webnovel

Getting To Know Them

Papasok na naman ako sa bagong school na 'to, pero this time nag iingat na ako. Slow motion na ako maglakad hahaha maaga ako pumasok. 7:30 am klase ko pumasok akong 7:00 am kaya pwede ako mag slow motion HAHAHA.

May tawa ng tawa sa likod ko, familiar tawa nya ah. Paglingon ko, si kuya Otep nga. "HAHAHAHA ano ginagawa mo ha? Para kang baliw" aniya, "Hahaha halika nga rito hahaha shhh" sabi ko at sabay lapit naman niya.

"Alam mo kasi kahapon may nabangga ako rito sa hallway syempre kinakabahan pa ako pumasok kasi baguhan ako e, kaya ayun hindi ko sya napansin kaya nabangga ko." sabi ko. "Pero bakit ka naman nasa building namin kahapon?" aniya, "E hinatid ko dun sa nakabangga ko yung papel na nakasama sa folder ko, sobra nga akong kinabahan kasi para niya akong babalatan ng buhay kung makatingin. Mabait naman pala haha friends na nga kami e." sabi ko. "Ahh tara na nga sabay na tayo." aniya.

Habang papalakad kami't nagke-kwentuhan, nakita ko si kuya Jam may kasamang babae tapos imbes na lalaki magdala ng gamit e yung babae ang may dala ng madaming gamit. Attitude talaga 'tong si kuya Jam haha pero mataba pisngi kaya sarap pisilin.

"Kuya Jam! Pssttt" tawag ko, tumingin naman sya sakin sabay ngiti at kaway. Nabigla ako, lumapit ba naman haha.

"Hi kuya jam, baka busy ka nag-abala ka pang lumapit haha" sabi ko, "Hindi okay lang" aniya sabay lingon sa katabi ko. "Ay oo nga pala. Kuya Jam si kuya Otep, kuya Otep si kuya Jam. Siya yung kine-kwento ko sayo kanina na nakabangga ko kahapon." sabay turo at ngumiti naman silang dalawa, "Ah haha sya pala yun." kuya Otep.

"Sabay tayong mag recess mamaya pwede?" kuya jam, "Babawi ako sayo, kasi napaiyak kita kahapon." aniya. Nilingon ko muna si kuya Otep "Teka, kuya Otep sasabay ka rin ba saken kumain mamayang recess?" sabi ko, "Oo rin sana." kumamot sa ulo tapos medyo nahiya. "Edi sabay na tayong tatlo mamaya hahaha hintayin nyo nalang ako dun sa may hagdanan papuntang shs building ha mauuna na ako sainyo." sabi ko, kumaway naman ako sakanilang dalawa at ngumiti.

Habang nasa lesson may katabi akong lalaki na sobrang daldal din, halos lahat ng nakakausap nya nagagalit na sakanya kasi hindi matigil sa kakasalita.

Bigla saking lumingon,"Hi! Ako si Zachary Louis Gardino. Ikaw ano pangalan mo?" tanong nya habang nakangiti. "Ako si Stella Bervente" pabulong kong sabi, "Ay can we be friends? Sorry sobrang daldal ko haha" tanong nya muli, "Oo naman haha" sabi ko at wow ha natigil na sa pagsasalita at nakinig.

Recess time na at muntik ko ng makalimutan na magsasabay sabay pala kaming mag recess na tatlo kaya tumakbo ako pababa. Nakita ko silang nakaupo medyo magkalayo, "Sorry, sorry nakalimutan ko hahahaha sorry talaga. Tara na." sabi ko.

Habang nagke-kwentuhan kaming tatlo napapansin kong hindi sila masyado nagkakamabutihan, siguro dahil magkaiba yung course nila kaya iba yung natututunan nila. Buti nga madaldal ako kaya nasasabayan nila trip ko, tinitingnan naman kami ng nga students dito lalo na mga kapwa ko senior high at college katulad nila. Aaminin ko naman na pareho sila cute at may itsura.

Si Angelo Joseph Corvantes, Criminology student kaya syempre matangkad 6'10 ata at malaki katawan na may pag ka slim. May kaputian, palangiti, madaldal at may dalawang dimple sa pisngi kaya kitang kita mo na sobrang kyut nya pag nakangiti.

Si Jeffrey Jam Dela Cueza naman, Accountancy student kaya medyo may pagka nerd at kitang kita mo na matalino sa paraan nya palang gumalaw at magsalita. Mataba pisngi, medyo maputi rin, kyut, 6'10 din ata e kasi nung nakatayo sila 'di magkalayo tangkad nila e, ma attitude minsan, mabait minsan at medyo mataba-taba.

E samantalang ako. Mapayat, Modulated yung boses kaya parang siga sa kanto, 'di gaano kagandahan, immature, childish, madaldal, mabait hehe, 'di gaano maputi syempre light brown na unti HAHAHA, at well wala yun lang 'di rin katalinuhan pero STEM student. Naligaw lang ata ako e.

Biglang pumasok sa isip ko magtanong sakanilang dalawa, "may jowa na ba kayo? Ay ang alam ko lang ikaw kuya Otep, broken hearted kaya kita napansin kahapon kasi wala ka sa sarili mo haha ikaw ba kuya Jam?".

"Wala pero may nililigawan, accountancy rin siya at kaklase ko. Mahigit tatlong buwan na rin haha kaklase ko rin kasi siya nung shs ako rito sa ACF, march lang ako nabigyan ng pagkakataon." kuya otep, "ahh wish you the best kuya hahahaha" tawanan namin.

Ibinalin sakin yung tanong ni kuya otep "Ikaw ba may jowa na?", "Wahaha wala no, May ghoster nga akong manliligaw noon dito rin sya nag aaral HUMSS student hahahaha pero wala na yun" sabi ko.

"May sasabihin ako sainyo" sabi ko, "oh sige ano yun" sabay nilang sabi. "Pinagtitinginan tayo ng tao, sino ba sainyo campus crush ha. Kayo ha haha baka magka-issue kayo e ako sanay na dun haha." sabi ko, "Ako hindi ah" kuya Jam. "Ako oo" sabi ni kuya Otep sabay pa pogi pose, "Joke lang Hahaha" sabi pa nya at nagtawanan naman kami muli.

Ilang oras na nakalipas simula nung magkakasama kami at malapit na rin kaming mag uwian. Andito na naman sa katabi ko si Zachary, kung saan upo ng upo.

"Woy! sino yung kasama mo kanina? Mga college student yun ah?" tanong nya, "Mga kaibigan ko yun haha bakit mo natanong?" sabi ko. "Wala naman, sabay na tayo palabas ng gate? Pwede?" pakiusap nya, "Sure naman, oh makinig kana para pag 'di ko alam may mapagtatanungan ako" ako. Tumango naman sya bilang sagot.

"Krrriiiinnnggggggg! Krrrrriiiinnngggg!" tunog ng bell at ibig sabihin nun ay uwian na. Habang inaayos ko gamit ko, kinuha nya bag ko kasi sya na raw magdadala. Naalala ko na hindi pala pare-pareho uwian namin at naalala ko na kapag recess time namin pala e noon break nila.

Habang papalakad na kami palabas may mga babaeng inirapan ako, mga college na dumaan at nakalagay sa I.D nila mga Nursing student.

Napagisip-isip ko na siguro, kung hindi 'to may gusto rito kay Zachary baka dun sa dalawa. Oo, dun nga sa dalawa masyado pa namang bata 'to si Zachary.

Sinundo na ako ng kapatid ko at saka nagpaalam sakanya, buti nga hindi napansin ng kapatid ko. Yari ako neto kung sakali.