webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
46 Chs

CHAPTER EIGHT

Mikay's POV

"OMG! Kristan bakit ka nangangaroling!" Tanong ni Cassie sa lalaking naka santa outfit at may dala-dalang gitara.

"Hindi mo na kailangan ng pera diba? Bakit ka pa nangangaroling?" Tanong ko sa kanya at papasok na sana sa loob ng bahay. Pero hinila niya ang kamay ko.

"Mikay, hindi ako nangangaroling para humingi ng pera. Nangangaroling ako para humingi sa'yo ng tawad sa lahat ng sinabi ko sa iyo. Sorry dahil nagalit ako sa inyo. Hindi niyo ako masisisi dahil mula nung nakilala ko kayong tatlo, natuto akong magtiwala ulit sa iba. Kayo yung mga kaibigang hindi ako nilapitan para makilala o makahingi man ng pera. Naging totoo kayo sa akin at ako nama'y naging tanga sa pagdududa ko sa inyo. Sana mapatawad mo na ako Mikay." Sabi sa akin ni Kristan.

"Oo alam ko naman yung napagdaanan mo Kristan. And I'm very sorry kasi naging selfish ako. Mas inintindi ko yung mga masasakit na sinabi mo sa akin nung araw na yun. Sorry kasi hindi ko inintindi yung side mo na after kang gamitin ng iba't ibang tao dahil sa kung anong meron ka, nawalan ka na ng tiwala sa iba." Umiiyak kong sinabi sa kanya.

"So that means, inaaccept mo na yung apology ko?" Tanong sa akin ni Kristan.

"Yes naman Kristan. Thanks sa paghihintay."

"Hay salamat napatawad mo rin siya." Sabi sa akin ni Cassie.

"At dapat Kristan ilibre mo kami kasi tinulungan ka namin." Sabi niya naman kay Kris.

"Teka, anong ibig niyong sabihin?" Nagtatanong kong sabi sa kanila.

"Inayos namin itong pagsosorry ni Kristan sayo. Kami ang nagpasimuno ng gimmick na ito para patawarin mo na siya. Tutal magpapasko naman na." Sabi ni Oliver na biglang sumulpot sa likuran ko.

"Tara pasok na, maghahating gabi na. Magnonoche buena pa tayo." Sabi sa amin ni Oliver at hinila niya kaming tatlo papasok ng bahay.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Syempre after kong nalaman na scripted lang yung ginawang pangangaroling ni Kristan at paghila-hila sa akin ni Cassie, binatukan ko silang tatlo. Pero hindi ko binawi yung pagtanggap ng apology ni Kristan. Alam ko namang sincere siya dun at nakisakay lang na naman sa kalokohan ni Cassie. Kaya simula noon, napagkasunduan naming magkakaibigan na kapag may problema ay magsasabi kami kaagad sa iba.

"Mikay are you okay?" nabigla ako nang tawagin ako ni Oliver.

Doon ko lang narealize na nawala pala ako sa sarili habang inaalala yun.

Tinignan ko naman yung lola ni Kristan. Nakangiti siya sa akin kaya bigla naman akong nakaramdam ng hiya at nakayuko kong ipinagpatuloy yung pagkain ko.

After naming kumain ay pumunta kami nila Cassie at Oliver sa living room nila Kristan habang si Kristan naman ay hinatid na muna yung lola niya sa kwarto nito para makapagpahinga.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Kristan's POV

"Lola magpahinga na po kayo."Sabi ko kay lola pagkatapos niyang uminom ng medicine niya.

"Apo, napakaswerte mo sa mga naging kaibigan mo." Sabi ni lola at napangiti ako.

"Oo naman la, sila lang kasi yung hindi tumingin sa yaman na meron ako. Kaya mahal na mahal ko sila." Sabi ko at binuksan na yung pintuan ng kwarto.

"Magpahinga na po kayo. Good night po." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Pumunta naman ako sa living room at doon ko naabutan yung tatlo na masayang nagkwekwentuhan.

"Natutulog na lola mo?" tanong ni Cassie pagkaupo ko sa couch.

"Oo, kailangan niya kasing magpahinga." Sabi ko at tumayo. "So, anong gagawin natin?"

"Magbigayan na tayo ng regalo HAHAHAHAHAH" sabi ni Cassie at inabot yung paper bag na dala niya kanina.

"Pero syempre, bigyan natin ng twist yung exchange gift. You say 3 things that describes to this person na reregaluhan mo at pupunta ka sa kanya para iabot ito." Sabi niya na sinangayunan rin namin.

Kahit talaga anong occassion laging may pakulo si Cassie XD

"So, sinong mauuna?" tanong niya at inilibot niya ang paningin sa aming tatlo.

"Ikaw na, ikaw nakaisip niyan eh." Sabi ni Oliver nasa libro pa rin ang attention.

Napanguso naman si Cassie at tumayo na at kinuha yung isa sa mga regalong dala niya.

"Okay, so this person is napakamoody, napakatahimik, at higit sa lahat pinakatrustworthy na friend na nakilala ko." Sabi niya at tumingin kay Oliver. "This gift is for you...Oliver" sabi ni Cassie at lumapit kay Oliver.

"Hala, Cassie wala akong gift sa iyo..." sabi ni Oliver at nagulat si Cassie sa narinig. "Sa pasukan ko na ibibigay. Thank you sa gift!" sabi niya at binuksan na yung regalo niya.

"AAAAAAAAHHHHH! I HATE YOU OLIVER JOHN RAMOS!!" sabi ni Cassie at pinaghahampas si Oliver. "Naghanda ako ng gift sa iyo tapos wala kang gift sa akin. Humph" sabi niya at nalungkot.

Napatingin na lang kami ni Mikay at napaface palm na lang.

Alam naman ng lahat na si Oliver talaga yung pinakareserve sa tropa.

Kahit na matagal na kaming magkakaibigan ay meron pa ring ilang bagay na hindi niya pa shineshare sa amin. Then si Cassie yung pinaka bubbly. Kaya total opposites iyang dalawang yan.

"Tama na yan. Oh ito na gift ko sa iyo Cassie." Sabi ko at iniabot kay Cassie yung gift ko. "Oliver at Mikay ito rin gift ko. Merry Christmas sa inyo!"

Iniabot na rin nung tatlo yung mga gifts sa bawat isa. Nagbigay rin sila ng gift para kay lola. Iaabot ko na lang siguro pag gising niya.

Nang mag 10 pm ay nagpasya na kaming matulog na sa kanya-kanyang room.

Nang makarating kami ni Oliver sa kwarto ko ay nagpaalam siyang gumamit ng shower at magshower na daw muna siya bago matulog.

Habang nasa shower pa si Oliver ay nagbukas na muna ako ng SNS ko. Habang nagiiscroll ako ay biglang tumawag si dad. Sinagot ko naman ito.

"Hello Dad, merry christmas! Napatawag ka?"

"Merry Christmas Kristan, kumusta kayo ng lola mo dyan?" Napatahimik naman ako sandali bago sumagot.

"We're okay dad. Huwag po kayong mag-alala."

"Okay son, we'll be arriving there on 27. Diyan kami magcecelebrate ng New Year."

"Okay dad. Have a safe trip!" sagot ko at inend ko na yung call.

"Kristan, sunod ka na. I'm done." Sabi ni Oliver pagkalabas niya ng cr.

Pumasok na rin ako ng cr at nagsimula nang magshower.