webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · Urbain
Pas assez d’évaluations
15 Chs

CHAPTER ONE

As I step my feet in this country again, I also feel the atmosphere I've been wishing for. It's so good to be back. I'm finally back with so much changes in me. There's no such thing as hesitations in my vocabulary, I'm more confident now, I can tell.

Saktong pagdating ko sa arrival area ay ang matinis na sigaw ng bestfriend kong loka loka ang sumalubong sakin.

"Wahhhhhh!!!! Shania girl!!!! Welcome back! Oh my gosh! I miss you! Alam mo ba yun ha? Ang tagal mong bumalik e." Hindi na nagbago talaga tong babaeng to, maingay pa rin.

"Yeah, finally. So come over and hug me, my dear bestfriend. I miss you too." I told her as I spread my arms wide open. We hugged each other so tight, well, I was gone a quite long.

She let go of me from her hugs, then she starts staring at me from head to toe, toe to head.

"Natomboy ka na ba? Quit staring Pat, I might melt." suway ko. Kinakabahan ako sa mga tinginan niya eh.

"Hoy Gaga! Hindi no. Chine-check ko lang yung mga pagbabago mo. Grabe ka naman, sayang naman yung gandang taglay ko, kung maganda rin yung tipo ko no. Kaloka ka!" depensa naman nito sa sinabi ko. Well, who knows diba.

"Shania look at you. You changed a lot. Hindi ka na yung babaeng dugyot dati na pinahiya sa karamihan. I guess, rejection do changed a person e." She stated, habang may pamotion-motion pa ng kamay sa harap ko na para bang iniindorse ako ng lokaret nato.

Pinaikotan ko lang siya ng mata.

"Can we just drag our ass out of here. Then grab something to eat. Gutom na talaga ako Patricia." Sabi ko, probably avoiding the topic na maaari na namang maungkat.

Matagal na akong nakamove-on sa lalaking yun, it's just that ayaw ko ng maungkat kung gaano man ako katanga before. I walk my way out of the airport grabbing my luggage with me. Alam ko namang nakasunod lang si Patricia.

Saktong paglabas namin ay ang pagdating din ni Manong Jun, family driver nina Pat.

"San po tayo mga maam?" Tanong ni Manong Jun, na nakatingin samin mula sa rearview mirror. Patricia, looked at me like I'm the one to decide.

"Kahit saang malapit-lapit lang po. Yun pong nagsi-serve ng Filipino cuisine. Miss ko na ang mga lutong Pinoy eh." I told Manong Jun, para makapagdrive na rin sya.

Binaling ko na lang yung paningin ko sa labas ng bintana. I'm tired, but still I wanted to stare at every presence in this area. Nakakamiss tong pollution sa Pinas. Now that I'm totally back for good, maybe I should start planning on how to get rid from that heartless jerk.

Minutes after ay nakarating na kami sa isang restaurant na nagsi-serve ng purong Filipino dishes.

Abala ako sa pagmamasid sa loob ng restaurant habang si Patricia ang nag-order ng pagkain.

"Dalawang serve ng rice, isa sa adobo, ginataang gulay, bulalo, salad na talong, tsaka bikol express po." sabi niya sa waiter na kumuha ng mga orders namin. Hindi naman ako mapili sa pagkaing Pinoy kaya hinayaan ko lang si Patricia sa kung ano ang mga inorder niya.

Si manong Jun ay nasa kabilang table, binigyan siya ng pera ni Patricia kanina bago kami pumasok dito sa restaurant para pambayad ni manong sa mga oorderin niya.

Bigla akong nainitan kaya ginambala ko muna ang bruha sa kung anong tinitingnan niya sa phone niya.

"Pat, comfort room lang ako." Paalam ko sa kanya.

"Hoy, bruha! Hindi pa tayo kumakain, natatae ka na?" She teased. Kaya napangiwi ako. Kadiri itong babaeng ito. Marami pa namang customers sa restaurant na'to.

Pasintabi na lang sa mga kumakain po.

"Gaga. Iihi lang ako, hindi ako tatae. Maghuhugas na rin ng kamay, yang bunganga mo talaga, ang dumi. Yuck Pat!" Depensa ko sabay talikod na papuntang CR. Tinawanan lang ako ng bruha.

Hindi na ako nahirapan pa sa paghahanap kung nasaan ang comfort room since mabilis ko lang naman itong natagpuan.

Papasok na sana ako sa women's cr nang may narinig akong kalampag ng pintuan sa may men's cr. Like, what the hell is happening over there?

