan.

Napangiti naman ako at tumingin kay tito Ralph.

"Lalabas po kasi kami ni Oliver at naisipan po naming dumaan na muna rito para madalaw po kayo."

"Ganon ba? Salamat ha." Sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko.

Sinenyasan niya naman akong lumapit sa kaniya.

"Ingatan mo ang anak ko iha ha." Sabi ni tito at bumakas sa mukha ko ang lungkot.

Isang malungkot na mukhang ayaw kong ipakita ngayong araw.

Huminga na lamang ako ng malalim at pilit na ngumiti kay tito.

"Makakaasa po kayo." Sabi ko. Inialis na rin ni tito ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Labas na muna po ako." Sabi ko at pumunta sa may pintuan.

"Mikay, saan ka pupunta?" tanong ni Oliver sa akin.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Diyan lang. Maglalakad lakad." sabi ko at tumalikod na sa kanya at nagsimulang maglakad.

Pasensiya tito Ralph.

Mukhang hindi ko po magagawa ang hinihiling ninyo.