webnovel

Forever with You (Still in Filipino Version)

Besides being an educator, Misha Jane Bernardo has all the traits that every women wants. From looks, a career she always dreamed of, a supportive and loving family, friends that she can count on too. Despite having her family and friends around, she still feel emptiness. At the age of 25, Misha is still single and thinking about the qualities she possess despite of having it all. As time goes by, she met the brother of her best friend and unexpectedly turned into her first love. Obstalcles arise when Misha met these people. Will Misha surpass all the conflicts she'll face? Will she able to fight for the one who she truly loves? CURRENTLY TRANSLATING TO ENGLISH. ❤️

janeeeeyjane · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
3 Chs

DOS

5am ng magising ako. Sunday pala ngayon, may pasok na ang mga cute na chikiting. Naghilamos muna ako at nag tootbrush after nun nagpalit na ako ng damit para makapag jogging na ako. Jogging pants at tshirt ang madalas ko isuot dahil dito ako comfortable hindi kasi ako sanay magsuot ng mga sports bra pag nag jojogging. Sa may park ako madalas mag jogging nakahiligan ko rin kasi manood ng sunrise tuwing nag jojogging ako. Kung pwede nga lang araw araw ko panoorin ang sunrise ay gagawin ko e kaso hindi tuwing free time ko lang nagagawa to. Maaga ako nagigising dahil sa trabaho ko. Teacher kasi ako sa preschool na malapit dito sa bahay. Bata palang kasi pangarap ko na talaga ang maging teacher kahit hindi gusto ng parents ko yun sa akin. Thankful naman ako na sinuportahan pa rin nila ako sa course na gusto kong kunin noon.

Ring. Ring

Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko itong mag ring. Patingin ko si mama lang pala.

"Hello ma?" sagot ko sa tawag.

"Anak. Nag jogging ka ba ngayon? Kung oo, pwede ibili mo ako ng pandesal diyan sa may labas ng subdivision. Namimiss ko na kasi kumain ng pandesal e."

"Opo ma, bibili ako. Naglilihi ka ata e. Ma wag mo na kami sundan." biro ko kay mama.

"Ikaw talagang bata ka! Lagot ka talaga sa akin paguwi mo. Makukurot talaga kita."

Napailing nalang ako ng babaan ako ni mama, kahit hindi ko siya nakikita alam ko umuusok na ilong nun sa inis. Madali kasing mainis si mama pero pag siya ang nang iinis, syempre hindi kami pwede mainis, baka makurot pa kami. Hahaha. Sa hindi inaasahan may nakabunggo ako, napaupo tuloy ako sa lakas ng pagkakabunggo ko.

"Ano ba naman yan. Hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo!" asik ko dun sa naka banggaan ko ng hindi tumitingin. Ang sakit ng pwet ko. Kainis.

"Sorry miss, hindi kasi kita napansin e." ani niya habang tinutulungan akong makatayo.

"Maliit ba ako para hindi mo mapansin ha?!" galit kong sabi sakanya sabay tingin sa kanya. Natulala siya ng makita niya ako. Bakit natulala to? Teka. Parang familiar siya sa akin a. Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Misha Baboy! Namiss kita." ani niya habang nakayakap sa akin.

"Teka nga! Teka nga!" tinulak ko siya sa pagkakayap sa akin. Kung makayap to kala mo close kami e. Hindi ko naman siya kilala.

"Sino ka ba ha? Kung makayakap ka kala mo jowa mo ako a. Saka ano baboy?! Mukha ba akong baboy sa sexy ko na to ha! Ha!"

"Misha baboy ako to yung crush mo nung simula grade school hanggang high school tayo si Clyde." sagot niya sa akin habang nakangiti pa. Crush?! Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya. Omg! Hindi ko siya nakilala. Mas lalo siyang pumogi ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan siya. Brown hair, makakapal na kilay, matangos na ilong, well muscled na pangangatawan, tingin ko rin ay 5'9 ang height niya. Ang laki na ng pinagbago niya ha, dati patpatin siya e. Hahaha

"Crush?! Wala akong crush na patpatin no!

" sabi ko sakanya sabay roll eyes. Natawa naman siya sa naging reaction ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago baboy! Tinatanggi mo pa rin na crush mo ako kahit crush mo talaga ako nun, binibigyan mo pa nga ako ng cookies e." sabay hagod niya ng buhok niya. Shems. Ang pogi!

"Ang kapal mo ha! Pinapabigay lang yun ni mama sayo no, masyado kang assuming! Saka tigilan mo na nga yang kakatawag sa akin ng baboy!" asar na sagot ko sa kanya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, mahilig pa rin talaga akong asarin.

