webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER THIRTY SIX

Mikay's POV

I sighed as I glanced at my phone.

I think I lose count on how many times I've looked at my phone in an hour.

It's been three days since that day.

The day I rejected Oliver.

Hindi ko pa nakakalimutan yung sakit.

Yung emotional pain na bumabalot sa sarili ko noong araw na iyon.

Gusto kong bawiin yung ginawa ko.

Gusto kong sabihin sa kanyang "prank" lang ang lahat.

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang..

Mahal rin kita.

It's been two days since the last time na nagkausap-usap kami ng mga kaibigan ko.

At iyon ang araw na pinakamasakit para sa akin.

-START OF FLASHBACK-

Pagkarating ko sa school ay biglang may humila sa akin.

"Oh Cassie! May kailangan ka?" tanong ko. Tahimik niya lang akong tinitigan but I can feel the fire in her eyes.

"Bakit mo nireject si Oliver? Alam mo na alam namin na mahal mo rin siya kahit na itago mo pa." sabi niya at tinitigan ako sa mata.

Napaiwas naman ako ng tingin at napakagat ng labi.

Ayaw ko nang umiyak ngayon.

"Mas magandang magkaibigan na lamang kami Cassie, atleast hindi kami magbrebreak in the future. So no more awkwardness sa barkada." Sabi ko at yumuko na lamang. Pilit na pinipigilan ang mga luhang gusto nang lumabas sa aking mga mata.

"So okay lang sayo lahat ng ito? Okay lang sa iyo na makitang devastated si Oliver sa nangyare? Habang ikaw nandiyan at mukhang okay lang ang lahat?" sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Cassie, nasasaktan ako." Sabi ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Answer me Mikay! Ano?! Sarili mo lang ba ang iniisip mo?! All this time alam mo na may feelings sa iyo yung kaibigan natin. And alam mo sa sarili mong may feelings ka rin sa kanya." Sabi ni Cassie at binitawan ang kamay ko. "Pero anong ginawa mo? Nireject mo yung opportunity na sumaya kayong dalawa. You love each other yet you're too naïve na hindi man lang subukan kung magwowork out ba kayo."

Yumuko ako at pinigilan ang sarili kong lumuha, pero bwisit na mata ito at hindi nakikisama. Bigla na lamang nagbuhos ng luha na parang gripo.

"You don't know anything Cassie, I want to accept his love pero alam kong masasaktan ko lamang siya."

"Hah!" sambit ni Cassie at napatingin na lamang sa langit. "Oo wala akong alam, wala kaming alam dahil pilit mong itinatago sa amin yung problema mo. Mikay kaibigan mo kami. Kung may problema ka, pwede mo naman kaming sabihan." Sabi ni Cassie at malalim na huminga.

"Sa ginagawa mo, parang sinasabi mo na ring wala kaming kwentang kaibigan sa iyo. Na sa simpleng problema mo lang wala man lang kaming magawa." Sabi ni Cassie at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mga mata niya.

"Sorry Mikay pero sa ginagawa mo, hindi lang si Oliver ang nasasaktan mo, nasasaktan mo rin yung damdamin namin na mga taong nag-aalala sa iyo." Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Naramdaman kong muli ang luhang bumunuhos sa mga mata ko.

I wish that everything will change through crying.

I wish everything will come back in the right place with crying.

But I realized crying might help to feel you better, but crying won't change anything.

I wiped my tears at kinuha ko yung phone ko.

-LOAFTRIP-

Mikay: Kita tayo sa park. I'll wait for you there. Please come.