webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER THIRTEEN

Mikay's POV

Today is one of the most sad day for me.

Andito kami ngayon sa bahay ni Kristan. Ngayon na kasi yung flight niya papuntang states para doon na magtuloy ng pag-aaral. Naunna na yung family niya doon at siya naman ay susunod na sa kanila.

"Hoy Kristan promise mo sa aking hindi mo kami ipagpapalit doon ah." Sabi ni Cassie kay Kristan.

Napangiti na lamang si Kristan at pinat yung ulo ni Cassie. "Ano ba naman kayo, mag-kikita pa rin naman tayo." Sabi niya.

"Bro, study well. Mag-iingat ka doon." Sabi ni Oliver at binigyan niya ng brotherly hug si Kristan.

"Ano ba iyan guys! Huwag niyo naman akong paiyakin." Sabi ni Kristan at nagpupunas na ng luha niya. Si Cassie naman ay panay ang hikbi. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya. Tahimik lamang kami ni Oliver.

Nang pagsapit ng 11:00 ay pinuntahan na kami ng isa sa mga maid nila sa kwarto niya. Oras na rin para magpaalam kami sa kanya.

"Hey, lagi tayong mag-uusap through skype ha? Mamimiss ko talga kayo. Mag-iingat kayo dito ah." Sabi ni Kristan sa amin at isa-isa niya kaming niyakap. Kinuha na rin niya yung mga gamit niya at naglakad na.

Paglabas namin ng kwarto ni Kristan ay bumaba na kami papunta sa main door nila. Nakahanda na ang mga gamit niya sa sasakyan papunta sa airport.

"Bye Kristan!! Mag-iingat doon ah!" sigaw ni Cassie at napatingin sa amin si Kristan. Ngumiti lamang siya at kumaway sa amin. Sumakay na siya sa kotse niya at hinatid siya ng driver nila papunta sa airport.

Nang umalis na si Kristan at umalis na rin kaming tatlo sa bahay nila Kristan. Pagkarating namin sa may sasakyan ay sumalubong sa amin si Kuya Benjie. Sumakay kami sa sasakyan ng tahimik. Himala na ang tahimik ni Cassie ngayon kaya naisipan kong pumunta muna sa isang lugar para kumain na rin ng lunch.

"Kuya Benjie, sa Nick's Dine tayo." Sabi ko kay kuya Benjie. Ngumiti naman ito at nagsimula nang magmaneho.

Tahimik lamang kami sa buong biyahe. Siguro dahil hindi pa kami sanay na hindi kami magkakasama. Pagdating namin sa ND ay tahimik pa rin si Cassie.

"Hello Ate Nicky! May bakante pa bang table?" sabi ko at ngumiti naman si Ate Nicky na sinamahan kami sa may VIP room. Pagdating namin doon ay umupo na kami at hinatiran na rin kami ng menu.

"Ate nasaan pala si Tito Nick." Tanong ko at inilibot yung paningin sa buong parte ng VIP rooms. Hindi ko rin siya napansin sa labas kanina.

"Nasa kitchen si papa. Kayo rin bakit parang kulang kayo?" sabi ni ate Nicky at tinignan kami isa-isa. "Parang hindi ko nakikita si Kristan. Nasaan siya?" tanong niya.

Tumahimik na lamang kami at nagkatinginan. Lumungkot na naman yung mukha ni Cassie. Tinignan naman ako ni Oliver, sign na ako na ang mag-eexplain kay ate Nicky.

"Ah ate, si Kristan po pala pumunta nang States. Doon na po niya itutuloy yung studies niya. Kakagaling lang po namin sa bahay nila kanina." Sabi ko.

"Ah ganun ba?" sabi ni Ate Nicky at bumakas rin sa mukha niya ang lungkot. Pero pilit siyang ngumiti sa amin. "So, anong order ninyo?" tanong niya.

Ibinigay na rin namin sa kanya yung mga order namin at umalis na siya. Hindi nagtagal ay inihatid na mismo ni Tito Nick yung mga order namin at nakipagkamustahan pa sa amin. All throughout the day naman ay naging masaya kami. There are times na nagiging dull lalo na kung bigla naming naalala si Kristan.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Ilang weeks rin ang lumipas simula noong mangibang bansa si Kristan ay walang masyadong nangyare. Ganun pa rin naman. Nag-uusap usap kami through video chat or sa group chat namin. Nagsimula na rin yung enrollment namin for Grade 12 and unfortunately ay napunta ako sa ibang section.

"Hay...bakit naman sa dami ng mga ililipat ng section ako pa talaga yung napili." Sabi ko habang kausap si Cassie.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dito sa mall. Namili kasi kami ng school supplies na gagamitin namin para sa panibagong school year.

"Hay nako Yemika okay lang iyan. Masuwerte ka nga at nailipat ka ng section eh. Alam mo bang ang raming gustong lumipat sa section mo kasi andoon yung top 1 at top 2 ng buong STEM. And napaka pogi pa nila." Sabi ni Cassie na nagningning ang mata.

"Eh ano naman? Nasa section naman natin yung top 3 ng STEM at ikaw na top 9." Sabi ko at nagpout. "Mag-aadjust na naman tuloy ako." Sabi ko at pinangigilan na lamang yung cake na binili ko. Nawawalan na ako ng ganang kumain.

"Hindi iyan. Trust me hindi ka mahihirapan doon sa section na iyon." Sabi ni Cassie at kumain ng cake.

"Hay nako Cassie sana nga." Sabi ko.

Nang malapit na dumilim ay napagpasyahan na naming umuwi na. Kumuha na lamang kami ng taxi papunta sa mga bahay namin. Pag-uwi ko ay saktong maghahapunan na. Kaya ibinaba ko na muna yung mga pinamili kong mga gamit sa kwarto at pumunta na sa dining room para kumain ng dinner.