"Ayoko nga Baboy!" naka smirk na asar niya sa akin.

"Tse! Makaalis na nga!" kabadtrip yun a. Ang ganda ganda na ng araw ko sinisira niya. Bibili pa nga pala akong pandesal. Lagot ako kay mama pag wala akong nabili.

"Ang sungit sungit mo pa rin talaga Baboy! Punta ako sa inyo ha!" Pahabol pa niya na sigaw. Hindi ko nalang siya pinansin, kahit ganyan yan si clyde matalik na kaibigan ko talaga yan. Na-sad nga ako ng very very light nung bigla nalang siyang hindi pumasok,  nabalitaan ko nalang kay mama na nag migrate pala sila papuntang America. Simula nun wala na kaming communication hanggang sa nakalimutan ko na siya. Mag best friend ang mga mama namin ni clyde kaya lagi kami magkasama pag pumupunta sila sa amin or pag kami ang pumupunta sa kanila. Inis na inis din ako diyan kay clyde dati paano kasi lagi niya akong inaasar natatandaan ko pa nga yung mga pang aasar niya sa akin nun.

"Misha-baboy! Ang takaw takaw mo talaga kakatapos lang natin kumain ng lunch tapos kain ka nanaman ng cookies. Oink oink." asar ng batang clyde kay misha habang papunta silang dalawa ni misha sa may garden para umupo sa may swing. Kakatapos lang kasi nila kumain ng  pananghalian sa  bahay ng pamilyang Bernardo. Pamilya nila Misha. Magkasama kasi nung araw na yun ang pamilya nilang dalawa.

"Pakialam mo naman payatot! Kakain ako kung gusto ko no!" pairap na sagot ng batang si misha at humarap kay clyde.

"Wala ng magkakagusto sayo niyan kasi lalo kang magiging baboy! Hahahaha." asar pa rin ni clyde

"Hindi yan totoo! Sabi ni mommy marami daw magkakagusto sa akin kasi pretty ako kahit mataba!"

"Hindi yon totoo baboy. Baboy. Baboy. Baboy! Hahahaha." patuloy pa rin na asar ni clyde habang tinutulak si misha. Sa huling tulak ni clyde hindi niya sinasadya na naitulak niya ito ng malakas kaya napaupo si misha nabitawan niya rin ang hawak niyang cookies na paborito niyang kainin. Naiiyak na tumingin siya kay clyde dahil sa ginawa nito, nagulat naman si clyde na makitang naiiyak na si misha tutulungan niya sana ito ngunit tinabig na siya ni misha.

"I hate you! Bad ka! I hate you!" umiiyak na sigaw ni misha saka tumayo at tumakbo papunta sa kwarto niya.

Pagkauwi ko, nakita ko si mama sa may sala kasama si tita marga, mommy ni clyde. Nagkwentuhan yata sila sa mga namiss nilang moment sa isa't-isa.

"Oh anak, nandito ka na pala. Naalala mo pa si tita marga mo no? Tanong ni mama. Nilapag ko muna yung dala kong pandesal sa may lamesa bago lumapit sa kanila at nag beso kay tita marga.

"Hi po tita. Kamusta na po kayo?" tanong ko kay tita marga.

"Okay lang naman misha, eto maganda pa rin. Aba misha! Ang laki na ng pinagbago mo a. Naaalala ko pa na ang chubby chubby mo pa noon." sagot ni tita. Natawa nalang ako sa naging sagot ni tita. Napaka chubby ko nga naman talaga dati kaya inaasar din ako ni clyde na baboy.

"Oo mare, nung nag dalaga na yan babaeng yan naisipan niya na mag diet na at mag exercise!" natatawang sagot ni mama.

"Naalala ko pa nung mga bata kayo ni clyde, lagi kayong nagaasaran. Hahaha. Teka! Naalala mo pa naman si clyde diba misha?" tuloy tuloy na sabi ni tita. Tanging tango nalang ang sinagot ko sa kanya at bumaling kay mama.

"Ah ma, pupunta pala ako kanila ly mamaya ha dun na ako maglunch. Sige akyat na ako ma, tita." sagot ko kay mama saka nagpaalam sa kanila. Pag akyat ko, umupo muna ako sa may sofa na malapit lang din sa bed ko para magpahinga saglit. Simple lang naman ang ayos ng room ko. A mix of pink and gray ang color ng mga gamit dito sa room ko pati na rin paint sa walls, yun kasi ang paborito kong kulay. Pagkatapos kong magpahinga, naligo at nagayos na ako. Tatambay nalang ako dun kanila ly para makalaro si athena. Miss ko na rin ang bubwit na yun e.

A person from the past ang nag come back huh.

——————————————————————

1315 words