"Seph, bro. Tinatanong ka ni Rica sa akin? Tuloy ba raw kayo sa condo niya mamaya?" I heard a man's voice after.

"Tell her to get lost, man. At h'wag na siyang umasa pang matitikman niya ako. She's not even a good kisser in the first place." Pasigaw na sagot ng isang lalaki na parang hinihingal pa ata base sa boses nito.

What is really happening right there?

Well, it isn't my concern anyway. I've heard just enough. Also eavesdropping is not my thing kaya pumasok na ako sa loob ng comfort room at naghanap ng empty cubicle.

Tapos na akong umihi at kakatapos ko lang din magpalit ng itim na sleeveless blouse ay nag-ring naman ang phone ko. I put the call on loudspeaker since ako lang naman ang tao dito sa loob habang naglalagay ako ng pulbo sa mukha ko. Tsaka si Patricia lang naman yung tumatawag e.

"Hoy, bruha! Nilamon ka na ba ng inidoro dyan?" Agad niyang bungad pagkasagot ko sa tawag.

"Nagtatravel pa nga ako papuntang septic tank e. Bruhang ito. Sandali lang!" nanunuya kong tugon.

"Ayy naku day! Bilisan mo nga! Lalamig tong mga pagkain e."

"Oo na. Oo na. Pabalik na po." I ended the call immediately.

After fixing myself ay lumabas na ako ng cr at naglakad pabalik sa table namin. Pero agad nangunot ang noo ko nang may makita akong lalaki na kausap ni Patricia. Nakatayo ito malapit sa table namin, kaharap niya. It looks like they're close and they are talking on something. Nagngingitian pa nga e.

Dahan-dahan lang akong naglakad papunta sa table namin para sana hindi ko sila magambala. Pero nagpaalam na yung lalaki e, kaya nagmadali ako at excited na umupo sa upuang kaharap ni bruha. This girl, may tinatago ba siya sa akin?

Taas ang kilay kong nakatingin sa babaeng nagkukunwaring clueless sa inasta ko sa harapan niya.

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

Ang galing umarte ng bruhang ito. Sarap sapukin e.

"Sino yun ha? May dini-date ka bang lalaki habang nasa CR ako?" Mas lalo ko pa siyang tinaasan ng kilay. Pero ang bruha bigla ba namang humagalpak ng tawa. Anong nakakatawa? The heck?

"Lokaret na'to. Hindi ah. Kakilala lang. Tsaka ikaw, bakit ang tagal mo? Akala ko nilamon ka na ng inidoro e." Natatawa pa niyang saad kaya napairap ako.

Change topic e. Pero sige na nga, baka hindi pa siya handang sabihin sa akin. Huling-huli na nga sa akto, ayaw pang umamin.

"Ang kapal, 'di na nakapaghintay. Kumain ka na talaga ah. Takaw talaga nito." Puna ko sabay tingin sa plato ni Patricia na medyo bawas na. Hindi talaga ako hinintay.

"Duh? Kasalanan ko ba kung karayom yung inihi mo, kaya ka natagalan sa cr." Pairap na saad ni Patricia.

"Sayang talaga at hindi mo siya naabutan." Dagdag niya pa na may bahid ng panghihinayang sa boses niya habang nakatitig sa akin.

"Sino?" I curiously asked. Is it her boyfriend?

Pero hindi ako sinagot ng bruha. Umiling lang siya at nagpatuloy na sa pagkain kaya kumain na rin ako. Damot ng bruhang ito.

Aminin niya na lang kasi, total nahuli ko na sila.

"By the way Shania girl, what if one day, magkrus yung landas niyo ni Stephen which is really possible naman sooner or later. Anong plans mo? I mean, are you going to ignore him? Or what?" She suddenly asked which made me stop and stare at my plate.

What's with her suddenly asking me?

Pero ano nga bang gagawin ko kapag nakita ko siya? And my plans? I don't have any plans yet, maybe because I'm not yet ready to face him. Hindi pa ako handang makita siya. Yes, I came back for him. Hindi para hanapin siya at magpakatanga ulit sa kanya kundi ang maghigante sa kanya, for what he did to me years ago. But the big question is, how will I start? Where will I start?

I just shrugged as an answer and give her a thrift smile. Hindi ko alam kung anong isasagot ko e. Bahala na nga lang. Pero sana kapag makita ko man siya ay dapat may plano na ako.

Don't forget to wash your hands and sanitize always, everyone!

FebruaPisciumcreators' thoughts