webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER FIVE

Cassie's POV

"NAKAKATAMAD!!"

sabi ko habang nakahiga sa kama.

Christmas break na kasi namin ngayon kaya andito lang ako at nagpapabulok sa bahay namin.

Gusto ko sanang ayain sila Mikay na lumabas pero hindi ko magawa kasi puro naman sila busy.

Narinig ko namang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Anak, tara na maglunch na tayo."Sabi ni papa.

"Sige po pa, sunod po ako." Sabi ko sa kanya.

Pagkaalis ni papa ay bumangon na rin ako sa kama ko at nag-ayos ng sarili.

Pagka dating ko sa dining room, nakahain na si papa.

"Wow! Sinigang pala yung niluto mo."Sabi ko at naupo na sa upuan. Kumuha na rin ako ng kanin at ulam.

Sarap!!

"Oo naman anak, alam kong iyan yung favorite mo eh."

Napangiti na lang ako.

Masaya kaming kumakain ni papa at nagkwekwentuhan.

"Anak, malapit na ang pasko. Anong gusto mong regalo?" tanong ni papa sa akin.

"Kahit ano na po pa. Okay lang po sa akin." Sabi ko.

Pagtingin ko sa calendar namin December 23 na pala.

Bukas na pala ang christmas eve.

Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain hanggang sa may naalala ako.

SHOCKS! HINDI PA AKO NAKAKABILI NG REGALO KO KILA MIKAY!

Dali dali naman akong kumain at nagpaalam kay papa na pupunta na muna ng mall.

"Sige. Magcommute ka na papunta doon at magtext ka sa akin kapag tapos ka na. Para masundo kita mamaya."

Sabi niya at binigyan naman ako ng cash.

"Sige po. Thanks dito sa pera pa. Una na po ako!" sabi ko at lumabas na ng bahay at nagpara ng tricycle papuntang mall.

Pagdating ko sa mall....

Entrance pa lang mukhang marami nang tao.

"Nako, baka pangit na yung mga mabibili ko nito." Sabi ko at nagmadaling pumasok.

Hmm.

Pero ano naman kayang magandang iregalo sa mga yun?

Habang nag-iikot ako, napatigil ako sa isang KPOP store.

Pumasok ako at bumulaga sa akin ang naglalakihang poster at iba pang merchandise ng KPOP groups. But wala yung paborito kong group kaya lumabas rin ako agad.

Meron rin kasing maingay na bata ang sigaw ng sigaw sa isang album ng group na gusto niya.

Kaloka!

Album lang kung makasigaw naman.Nagdaan ang buong hapon at natapos na rin akong namili ng mga regalo nila.

Ang mga regalo ko is:

Mikay- yung complete book series ng Nancy Drew. Gustong gusto kasi ni Mikay na bumili nun pero ayaw siyang payagan ng dad niya.

Oliver- hard drive at isang gaming mouse. Video game freak yang si Oliver. Hindi lang halata kasi tuwing bakasyon lang siya naglalaro. Ang alam ko League of Legends yung kinahihiligan niya ngayon. Nagcocompose rin yan kaya naisipan kong bilhan ng hard drive para masave niya yung mga compositions niya.

Kristan- latest edition ng nike shoes at nike jacket. Player kasi ng basketball si Kristan sa Kingsley kaya magagamit niya rin lang. Hindi ko lang alam kung nakabili na siya.

At para naman kay papa is isang bagong smartphone. Nakita ko kasing medyo sira yung gamit niya kaya bibilhan ko na rin siya ng bago.

Habang naglalakad ako papuntang exit, tinext ko na si papa na sunduin ako.

To: PAPS

Pa tapos na ako. Sunduin niyo na po ako. Andito na po ako sa may main entrance ng mall.

After kong nagtext ay naupo na muna ako sa isang bench at sinaksak yung earphones ko sa phone ko para makinig ng music.

After ilang minutes ay natanaw ko na si papa na papunta na sa pwesto ko kaya tumayo na ako at nag-abang sa may road.

"Oh. Ang bilis mo naman anak." Sabi ni papa at inopen yung compartment ng kotse namin para doon ilagay yung mga pinamili ko.

Habang nag-aayos si papa ay pumasok naman ako sa kotse para makapagpahinga.

Pero habang nakatingin ako sa kawalan ay may biglang isang taong pumukaw ng atensyon ko.

Isang taong ilang linggo ko nang hindi nakikita.

Nakatayo siya sa entrance ng mall at may katawag.

Nasa malayo kami kaya hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya.

"Wala ka na bang nakalimutang bilhin anak?" sabi ni papa at bigla akong bumalik mula sa pagkatulala ko.

Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Yes pa, wala na akong nakalimutan." Sabi ko at tumingin na ulit sa entrance ng mall ngunit wala na roon yung taong tinitignan ko.

Wala na roon yung mama kong matagal ko nang hindi nakikita.

"Mama….."