webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER FIFTEEN

Mikay's POV

"Good morning everyone I'm Miss Velasquez and ako yung magiging homeroom teacher niyo sa buong school year." Rinig kong sabi ni Ma'am Velasquez sa harap ng classroom namin.

Start na ng bagong school year ngayon and yun nga, nasa ibang section na ako. So far, wala pa akong nakakausap dito. And napakatahimik nitong katabi kong lalaki.

"Alam kong magkakaklase na kayo last school year kaya iskip na natin yung introductions." Sabi ni Ma'am.

"Ma'am but I heard meron pong natransfer sa section namin." Sabi nung isang lalaki at napatingin sa akin.....ng matalim. Hindi ko na lamang pinansin yung tingin niyang iyon dahil nabalot ako ng kaba noong lahat sila ay napatingin sa akin.

"Hey, diba siya yung top 7 ng STEM?"

"Oo nga siya nga, bakit kaya siya nailipat sa atin?"

"Kasection niya dati yung top 3. Baka tumaas yung rank niya."

Napabuntong hininga na lamang ako. Oo, ako na ngayon ang top 5 ng buong STEM and dahil doon, kailangan kong lumipat ng section. Hinati kasi nila sa dalawang section yung top 10.

Nasa second section ako dati kasama si Oliver na top 3 ng STEM. Sa kanya lang ako close kahit na may activities na ginagawa yung top 10 per strand kasi siya lang naman yung kilala ko. And noong nalaman ko ngang umakyat yung rank ko ay nanalangin talaga akong maging kaklase ko pa rin sila. Pero yun nga, napunta nga ako sa first section.

"Oh, Miss Lacson. Congrats sa pag-akyat ng rank mo. Punta ka dito sa harap at magpakilala ka." Sabi ni Ma'am Velasquez. Wala naman akong choice kaya pumunta na ako sa harap at nagpakilala.

"Hello everyone, I'm Yemika Lacson. Nice to meet you." Nahihiyang sabi ko. Pero nagulat ako nang biglang pumunta sa harap ko yung lalaking matalim ang tingin sa akin. Nang malapit na siya sa akin ay kinabahan ako.

"Miss Lacson, I'm Fredriech Von Clemente. You can call me Rich." Sabi niya at inalok niya naman yung kamay niya para magshake hands kami. Tinanggap ko naman iyon at napangiti.

"Wow naman for sure magiging magkakaibigan sila. Pare-parehas silang nasa top eh." Narinig kong sinabi ng isang classmate ko.

Huh? Kasama rin ito sa top 10?

Wait......Clemente?

-START OF FLASHBACK-

"MIKAAAAAYYYYYYY!!!!!" sigaw ni Cassie sa harap ng bahay namin. Nasa sala ako at nanunuod ng tv nang dumating siya.

Tumakbo naman ako sa papuntang pinto para pagbuksan siya.

"Bakit Cassie?! Bakit ka ba sumisigaw?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Nakita...mo na ba?" hingal na tanong niya sa akin.

"Ang alin?" sabi ko at pinaupo na muna siya. Pagka-upo niya ay binigyan ko siya ng tubig para mahimasmasan.

Nang makainom siya ay huminga na muna siya ng malalim at kinuha yung phone niya. Nang ipakita niya sa akin ay nakita kong nasa website ng Kingsley University yung browser niya.

"Nakita mo na yung top 10? Shocks! Congrats sa atin nila Oliver!" sabi ni Cassie.

Ako naman ay medyo kabadong kinuha yung phone niya. Top 7 kasi ako noong last standings kami kaya baka bumaba na yung rank ko.

Pagkakita ko sa site ay nagulat ako. Medyo nashuffle yung rankings namin pero halos kami-kami pa rin yung nasa top 10. Pero sabi nga ni Cassie nakapasok siya ng top 10.

Congratulations to the TOP 10 Performing Students for STEM

1. Fredriech Von Clemente

2. Zackarius Mikael Jimenez

3. Oliver John Ramos

4. Shiela Bernardino

5. Yemika Lacson

6. Prince Monter Asuncion

7. Harry Guaves

8. Alyanna Bravo

9. Cassandra Nicole Bianzon

10. Vincent Navarro

"Oh my god....." sabi ko at natulala. Naiyak naman ako sa nakita ko.

"Ano ka ba naman Mikay? Bakit ka naiiyak?" tanong ni Cassie.

"Totoo ba ito?" tanong ko at humarap sa kanya.

"Oo Yemika totoo nga!! Ano ka ba naman." Sabi ni Cassie

Hindi ko naman napigilan yung saya ko at sinabi ko na agad kay mama. Pero biglang nawala iyon nang malaman kong maililipat nga ako ng section.

-END OF FLASHBACK-

"Hey Mikay!!!" rinig kong tawag sa akin ni Cassie.

Lunch break na ngayon at naisipan naming tatlo na sabay sabay nang kumain ng lunch.

"Dito na tayo magtable." Sabi ko at umupo na kami sa isang table sa cafeteria.

Nagorder naman si Oliver ng pagkain naming tatlo kaya naiwan kami ni Cassie sa may table namin.

"So, kumusta sa first section Mikay?" tanong ni Cassie. "Nasa amin pala yung top 4,6, at 7. Kakaloka ang daming matatalino" sabi niya.

"Ayos lang naman. Mababait sila doon sa amin." Sabi ko.

Dumating na rin si Oliver sa table namin at nagsimula na kaming kumain. At syempre, hindi mawawala yung kwentuhan.

"So, may mga pogi ba sa section niyo?" tanong ni Cassie sa akin. "Ay, malamang pala. Nasa inyo si Zackarius eh." Sabi niya.

"Oo, sa palagay ko marami naman. Isa na rin doon si  Vincent." Sabi ko. "Hey, may gwapo rin naman sa inyo ah. Balita ko nandoon si Asuncion at Guaves, nandoon rin si Oliver." Sabi ko at tumingin kay Oliver.

"AYIEEEEEEEE. Ikaw Mikay ah. Nagwagwapuhan ka pala kay Oliver." Asar sa akin ni Cassie.

"Oh bakit? Gwapo naman si Oliver ah." Sabi ko at tinignan si Oliver. Tahimik lamang siyang kumakain pero napansin kong namumula yung tenga niya.

"Hey, Oliver are you okay?" tanong ko at hinawakan ang noo niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin at biglang namula yung mukha niya. "Wala ka namang lagnat pero bakit namumula ka?" tanong ko sa kanya.

"Ah wala ito Mikay." Nauutal na sabi niya tapos ay tumingin ito sa relo niya. "It's almost time na rin. Tara na sa class natin Cassie." Sabi nito at hinila si Cassie.

"H-hey! Oliver wait lang!" sabi ni Cassie habang kumakawala sa hawak ni Oliver. Pero hindi siya nanalo rito.

Wala nang nagawa si Cassie kung hindi ang kumaway na lamang sa akin habang papalayo sila ni Oliver.

Pumunta na muna ako sa restroom bago ako pumunta sa class ko.