Mikay's POV
Nakauwi na kami ngayon galing sa Lingayen at kasalukuyan kaming nasa harap ng bahay namin.
"Thank you sa paghatid Oliver. Thank you rin sa pag-accompany mo ngayong araw." Sabi ko as I put out the seat belt.
"Mikay...." tawag niya sa akin kaya humarap ako sa kanya.
I can feel the determination from his eyes.
And ayaw kong makita ang mga iyon.
"Bakit?" tanong ko at pilit na iniiwas ang mga tinging nanggagaling sa mga mata niya.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo" sabi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.
No…please don't say it.
Hindi pa ako handa.
Ayaw ko pang saktan ka.
"Mikay.....gusto kita. Mikay gustong-gusto kita." Sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko.
Pero imbis na saya ang madarama ko
Lungkot ang unang damdaming rumehistro sa utak ko.
"I'm so sorry......" sabi ko at napakagat sa mga labi ko. "I think we better off as friends."
I'm so sorry Oliver.
It's not your fault.
But I think masasaktan lamang kita.
"HAHA so ganito pala yung feeling no?" sabi niya at tumawa ng mapait. "Inexpect ko na ito, pero hindi ko akalaing ganito pala kasakit."
"I'm really sorry. It's just that...alam kong masasaktan lang kita."
"No Mikay, You don't have to say sorry. Alam ko na matagal na, you've made a line that I cannot across."
Napayuko lamang ako at pilit na pinigilang bumuhos ang mga luha ko.
"So Mikay.....we're still friends right?" sabi niya at yinakap ako.
Yakap ng pagkakaibigan.
"Yeah....we're still friends."
Naramdaman kong nagsimula na siyang umiyak. "Bakit ganito kasakit? Bakit?"
Gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi ko na magagawa pa ang mga iyon.
Hindi ko rin naman ginusto ito eh.
Mahal rin kita, higit pa sa kaibigan.
Pero ayaw kitang masaktan, ayaw kong maging malungkot yung magiging buhay mo.
Lalo na at....
Darating rin ang araw na iiwan kita.