webnovel

Forever with You (Still in Filipino Version)

Besides being an educator, Misha Jane Bernardo has all the traits that every women wants. From looks, a career she always dreamed of, a supportive and loving family, friends that she can count on too. Despite having her family and friends around, she still feel emptiness. At the age of 25, Misha is still single and thinking about the qualities she possess despite of having it all. As time goes by, she met the brother of her best friend and unexpectedly turned into her first love. Obstalcles arise when Misha met these people. Will Misha surpass all the conflicts she'll face? Will she able to fight for the one who she truly loves? CURRENTLY TRANSLATING TO ENGLISH. ❤️

janeeeeyjane · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
3 Chs

UNO

I'm currently waiting for my Bestfriend here sa Park. Bumili kasi siya ng milktea na paborito naming inumin. Habang naghihintay ako nakikita ko ang mga couple na nakatambay din dito sa park. Hays, mapapa sana all ka nalang talaga tuwing may nakikitang couple. I'm already 25 years old at wala pa rin akong boyfriend tinalo pa ako ng bunso kong kapatid 22 lang siya pero may girlfriend na. Hindi ko alam kung pangit ba ako or ano pero sabi naman nila maganda daw ako. Hay, Lord sana naman magka jowa na ako, ang tanda ko na po, ayaw ko na po maging taga sana all ng mga lovers diyan.

"Huy te, anong ginagawa mo diyan? Nagdadasal ka ba? May pa pikit pikit ka pang nalalaman diyan te" tanong agad ng bff ko na Lyrica. Mas matanda ako ng 2 taon kay Ly.

"Pumipikit pikit lang nagdadasal na? Hindi ba pwedeng masakit lang sa mata makita yung mga mag jowa diyan." sabay roll eyes ko sa kanya.

"Hahaha. Bitter lang te? Landi landi na rin kasi pag may time saka napaka choosy mo naman kasi. " tawang tawa pang sabi ni Ly sa akin habang umiinom ng milktea.

"Aba. Marupok lang pero choosy pa rin no." natatawa ko ring sagot sa kanya at tinignan siya. Minsan hindi ko rin maiwasan na hindi mainggit sa kanya e. May 4 years old na siyang baby girl na si Athena at buntis pa siya ngayon sa pangalawa niyang anak. Halos lahat ng kaibigan ko may asawa't - anak na, yung iba naman engaged na. Taga sana all nalang ata talaga ako sa mga kaibigan ko e.

"Te may ipapakilala nga pala ako sayo" sabi ni ly habang hinihimas ang may kalakihan na niyang tiyan. Napansin ko rin wala ng laman yung milktea na iniinom niya. Ang tagal ko na yatang lutang naubos na agad niya yung milktea niya. Ang takaw talaga niya. Hays. Ininom ko na rin yung akin baka maisipan pang niyang hingin.

"Sino nanaman yang ipapakilala mo ha? Ang dami mo ng pinapakilala sa akin ha."

"Yung kuya ko saka yung pinsan ko te, kakauwi lang kasi nila galing US e gusto daw makilala ni kuya yung bff ko e. Nakwento kasi kita sa kanya e."

"Nakauwi na pala yung kuya mo na kinukwento mo sa akin. Sige kailan ba? May pasalubong ba yung kuya mo for me?" biro ko kay ly.

"Bukas te, punta ka ha before lunch ha. Dun ka na rin mag lunch. Oo meron kang pasalubong sinabihan ko talaga si kuya kasi mukha kang pasalubong. Hahaha" natawa nalang kaming dalawa kasi totoo naman yun. Pag may pupuntahan kasi siya or yung family ko na hindi ako kasama humihingi talaga ako ng pasalubong na food. Food is life kasi. Hahaha.

"Tara na juntis, uwi na tayo. Mag gagabi na o." yaya ko sa kanya pauwi. Kanina pa kasi kami nandito sa park kasi nagyaya siyang lumabas wala daw kasi siyang magawa sa kanila kasi wala si athena at ang mama niya ngayon sa kanila. Namasyal kasi ang mag lola.

"Te, wag mo kakalimutan bukas ha. Late ka pa naman lagi mamaya after lunch ka pumunta sa amin. Magtatampo talaga ako sayo."

"Hindi no, itext mo nalang din ako bukas para hindi ko talaga makalimutan. Hahaha" natatawa kong sabi sa kanya. Mahirap na magtampo ang buntis no. Ang lakas pa naman ng tama nito ni ly baka kung ano ipagawa sa akin mawala lang tampo niya. Pagkatapos ko maihatid si juntis sa kanila umuwi na rin ako malapit lang naman bahay nila sa amin sampung bahay lang ang pagitan.

Pagkauwi ko sinalubong agad ako ng mga alaga naming pets. Marami kami alagang pets kasi pag may nakikita akong kuting inuuwi ko tapos yung ibang dogs naman bigay sa amin. Pinakain ko muna sila bago ako umakyat sa room ko. Pag pasok ko sa room ko agad kong nilagay sa may planner ko yung lakad ko bukas para hindi ko makalimutan mahirap na. Mental note: Iwasan magtampo ang juntis. Hahaha.

Knock knock

"Who's there?" biro ko sa kumakatok habang nag facebook.

"May pa who's there, who's there ka pang nalalaman diyan. O eto pinapabigay ni vreni." sabi ng masungit kong kapatid na si mike. Kinuha ko naman ang inabot niya at tinignan. Si vreni talaga binigyan nanaman ako. Mahilig talaga si vreni magbigay ng kung ano anong bagay sa akin nung nakaraan lang binigyan ako ng eyeshadow palette e hindi naman ako marunong maglagay nun puro powder, lipstick at eyebrow lang naman ang nilalagay kong kolerete sa mukha ko. Ang binigay naman niya ngayon facial foam, isang brand ng sabon na palagi kong ginagamit ang brilliant skin.

"Pakisabi kay vreni. Thank you. Nagbigay nanaman siya meron pa naman ako nitong stocks" sabi ko sa kapatid ko tanging tango lang ang sinagot niya at lumabas na sa room ko. Mukha lang kaming hindi close ng kapatid ko, moody kasi kaming pareho pero close na close talaga kami niyan kaysa sa kuya namin. Ito kasi si mike ang partners in crime ko sa mga kalokohan. Sa kanya ko rin nasasabi yung mga secrets ko. Only girl lang kasi ako sa amin magkakapatid. 32 years old na ang kuya namin na naka bukod na may pamilya na kasi siya kasi maagang nag asawa. Dalawa na rin ang anak niya isang 10 years old na lalaki na si Micko at 9 years old na babae na si Rachelle.

What an unproductive day today.

----------------------

Since this is the first story that I'll be publishing. I decided na maikli lang per chapter and this would be 10 chapters only plus the Ending. From my point of view, since baguhan lang ako kaya maikling chapters lang para hindi nakakasawa basahin yung story ko na waley naman and I don't know kung may magbabasa man nito. Hahahaha. Please bear with me sa mga chapters na waley kwenta. So kung mapapansin niyo sa mga susunod na chapters wala pa. Triny ko lang I published yung story now. I'll update this story tomorrow.

1002 Words.