webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER FORTY FOUR

Oliver's POV

"Oliver, handa na ba ang mga gamit mo?" tanong sa akin ni Kuya Marco na nakasandal sa may doorway ng kwarto ko.

"Nailagay ko na sa bag ko." Sabi ko at ininguso yung direksyon ng bag na balak kong dalhin sa school.

Humarap ulit ako sa salamin at inayos yung tie na suot ko. I remembered her fixing it kapag nakikita niyang hindi ito maayos.

Sigh

Nakita ko ang mga mata kong nababakas ng lungkot.

"Hay nako Oliver John. Pati pagsuot ng tie hindi mo alam?" tanong ni Kuya at nilapitan ako.

Kinuha niya sa akin yung tie at siya na ang nag-ayos nun.

Pinabayaan ko na lamang siya habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak.

It's been three weeks mula nung namatay si Yemika.

It's been two weeks since our final exams.

It's been a week since we got the results of it.

And sadly, I am just a Honorable Mention.

Nung sinabi ko iyon kila mama, akala ko mapapagalitan nila ako. Akala ko mangyayare na naman yung walang hanggang comparison sa amin ni Kuya.

But this time, it was different.

I saw the smiles, genuine smiles from their faces.

They hugged me, congratulate me and they even cleared their schedule para lang makapunta sa graduation ko.

That was the first time na naramdaman ko yung gaan sa pakiramdam.

Yung pressure na kinimkim ko for years, dahil sa nangyaring iyon ay parang naging magaan yung kalooban ko.

"Oh ayan ayos na." bigla akong bumalik sa realidad nang narinig ko ang boses ni Kuya Marco.

Ngumiti lang ako sa kanya at tahimik na lamang akong nag ayos sa harap ng salamin hanggang sa tinawag na kami ni papa sa baba.

"Oh!!! Ang pogi naman ng baby ko." Sabi ni Mama at lumapit sa akin para yakapin ako. "Happy graduation anak."

"Thanks ma." Sabi ko at ngumiti.

"Breakfast na muna tayo bago pumunta sa Kingsley. Feeling ko Filipino time naman yung graduation ceremony ninyo." Sabi ni papa at nagsiupuan naman kami sa mga chairs ng dining table.

Masaya kaming nagkwentuhan, nagbiruan, at nagkamustahan. Isang bagay na hindi ko gaanong naranasan noon. Siguro dahil na rin sa inis ko kapag kinukumpara ako kay Kuya Marco.

After naming nagbreakfast ay pumunta na kami sa van at nagmaneho na si Kuya Marco papuntang university. Hindi pa kasi pwedeng magmaneho si papa.

After ilang minutes ay nakarating na kami sa Kingsley. Pinark ni Kuya Marco yung van sa may parking lot at dumiretso na kami nila sa loob ng auditorium.

"Ang raming tao. Saan kami pwedeng umupo?" tanong ni mama at itinuro ko na lamang yung visitor's chair. Nakita rin namin doon si Kristan kasama ang papa ni Cassie at parents ni Mikay.

"Oh tita tito! Dito po yung chairs ninyo." Sabi ni Kristan at itinuro yung dalawang chairs sa tabi nila Tito Lance.

"Eh ako? Saan ako uupo?" tanong ni Kuya Marco.

Tinignan ko naman yung chair sa tabi nila mama pero occupied na rin ito.

"Dito na lang sa tabi ko yung vacant eh, ayos lang ba sa'yo?" Tanong ni Kristan at inialis yung gamit niya doon."

"Diyan na ako, parang may choice naman ako." Sabi ni Kuya Marco at umupo sa tabi ni Kristan.

Nginitian ko na lamang sila at pumunta na sa harapan papunta sa seat ng top 10 ng buong batch.

Sinabi kong Honorable Mention ako diba? Well, I am the 4th place sa buong batch namin. Naungusan kasi ako nung top 1 ng ABM. Pero ang Valedictorian at Salutatorian ay galing sa STEM.

Umupo ako sa pang apat na seat sa harapan. Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko si Cassie sa 2nd row sa seat intended for STEM students.

Kumuway na lamang siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

Inilibot ko pa yung mata ko hanggang sa pinaka-likod na upuan at nalungkot ako.

Nadismaya ako

Nasaktan ako.

I sighed at ibinalik na lamang yung tingin ko sa stage.

Nararamdaman ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

Kinuha ko lamang ang panyo sa may pockets ko at pinunasan ang mga iyon.

Wala na nga pala siya.

Wala na yung babaeng mahal ko.